LOGINNang tuluyan nang makatulog si Catriona matapos turukan ng doktor ng pampakalma, saka lang naging tahimik ang buong silid.Kanina pa nila nakikita kung gaano ito kabalisa. Sa bawat tunog ng cellphone, kapansin-pansin ang takot sa mukha nito. At ngayong mahimbing na itong natutulog, saka lang nakahinga nang kaunti sina Craig, Blair, at Lewis. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay nawala na ang kanilang mga tanong. Sa katunayan, lalo lang dumami ang mga iyon.“Dad…” mahinang tawag ni Lewis sa ama na si Blair. “Do you think Catriona is hiding something from us?”“I think so, anak”Napalingon din si Craig. Humugot nang malalim na hininga at ilang sandaling hindi sumagot. Muli niyang tiningnan ang apo na mahimbing na nakahiga sa kama.“I think so too,” sa wakas ay sagot niya. “Pero hindi ko alam kung ano.”Sandali itong natahimik.“Or maybe she’s just traumatized. We know what happened to her. We know she was raped.” Bumigat ang boses ni Craig. “Pero ayaw na niyang hanapin natin ang mga kidnap
Hindi niya kayang sabihin kay Lolo Craig ang lahat ng iyon. Hindi niya kayang sabihin kung gaano siya nagsisisi. Hindi niya kayang aminin kung gaano niya kinasusuklaman ang sarili niya sa mga sandaling iyon. Kaya ang tanging nagawa niya ay umiyak.Marahang hinaplos ni Lolo Craig ang kanyang buhok. “Hayaan mong samahan ka ni Lewis, Catriona. We are family,” dagdag ni Lolo Craig, mahinahon ngunit mariin ang tinig. “At ang pamilya ay dapat nagtutulungan.”Sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata.“Hindi mo kailangang harapin mag-isa ang lahat ng ito, iha. Kung kailangan mong lumayo para makapagpagaling, tutulungan ka naming makalayo. Kung kailangan mo ng kasama, sasamahan ka namin. At kung kailangan mo lang ng taong mananatili sa tabi mo hanggang sa maging maayos ka… nandito kami.”Lalong bumuhos ang kanyang mga luha. Hindi niya deserve ang kabutihan ng mga ito. Pero sa kabila ng lahat, pamilya pa rin ang turing sa kanya… at hindi siya iniwan.Hindi pa man siya nakakasagot sa sinabi ni L
“N-no, Lolo…” Nanginginig ang boses niya. “Hindi ko sila kilala.”Isang kasinungalingan... ang pinakamabigat na kasinungalingang kailangan niyang sabihin. Hindi niya alam kung paano niya ito nagawa pero hindi niya kayang sabihin ang totoo.At higit sa lahat, hindi niya kayang isipin ang magiging reaksyon ng kanyang pamilya kapag nalaman nilang ang taong pinagkatiwalaan nila ay siya ring naging kasabwat sa lahat.“H-hayaan na natin, Lolo...” dagdag niya habang nakayuko. “Ang importante… ligtas kami ni Jolie.”“Ang mabuti pa, magpahinga ka na muna, iha. Dito lang kami. Kami na ang magbabantay sa’yo.”Marahang sambit ni Lolo Craig habang nakatingin sa kanya. Halata sa mukha nito ang pag-aalala, na para bang ayaw siyang maiwang mag-isa kahit saglit.Nagpaalam na rin ang mga Blacksmiths nang makitang maayos na ang kalagayan niya. Ayaw na rin nilang manatili pa roon nang masyadong matagal dahil kailangan niyang makapagpahinga. Sa huli, sina Lolo Craig, Lewis, at Uncle Blair na lang ang naiw
Samantala, sa kabilang kuwarto…Unti-unting nagmulat ng mga mata si Catriona. Saglit siyang napatitig sa kisame, tila hindi pa lubos na nauunawaan kung nasaan siya. Ngunit nang tuluyang bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari, nanikip ang kanyang dibdib.Nasa isang private room siya ng ospital… Mag-isa. Isang nurse lang ang naroon upang magbantay sa kanya.Dahan-dahan siyang napalingon sa paligid. Tahimik ang buong silid, wala ang kanyang pamilya, wala ni isa man sa mga taong inaasahan niyang naroon sana sa kanyang tabi.Napapikit siya. Alam niya kung bakit… nasa kabilang kuwarto ang lahat, kasama si Jolie. Mas nag-aalala ang mga ito kay Jolie kaysa sa kanya. Iyon ang matagal na niyang kinatatakutan. At ngayon, pakiramdam niya ay tuluyan na itong naging katotohanan.Dahan-dahang pumatak ang unang luha sa gilid ng kanyang mata. Sinundan iyon ng isa pa, hanggang sa hindi na niya napigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha.Gusto niyang umiyak nang malakas, pero pinilit niyang pigilan
“Love…”Napalingon si Jolie kay Tyler.“Sabi ng doctor, puwede na raw tayong umuwi ngayong nagising ka na.” Marahan nitong hinaplos ang kanyang kamay. “Pero kung gusto mong manatili muna rito, puwede naman...hangga’t gusto mo.”Sandaling nanatiling tahimik si Jolie. Pagod pa rin ang kanyang katawan. Mabigat pa rin ang kanyang ulo at tila may mga bahagi ng nangyari na ayaw niyang balikan. Pero higit sa lahat, gusto na niyang makaalis sa ospital.Umiling siya. “Gusto ko nang umuwi.”Mabilis na nagkatinginan ang mga taong nasa paligid niya.“Jolie, anak…”Napatingin siya sa kanyang ama. May pag-aalala sa mga mata ni Blair habang nakatitig sa kanya. Halatang gusto nitong makasiguro kung saan siya magiging komportable at ligtas pagkatapos ng lahat ng nangyari.“Gusto mo bang sa bahay natin ka umuwi?”Bahagyang natigilan si Jolie, napababa siya ng tingin. Walang kaalam-alam si Blair, hindi nito alam ang mga hinala niya tungkol kay Catriona. Kung sasabihin niya ang lahat ngayon, maaaring tul
Muling bumalot ang katahimikan sa kanilang lahat. Sa kabila ng kanilang pagtatalo, may isang bagay na hindi nila maaaring ipagkaila… tama si Sebastian.“Kapag nagising siya…” mas mahinang sabi ni Sebastian, ngunit nananatiling matatag ang kanyang tinig, “hahayaan natin siyang pumili.”Napatingin si Tyler sa kanyang lolo. At sa unang pagkakataon mula nang dumating sila sa ospital, bahagyang lumuwag ang kanyang ekspresyon. Dahil kahit gaano pa man sila magtalo at magsisihan, iisa lamang ang gusto nilang lahat… ang makitang ligtas si Jolie.*****Unti-unting bumabalik ang kamalayan ni Jolie dahil sa mahihinang tinig na kanyang naririnig.Noong una ay hindi niya maintindihan ang mga salitang umaabot sa kanyang pandinig. Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata, nanlalabo pa ang kanyang paningin.Ilang beses siyang kumurap bago unti-unting luminaw ang mga mukha ng mga taong nakapaligid sa kanya… Si Lolo Sebastian, Lolo Craig, Daddy Blair, at… Tyler.Totoo ba ang lahat ng nakikita n
Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na ang photoshoot. She was exhausted, but satisfied.“Great job, everyone!” sigaw ni Kelly. “This is going to be amazing!”“Thank you, Kelly. I’m so glad you liked it.” nakangiting sabi nya sa kaibigan“Liked it? I loved it! This is going to be the talk of the to
"Wag! Bitawan mo ako, Dylan! Bitawan mo ako!!!"Hawak siya ni Dylan sa kamay at nanlilisik ang mga mata nito na parang demonyo. Sa sobrang pagpupumiglas niya na makawala sa pagkakahawak ni Dylan ay nahulog siya mula sa kung saan.Napamulat siya ng mata at palinga-linga sa paligid. Nasa kwarto siya
"Pagod ka na ba?" tanong ni Precious nang mahalata nito ang pananahimik niya."Medyo..." pagsisinungaling niya. Pero ang totoo ay iniisip niya si Finn."Ahm, lalabas lang ako sandali para makalanghap ng sariwang hangin.""Sure... tatawagan na lang kita kapag kailangan ka dito."Tumango siya saka lu
Pagdating nila sa police station, agad niyang tinungo ang records section. Si Bert naman ay dumiretso sa intel room para i-check kung may nakalap nang bagong impormasyon tungkol sa black Montero.“Boss, eto,” tawag ni Bert matapos ang ilang minuto, hawak ang folder na makapal na puno ng mga dokumen







