Share

CHAPTER 345

Author: dyowanabi
last update Last Updated: 2024-11-28 21:55:43

"Sya nga pala, Beverly. Okay ka na ba? Kamusta ang mga sugat mo?" tanong ni Amber, kunwari ay may malasakit. Ayaw niyang awayin si Beverly sa harap ni James dahil baka mawalan siya ng magandang impresyon. Kailangan niyang ipakita na isa siyang mabuting nobya.

Ngunit alam nilang dalawa ni Beverly na nagpa-plastikan lang sila. Sinugod pa nga niya ito kagabi sa kwarto nito dahil ang akala niya ay ito ang "Bebe" na kinababaliwan ni James.

"I'm okay now. Thanks," maikli at malamig na sagot ni Beverly.

Pagdating nila sa hapag-kainan, nanatili ang tensyon sa pagitan nilang tatlo. Tahimik si James, nakakunot ang noo at tila may malalim na iniisip. Si Beverly naman ay pilit nagpapakita ng kaswal na ngiti ngunit halatang naiilang.

Pinagtimpla nya ng kape si James. Si Beverly naman ay abala rin sa sarili nitong kape. Nakakabingi ang katahimikan sa kanilang tatlo. Hindi niya alam kung bakit hindi nagpapansinan si James at Beverly na parang may sarili din itong mga issue.

"Ano bang iniisip mo, hon
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (49)
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
hala buntis ka pala amber kapal mo sana malaman kaagad ni ken ui
goodnovel comment avatar
Ma Theresa Monton Pajares
update please
goodnovel comment avatar
Norma Alimodian
update please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 346

    **************AMBER: Ang sakit ng dibdib niya habang nilalambing ni Amber si James sa harap niya sa hapag-kainan. Nagbusi-busihan siya, pero hindi niya mapigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay. Mabuti na lang at hindi iyon napansin ni Amber.Sobra siyang nasaktan nang makita niyang magkasamang lumabas si James at Amber mula sa kwarto ng binata. Doon ba natulog si Amber sa kwarto ni James? Pagkatapos ba nito sa kwarto niya ay si Amber naman ang kinalantari nito?Ayaw man niyang tumingin sa dalawa pero tila nakakabingi ang mga halakhak ni Amber na parang kinikiliti sa pwet. "Did you enjoy what I did to you last night, hon?" tanong ni Amber kay James, na nagpa-durog ng puso niya."Shut up, Amber!" sigaw naman ni James sa katipan sabay mabilis na sulyap sa kanya. Kahit ano pa ang sabihin ni James, hindi niya maialis sa isip na may nangyari sa dalawa pagkatapos nitong umalis sa kwarto niya.Kagabi lang, sinabi ni James na walang namamagitan sa kanila ni Amber. Pero ano itong sinab

    Last Updated : 2024-11-29
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 347

    "Oh, kuya... What are you doing here?" tanong ni John na halatang nagulat din. Pasimpleng tumingin si James sa kanya ng matalim. Dahil galing si John sa kama niya ay nagulo ito at dahil na din sa kakatawa nila at naghahampasan pa sila kanina ng unan nya. Napatanong tuloy siya sa sarili nya kung iniisip ba niya na may ginagawa silang kababalaghan ni John? "Ahm, I'm just checking on Beverly kung okay na siya. Akala ko kasi wala siyang kasama dito," sabi ni James, kasabay ng pasimpleng pagsulyap sa kanya na may halong pait sa mga mata. "Thanks for your concern, kuya. Ang bait mo talaga. Sinamahan ko si Beverly dahil nalulungkot siya at masama ang pakiramdam niya. Anyway, nasaan na si Amber?" tanong ni John. "Umuwi sandali sa kanila. Babalik din daw agad," sagot ni James, ngunit biglang sumimangot. "Anyway, I have to go. Andito ka naman pala," sabi ni James at muling sumulyap sa kanya bago tuluyang umalis. Agad namang sinara ni John ang pinto. "Napakabait talaga ng kuya ko. Pati ika

    Last Updated : 2024-11-29
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 348

    "It’s okay, Bevs. I may be hurt for now, pero magiging okay din ako. I still thank you dahil kahit papaano, pinagbigyan mo akong maging nobya ka at pinasaya mo ang mga magulang ko," sagot ni John bago tuluyang lumabas ng kwarto niya. Parang piniga ang puso niya. Ang plano niyang si James ang hihiwalayan niya, pero si John ang nakipaghiwalay sa kanya. Hindi na niya maintindihan ang nangyayari sa buhay niya. Hindi pa man siya nakakabawi sa nangyari kay John ay biglang pumasok si James sa kwarto niya at agad na sinara ang pinto. "What are you doing here?" Napalakas ang boses niya sa inis at desperasyon. Ang dami nang nangyayari sa buhay niya sa araw na ito. "What is John doing here? Did you have sex?" galit na tanong ni James habang nakatingin sa magulo niyang kama. Biglang nag-init ang ulo niya. Ito pa ang magbibintang sa kanya, samantalang ito nga ang nakipag-sex kay Amber! "Huwag mong ibintang sa akin ang ginagawa mo!" balik-sigaw niya. Hindi nakasagot si James. Ibig sabihin lang

    Last Updated : 2024-11-29
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 349

    Nagmamadali siyang makarating sa palasyo. Para bang nagkaroon siya bigla ng adrenaline matapos ang nakita niya sa batis.Habang papalapit siya, napansin niyang ang mga tao sa palasyo ay nataranta. Maging sina Tita Evelyn, Tito Oliver, at James ay may pinagdidiskusyunan.Nang makita siya ng mga ito na paparating, parang nakahinga nang maluwag si Tita Evelyn. Agad siyang sinalubong nito, pati na ang kanyang kabayo."Where have you been, Beverly?" may halong galit ngunit nag-aalalang tanong ng ginang sa kanya. Lumapit si James para tulungan siyang makababa ng kabayo. Inabot nito ang kamay upang alalayan siya, ngunit hindi niya iyon tinanggap. Hindi niya ito pinansin... ni hindi siya tumingin dito. Nakatutok lamang ang kanyang atensyon kay Tita Evelyn at Tito Oliver."Sorry po, Tito, Tita. Nagpahangin lang po ako sa batis, hindi ko namalayan ang oras," pagsisinungaling niya. Totoo namang hindi niya namalayan ang oras, pero hindi totoo na nagpahangin lang siya roon. Nandoon siya upang umiy

    Last Updated : 2024-11-30
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 350

    "Hindi na po ako kakain, Tita, para makaalis na agad tayo. Doon na lang tayo kumain sa labas at mag-shopping," masiglang mungkahi niya."Great idea, iha! Sige, wait lang at magbibihis ako," sagot ni Tita Evelyn, halatang excited."James, pakisabihan si Logan na ihanda ang kotse at ipag-drive kami ni Beverly," wika ni Tita Evelyn saka tumalikod kasama si Tito Oliver. Naiwan silang dalawa ni James."Tita, wait! Magbibihis din ako!" sigaw niya saka tumakbo papunta sa ginang. Ayaw niyang maiwan doon kasama si James. Alam niyang naghahanap lang ito ng paraan para kausapin siya, at ayaw niyang mangyari iyon. Baka muli siyang mabilog ng lalaki at bumigay. Kilala niya ang sarili nya, alam niyang marupok siya pagdating kay James. Kaya hanggang kaya niyang umiwas ay gagawin niya.Agad siyang pumasok sa kwarto at naligo nang mabilisan. Nakakahiya kay Tita Evelyn kung paghintayin pa niya ito. Ayaw na niyang magtampo ulit ang ginang, lalo na't nagalit na ito kanina nang mawala siya nang ilang oras

    Last Updated : 2024-11-30
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 351

    "Iho, nasabihan mo na ba si Logan na paalis na kami?" tanong ni Tita Evelyn kay James."Yes, Mom. Pinahanda ko na ang kotse pero ako na ang magda-drive para sa inyo," sagot nito, nakatingin kay Beverly."Talaga ba, anak? Wala ka bang pupuntahan? Hindi ka ba busy today?""Hindi, Mom. And even if I'm busy, I'll make time for you.""Ohh, ang sweet naman ng panganay ko. Sige, anak, let's go!""Oliver, sigurado ka bang hindi ka sasama? James will drive for us," tanong ni Tita Evelyn sa asawa."Since kasama naman si James, sige, sasama na ako para maka-unwind naman ako ng konti," sagot ni Tito Oliver."Really, love? This is the best day of my life! Para tayong magdo-double date nito! Well, except na hindi lovers sina James at Beverly… Sorry, guys, but I'm so happy! Let’s go?""Sure po, Tita. Let’s go," sagot ni Beverly. Gusto sana niyang mag-back out, pero sobrang saya ng mag-asawa, kaya hindi niya magawang sirain ang momentum nila.Nagpauna ang dalawang matanda. Magkayakap ang braso ni Tit

    Last Updated : 2024-11-30
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 352

    Bigla siyang na-excite nang pumasok na sila sa boutique. Hindi naman sa wala siyang pera kaya hindi niya afford ang mag-shopping. Wala lang talaga siyang oras simula nang dumating siya sa Scotland. Ngayon, dahil may shopping buddy na siya, siguradong mapapadalas ang shopping nila ni Tita Evelyn.“Good afternoon, Mr. and Mrs. Blacksmith. Welcome to our shop,” nakangiting bati ng mga saleslady sa kanila habang magiliw silang ini-assist.“Good afternoon, ladies,” nakangiti ring bati ni Tita Evelyn. Magiliw ang ginang, hindi ito matapobre.Nahuli namang pumasok si James dahil may dinaanan pa ito.“Good afternoon, Lord James,” halos sabay-sabay na bati ng mga saleslady. Biglang nagbubulungan ang mga ito, halatang kinikilig pagpasok ni James. Napansin nya iyon at bigla siyang nagselos.Ang hinayupak! nagpapacute pa sa mga saleslady! bulong niya sa sarili.“Iha, bagay ba ito sa akin?” pukaw ni Tita Evelyn sa kanya habang hawak ang isang limited edition na black shoulder bag. Isinukat pa ito

    Last Updated : 2024-12-01
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 353

    "Oh, it’s nothing, iha. Wala naman kaming paggagastusan pa ng pera namin. We have everything. Money is nothing... ang importante ay masaya tayo. At saka, nobya ka ng anak ko. Hindi ka kung sino-sino lang! Soon, you’re going to be my daughter-in-law, kaya pagbigyan mo na ako. Kung hindi ay magtatampo ako!" banta ni Tita Evelyn sa kanya. "Pero, mommy....." "No buts, Bevs. Payagan mo na si Mommy kung ano ang gusto niya. Hindi namin maiibigay ni John ang kaligayahang ganyan dahil hindi kami babae, kaya hayaan mo na siya," sabat ni James sa usapan nila. Ang h*******k! Kung makapagsalita, parang walang ginagawang pangmomolestiya sa akin! isip niya habang namumula sa hiya. Lalo siyang nahiya dahil kilala siya ni James bilang materialistic noong nasa Pilipinas pa siya. Lahat ng pag-aari ng ate Jonie niya ay gusto rin niyang magkuha. Pero nagsawa na siya sa ganong ugali. Hindi naman kasi iyon nakapagbigay ng tunay na kaligayahan sa kanya. Ang gusto niya ngayon ay simpleng buhay nalang. "Oh

    Last Updated : 2024-12-01

Latest chapter

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 696

    Nagising siya kinaumagahan na masaya. Ang sarap ng tulog niya. Agad siyang naghilamos at nag-toothbrush. Lumabas agad siya ng kwarto para makita ang dahilan kung bakit siya masaya.Paglabas niya ng kwarto ay narinig niyang maingay sa kwarto ni Lilly. Hindi iyon nakasara kaya sumilip siya. Nandoon si Lilly kasama si Rosie. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan. Binigay na ni Rosie ang pasalubong nito sa kapatid niya at tuwang-tuwa ito."Good morning, girls!" bati niya nang tuluyang buksan ang pinto. Nagulat pa ang dalawa sa pagsulpot niya."Kuya, andito ka pala. Ano ang pasalubong mo sa akin from Baguio?"Napakamot siya ng ulo."Pasensya na, Lillyt. Wala akong pasalubong.""Ano ka ba naman, Kuya, bakit wala? Si Ate Rosabel nga merong pasalubong sa akin eh!""Ah eh... 'yan na nga ang pasalubong namin sa’yo. Kami ang bumili niyan na dalawa."Agad na sabat ni Rosie sa pagta-tantrums na naman ni Lilly."Bakit, mag-jowa ba kayo na iisa lang ang pasalubong niyo sa akin?"Napatingin siya kay Ro

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 695

    GRAY'S POV:Nakangiti siyang pumasok sa kanyang kwarto. Hindi niya alam kung bakit... dahil siguro sa saya na dala ni Rosie sa kanya.Pabagsak siyang humiga sa kama. Malayo ang dri-nive niya pero hindi siya napagod dahil masaya kasama si Rosie. Aaminin niyang kanina ay masama ang loob niya. Pero naramdaman niyang pilit pinapagaan ni Rosie ang loob niya.Nabaling ang atensyon niya sa pinto nang may kumatok. Ang daddy niya ang pumasok."Hi, Dad... May kailangan ka?"Tumayo lang ito sa harap niya na parang binabasa ang kanyang mga mata."Do you like Rosabel, anak?" diretsahang tanong nito."A-ano ka ba, Dad... parang kapatid ko na siya!" agad na sagot niya. Nahihiya siyang aminin sa daddy niya na may special siyang pagtingin kay Rosabel."Hindi ako tutol kung gusto mo siya, iho. Ang sa akin lang ay magtapos ka muna ng pag-aaral, at ganoon din si Rosie. Patapusin mo siya ng pag-aaral. 'Yun lang hinihingi ng nanay niya.""D-Dad, what are you talking about? Akala mo ba sa akin tirador ng ba

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 694

    ROSIE'S POV:Wala na naman silang pansinan sa biyahe, hapon na sila umalis sa resort at mukhang gagabihin sila pagdating sa Manila..Lihim siyang napahinga ng maluwag nang nagdesisyon si Gray na uuwi na sila. Hanggang ngayon kasi ay iniisip pa din niya kung paano sila mamayang gabi. Iisa lang ang kama at dalawa lang sila doon. Hindi imposibleng may mangyari sa kanila at ayaw niyang mangyari yun.Oo, may gusto siya kay Gray, pero hindi pa siya handa. Madami pa siyang plano sa buhay."Huuuuy... bakit tahimik ka jan, kuya?" Siya na ang naunang pumansin dito, ayaw niyang magkasamaan sila ng loob hanggang sa pagdating nila sa Manila."Pansinin mo naman ako..." wika niya. "Galit ka ba sakin? Sorry na... gusto ko na kasing umuwi eh.""It's okay... hindi ako galit." tipid nitong sagot"Hindi daw pero hindi naman namamansin!? Pilit niyang pinapagaan ang kanilang conversation. Ayaw niyang maging awkward sila sa isa't isa."Paandarin mo lang ang audio... gusto ko ng sounds!" utos niya. Sinunod n

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 693

    Hindi siya napansin ng babae. Patuloy lang ito sa paglangoy paroo’t parito sa pool, at mukhang nag-e-enjoy.Hindi niya maalis ang mga mata sa dalaga. Lalong nag-init ang katawan niya, para siyang manyak na naninilip kay Rosie na walang kaalam-alam na andoon na siya. Naramdaman niyang gusto nang kumawala ang junior niya.“Fuck! Ano ang gagawin ko?” Hindi siya pwedeng magpakita kay Rosie nang nasa ganoong sitwasyon. Hindi rin pwedeng hindi niya ito mailabas dahil sasakit ang kanyang puson! Pwede din siyang lumabas, hanapin si Samantha at yayain ito dahil mukhang game naman ang dalaga... pero ayaw niya.Pumasok siya sa CR. Hindi pa rin siya nakita ni Rosie dahil may glass door na nakapagitan sa kuwarto at sa swimming pool area.Pagpasok niya sa banyo ay dali-dali siyang naghubad ng damit at binuksan ang shower. Kahit doon man lang ay maibsan ang init ng katawan niya. Pero parang hindi sapat ang pagligo lang...Wala sa sariling kinapa niya ang kanyang alaga. Matigas na ito sa galit... gan

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 692

    GRAY'S POV:Hindi siya papayag na umuwi sila ng Manila na hindi matikman ang labi ni Rosabel. Ang akala niya kagabi ay 'yun na 'yun... pero napurnada pa.Kung magiging first kiss siya ni Rosie, ay ganoon din naman siya. He never kissed a girl on the lips before... ayaw niya. Ang gusto niya, kapag gustong-gusto na niya ang babae, ay 'yun ang magiging first kiss niya. Si Rosabel na ba 'yon? tanong niya sa sarili.Alam niyang bad move 'yong desisyon niyang mag stop-over sila roon dahil sarili lang din niya ang pahihirapan niya. Ilang libong pagtitimpi ang inipon niya na walang gagawin kay Rosie. Ginagalang niya ang babae at ayaw niyang pagsamantalahan ito.Pero kung ibang babae lang iyon, ay baka naikama na niya ito. He's in heat, malibog siyang lalaki, at hindi uso sa kanya ang nagtitimpi.Inaamin niyang inaakit niya si Rosie sa pamamagitan ng paghuhubad sa harap ng dalaga, sa pasimpleng pagdadantay ng katawan niya sa katawan nito. Lalaki pa rin siya at hindi santo. Umaasa siyang bibig

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 691

    Nag-drive na ito pabalik sa Manila... Wala na naman silang pansinan. Hindi man lang nito pinaandar ang audio para sana may konting ingay sa loob ng kotse. Pumikit na lang sya para kunyaring natutulog. Ayaw naman niyang mag-open ng conversation, hindi niya alam kung gusto din ni Gray na kausapin niya. Hihintayin na lang niyang kausapin siya nito. Ang pagtulog-tulogan niya ay natuluyan. Dahil na din siguro sa antok at sa sarap ng aircon kaya mahimbing siyang nakatulog sa passenger's seat.Nang maalimpungatan ay napansin niyang nakatigil ang kotse. Pagmulat niya ng mata ay nakita niyang nasa isang beach resort sila. "Where are we?" "Mag-stop over muna tayo dito... Pagod na akong mag-drive eh." Napatingin siya ng diretso dito. Ngayon pa ito nagreklamong pagod mag-drive samantalang nakapagpahinga naman ito sa bahay nila!?Hindi na siya nakapagreklamo ng nauna na itong bumaba ng kotse. Bumaba na din siya at sumunod sa likod nito, pumunta ito sa front desk."1 room, please." "Overnight

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 690

    "Stop what, baby?...." pabulong na na tanong ni Gray. Ang hininga nito ay tumatama sa leeg at tenga niya."Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi? Iniisip ko 'yung naantala nating kiss.... Puwede ba nating ituloy?"Napapikit siya. There's a part of her na nadedemonyo at gustong pagbigyan si Gray pero after that kiss, anong mangyayari sa kanya? Aasa ang puso niya at masasaktan siya? Alam niyang laro lang ang lahat ng ito kay Gray.... Papayag ba siyang paglaruan lang siya nito?"Stop it, kuya… Let go of me..." mahinang pakiusap niya. "Anak ka ng amo ng nanay ko… Anak ako ng katulong niyo… Tigilan mo na ang paglalandi sa akin, please... Sa iba mo na lang gawin 'yan…”Pabulong niyang sabi habang nakayuko... Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na masambit ang lahat ng katagang iyon pero 'yon ang dapat. Ayaw niyang tuluyang mahulog ang loob niya kay Gray dahil sa patuloy nitong paglalandi sa kanya. Wala pa siyang karanasan sa pag-ibig at siguradong masasaktan lang siya s

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 689

    Maaga siyang nagising para mag-prepare ng breakfast. Nagsasangag siya ng kanin, itlog at hotdog naman ang ulam na niluluto niya. Nag-iinit na din siya ng tubig para ready na mamaya sa kape nila.Tulog pa ang lahat maliban sa kanya. Di rin siya nakatulog masyado dahil sa hilik ng lolo at lola niya. Marahil ay sanay na ang mga ito sa ingay ng isa’t isa kaya mahimbing pa din ang tulog ng mga abuelo. Tila nag-uusap pa din ang dalawang matanda sa pamamagitan ng kanilang paghihilik. Natatawa na lang siya.Naalala niya ang kanyang bisita na si Gray. Kamusta na kaya ito sa kwarto niya? Komportable ba siya? Nakatulog ba siya ng maayos? Bigla siyang kinilig nang maalalang kamuntikan na siyang magpahalik kay Gray. Kung hindi lang sila kinatok ng lolo niya kagabi, malamang mararanasan na sana niya ang kanyang "first kiss"!Hindi niya alam kung bakit kapag andyan si Gray ay naiilang siya. Ang lakas kasi ng dating ng lalaki na parang hinihigop nito ang lakas niya, para siyang nahihipnotismo. Iyon s

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 688

    "D-doon ka na lang sa kwarto ko. Iyon lang kasi ang may aircon. Doon na lang ako matutulog sa kwarto ni Lolo at Lola." "H-hindi... nakakahiya naman. Aagawan pa kita ng room. We can share room if you want." "Huh?.... Ah eh..." "Don't worry, wala akong gagawin sa'yo...." "Huh? Parang tanga 'to! Di ko iniisip 'yan noh... Paano mo naman nasabi 'yan?" Agad na sagot niya pero ang totoo ay naliing na siya. "Where's your room? Antok at pagod na din kasi ako..." "Huh? Ah eh, dito..." Agad siyang nagpauna sa kwarto niya at binuksan iyon. Malaki naman ang kwarto niya. Dalawa kasi sila ng nanay niya doon kapag umuuwi ito sa Baguio. "Dito na lang ako sa floor. Ikaw na d'yan sa kama." sabi nito "Sure ka ba, kuya?... Baka hindi ka sanay?" "I'm gonna be okay..." "S-Sige... Nasa labas pala ang banyo kung gusto mong maligo muna." Kumuha siya ng malinis na tuwalya sa cabinet niya at ibinigay kay Gray. "Thanks, Rosie..." wika nito saka pumunta sa banyo. Nakahinga siya ng maluwag nang siya na

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status