"Oh, kuya... What are you doing here?" tanong ni John na halatang nagulat din. Pasimpleng tumingin si James sa kanya ng matalim. Dahil galing si John sa kama niya ay nagulo ito at dahil na din sa kakatawa nila at naghahampasan pa sila kanina ng unan nya. Napatanong tuloy siya sa sarili nya kung iniisip ba niya na may ginagawa silang kababalaghan ni John? "Ahm, I'm just checking on Beverly kung okay na siya. Akala ko kasi wala siyang kasama dito," sabi ni James, kasabay ng pasimpleng pagsulyap sa kanya na may halong pait sa mga mata. "Thanks for your concern, kuya. Ang bait mo talaga. Sinamahan ko si Beverly dahil nalulungkot siya at masama ang pakiramdam niya. Anyway, nasaan na si Amber?" tanong ni John. "Umuwi sandali sa kanila. Babalik din daw agad," sagot ni James, ngunit biglang sumimangot. "Anyway, I have to go. Andito ka naman pala," sabi ni James at muling sumulyap sa kanya bago tuluyang umalis. Agad namang sinara ni John ang pinto. "Napakabait talaga ng kuya ko. Pati ika
"It’s okay, Bevs. I may be hurt for now, pero magiging okay din ako. I still thank you dahil kahit papaano, pinagbigyan mo akong maging nobya ka at pinasaya mo ang mga magulang ko," sagot ni John bago tuluyang lumabas ng kwarto niya. Parang piniga ang puso niya. Ang plano niyang si James ang hihiwalayan niya, pero si John ang nakipaghiwalay sa kanya. Hindi na niya maintindihan ang nangyayari sa buhay niya. Hindi pa man siya nakakabawi sa nangyari kay John ay biglang pumasok si James sa kwarto niya at agad na sinara ang pinto. "What are you doing here?" Napalakas ang boses niya sa inis at desperasyon. Ang dami nang nangyayari sa buhay niya sa araw na ito. "What is John doing here? Did you have sex?" galit na tanong ni James habang nakatingin sa magulo niyang kama. Biglang nag-init ang ulo niya. Ito pa ang magbibintang sa kanya, samantalang ito nga ang nakipag-sex kay Amber! "Huwag mong ibintang sa akin ang ginagawa mo!" balik-sigaw niya. Hindi nakasagot si James. Ibig sabihin lang
Nagmamadali siyang makarating sa palasyo. Para bang nagkaroon siya bigla ng adrenaline matapos ang nakita niya sa batis.Habang papalapit siya, napansin niyang ang mga tao sa palasyo ay nataranta. Maging sina Tita Evelyn, Tito Oliver, at James ay may pinagdidiskusyunan.Nang makita siya ng mga ito na paparating, parang nakahinga nang maluwag si Tita Evelyn. Agad siyang sinalubong nito, pati na ang kanyang kabayo."Where have you been, Beverly?" may halong galit ngunit nag-aalalang tanong ng ginang sa kanya. Lumapit si James para tulungan siyang makababa ng kabayo. Inabot nito ang kamay upang alalayan siya, ngunit hindi niya iyon tinanggap. Hindi niya ito pinansin... ni hindi siya tumingin dito. Nakatutok lamang ang kanyang atensyon kay Tita Evelyn at Tito Oliver."Sorry po, Tito, Tita. Nagpahangin lang po ako sa batis, hindi ko namalayan ang oras," pagsisinungaling niya. Totoo namang hindi niya namalayan ang oras, pero hindi totoo na nagpahangin lang siya roon. Nandoon siya upang umiy
"Hindi na po ako kakain, Tita, para makaalis na agad tayo. Doon na lang tayo kumain sa labas at mag-shopping," masiglang mungkahi niya."Great idea, iha! Sige, wait lang at magbibihis ako," sagot ni Tita Evelyn, halatang excited."James, pakisabihan si Logan na ihanda ang kotse at ipag-drive kami ni Beverly," wika ni Tita Evelyn saka tumalikod kasama si Tito Oliver. Naiwan silang dalawa ni James."Tita, wait! Magbibihis din ako!" sigaw niya saka tumakbo papunta sa ginang. Ayaw niyang maiwan doon kasama si James. Alam niyang naghahanap lang ito ng paraan para kausapin siya, at ayaw niyang mangyari iyon. Baka muli siyang mabilog ng lalaki at bumigay. Kilala niya ang sarili nya, alam niyang marupok siya pagdating kay James. Kaya hanggang kaya niyang umiwas ay gagawin niya.Agad siyang pumasok sa kwarto at naligo nang mabilisan. Nakakahiya kay Tita Evelyn kung paghintayin pa niya ito. Ayaw na niyang magtampo ulit ang ginang, lalo na't nagalit na ito kanina nang mawala siya nang ilang oras
"Iho, nasabihan mo na ba si Logan na paalis na kami?" tanong ni Tita Evelyn kay James."Yes, Mom. Pinahanda ko na ang kotse pero ako na ang magda-drive para sa inyo," sagot nito, nakatingin kay Beverly."Talaga ba, anak? Wala ka bang pupuntahan? Hindi ka ba busy today?""Hindi, Mom. And even if I'm busy, I'll make time for you.""Ohh, ang sweet naman ng panganay ko. Sige, anak, let's go!""Oliver, sigurado ka bang hindi ka sasama? James will drive for us," tanong ni Tita Evelyn sa asawa."Since kasama naman si James, sige, sasama na ako para maka-unwind naman ako ng konti," sagot ni Tito Oliver."Really, love? This is the best day of my life! Para tayong magdo-double date nito! Well, except na hindi lovers sina James at Beverly… Sorry, guys, but I'm so happy! Let’s go?""Sure po, Tita. Let’s go," sagot ni Beverly. Gusto sana niyang mag-back out, pero sobrang saya ng mag-asawa, kaya hindi niya magawang sirain ang momentum nila.Nagpauna ang dalawang matanda. Magkayakap ang braso ni Tit
Bigla siyang na-excite nang pumasok na sila sa boutique. Hindi naman sa wala siyang pera kaya hindi niya afford ang mag-shopping. Wala lang talaga siyang oras simula nang dumating siya sa Scotland. Ngayon, dahil may shopping buddy na siya, siguradong mapapadalas ang shopping nila ni Tita Evelyn.“Good afternoon, Mr. and Mrs. Blacksmith. Welcome to our shop,” nakangiting bati ng mga saleslady sa kanila habang magiliw silang ini-assist.“Good afternoon, ladies,” nakangiti ring bati ni Tita Evelyn. Magiliw ang ginang, hindi ito matapobre.Nahuli namang pumasok si James dahil may dinaanan pa ito.“Good afternoon, Lord James,” halos sabay-sabay na bati ng mga saleslady. Biglang nagbubulungan ang mga ito, halatang kinikilig pagpasok ni James. Napansin nya iyon at bigla siyang nagselos.Ang hinayupak! nagpapacute pa sa mga saleslady! bulong niya sa sarili.“Iha, bagay ba ito sa akin?” pukaw ni Tita Evelyn sa kanya habang hawak ang isang limited edition na black shoulder bag. Isinukat pa ito
"Oh, it’s nothing, iha. Wala naman kaming paggagastusan pa ng pera namin. We have everything. Money is nothing... ang importante ay masaya tayo. At saka, nobya ka ng anak ko. Hindi ka kung sino-sino lang! Soon, you’re going to be my daughter-in-law, kaya pagbigyan mo na ako. Kung hindi ay magtatampo ako!" banta ni Tita Evelyn sa kanya. "Pero, mommy....." "No buts, Bevs. Payagan mo na si Mommy kung ano ang gusto niya. Hindi namin maiibigay ni John ang kaligayahang ganyan dahil hindi kami babae, kaya hayaan mo na siya," sabat ni James sa usapan nila. Ang h*******k! Kung makapagsalita, parang walang ginagawang pangmomolestiya sa akin! isip niya habang namumula sa hiya. Lalo siyang nahiya dahil kilala siya ni James bilang materialistic noong nasa Pilipinas pa siya. Lahat ng pag-aari ng ate Jonie niya ay gusto rin niyang magkuha. Pero nagsawa na siya sa ganong ugali. Hindi naman kasi iyon nakapagbigay ng tunay na kaligayahan sa kanya. Ang gusto niya ngayon ay simpleng buhay nalang. "Oh
Pasimple niyang pinagmamasdan ang dalawa. Mukhang nag-aaway sila dahil parang sinusuyo ng lalaki si Amber. Nabaling ang tingin ni Amber sa kanila kaya nagtama ang kanilang mga mata. Hindi naman marami ang customer sa mga oras na iyon kaya imposibleng hindi sila mapansin ni Amber.Noong una ay nabigla si Amber at pakiramdam niya'y namutla ito sa takot. Hindi siya umimik... hinayaan niyang si Amber ang gumawa ng unang move... titingnan nya kung ano ang gagawin nito. Duda siya na may relasyon ang dalawa. Tumayo si Amber at lumapit sa kanila."Hi, hon!" nakangiting wika nito saka lumapit sa lamesa nila. Hinalikan nito sa labi ang James at nagulat ang lahat sa pagsulpot ni Amber... maliban sa kanya."Ang kapal ng mukha! Nakukuha pang makipaglandian kay James samantalang kasama nito ang isa pang nobyo!" wika nya sa isip... nagngingitngit cya sa galit."Oh, Amber, andito ka din pala?" gulat na wika ni Tita Evelyn sa dalaga."Yes, Tita. I just passed by," sagot ni Amber habang inakbayan si Ja
Pagdating sa classroom ay tumahimik ang mga estudyante at nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan."Hi.." nakangiting bati ng katabi niyang babae. "Are you new here?""Oo. Transferee ako.""Ah, ganun ba... I'm Julie, by the way." Ngumiti ito habang nakikipagkilala sa kanya.Nginitian niya din ito pabalik. "Rosabel.." banggit niya sa pangalan niya.Tumahimik na din sila nang dumating ang prof. Pinakilala siya nito sa buong klase dahil transferee siya. Nahiya nga siya dahil panay ang tukso sa kanya lalo na ang mga boys."My boyfriend ka na ba, miss? Pwede ba ako mag-apply?" sigaw ng isang lalaki saka sila tinukso.Yumuko siyang bumalik sa kanyang upuan."Don't mind them, Rosabel. Nagandahan lang ang mga 'yan sa'yo.." pabulong na sabi ni Julia.Tipid siyang ngumiti pero nahihiya pa din siya. Nang mag-umpisa nang magturo ang prof nila, kahit paano ay naging komportable na din siya. Saka tinutulungan siya ni Julia sakaling may mga tanong siya.Nagpapasalamat siya at nakipagkaibi
Dali-dali siyang pumunta ng parking dahil baka andoon na si Gray, pero wala pa pala. Umupo naman siya sa bench saka naghintay ng kaunti. Pero sampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ito. Napagdesisyunan niyang puntahan na ito sa kwarto, baka kasi ma-late na siya.Pagdating niya sa kwarto nito ay kumatok siya. "Kuya Gray?... Kuya Gray?" mahina niyang tawag."Iha!" Nagulat siya nang marinig ang tawag ni Sir Ken sa kanya."G-good morning po, Sir Ken. Tinatawag ko lang si Kuya Gray. Baka kasi ma-late na ako sa school. Sabi niya sabay na daw kami pupunta sa university.""Ganun ba? Ngayon pala ang first day mo, ano?""Opo." Nahihiya siyang makipag-usap kay Sir Ken. Alam niyang mabait ito pero hindi pa din siya komportable sa presensya nito. Amo pa din kasi niya ito kahit pa hindi naman talaga siya ang nagtatrabaho doon na katulong. Binuksan ni Sir Ken ang pinto ng kwarto ni Gray para tingnan ito. Pero nagulat sila nang tulog pa ang lalaki."Naku, tulog pa si Kuya Gray..." komento
Nakayuko siyang lumabas ng CR. Nahihiya siya sa damit niya. Alam niyang bagay sa kanya, pero hindi naman siya lalabas sa publiko na ganoon ang suot. Ang crop top ay halos boobs niya lang ang natatakpan. Ang palda naman ay konti na lang ang galaw niya ay lalabas na ang panty niya.Nang makita siya ni Lilly ay napatili ito. Si Gray naman ay napamalik-mata at napapatulala."Eiiihhhh! Ang ganda at ang sexy mo, ate! Bagay talaga sa’yo maging model. You’re so perfect! ‘Di ba, kuya?""Huh… ah, eh… hmmm…""See? Hindi makapagsalita si kuya sa ganda mo, ate. Mukhang may crush na si kuya sa’yo.""Shut up, Lilly," saway ni Gray.Hindi ito pinansin ni Lilly, saka siya nilapitan at inikutan. "Damn, ate! Total makeover ka diyan?""Ano ba, Lilly. Bihis na ako. Hindi ako komportable sa suot na ito kaya hindi ko ’to isusuot.""Isuot mo ’yan kapag magmo-malling tayo. For sure, pagtitinginan ka ng mga babaeng inggitera."Napasimangot siya. Ayaw niyang pinapansin siya, mahiyain siya.Agad na siyang pumaso
Nagmamadali siyang umakyat ng pangalawang palapag para pumunta sa kwarto ni Lilly. Nakapantulog na siya para diretso tulog na lang sila mamaya.Kumatok siya ng mahina saka pumasok. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Pero nagulat siya pagpasok niya at andoon din si Gray sa kwarto, nakahiga ito sa kama ni Lilly at naglalaro ng bola. Mukhang bagong ligo na din ito dahil naka-sando na puti at shorts na lang ito.Si Lilly naman ay nakaupo sa sahig kasama ang mga paper bag na pinamili nila."Ate, what took you so long? Kanina pa kita hinihintay.""Huh... ah eh, naligo pa kasi ako...""Bakit pala andito ka din, Kuya Gray?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi naman ito pumupunta doon dati."Makikitambay lang ako dito. Masama ba?" wika nito saka siya nginitian ng pagkatamis at kinindatan. Hindi iyon nakita ni Lilly dahil abala ito sa pagbukas ng mga paper bag.Muntik na siyang tumalon sa kilig. Buti na lang ay napigilan niya at naalalang nasa kwa
"Napaka-swerte mo naman talaga, Rosabel. Ang kapal ng mukha mo ha… porket magiliw sa'yo ang mga Enriquez ay ganyan ka na kung umasta dito?"Nagulat siya sa komento ni Mila sa kanya.“Ano ang pinagsasabi mo, Mila?”“Nakatikim ka lang ng atensyon ng mga Enriquez ay akala mo kung sino ka na? Tandaan mo, anak ka lang ng katulong dito… ilagay mo sa lugar ang sarili mo.”Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya maintindihan ang pinupuntok ng butsi nito.“Mila, hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”“Akala mo ba hindi ko nahahalata na nagpapacute ka kay Sir Gray? Ang akala mo ba ay papatulan ka niya? Baka paglaruan pwede!”Lalong nag-init ang tenga niya sa sinabi nito. Sasagutin sana niya si Mila nang dumating ang nanay niya.“Magdala ka nga ng malamig na tubig sa lamesa, anak…” utos ng nanay niya.“O-opo, 'Nay…” wika niya saka muling tumingin kay Mila. Muli cya nitong tinaasan ng kilay.Napailing na lang siya sa lakas ng inggit nito sa katawan. Matagal na si Mila doon nagtatrabaho, at sa kada bis
Nakarating lang sila ng bahay nang magulo ang isip niya. Palaisipan sa kanya ang sinabi ni Gray... Bakit siya nito titikman? Ano ang ibig sabihin nun?Oo nga’t virgin siya pero hindi naman siya inosente sa mga gano'ng bagay.“We're here... anunsyo nito.”Nauna itong bumaba saka inalalayan si Lilly na makababa. Sumunod siya, hinawakan siya nito sa braso para alalayan. Sandali siyang napaigtad, parang napaso siya sa mga hawak ni Gray. Oo nga’t dati pa niya naramdaman 'yon pero ngayon ay mas lalong pinaigting ang kanyang damdamin sa lalaki. Nagkaroon siya ng malisya bigla kay Gray, lalo pa nang makababa na siya at hindi pa nito binitawan agad ang kamay niya. Ang lapit ng katawan nila sa isa’t isa na napakalapit na ng ilong niya sa katawan nito at naamoy niya ang mamahaling pabango ng binata.“Hey guys!” masayang salubong ni Ma'am Jonie sa kanila. Nakasunod dito ang asawang si Sir Ken. Agad siyang binitawan ni Gray at umikot sa compartment para kunin ang mga pinamili.“Hey mom! We're here
Halos dalawang oras din silang tumagal doon sa parlor. Nagpagupit sila ng buhok ni Lilly. Ang boring na mahaba at unat na unat niyang buhok ay pinagupitan at nilagyan ng kulay na ash blond. Si Lilly ang nag-decide ng lahat para sa kanya. Bagay daw 'yun sa morena skin niya.Napapangiti na lang siya minsan sa pagka pala-desisyon ni Lilly sa buhay niya, pero aaminin niyang nagugustuhan nya rin dahil kung siya lang ay wala naman siyang alam sa pagpapaganda.Palihim niyang tinitingnan si Gray mula sa salamin na nakaupo sa waiting area. Ni hindi man lang niya ito nakikitaan ng pagkabagot. Mukhang may nilalaro ito sa cellphone at mukhang aliw na aliw."Ate, ang ganda mo!" Eksaheradong sigaw ni Lilly nang makitang tapos na siyang ayusan.Napayuko siya dahil tumingin din si Gray sa kanya at tila namalikmata."Ano ka ba, Lilly, ang ingay mo, nakakahiya dito sa parlor.""I'm just telling the truth! Di ba, Ate?" tanong ni Lilly sa bakla na nag-ayos sa kanya."Yes ma'am, Lilly, ang ganda niya. Ang
ROSIE'S POV:Bigla siyang natakot nang pagsulpot si Bianca sa restaurant na kinakainan nila. Wala naman siyang ginagawang masama, pero bakit parang guilty siya? Masama ang tingin nito sa kanya na halos kainin siya ng buhay at gusto siyang saktan anumang oras."Pinagtutulungan niyo ba akong magkapatid?" napalakas ang boses ni Bianca kaya natuon ang atensyon ng mga customer sa kanila."You're making a scene, Bianca. Ang mabuti pa ay umalis ka na. Sinasira mo ang pagkain namin dito." pagtaboy ni Gray"You!" sigaw nito sabay turo sa kanya. "Hindi mo alam ang pinapasok mo. Hindi ako pwedeng ipagpalit ni Gray ng ganon-ganon lang!"Nakita niya ang sobrang selos sa mga mata nito. Bakit nga ba sinabi ni Lilly na siya ang bagong nobya ni Gray?!"Wala tayong relasyon, Bianca, kaya pwede akong mag-girlfriend kung sino ang gusto ko." wika ni Gray."You can't do this to me, Gray! Magsisisi ka!" nanlisik ang mata nito saka nagmartsa palabas ng restaurant. Natahimik silang lahat."Lilly, bakit mo nam
"I'm done!" nakangiting wika ni Lilly habang papalapit sa kanila na dala-dala ang mga pinamili."Ang dami naman niyan, Lilly!" reklamo niya."Para sa amin ni Ate Rosabel 'to, kuya! Alam ko kasi ayaw niyang magpabili, kaya binilhan ko na siya.""Ano ka ba, Lilly... Ayaw ko niyan, magagalit sa akin si Nanay!" si Rosie naman ang nagsalita."Hindi 'yun magagalit. Sabihin ko binigay ko sa'yo. Ikaw nga may pasalubong sa akin galing Baguio eh. Dapat meron din akong exchange na bigay sa'yo.""500 pesos lang yung bag na 'yun! Grabe naman ang kapalit ng bigay ko. 50k ata ang price ng balik mo?!" reklamo ni Rosie."Wag ka nang magreklamo, Ate. Nakakainis ka naman eh! Ikaw na nga ang binibigyan eh... hmp!"Nagkatinginan sila ni Rosie at nagngitian. Wala talaga silang panalo kapag si Lilly ang nagdedesisyon. 'Yun ang isa sa ayaw niya sa kapatid, matigas ang ulo nito... lahat ng gusto nito ay ginagawa.Pero ngayong dalawa na sila ni Rosie ang umiintindi kay Lilly kaya ini-enjoy na lang niya ang kat