"Ahm, sige Mom... tatawagan namin mamaya ang pamilya ni Jonie..." sagot naman ni James na nag-alangan din."Great! That's great, anak!" tuwang-tuwang wika ni Tita Evelyn."Iha, isukat mo na itong sapatos mo para sa kasal.""Ah, eh, sige po..."Umupo siya sa tabi nito at hinubad ang sandals niya saka sinuot ang stilettos."Ang ganda! Bagay sa paa mo, iha! Try mo ngang maglakad-lakad kung komportable ka. Dapat ay komportable ka sa araw ng kasal niyo."Tumayo naman siya at sumunod sa utos ng ginang. Pagbibigyan niya ang trip nito. Palakad-lakad siya doon na parang model."Ang ganda! At ang sexy mo, iha. Bagay na bagay sa'yo ang sapatos!" tuwang-tuwang wika ng ginang na pumapalakpak pa. Natawa na lang siya sa reaksyon nito.Nang makalapit na siya kung saan nakatayo si James ay bigla siyang hinawakan nito sa bewang at inilapit sa katawan nito. Muntik pa siyang matumba at ma-out balance dahil hindi niya inaasahan iyon."You're so sexy, my love. Para ka pa ding dalaga. Sinong mag-aakalang may
Pagkatapos naman nila sa boutique ng mga bag, ay lumipat naman sila sa bilihan ng mga sapatos. Isang designer shoes din ang pinasukan nila."May pina-reserve ka din ba dito, tita?" nakangiting wika niya."Wala, iha. Parang ginanahan lang akong mag-shopping ngayon."Sila na ngayon ang magkahawak-kamay. Nahahawa na siya sa excitement ni Tita Evelyn habang nagsha-shopping. Ang mga boys ay nakasunod lang sa likod nila."Alam mo bang matagal ko na ding hindi nagawa ito? Ang huling punta ko dito ay noong kasama pa kita. I miss doing this with you, iha."Nagulat siya sa sinabi nito. Matagal na nga iyon. Sa pagkaalala niya ay binilhan din siya nito ng bag noon, pero naiwan niya iyon sa kwarto niya sa palasyo dahil tinakas lang sya nina Kuya Ken at Clark pauwi sa Pilipinas noon.Sa katunayan, ang mga gamit niya ay nandoon pa din sa kwarto na ginagamit niya sa palasyo. Hindi iyon pinagalaw ni James. Umaasa daw itong babalik pa siya, at na-touch naman siya doon."Look at this, iha. Bagay sa'yo 't
Pagkatapos nilang mag-shopping ay doon na din sila kumain sa paboritong restaurant ng mga ito. Doon niya rin nakita si Alastair at Amber dati, pero hindi na niya pinaalala sa mga ito... baka ma-bad trip lang silang lahat."What do you want to eat, iha?""I’ll have steak, Mommy. Nagutom ako kakashopping, hihihi.""I’ll have steak too, Mom." wika naman ni James."John, anong order mo?" tawag-pansin ni Mommy Evelyn kay John na abala sa pagce-cellphone. Kanina pa ito walang kibo."Huh?""Sino ba ‘yang ka-chat mo at kanina ka pa abala diyan?" galit na wika ni Tita Evelyn."Ahm, nothing, Mom...""Baka babae ‘yan, ha? Gayahin mo ang kuya mo na magaling pumili ng babaeng mapapangasawa. Ang gusto ko ay katulad din ni Beverly ang mapapangasawa mo, anak.""Hmp! Eh akin nga ‘yan si Beverly kung hindi lang inagaw ni Kuya sa akin, eh!" biro ni John.Nakita niyang nanlisik ang mga mata ni James habang tumitingin sa kapatid nito. "Ayy sorry, Kuya. Okay lang ‘yun. Hayaan n’yo na kasi ako, Mom. Pag ba
Pag-uwi nila ng bahay ay dumiretso na sila sa kwarto ng anak nila. Gising si Tyler at naglalaro ito sa kuna.nagulat naman si shiela na parang nakakita ito ng mulita ng pumasok sila. "H-hello po, Ma’am Beverly, Sir James... andito na po pala kayo. Kakagising lang ni baby Tyler kaya maganda ang mood niya." bati ni Shiela."Ganun ba. Salamat, Shiela. Magpahinga ka muna. Ako muna ang mag-aalaga kay Tyler. Dito ako matutulog ngayon sa kwarto nya." sabi niya sa nurse. Gusto niyang makatabi ang anak. Simula nang dumating sila doon ay naging abala na siya at halos hindi na siya namamalagi sa palasyo dahil sa pagbabantay kay James. Pero dahil okay na si James ay tututukan naman niya ngayon ang kanyang anak.Kinuha niya si Tyler sa kuna at binuhat."How’s my baby? Sorry, anak ha. Naging busy si Mommy. But I’m here now..." Nilapit niya ang kanyang mukha sa maliit na kamay nito at natawa siya nang subukan nitong hawakan ang ilong niya."Ang kulit mo talaga, anak. Hahaha..." sabi niya saka pinup
Nagkatinginan muna sila ni James bago siya sumagot."Hindi po, Tita. Mahal po ako ng pamilya ni James. Nanghingi na sila ng tawad sa ginawa nila sa akin noon... Ang gusto nga po nila ay magbakasyon kayo dito sa Scotland bago ang kasal namin para naman makapag-bonding tayo." Tumahimik lang si Tita Beth at hindi nagsalita.Humugot muna cya ng malalim na hininga. Hindi nya alam kung paano kokombinsihin ang tiyahin. "T-tita... gusto ko po ng kompletong pamilya... 'yung may Daddy na matatawag si Tyler paglaki niya. Ayaw ko pong magaya sa akin ang anak ko." garalgal ang boses niya habang sinasabi iyon."Don’t say that, iha... nagkulang ba kami sa pagmamahal sa’yo?""Hindi po, Tita. Sa katunayan, sobra-sobra na po ang pagmamahal niyo sa akin. Pero iba pa rin po ang pakiramdam kung sariling pamilya mo po talaga... Huwag niyo po sanang ma-misinterpret dahil malaki po ang utang na loob ko sa inyo ni Ate Jonie pero sana maintindihan nya ang minimithi ng puso ko."Muli itong natahimik... tila ang
Nagising siya kinaumagahan dahil umiyak si Tyler sa tabi niya. Dahan-dahan siyang tumayo at kinalong ito. Malamang ay nahugutom. Pagtingin niya sa orasan ay alas kwatro pa lang ng umaga. "Baby... tahan na. Ito na ang milk mo..." sambit niya sa anak. Kung tutuusin ay mahirap ang maging ina pero hindi siya nagrereklamo. Isang fulfilling iyon para sa isang babae na mabiyayaan ng isang anak at isa na siya doon sa maswerteng babae na 'yun. Dagdag pa na mapakacute ng anak niya na manang-mana sa ama nitong si James. Napapangiti siya habang tinitingnan ang anak niyang maganang dumedede. Sinayaw-sayaw niya ng bahagya si Tyler habang binubuhat. Gusto iyon ng anak niya at nakakatulog kaagad kapag may kasama pang kanta. Lumapit siya sa bintana at bahagyang binuksan iyon. Hindi na siya mag-aabala magbukas ng ilaw. Tama na sa kanya ang ilaw na nagmumula sa lampshade sa side table niya. Napatingin siya sa labas ng bintana... may napansin siya doon na parang may bulto ng taong nakatayo sa ibaba.
"What happened?" nagtatanong itong nagtaka. Tumayo siya at sinalubong ito, buhat pa rin niya si Tyler. Ayaw niyang bitawan ang anak niya. Mas safe si Tyler kung nasa bisig niya. "James.. nakita ko si Amber sa labas ng bahay kanina..." "Huh? Nanaginip ka ba, sweetheart?" "No! Totoo ang sinasabi ko. Nakita ko siya kanina sa labas ng madaling araw. Nakatingin siya dito sa bahay!" "Pero imposible 'yun dahil nasa mental facility na siya at imposible na siyang makalabas doon. Sinigurado sa akin 'yun ng taga facility." "Basta hindi ako mapakali. Hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko!" Nag-huhuramentado na siya. Hindi niya alam kung paano ipaliwanag kay James na sigurado siya sa nakita niya. "Shhh... relax, honey..." wika nito, saka niyakap siya. "Mamaya, pagsinag ng araw, ay sisiguraduhin nating 'yan. Pupuntahan natin si Amber sa facility kung nakalabas nga siya o wala. Dumito muna kayo ni Tyler habang madilim pa ang paligid." Tumango siya at lumapit sa kama. Nilapag niya ang a
"Mom, ikaw na ang bahala kay Tyler ha. Babalik din kami kaagad." paalam nila kay Mommy Evelyn matapos silang maggayat at paalis na. Dinaanan muna nila ito sa garden kung saan naroon ang mag lola."Sure, mga anak. Andito naman si Shiela para tulungan ako."Bigla siyang napatingin kay Shiela. Bakit parang may iba na siyang pakiramdam para sa nurse? Dati ay nagpapasalamat siya dito sa pag-aalaga sa anak niya, pero bakit ngayon parang ayaw na niyang ilapit si Tyler sa private nurse nito?"Wag po kayong mag-alala, Ma'am Beverly. Mag-enjoy lang po kayo sa pupuntahan ninyo. Walang mangyayaring masama kay Tyler dito." Ngumiti ito sa kanya na parang may ibig sabihin. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng mga ngiting iyon."Let's go, sweetie. Alis na tayo para makabalik na tayo kaagad." aya ni James sa kanya. Hinawakan pa sya nito sa kamay papunta sa kotse na gagamitin nila. "S-sure..." sagot niya, pero hindi inaalis ang tingin kay Shiela. Masama talaga ang pakiramdam niya tungkol sa
Tumalikod na siya at pumunta sa kwarto ni Gray. Kumatok siya ng marahan. Pero isang katok pa lang ay bigla na itong bumukas at nagulat siya nang biglang may humatak sa kanya papasok ng kwarto at sinarado iyon."Gray, ano ba... baka may makakita sa atin!" wika niya dahil niyakap agad siya nito."I miss you na kasi...""Huh? Kanina pa lang tayo naghiwalay, miss agad?""Bakit? Ako ba, hindi mo na-miss?" kunwaring tampo nito."Dapat nag iingat tayo kapag andito sa bahay. Kanina ay muntik na tayong mahalata ni Mila!" saway niya sa nobyo."Hayaan mo siya. Katakot lang nun sa akin.""Hindi pwede!... malaki ang inggit nun sa akin kaya siguradong isusumbong ako nun sa nanay kapag nalaman niyang may relasyon tayo!" galit na wika niya. Naiinis siya dahil parang hindi siya siniseryoso ni Gray."Sige, sorry na... next time, mag-iingat na ako." wika nito habang nakahawak sa bewang niya. Ngayon niya lang narealize na sobrang lapit na pala ng mga katawan nila. Tinulak niya ito ng bahagya pero lalo ni
Hindi niya mapigilang ngumiti habang naglalakad papunta sa maid's quarter. May nobyo na siya... at iyon ay ang lalaking matagal na niyang crush. At hindi niya lubos maisip na may pagtingin din pala si Gray sa kanya. Ang sarap sa feeling na crush ka din ng crush mo.“Andito ka na pala, mahal na prinsesa?... Bakit parang baliw ka diyan na nakangiti?” sita ni Mila sa kanya. Hindi niya napansin na nadaanan niya ito. Ganoon pala kapag in love ka, parang wala kang nakikita?“Alam mo, may kakaiba sa’yo. May kakaiba sa ngiti mo... may ginagawa kang kababalaghan, ano?”Agad na namula ang mukha niya. Ganoon ba siya kahalata? Hindi maaaring malaman ni Mila ang tungkol sa kanila ni Gray. Hindi ito pwedeng magkaroon ng suspetsa na may relasyon na sila dahil siguradong isusumbong siya nito sa nanay niya... and worse, malalaman ng mga amo nila! Sa ugali ni Mila, ay alam niyang hindi siya nito sasantuhin. Ikakatuwa pa nito na mapahamak siya.“Ano bang pinagsasabi mo, Mila?” asik niya dito.“Bakit ka
"Don't be scared, babe... ako ang bahala sa'yo. Promise, hindi malalaman nina Mommy at Daddy ang tungkol sa atin. Hindi ko na kasi kayang pigilan ang nararamdaman ko sa'yo. Ayaw kong maagaw ka ng iba sa akin. Please say you're mine, Rosie... please say it..."Pagmamakaawa nito. Ramdam niya ang sinseridad sa mga mata ni Gray. Ahh! Bahala na!... "Yes, Gray... I'm yours..." nahihiyang sagot niya. Sandaling nagulat si Gray sa sinabi niya. Nakatingin na lang ito sa mga mata niya. Hanggang sa unti-unti na itong ngumiti... "Girlfriend na kita, Rosie?" pagkukumpirma nito saka hinawakan ang mukha niya. Marahan siyang tumango. Lalong lumaki ang ngiti nito sa labi. "Yes!" sigaw nito. Wala namang nakakarinig sa kanila dahil nasa loob sila ng kotse. Maya-maya ay muli nitong nilapit ang mukha sa mukha niya saka siya muling hinalikan sa labi... napapikit siya at ninanamnam ang unang halik at unang lalaki sa buhay niya. "Alam mo bang ikaw ang first kiss ko, babe?" Nagulat siya sa sinabi ni Gr
********* ROSIE'S POV: Tiningnan niya lang habang papalayo si Gray sa kanila. Galit ba ito sa kanya? Kanina lang ay masaya itong nakapasok siya sa team. Bakit ngayon ay nag-iba ang timpla nito? "Rosabel..." tawag-pansin ni Peter sa kanya. "Huh?" sagot niya pero ang mata ay nasa kay Gray pa rin na palabas na ng gym. Napaka-tampuhin naman ng lalaking 'yun! "Rosabel..." Muling tawag-pansin ni Peter, saka niya tiningnan ito. "Tara na?" "Ahm, sige, tara." Nagpaalam na sila sa dalawang kaibigan na sina Emilio at Justine saka umalis. Hindi na siya nagpalit ng damit niya. Wala na din naman siyang pasok at uwian na. Dinala siya ni Peter sa isang snack house. "Thank you, Peter ha.." "Ako dapat ang mag-thank you sa'yo kasi pinaunlakan mo ang imbitasyon ko. Now that you're part of the volleyball team, number one fan mo na ako. Hahaha... Ang galing mo, Rosabel." "Naku, wala 'yun!... Ako lang 'to!" biro din niya. "Nagtataka lang ako... bakit nga pala ang daming alam ni Gray tungkol sa'
“Really?” Tiningnan ni coach si Rosabel mula ulo hanggang paa. “Mukhang magaling ka nga maglaro, and I like your height. Tamang-tama, kailangan ko ng player ngayon. Sige nga, tingnan natin kung ano ang kaya mong gawin."Tumingin si Rosie sa kanya na parang nahihiya pero hinawakan nya ito sa kamay para bigyan ng lakas ng loob. “May pamalit ka ba ng damit mo diyan? May tryout kami ngayon. You can join the tryout if you want.”“Ah, he... meron coach...” wika ni Rosie saka dali-daling nilabas ang uniform sa dating school.“Sige, magbihis ka muna."“Samahan na kita?" Pag-presenta niya.“Wag na. Kaya ko naman. Ako na lang.” sagot ni Rosie sa kanya. Wala siyang nagawa kundi umupo malapit doon sa bench. Ang mga kaibigan niya ay tahimik lang habang nagmamasid.Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Rosie at nakabihis na ito ng complete uniform na maiksing leggings at jersey ng dating eskwelahan. May knee pads din ito saka elbow pads.Sandaling tumigil ang mundo niya habang papalapit si Rosie.
Pagdating ng gym ay andoon na din ang mga barkada nitong sina Emilio at Justine. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang wala doon si Peter. Nahihiya siya sa lalaki.“Bro, dito na pala kayo. Nakita niyo ba si Coach Patrick?” tanong ni Gray sa mga kaibigan habang hindi inaalis ang pagkakaakbay sa kanya.“Ah eh... wala, bro,” wika ng dalawa saka ang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Gray.“Rosabel, right?” tanong ni Emilio habang nakatingin sa kanya. “Ikaw ang pinakilala ni Peter sa amin last week, right?”“Ahm, oo ako nga.”Muli na namang nagtinginan ang dalawa.“Ahm Gray, babalik na muna ako ng room. May kasunod pa kasi akong subject.”“Ganun ba. Sige, ihatid na kita.”“Wag na, kaya ko naman.”“Sige. Pagkatapos ng school mo, dito na lang tayo mag-meet sa gym. Puntahan mo ako dito, okay?”“S-sige,” nahihiyang wika niya.Akmang lalabas na siya ng gym nang dumating na din si Peter. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ang lalaki. Agad na itong nilapitan. Ngumiti din ito ng mal
Pagdating sa classroom ay tumahimik ang mga estudyante at nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan."Hi.." nakangiting bati ng katabi niyang babae. "Are you new here?""Oo. Transferee ako.""Ah, ganun ba... I'm Julie, by the way." Ngumiti ito habang nakikipagkilala sa kanya.Nginitian niya din ito pabalik. "Rosabel.." banggit niya sa pangalan niya.Tumahimik na din sila nang dumating ang prof. Pinakilala siya nito sa buong klase dahil transferee siya. Nahiya nga siya dahil panay ang tukso sa kanya lalo na ang mga boys."My boyfriend ka na ba, miss? Pwede ba ako mag-apply?" sigaw ng isang lalaki saka sila tinukso.Yumuko siyang bumalik sa kanyang upuan."Don't mind them, Rosabel. Nagandahan lang ang mga 'yan sa'yo.." pabulong na sabi ni Julia.Tipid siyang ngumiti pero nahihiya pa din siya. Nang mag-umpisa nang magturo ang prof nila, kahit paano ay naging komportable na din siya. Saka tinutulungan siya ni Julia sakaling may mga tanong siya.Nagpapasalamat siya at nakipagkaibi
Dali-dali siyang pumunta ng parking dahil baka andoon na si Gray, pero wala pa pala. Umupo naman siya sa bench saka naghintay ng kaunti. Pero sampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ito. Napagdesisyunan niyang puntahan na ito sa kwarto, baka kasi ma-late na siya.Pagdating niya sa kwarto nito ay kumatok siya. "Kuya Gray?... Kuya Gray?" mahina niyang tawag."Iha!" Nagulat siya nang marinig ang tawag ni Sir Ken sa kanya."G-good morning po, Sir Ken. Tinatawag ko lang si Kuya Gray. Baka kasi ma-late na ako sa school. Sabi niya sabay na daw kami pupunta sa university.""Ganun ba? Ngayon pala ang first day mo, ano?""Opo." Nahihiya siyang makipag-usap kay Sir Ken. Alam niyang mabait ito pero hindi pa din siya komportable sa presensya nito. Amo pa din kasi niya ito kahit pa hindi naman talaga siya ang nagtatrabaho doon na katulong. Binuksan ni Sir Ken ang pinto ng kwarto ni Gray para tingnan ito. Pero nagulat sila nang tulog pa ang lalaki."Naku, tulog pa si Kuya Gray..." komento
Nakayuko siyang lumabas ng CR. Nahihiya siya sa damit niya. Alam niyang bagay sa kanya, pero hindi naman siya lalabas sa publiko na ganoon ang suot. Ang crop top ay halos boobs niya lang ang natatakpan. Ang palda naman ay konti na lang ang galaw niya ay lalabas na ang panty niya.Nang makita siya ni Lilly ay napatili ito. Si Gray naman ay napamalik-mata at napapatulala."Eiiihhhh! Ang ganda at ang sexy mo, ate! Bagay talaga sa’yo maging model. You’re so perfect! ‘Di ba, kuya?""Huh… ah, eh… hmmm…""See? Hindi makapagsalita si kuya sa ganda mo, ate. Mukhang may crush na si kuya sa’yo.""Shut up, Lilly," saway ni Gray.Hindi ito pinansin ni Lilly, saka siya nilapitan at inikutan. "Damn, ate! Total makeover ka diyan?""Ano ba, Lilly. Bihis na ako. Hindi ako komportable sa suot na ito kaya hindi ko ’to isusuot.""Isuot mo ’yan kapag magmo-malling tayo. For sure, pagtitinginan ka ng mga babaeng inggitera."Napasimangot siya. Ayaw niyang pinapansin siya, mahiyain siya.Agad na siyang pumaso