เข้าสู่ระบบHabang nasa harap siya ng lababo, nakatayo lang din si Tyler sa tabi niya, parang ayaw siyang hiwalayan.“Pwede bang doon ka na lang? Hindi ako makagalaw nang maayos kung nakaharang ka sa daanan ko…”“Hahaha… dito lang ako. Gusto kong makita na normal ka na ulit. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa ilang araw mo sa ospital, nakahiga ka lang na unconscious… pero ngayon, eto ka na, nagluluto para sa akin.”Umiwas siya ng tingin. Pakiramdam niya kasi ay mahal na mahal siya ni Tyler. Pero bakit ang hirap niya itong maalala?“Nasaan nga pala ang cellphone ko?” nagtatakang tanong niya. Baka doon may maalala siya.“Hindi ko rin alam, love. I’m trying to call your phone pero naka-off. Posibleng nandito lang sa bahay o di kaya ay nawala. But don’t worry, bibilhan na lang kita bukas.”Nanghinayang siya.“Pangalawang bili ko na ng cellphone sa’yo,” natatawang sabi ni Tyler.“Bakit? Binilhan mo ba ako dati?”“Yes. Ako ang bumili nung naiwala mo. Paano kasi basag-basag na ang cellphone mo, pero hi
Habang nasa biyahe pauwi sa bahay ni Tyler, mariin niyang tinititigan ang mga daan. Pilit niyang inaalala ang kung anong dapat ay pamilyar na sa kanya, pero wala pa ring pumapasok sa isip niya.Maya-maya ay umakyat ang kotse sa mataas na bahagi ng lugar. Para itong nasa tuktok ng bundok. Presko ang hangin at napakaganda ng tanawin. Malalaki ang mga bahay, halatang pagmamay-ari ng mga mayayaman.Hindi rin basta-basta makakapasok doon, may dadaanan pang malaking gate ng subdivision. Siguradong mga residente lamang ang pinapayagang makapasok.Kung doon ka nakatira… siguradong ligtas ka. …Ligtas nga ba?“Here we are, love,” wika ni Tyler nang tuluyang huminto ang kotse sa harap ng isang malaking bungalow.Napatitig siya rito. “This is your house?” mahina niyang tanong.“Our house, love,” agad nitong pagtatama. “This is our house.”Napakunot ang noo niya. “Bakit ‘our’? Kasal na ba tayo?”Ngumiti si Tyler, saka marahang pinisil ang kanyang ilong. “Soon. Pero kung gusto mo na, pwede naman.”
Natigil ang kanilang pag-uusap nang bumukas ang pinto at pumasok ang doktor.“How’s my patient?” nakangiting bati nito habang papalapit sa kama niya.“I’m okay, doc,” mahina ngunit magalang niyang sagot.“I have good news, Miss Jolisa,” dagdag ng doktor. “Pwede ka na lumabas anytime soon.”Napakunot ang noo niya. “Huh… paano ’yan, doc? Wala pa akong maalala.”“It’s okay,” kalmado nitong sagot. “Malakas na ang katawan mo. Pwede ka nang magpagaling sa bahay. Hindi naman agad babalik ang memory mo, at hindi rin natin masasabi kung kailan... pwedeng bukas, o sa isang buwan. Ang importante, stable ka na. Your memory will come back on its own.”“G-ganun ba…” mahina niyang tugon, hindi pa rin lubos na kampante.“Basta regular check-up lang palagi dito sa ospital. Saka mas makakabuti kung nasa pamilyar kang lugar,” dagdag pa ng doktor. “Ang dati mong buhay bago nawala ang memorya mo ay maaaring makatulong para maalala mo ang lahat.”“Salamat, doc,” sabi ni Jolisa.Ngunit si Tyler ang agad na
Nagdaan pa ang mga araw, at unti-unti nang gumagaling ang sugat ni Jolisa sa kanyang ulo. Araw-araw ay may kaunting pagbabago, mas nakakatayo na siya nang matagal, mas nakakakain nang maayos, at mas nagkakaroon ng lakas ang kanyang katawan.Ngunit sa kabila ng pagbuti ng kanyang katawan, nananatiling blangko ang kanyang isipan. Wala pa ring bakas ng kanyang nakaraan, walang alaala ng kung sino siya bago ang aksidente.“Here, love… eat some fruitS. Makakatulong ’to sa ’yo para lalo kang lumakas.”Napatingin siya sa lalaking maingat na nagbabalat ng orange para sa kanya. Si Tyler... ang lalaking nagpakilalang nobyo niya. Totoo nga kaya iyon? Sa tuwing tinitingnan niya ito, hindi niya maiwasang mag-isip.Kung totoo man ang sinasabi nito, masasabi niyang napakaswerte niya. Gwapo ang lalaki, matipuno, malinis tingnan, at halatang may kaya sa buhay. Higit pa roon, kitang-kita kung paano ito tumingin sa kanya, parang napakahalaga niya sa lalaki.Sa pag-iisip na iyon, bigla siyang namula.“He
Pero napag-isip-isip din niya na total hindi naman siya naaalala ni Jolisa, baka ipagpaliban niya muna ang planong pagdispatsa sa dalaga. Palamigin niya muna ang sitwasyon para hindi maghinala si Tyler sa kanya. Lalo na’t ang nurse ay mukhang nagdududa na sa kanya. Kapag may mangyaring masama kay Jolisa ay baka ituro siya nito.Napatingin siya kay Tyler na gumagawa na ng mahinang hilik. Agad itong nakatulog. Ngayon, ang dalawa na ang mahimbing na natutulog. Pero siya, ito, gising na gising.Lumapit siya sa bintana at doon tumingin sa labas. Sa dami ng nangyari sa araw na ’yon ay tila hindi na niya alam kung ano ang uunahin.Pagtingin niya sa kama ay nagulat siya nang nakatingin na si Jolisa sa kanya. Parang may kung anong kaba siyang naramdaman. Pero hindi siya nagpahalata.“J-Jolisa… nagising ka pala. Kanina ka pa ba gising? Hindi ka man lang nagsabi. Nagulat ako sa’yo,” sunod-sunod na sabi niya, pero walang ekspresyon ang mukha nito at nakatingin lang sa kanya.Lumapit siya sa babae
Nanlaki ang mga mata ni Tyler sa sinabi ni Jolisa.“A-anong ibig mong sabihin?” nanginginig ang boses nito habang mas hinigpitan ang hawak sa kamay ng dalaga. “Love… ako ‘to. Si Tyler.”Ngunit nanatiling blangko ang mukha ni Jolisa. Dahan-dahan nitong binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ni Tyler, tila hindi komportable.“P-pasensya na… pero hindi ko kayo kilala.”Parang kutsilyong tumarak sa puso ni Tyler. Hindi niya ito inaasahan. Hindi niya napaghandaan.“Hindi… hindi pwede ‘to…” bulong nito sa sarili. “Doc! Anong nangyayari sa kanya?!”Lumapit ang doktor, maingat na sinilip ang reaksyon ni Jolisa. “Possible po na nagkaroon siya ng temporary amnesia dahil sa trauma at malakas na pagtama ng ulo niya. Kailangan pa po natin siyang obserbahan.”“Temporary lang, doc, hindi ba? Babalik din ang alaala niya?” tanong ni Tyler, puno ng pag-asa.“May posibilidad, sir. Pero hindi po natin masasabi kung kailan. Ang importante ngayon ay nagising na siya, Mr. Blacksmith. Yun ang ipagpapasalamat
Habang lumalabas sila ng parking ay nakita niya ang security guard na nakabantay doon.“Good evening, Ma’am Rosabel, Sir Gray,” bati nito sa kanila. May kakaibang tingin ang lalaki sa kanya. Palagi siya nitong binabati kapag nakikita, pero naiilang siya sa pamamaraan ng pagbati nito sa kanya.“Kamu
Nagkatinginan sila ng mata ni Gray! Hindi siya nagsalita, hinintay niya itong magdesisyon. Magkaalaman na kung sesesantihin nito ang sekretarya o hindi. "Sir Gray..." muling pukaw ng sekretarya. Humugot ng malalim na hininga ang binata. "You heard the CEO, Lindy... you're fired!" "What?!" wika ni
GRAY'S POV:Lumipas pa ang mga araw, ay naging abala na sila sa opisina. Naging tahimik na din si Solen at Lindy. Hindi nagpaparamdam ang mga ito sa kanila. Pero hindi sila magpapakampante dahil alam nyang hindi pa tapos ang laban. Kasalukuyan siyang nasa opisina. Si Rosabel ay abala naman at nas
It's past 3 in the morning. Natutulog na si Rosie sa tabi niya. Siya, eto, gising na gising pa at hindi dalawin ng antok. Nakasandal lang siya sa headboard habang umiinom ng alak.Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na naangkin na niya si Rosabel. Pangarap na niya ito simula noong colleg







