"Callum... May sarili kang pamilya, di ba? Bakit hindi sila ang alagaan mo? Di ka ba naaawa sa anak mo? May sarili kang anak pero ang anak namin ni Fe ang pinupuntirya mo? Sumuko ka na bago pa mahuli ang lahat, Callum. Kung mapatay mo man ako ngayon dito, hindi ka rin makakatakas sa mga awtoridad. May isang milyong nakapatong sa ulo mo. Marami ang maghahangad na mapatay ka!... Bumalik ka na sa Scotland kasama ang asawa mo at mamuhay ng tahimik," mahabang litanya niya kay Callum."Hindi mo ako kailangang diktahan, Clark! Alam ko ang ginagawa ko, at hindi ako magiging masaya hangga't hindi ako makakabawi sa'yo!" sigaw nito saka biglang bumunot ng kung ano sa bewang.Pero bago pa man iyon mangyari, isang malaking kahoy ang tumama sa likod ni Callum."Agghh!" sigaw ni Callum sa sakit. Napahiga ito sa sahig."Callum, sumuko ka na! Itigil mo na ang kalokohang ito!" sigaw ni Ken. Bigla siyang nagkaroon ng pag-asa nang makita ang mga kaibigan. Si Ken ay may hawak na dos por dos sakaling makab
**********FE'S POV:N-Nay…"A-anak, gising ka na pala?" Agad siyang pinuntahan ng nanay niya sa kanyang kama. Nakita niyang andoon din si Bebe at Jonie na agad lumapit sa kanya, hinawakan ni Jonie ang kamay niya."Bestie... salamat naman at gising ka na..." malungkot na wika nito.Tiningnan niya ang mga mukha ng nakapalibot sa kanya... parang iisa ang pinapahiwatig ng mga ito. Parang may bumabagabag sa kanila na hindi niya maintindihan.Nilibot niya ang paningin sa paligid. Sila lang ang naroon. Wala si Ken, si James, si Callum, at si Clark. Nasaan ang mga lalaki?Naalala niya bago siya nawalan ng ulirat ay dumating si Clark at pinangako nito na sa pagising niya ay mukha nito ang makikita niya... Umasa siya... Pero wala ang lalaki doon.Kahit yun man lang ay hindi pa din maibigay ni Clark ang pangako nito? Muling umasa na naman ang puso niya."May nararamdaman ka ba, anak? Bakit tahimik ka?""Nasaan si Callum, Nay?" Si Callum ang hinanap niya, imbes na si Clark. Naalala niyang nanggu
"Kayo!" sigaw niya sa doktor. "Idedemanda ko kayo! Pinabayaan niyo ang anak kong makuha ni Callum! Huhuhu...""Babe... babe... calm down. Hindi ako titigil hangga't hindi makikita ang anak natin..." umiiyak na din niyakap siya ni Clark."Clark... huhuhu... hanapin mo ang anak ko. Maawa ka, hanapin mo siya, huhuhu..." Pagmamakaawa niya sa dating nobyo. Mamamatay siya kapag nawala o kung ano ang mangyari sa anak niya. Iniisip pa lang niya ay parang pinipiga na ang puso niya. Di bale nang siya na lang ang masaktan, huwag lang ang anak niyang wala pang muwang sa mundo.Nilapitan siya ng doktor at may tinurok sa kanya kung ano."No! No! Huwag niyo akong patulugin! Hahanapin ko ang anak ko!" sigaw niya sa doktor."Babe... mag-relax ka lang. Hindi pa kaya ng katawan mo. Kami na ang maghahanap sa anak natin. Pinapangako ko sa'yo, hindi ako titigil hangga't hindi siya mahahanap."Maya-maya, kumalma na siya. Malamang ay nag-take effect na ang gamot sa katawan niya. Lumuluhang tinitigan niya si
"Babe! Babe! Wake up!" narinig niyang sambit ni Clark sabay alog sa balikat niya. Agad naman siyang nagising."Where is my baby?" agad na tanong niya nang magising siya. "Binalik na siya ni Callum sa akin. Nasaan na ang anak ko?" Kanina lang ay hawak-hawak niya iyon sa panaginip niya.Nagkatinginan muna ang mga taong naroon sa kwarto niya."Nanaginip ka lang, babe. Pero huwag kang mag-alala... Sandali na lang at makikita na natin si baby. Marami ang tumutulong sa atin...""Pero nangako si Callum na ibabalik na niya ang anak ko!"Ngumiti nang tipid si Clark, tila pinapanatag ang sarili niya. Pero baka ang nasa isip ng mga ito ay nababaliw na siya.Pero hindi siya maaaring magkamali. Nakausap niya si Callum at tama ang pagkakaintindi niya... Babalik si baby... Babalik ang anak niya!Naputol ang kanyang pag-iisip nang nag-ring ang cellphone ni Clark. Nabaling ang atensyon ng lahat kay Clark."It’s an unidentified number..." anunsyo ni Clark."Answer it! Baka may koneksyon ‘yan sa paghaha
Dahil sa nangyari sa anak niya, lalo silang tumagal sa ospital. Ayaw niyang iuwi ang anak niya dahil gusto niyang masiguradong maayos ang lagay nito. Humingi na rin ng pasensya ang ospital at nangakong hindi na mauulit ang nangyari kaya hindi na niya kakasuhan ang ospital.Habang nasa ospital siya, si Jonie muna ang nagma-manage ng bagong resort nila. Hindi ito pwedeng pabayaan dahil kahit kakabukas pa lang ng resort nila ay palaging puno iyon. Sa katunayan, fully booked na ang buong buwan nila sa mga nagpareserba para sa kasal at debut, bukod pa sa mga walk-in nilang customers.Kahit paano ay masaya siya dahil nagbunga ang pagod niya sa resort at hindi niya magagawa ang lahat ng iyon kung hindi dahil sa tulong ni Callum, na laging sumusuporta sa kanya noon.Naalala niya ang dating nobyo. Naasikaso na ni James ang pag-cremate sa bangkay nito para abo na lang ang iuuwi ni Victoria sa Scotland. Naawa siya para kay Victoria, alam niyang sobrang sakit para dito ang mawalan ng asawa. Kung
Cindy and I separated… Mahina sabi nito.Nagulat siya. Paanong nangyari 'yun kung nakita pa niya itong nagpakasal sa babae? Simula nang ikinasal si Clark at Cindy, hindi na siya nakibalita sa dalawa. Kahit sa social media, kapag nakita niya ang litrato ni Clark at Cindy, hindi niya binabasa.Maging sa TV, kapag ang mga ito ang laman ng balita, nililipat agad niya. Maging ang mga pamilya niya ay supportive din sa kanya dahil ganoon din ang ginagawa nila. Tuluyan na siyang walang balita kay Clark at 'yun ang dahilan kung bakit hindi niya alam na naghiwalay na ang dalawa."Paanong…""Yeah, you heard it right. Magkahiwalay na kami ngayon. Inaayos ko ang papeles na mapawalang-bisa ang kasal namin.""B-bakit?""W-well… first, bukod sa hindi ko siya mahal, ay may relasyon sila ng bodyguard niyang si Kevin.""S-si Kevin?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Kilala niya si Kevin dahil ito lagi ang kasa-kasama ni Cindy kahit saan ito magpunta."Yes. And I'm happy for them. Finally, nahanap na niy
Natigilan siya bago sagutin ang tanong nito. "C-Clarkson." Yumukong sagot niya.Pinangalanan niya talaga ang anak niya ng ganoon para malapit sa pangalan ng ama nito. Hindi niya naman inakala na magkikita pa ulit sila ni Clark. Ang akala niya ay habang-buhay niya iyong matatago... Malay ba niya?!"What a nice name…" Nahihiyang ngumiti si Clark, na parang alam nito kung bakit iyon ang pinangalan niya sa anak nila."Wag mong isipin na kinuha ko iyon sa pangalan mo. Nagandahan ako sa pangalang Clarkson kaya 'yun ang pinangalan ko kay baby!" agad na sabi niya para matakpan ang pagkapahiya."Ah, wala naman akong sinabi… maganda nga eh." sambit din ni Clark. Tiningnan niya ito nang masama saka inirapan, pero hindi nito pinatulan ang pagsusuplada niya.Muling naputol ang kanilang pagiging awkward nang pumasok ang doktor kasama ang isang nurse na nakasunod sa likod nito."Hello, Ma'am Fe, kamusta ka na?" Bati ng doktor sa kanya. "Ipinapaalam ko lang po na maayos ang lahat ng resulta ng test k
Tiningnan niya ang pintong nilabasan ni Clark. Hmp, buti nga! sigaw niya sa isip niya. Pero sa kabilang banda, nakokonsensya siya dahil nasaktan niya si Clark.Bakit? Nakonsensya din ba ito noong ilang beses din siyang nasaktan?Napasimangot siyang bumalik sa tabi ng anak niya. Nakakainis ang daddy mo, anak! Nagpapaawa, tapos kapag maaawa ako, babalikan ko na naman siya, tapos erase na naman ang lahat ng kasalanan niya sa akin! Ang daya, di ba? Samantalang mag-isa kitang inalagaan sa tiyan ko tapos kung kailan lumabas ka na, susulpot na lang siya at gustong bumalik sa atin? Ano siya, hilo? Naluluhang sabi niya sa anak. Wala siyang mapagsabihan ng sama ng loob kundi ang anak niyang walang kamuwang-muwang—at least, hindi siya isusumbong sa ama nito.Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong dinampot para di na makagawa ng ingay. Si Jonie ang tumatawag."Hello, bestie?""Bestie? Naka-uwi ka na pala? Sinabi sa amin ni Clark."Napasimangot siya. Kapag naririnig niya ang pang
Nagmamadali siyang umakyat ng pangalawang palapag para pumunta sa kwarto ni Lilly. Nakapantulog na siya para diretso tulog na lang sila mamaya.Kumatok siya ng mahina saka pumasok. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Pero nagulat siya pagpasok niya at andoon din si Gray sa kwarto, nakahiga ito sa kama ni Lilly at naglalaro ng bola. Mukhang bagong ligo na din ito dahil naka-sando na puti at shorts na lang ito.Si Lilly naman ay nakaupo sa sahig kasama ang mga paper bag na pinamili nila."Ate, what took you so long? Kanina pa kita hinihintay.""Huh... ah eh, naligo pa kasi ako...""Bakit pala andito ka din, Kuya Gray?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi naman ito pumupunta doon dati."Makikitambay lang ako dito. Masama ba?" wika nito saka siya nginitian ng pagkatamis at kinindatan. Hindi iyon nakita ni Lilly dahil abala ito sa pagbukas ng mga paper bag.Muntik na siyang tumalon sa kilig. Buti na lang ay napigilan niya at naalalang nasa kwa
"Napaka-swerte mo naman talaga, Rosabel. Ang kapal ng mukha mo ha… porket magiliw sa'yo ang mga Enriquez ay ganyan ka na kung umasta dito?"Nagulat siya sa komento ni Mila sa kanya.“Ano ang pinagsasabi mo, Mila?”“Nakatikim ka lang ng atensyon ng mga Enriquez ay akala mo kung sino ka na? Tandaan mo, anak ka lang ng katulong dito… ilagay mo sa lugar ang sarili mo.”Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya maintindihan ang pinupuntok ng butsi nito.“Mila, hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”“Akala mo ba hindi ko nahahalata na nagpapacute ka kay Sir Gray? Ang akala mo ba ay papatulan ka niya? Baka paglaruan pwede!”Lalong nag-init ang tenga niya sa sinabi nito. Sasagutin sana niya si Mila nang dumating ang nanay niya.“Magdala ka nga ng malamig na tubig sa lamesa, anak…” utos ng nanay niya.“O-opo, 'Nay…” wika niya saka muling tumingin kay Mila. Muli cya nitong tinaasan ng kilay.Napailing na lang siya sa lakas ng inggit nito sa katawan. Matagal na si Mila doon nagtatrabaho, at sa kada bis
Nakarating lang sila ng bahay nang magulo ang isip niya. Palaisipan sa kanya ang sinabi ni Gray... Bakit siya nito titikman? Ano ang ibig sabihin nun?Oo nga’t virgin siya pero hindi naman siya inosente sa mga gano'ng bagay.“We're here... anunsyo nito.”Nauna itong bumaba saka inalalayan si Lilly na makababa. Sumunod siya, hinawakan siya nito sa braso para alalayan. Sandali siyang napaigtad, parang napaso siya sa mga hawak ni Gray. Oo nga’t dati pa niya naramdaman 'yon pero ngayon ay mas lalong pinaigting ang kanyang damdamin sa lalaki. Nagkaroon siya ng malisya bigla kay Gray, lalo pa nang makababa na siya at hindi pa nito binitawan agad ang kamay niya. Ang lapit ng katawan nila sa isa’t isa na napakalapit na ng ilong niya sa katawan nito at naamoy niya ang mamahaling pabango ng binata.“Hey guys!” masayang salubong ni Ma'am Jonie sa kanila. Nakasunod dito ang asawang si Sir Ken. Agad siyang binitawan ni Gray at umikot sa compartment para kunin ang mga pinamili.“Hey mom! We're here
Halos dalawang oras din silang tumagal doon sa parlor. Nagpagupit sila ng buhok ni Lilly. Ang boring na mahaba at unat na unat niyang buhok ay pinagupitan at nilagyan ng kulay na ash blond. Si Lilly ang nag-decide ng lahat para sa kanya. Bagay daw 'yun sa morena skin niya.Napapangiti na lang siya minsan sa pagka pala-desisyon ni Lilly sa buhay niya, pero aaminin niyang nagugustuhan nya rin dahil kung siya lang ay wala naman siyang alam sa pagpapaganda.Palihim niyang tinitingnan si Gray mula sa salamin na nakaupo sa waiting area. Ni hindi man lang niya ito nakikitaan ng pagkabagot. Mukhang may nilalaro ito sa cellphone at mukhang aliw na aliw."Ate, ang ganda mo!" Eksaheradong sigaw ni Lilly nang makitang tapos na siyang ayusan.Napayuko siya dahil tumingin din si Gray sa kanya at tila namalikmata."Ano ka ba, Lilly, ang ingay mo, nakakahiya dito sa parlor.""I'm just telling the truth! Di ba, Ate?" tanong ni Lilly sa bakla na nag-ayos sa kanya."Yes ma'am, Lilly, ang ganda niya. Ang
ROSIE'S POV:Bigla siyang natakot nang pagsulpot si Bianca sa restaurant na kinakainan nila. Wala naman siyang ginagawang masama, pero bakit parang guilty siya? Masama ang tingin nito sa kanya na halos kainin siya ng buhay at gusto siyang saktan anumang oras."Pinagtutulungan niyo ba akong magkapatid?" napalakas ang boses ni Bianca kaya natuon ang atensyon ng mga customer sa kanila."You're making a scene, Bianca. Ang mabuti pa ay umalis ka na. Sinasira mo ang pagkain namin dito." pagtaboy ni Gray"You!" sigaw nito sabay turo sa kanya. "Hindi mo alam ang pinapasok mo. Hindi ako pwedeng ipagpalit ni Gray ng ganon-ganon lang!"Nakita niya ang sobrang selos sa mga mata nito. Bakit nga ba sinabi ni Lilly na siya ang bagong nobya ni Gray?!"Wala tayong relasyon, Bianca, kaya pwede akong mag-girlfriend kung sino ang gusto ko." wika ni Gray."You can't do this to me, Gray! Magsisisi ka!" nanlisik ang mata nito saka nagmartsa palabas ng restaurant. Natahimik silang lahat."Lilly, bakit mo nam
"I'm done!" nakangiting wika ni Lilly habang papalapit sa kanila na dala-dala ang mga pinamili."Ang dami naman niyan, Lilly!" reklamo niya."Para sa amin ni Ate Rosabel 'to, kuya! Alam ko kasi ayaw niyang magpabili, kaya binilhan ko na siya.""Ano ka ba, Lilly... Ayaw ko niyan, magagalit sa akin si Nanay!" si Rosie naman ang nagsalita."Hindi 'yun magagalit. Sabihin ko binigay ko sa'yo. Ikaw nga may pasalubong sa akin galing Baguio eh. Dapat meron din akong exchange na bigay sa'yo.""500 pesos lang yung bag na 'yun! Grabe naman ang kapalit ng bigay ko. 50k ata ang price ng balik mo?!" reklamo ni Rosie."Wag ka nang magreklamo, Ate. Nakakainis ka naman eh! Ikaw na nga ang binibigyan eh... hmp!"Nagkatinginan sila ni Rosie at nagngitian. Wala talaga silang panalo kapag si Lilly ang nagdedesisyon. 'Yun ang isa sa ayaw niya sa kapatid, matigas ang ulo nito... lahat ng gusto nito ay ginagawa.Pero ngayong dalawa na sila ni Rosie ang umiintindi kay Lilly kaya ini-enjoy na lang niya ang kat
Nagising siya kinaumagahan na masaya. Ang sarap ng tulog niya. Agad siyang naghilamos at nag-toothbrush. Lumabas agad siya ng kwarto para makita ang dahilan kung bakit siya masaya.Paglabas niya ng kwarto ay narinig niyang maingay sa kwarto ni Lilly. Hindi iyon nakasara kaya sumilip siya. Nandoon si Lilly kasama si Rosie. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan. Binigay na ni Rosie ang pasalubong nito sa kapatid niya at tuwang-tuwa ito."Good morning, girls!" bati niya nang tuluyang buksan ang pinto. Nagulat pa ang dalawa sa pagsulpot niya."Kuya, andito ka pala. Ano ang pasalubong mo sa akin from Baguio?"Napakamot siya ng ulo."Pasensya na, Lillyt. Wala akong pasalubong.""Ano ka ba naman, Kuya, bakit wala? Si Ate Rosabel nga merong pasalubong sa akin eh!""Ah eh... 'yan na nga ang pasalubong namin sa’yo. Kami ang bumili niyan na dalawa."Agad na sabat ni Rosie sa pagta-tantrums na naman ni Lilly."Bakit, mag-jowa ba kayo na iisa lang ang pasalubong niyo sa akin?"Napatingin siya kay Ro
GRAY'S POV:Nakangiti siyang pumasok sa kanyang kwarto. Hindi niya alam kung bakit... dahil siguro sa saya na dala ni Rosie sa kanya.Pabagsak siyang humiga sa kama. Malayo ang dri-nive niya pero hindi siya napagod dahil masaya kasama si Rosie. Aaminin niyang kanina ay masama ang loob niya. Pero naramdaman niyang pilit pinapagaan ni Rosie ang loob niya.Nabaling ang atensyon niya sa pinto nang may kumatok. Ang daddy niya ang pumasok."Hi, Dad... May kailangan ka?"Tumayo lang ito sa harap niya na parang binabasa ang kanyang mga mata."Do you like Rosabel, anak?" diretsahang tanong nito."A-ano ka ba, Dad... parang kapatid ko na siya!" agad na sagot niya. Nahihiya siyang aminin sa daddy niya na may special siyang pagtingin kay Rosabel."Hindi ako tutol kung gusto mo siya, iho. Ang sa akin lang ay magtapos ka muna ng pag-aaral, at ganoon din si Rosie. Patapusin mo siya ng pag-aaral. 'Yun lang hinihingi ng nanay niya.""D-Dad, what are you talking about? Akala mo ba sa akin tirador ng ba
ROSIE'S POV:Wala na naman silang pansinan sa biyahe, hapon na sila umalis sa resort at mukhang gagabihin sila pagdating sa Manila..Lihim siyang napahinga ng maluwag nang nagdesisyon si Gray na uuwi na sila. Hanggang ngayon kasi ay iniisip pa din niya kung paano sila mamayang gabi. Iisa lang ang kama at dalawa lang sila doon. Hindi imposibleng may mangyari sa kanila at ayaw niyang mangyari yun.Oo, may gusto siya kay Gray, pero hindi pa siya handa. Madami pa siyang plano sa buhay."Huuuuy... bakit tahimik ka jan, kuya?" Siya na ang naunang pumansin dito, ayaw niyang magkasamaan sila ng loob hanggang sa pagdating nila sa Manila."Pansinin mo naman ako..." wika niya. "Galit ka ba sakin? Sorry na... gusto ko na kasing umuwi eh.""It's okay... hindi ako galit." tipid nitong sagot"Hindi daw pero hindi naman namamansin!? Pilit niyang pinapagaan ang kanilang conversation. Ayaw niyang maging awkward sila sa isa't isa."Paandarin mo lang ang audio... gusto ko ng sounds!" utos niya. Sinunod n