Share

CHAPTER 596

Author: dyowanabi
last update Last Updated: 2025-03-20 20:21:29

Nagising siya mula sa masarap niyang pagtulog. Hinatid siya kagabi ni Clark sa bahay niya pagkatapos ng party. Naiilang pa rin naman siya, pero kahit paano ay nakakapag-usap na sila.

Napangiti siya nang makita ang anak sa tabi niya. Kamukhang-kamukha ito ni Clark. Hindi maipagkakailang anak niya talaga ito. Hinaplos niya ang malambot na pisngi ng anak, mahimbing ang tulog nito. Maya-maya naman ay dahan-dahan niyang hinawakan ang maliliit nitong kamay.

"Para sa'yo ito, anak. Pipilitin kong kalimutan ang mga sakit na dinulot ng daddy mo sa akin para magkaroon ka ng buong pamilya."

Kung dati ay mapait sa kanyang puso, ngayon masasabing medyo nakahinga na siya nang maluwag. In fairness naman kay Clark, ginagawa naman nito ang lahat para matanggap niya muli.

Dahan-dahan siyang tumayo para hindi magising ang baby niya. Nilipat niya ito sa kuna at maliligo siya nang mabilisan, plano nayng pumunta ng resort.

Paglabas niya ng kwarto ay nagulat siya nang wala na ang anak niya sa kuna. Napaling
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1120

    Araw ng event. Ready na siya. Ang suot niya ay white na laced gown na gawa ng Ate Lilly niya. Parehas sila ng damit ng Ninang Fe. Gusto nito ay mag-twinning daw sila.Muling sinipat niya ang kanyang sarili sa full-sized mirror. Nakapag-make-up na din siya at naayos na ang kanyang buhok. Ready na ang lahat.Nang makontento sa kanyang sarili ay lumabas na siya ng kwarto.“Bunso, ang ganda mo naman!” nakangiting sabi ni Ate Lilly nang makita siya. Nasa sala ito at nag-aabang sa pagbaba niya.Ngumiti siya pabalik. “Syempre, gawang Lilly Rose ata ang damit ko!” wika niya saka naglakad pa na parang rumarampa.“Hahaha… dapat sa’yo maging model na lang eh. Gusto mo bang maging model ng Lilly Rose? Mag-photo shoot tayo tapos ilagay natin sa store ang malaking mong picture habang suot ‘yan.”“Sure, Ate! Hindi ko aayawan ‘yan!”Hindi naman nagtagal ay dumating na din ang sundo niyang si Ben.“You look dashing, Ben!”“Thank you, Aria… ikaw ang ‘wow’ diyan! Para kang ikakasal sa damit mo ah.”“Hih

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1109

    Kinabukasan ay late na siya nagising. Napabalikwas siya ng bangon nang maalala niyang may trabaho pa siya. Pero napaisip siya, hindi niya kayang magtrabaho, saka sabi nga ni Ninang Fe, hindi naman siya totoong empleyado. Tumutulong lang siya kaya kahit hindi siya magtrabaho ngayon ay okay lang. Total natapos na rin naman niya ang trabaho niya kahapon. Kailangan niya rin siguro ng pahinga kahit isang araw lang. Muli siyang bumalik sa kanyang kama at kinuha ang cellphone. Bukas ay charity event na. Kailangan niya ring mag-beauty rest. Bukas na ang event. Ang pangako ni Clarkson, hihiwalayan nito si Madison pagkatapos ng event. Hindi niya alam kung tutuparin ng lalaki. Kapag hindi nito tinupad ang pangako, ay ‘yun na rin siguro ang sign na mag-move on na siya sa lalaki. Pagbukas niya ng cellphone ay nakita agad niyang may message si Clarkson sa kanya. "Where are you? Wala ka dito sa cubicle mo." -- message ni Clarkson. May limang missed calls din ito pero hindi niya narinig. Naka

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1108

    "Unang kita ko pa lang sa inyo, alam ko nang may nararamdaman kayo sa isa’t isa. Kung paano siya magselos kapag nandiyan ako, na parang gusto niya akong suntukin."“Pero may nobya siya, Ben…” malungkot niyang sabi. “Sinasabi niya na mahal niya ako pero hindi niya mahiwalayan ang nobya niya.”“That bastard is selfish, Aria. Gusto niya kayong dalawa?”“H-hindi naman…” pagtatanggol niya kay Clarkson. “Nangako siya sa akin na hihiwalayan niya si Madison pagkatapos ng charity event.”“Then doon natin malalaman kung tutuparin niya ang pangako niya sa’yo.”“H-hindi ka ba galit sa akin?”“Bakit naman ako magagalit sa’yo?”“A-alam ko namang nanliligaw ka sa akin pero si Clarkson ang pinag-uusapan natin,” nahihiyang sabi niya.“Natanggap ko na na hindi ako ang gusto mo, Aria. Kahit wala pa si Clarkson. Kahit noong nasa Scotland pa lang tayo, hindi ko na ma-feel na may pag-asa ako sa’yo.”“S-sorry, Ben…”“No, it’s okay, Aria. Hindi naman matuturuan ang puso. Pero gusto kong malaman mo na andito

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1107

    Gabi na siya natapos sa kanyang trabaho. Madami kasing nangyari kanina kaya halos hindi niya nagalaw ang trabaho niya.Wala na rin masyadong tao sa opisina. Nagsiuwian na ang iba. Okay lang naman sa kanya dahil siguradong wala pa naman si Ate Lilly sa bahay. Gagabihin daw ito ng uwi.Dapat ay gagala din sila ni Cherry pero sinundo ito ng boyfriend kaya canceled ang lakad nila. Uuwi na lang siya sa bahay ni Ate Lilly.Niligpit niya ang kanyang mga gamit at nilagay sa kanyang bag saka lumabas ng opisina. Agad siyang pumunta sa parking kung saan ang kotse niya. Wala nang masyadong tao roon. Medyo madilim sa bahagi kung saan siya naka-park.Malayo pa lang siya ay pinindot na niya ang kanyang automatic key. Pagdating sa kotse ay sumakay siya, pero sa kanyang pagkagulat ay biglang may sumakay din na lalaki. Bigla siyang kinabahan.“C-Clarkson?”Halos hindi siya makahinga sa takot. Akala niya ay holdaper na nag-aabang sa kanya.“Hey sweetheart…”“Don’t you sweetheart me, Clarkson!” inis na s

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1106

    “Doon ka na sa opisina mo, Madison. I’m busy. Kapag nakita tayo ni Daddy ay baka isipin na naman kung ano ang ginagawa mo dito.”“Dito muna ako. Masarap ang sofa mo kaysa doon sa sofa ko eh. Inaantok kasi ako. Come here, babe.” Aya ni Madison pero nanatiling nakatayo si Clarkson sa harap nito, napatingin sa direksyon kung nasaan siya.“Tara, doon ka na lang sa opisina mo. Ihahatid kita.” Inangat ni Clarkson ang kamay para alalayan si Madison na tumayo. Tinanggap naman iyon ni Madison pero nang tuluyan na itong makatayo ay inangkla nito ang dalawang braso sa balikat ni Clarkson saka siniil ng halik ang lalaki.Parang naupos siyang kandila habang nanonood sa dalawang naghahalikan. Kanina lang ay siya ang kahalikan ni Clarkson, ngayon naman ay si Madison. Ang pinagkaiba lang nila, siya ang tinatago at si Madison ang hayagan.“Stop it, Madison!” inis na sabi ni Clarkson saka marahan itong tinulak. Nakalas naman ang kamay ni Madison sa leeg ni Clarkson.“Why? Ginagawa naman natin ‘to palag

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1105

    "Kung hihiwalayan man ni Clarkson si Madison, ay nasa kanya na ‘yun. Kung hindi na talaga siya masaya sa relasyon nila ay hindi namin siya pipigilan. Nakita ko kung paano tratuhin ni Madison si Clarkson at hindi ako natutuwa. Mas mahalaga ang kasiyahan ng anak namin kaysa sa political career ni Clark kung sakaling mag-resign si Madison. Which I doubt na matatalo ang ninong mo. Hindi nakabase kay Madison ang pagkapamanlo ni Clark kay Madison."Sandali siyang nabuhayan ng loob. Sa wakas ay nagising na din si Ninang Fe sa mga maling paniniwala nito. Pero hindi pa din siya nagsalita. Wala namang sinabi ang ninang niya na gusto siya nito para kay Clarkson. Ayaw niyang mag-assume.“Maiiwan muna kita iha at mukhang madami ka na namang gagawin,” sabi nito habang tinitingnan ang mga papeles sa kanyang desk.“Opo, Ninang. Absent po kasi ako kahapon kaya natambak ang trabaho ko.”“Pero huwag ka masyadong magpapakapagod ha. Hindi ka naman regular na trabahador dito at tumutulong lang. Ibigay mo s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status