"Wag mo na akong intindihin... I will survive. Basta ang importante ay ikaw. Sana kapag wala na ako dito ay magpakabait ka ha... Don't worry, I'm still watching you from afar.""No Finn, don't leave me!... huhuhuh...""It's for the best, girlfriend... Don't worry... babalik ako... babalikan kita." wika nito saka siya hinalikan sa labi.Iyon na ba ang huling halik ni Finn sa kanya? Pinikit niya ang mga mata at ninamnam ang mga halik ng binata. Tila sinasaulo ng utak niya ang bawat galaw at lasa ng labi nito.Natigil lang sila nang bumukas ang pinto at pumasok si Precious. "Gurl, andyan na si Tito Ken at hinahanap ka!"Muli silang nagkatinginan ni Finn. "I'll talk to Dad, Finn, na hindi ka paaalisin sa school. Gagawin ko ang lahat para makatapos ka dito at makagraduate. Hindi ako papayag na aalis ka.""You don't have to do that, Lilly. Baka magalit na naman sila sa atin...""Pero hindi nila pwedeng alisin ang karapatan mo dito sa school. Ikaw ang dapat na maiwan dahil ga-graduate ka na.
Habang nasa classroom sila at nagka-klase, ay napansin niya ang mga classmates niyang patingin-tingin sa kanya. Pero hindi na inis at inggit ang nakikita sa mga mukha nito kundi paghanga. Parang lahat gusto siyang maging kaibiganin, lalo na nang malaman ng mga ito na naging scholar na ng pamilya nila si Precious.Pero wala sa mga classmates ang atensyon niya. Maging sa professor nila ay hindi din siya nakikinig. Patuloy lang siya sa paglalaro ng kanyang ballpen habang lumilipad ang kanyang isip."Huuy!" pukaw ni Precious sa kanya."Huh?....""Ano ba ang iniisip mo at nakatulala ka diyan?""Iniisip ko lang si Finn, gurl... Di ko alam kung paano ko siya kakausapin..." naluluhang sabi niya."Gusto mo, tulungan kita?""Pero magagalit sa’yo si Dad!""Magagalit lang naman siya kung malalaman niya. Ayaw kong makitang ganyan ka.""Pero...""Ako ang bahala." wika nito saka hinawakan ang kamay niya.Hindi na siya nagsalita dahil nakatingin sa kanya si Prof. Pero umaasa siya na sana makapag-usap
Kinabukasan ay maaga siyang nagising para pumasok sa school. Nakasuot siya ng maiksing bulaklaking palda at fitted na puting t-shirt. Hindi na siya bumalik sa pagiging simple, total naman alam na ng buong campus na sya si Lilly Rose Enriquez na anak ng isang mayamang angkan.Nagsuot din siya ng malaking Prada shades para matago ang mamumugto niyang mga mata dahil buong gabi siyang umiyak.Pagbaba niya sa living area ay dumaan siya sa komedor. Andoon ang mga magulang niyang nagbe-breakfast.“Come, honey. Eat your breakfast bago ka pumasok ng school.” aya ng mommy nya pero hindi nito pinansin ang pagse-shades nya. Gets na nito iyon“H-hindi ako gutom, Mom.”“Eat your breakfast, Lilly!” sabat ng Daddy niya.Lihim siyang bumuntong-hininga. Wala siyang nagawa kundi kumain.Konti lang ang kinain niya, para ipakita lang sa mga magulang. May tampo siya sa mga ito pero wala naman siyang magagawa. May punto ang mga magulang niya... sila ang mali ni Finn kaya dapat siya ang magpakumbaba.“Aalis
Hindi nya na napigilang umiyak. Unang pag-ibig niya pero ito pa ang nangyari. Ni hindi man lang sila nagkapag-usap ni Finn ng maayos tungkol sa status nila. They never got a chance to tell each other how much they loved each other.Nakita niyang napayuko din si Finn at pilit na tinatago ang emosyon at lungkot sa mga mata.“Come on, Lilly, let’s go home!” utos ni Daddy nyang malamig ang boses. "Precious, samahan mo siya."Dahan-dahan siyang tumayo. Muling sumulyap kay Finn. Nagkasalubong ang kanilang mga mata... may gusto pa siyang sabihin pero di niya magawa. Ayaw niyang magalit ang Daddy niya sa kanya at kay Finn.Pagdating nila sa kotse ay sumakay siya sa likod, sumunod si Precious. Ang Daddy niya ang nagda-drive habang ang Mommy naman niya ang nasa front seat. Tahimik lang si Daddy habang nagmamaneho. Parang ang bigat ng atmosphere sa loob ng sasakyan.Hinawakan ni Precious ang kamay niya. Hindi sila makapag-usap dahil maririnig ng Mommy at Daddy niya. Pero tama na sa kanyang maram
LILLY'S POV: Sandaling natigilan siya nang makita si Shelie sa opisina ng director. Galit na galit siya sa ginawa nito sa kanya. Hindi niya akalain na aabot sa gano'n ang pagseselos nito sa kanya. "Maupo ka, Ms. Enriquez," wika ng director. Naupo siya doon sa harap nina Shelie. Napagitnaan siya nina Finn at Precious. Nagpapasalamat siya at nandoon ang mga kaibigan niya... especially Finn. Masama ang tingin nina Shelie sa kanya. Hindi din siya nagpatalo. Hindi na siya magpapabully sa mga ito. Makikita ng mga ito kung sino talaga siya. "Ms. Enriquez, sina Shelie ba at ang grupo niya ang nag-bully sa’yo kahapon?" tanong ng director. "Yes po, Director. Inisprayan nila ako sa mukha ng pepper spray at pinukpok sa ulo kaya ako nawalan ng malay. Kung di pa ako nakita ni Finn at Precious doon, baka patay na ako ngayon." diretsahang sabi nya "That’s not true, Director! Nambibintang siya dahil naiinggit siya sa akin! Gawa-gawa nya lang ito para pagtakpan ang kasalan nya. Masama siyang
Habang naghihintay silang mailabas si Lilly ay tumabi si Precious sa kanya sa upuan."Finn?" mahinang sabi nito. "Di ba si Mr. and Mrs. Enriquez 'yan? Ang major stockholder ng school natin?""Sila nga."Nanlaki ang mga mata nito. "Ibig sabihin, anak ni Mr. and Mrs. Enriquez si Lilly?... Mayaman si Lilly?""Oo, Precious. Sadyang mabait lang talaga si Lilly at ayaw niyang malaman ng iba ang totoong pagkatao niya.""Shit! Lagot ngayon ang nag-bully kay Lilly. Siguradong expelled sila! O di kaya makukulong pa!""Dapat lang sa kanila 'yun. Hindi nila dapat ginagawa 'yun kahit pa hindi kay Lilly. Masama ang mam-bully.""Sa tingin mo sino kaya ang gumawa nito?" tanong ni Precious."Pakiramdam ko ay sina Shelie... siya na lang naman ang galit na galit kay Lilly.""’Yun din sa palagay ko. Dapat talaga bigyan ng leksyon ang babaeng ‘yun. Napakasama niya."Natigil ang pag-uusap nila nang lumabas na si Lilly mula sa emergency room. Naka-wheelchair ito, may benda sa ulo, at namumula ang mukha dulo