Share

CHAPTER 651

Author: dyowanabi
last update Last Updated: 2025-04-15 18:41:17

“Anyway bestie, salamat sa pagpahiram ng helicopter niyo. Ang saya dahil nakita ko na naman si Clarkson.”

“Anything for you, bestie.” sagot ni Jonie na halatang namomroblema pa din sa anak.

“We have to go na. Bukas may pasok pa si Clark sa munisipyo, at sasamahan ko siya.”

“Sige bestie, ingat sa pag-uwi.”

Nagpaalam na sila sa mag-asawa. May sarili nang bahay ang mga ito sa building ng Miller Stell Corporation.

“Bakit ka tahimik d'yan, babe?” tanong ni Clark habang nagda-drive pauwi sa mansion.

“Nag-aalala lang ako kay Gray. Habang lumalaki, parang lalo siyang nagiging pasaway.”

“Ganun talaga ang mga bata. Marami silang gustong gawin sa buhay. Saka lalaki ‘yan... makulit talaga ang mga lalaki. Pero mare-realize din nila ang lahat kapag lumaki na. Don’t stress yourself too much.”

Gabi na nang dumating sila sa bahay. Hindi na sila nag-dinner at dumiretso na lang sa kwarto.

Habang naka-upo sa kama, tinawagan niya ang nanay niya at pinaalam na nasa Manila na ulit sila. Ngayon pa lang ay n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (38)
goodnovel comment avatar
Genivive Magallanes Anitojen
𝕒𝕟𝕠 𝕞𝕒𝕟 𝕥𝕠 𝕜𝕦𝕟𝕘 𝕤𝕒𝕒𝕟 𝕡𝕒𝕥𝕒𝕡𝕠𝕤 𝕟𝕒 𝕕𝕚 𝕡𝕒 𝕥𝕦𝕝𝕠𝕪 𝕥𝕦𝕝𝕠𝕪 𝕡𝕒𝕣𝕒 𝕞𝕒𝕥𝕒𝕡𝕠𝕤 𝕟𝕒 𝕥𝕒𝕡𝕠𝕤 𝕟𝕖𝕩𝕥 𝕤𝕥𝕠𝕣𝕚𝕖𝕤 𝕟𝕒𝕞𝕒𝕟 𝕡𝕠 𝕡𝕝𝕫 𝕟𝕖𝕩𝕥 𝕔𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 𝕟𝕒 𝕡𝕠 𝕥𝕚𝕝𝕝 𝕕𝕚 𝕖𝕟𝕕 𝕟𝕒 plz
goodnovel comment avatar
Marjorie Liday Morales
wla prin update
goodnovel comment avatar
Maricel Hermano
more update pa po plsssss plsssss plsssss
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1116

    “Babe…”Sambit ni Madison saka kumapit sa braso niya pero iwinaksi niya iyon.“Paano nangyaring buntis ka, Madison? We haven’t had sex lately?” singhal nya“What do you mean? We have sex countless times! Kanino pa ba ang batang ito, eh ikaw ang boyfriend ko?”“Tama na yan!” sigaw ng dad niya.Napasabunot siya sa kanyang buhok.“Madison… hindi namin pababayaan ang anak niyo ni Clarkson. Tatanggapin namin siya, pero nasa kay Clarkson ang desisyon kung papakasalan ka niya.”“Pero, Gov… masisira ang imahe niyo sa publiko kung hindi ako papakasalan ni Clarkson! Sasabihin nilang iresponsable siyang lalaki at hindi kayang panindigan ang ginawa niya!”“Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Ang importante dito ay kaligayahan ng anak ko. I’ve been there, kinasal na ako dati sa babaeng hindi ko gusto para lang sa pamomolitika. Pero hindi ko ‘yun papayagan na maranasan ng anak ko.”Nakita niyang sumimangot si Madison. Hindi nito inaasahan ang sagot ng daddy niya, na ikinapasalamat niya d

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1115

    Dalawang araw na si Aria sa ospital pero wala pa din itong malay. Nakuhanan na din sila ni Ben ng dugo at sinalin kay Aria pero wala pang magandang balita ang doktor sa kanila. Nasa coma state pa din ang katawan ni Aria.Kasalukuyan silang nasa private room. Hawak niya ang kamay ni Aria habang lumuluha. Nagsisisi siya sa lahat ng mga ginawa niya sa dalaga. Ayaw man niyang aminin pero malaki ang pagkukulang niya. Hindi niya natugunan ang pagmamahal nito. Alam niyang mahal siya ni Aria pero natakot siya... Naging duwag siya.Kung alam lang niyang ito ang mangyayari ay sana pinaglaban niya ang dalaga. Hiniwalayan na niya sana si Madison at inamin sa mga magulang niya na sila talaga ni Aria ang nagmamahalan.Ngayon, paano niya gagawin iyon kung ang pinakamamahal niyang babae ay nag-aagaw-buhay at may posibilidad na hindi na magising ng tuluyan? Awang-awa cya sa mukha nito habang madaming tubo ang nakasaksak sa katawan nito.Lalong bumuhos ang kanyang mga luha. Hindi niya mapigilan, hindi

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1014

    "Sana nga mapanagot ang gumawa nito kay Aria… at sana hindi pa huli ang lahat. Sana ay mabuhay pa si Aria… huhuhuh…" namumugto na ang mga mata ni Mam Fe sa kakaiyak. “Ahm… maiiwan ko po muna kayo. Bibili lang ako ng kape para sa lahat, para sa ganun ay kumalma tayo habang naghihintay kay Doc,” paalam niya. Walang pumasin sa kanya pero umalis pa rin siya. Nang makalabas na sa ospital ay bumalik siya sa kanyang kotse para walang makarinig sa kanya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Vice Gov. Hindi naman nagtagal ay sinagot nito ang telepono. “Hello, Lucio…” mahina ang boses na sabi niya kahit pa alam niyang wala namang makakarinig sa kanya doon. “O bakit, Madison?” “Andito ako sa ospital kung saan dinala si Aria. Andito ang lahat ng pamilya niya, kasama na si Lieutenant Finn. Narinig kong sabi niya na siya ang mangunguna sa pag-iimbestiga sa nangyari kay Aria. Nagtatakot ako baka may makuha siyang ebidensya na makapagtuturo sa iyo na ikaw ang gumawa nun kay Aria.” “Anong

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1013

    Imbes na umuwi sa condo, ay napagdesisyunan niyang sumunod sa ospital kung saan dinala si Aria. Kailangan niya doon magpakita at kunyaring makikisimpatya para hindi siya mapagbintangan.Pagdating niya ay nakita niya agad si Clarkson na paroo't parito sa harap ng emergency room. Si Mam Fe at Gov. Clark Almonte ay nakaupo sa waiting area. Inaaalayan ni Gov. si Mam Fe, halatang habag ito sa kakaiyak. Andoon din si Ben, na kaibigan ni Aria, at mukhang tulala.“G-gov…” tawag pansin niya.Napatingin ang lahat sa kanya. “K-kamusta po si Aria?”“Hindi pa namin alam dahil hindi pa lumabas ang doktor sa emergency room. Sana walang mangyari masama sa kanya.”“Ano nangyari, Madison? Nakita mo ba kung sino ang gumawa nito kay Aria?” tanong ni Ma'am Fe sa kanya“Wala po, hindi ko nakakita, Ma'am. Andon lang ako sa loob habang inaasikaso ang mga bisita.”“Ikaw, Ben… ikaw dapat ang magbabantay kay Aria dahil ikaw ang ka-date niya di ba? Bakit hindi mo man lang alam ang mga nangyari?”Parang nakonsen

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1012

    Ladies and gentlemen and my fellow public servant, my good news ako sa inyo. Bukod sa charity event natin na ito ay may isa pa akong project na sinusulong. Magpapagawa tayo ng tulay sa San Manuel.” anunsyo ng gobernador Nagpalakpakan ang mga tao at masaya ang lahat sa magandang balita ni Gov. “Matagal nang hinaing ng mga taga San Manuel ang hirap dahil sa kanilang sirang tulay... at ngayon ay maisasakatuparan na ang kanilang hinihiling.” dagdag pa nito. “Tulong nga ba 'yan, Gov, o isa na namang pangungurakot?” Napatigil ang lahat sa pagpasok na si Vice Governor Lucio. Ito na ang plano nila... ang paninira kay Governor Clark sa harap ng andoon. Kung hindi niya gagawin ito, siya ang mananagot kay Vice Gov. “What are you talking about, Vice?” nakakunot ang noo ni Gov. “Alam mong hindi ako kurakot, alam niyo 'yan. Wag mo akong pagbintangan, Vice!” galit na sabi ni Gov habang masama ang tingin kay Lucio “Eh ano itong nakikita ko? One Billion sa isang maliit na tulay?” Tinaas pa ni Vi

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1011

    Natigil ang pagsasayaw nila nang nag-stop ang music at pumagitna ang ninong Clark niya para sa welcome remarks.“Excuse me,” sabi niya kay Clarson. Saka dali-daling naglakad papunta sa banyo. Ngayon lang siya natauhan sa ginawa niya. “Bakit siya nakipagsayaw kay Clarkson?”Napatitig siya sa paligid. Hinanap ng mata niya si Ben. May kausap itong magandang babae sa gilid. Hinayaan na niya ang kaibigan.Sandali siyang pumunta sa CR para mag-freshen up. Pero habang papalapit sa CR ay may nakita siyang dalawang anino sa likod ng malaking puno. Habang humahangin ay nakikita niya ang suot ng babae na kulay pula, katulad ng suot ni Madison.Dahan-dahan siyang lumapit para tingnan kung sino ang kausap nito at kailangan pang magtago.“Kailangan mo na gawin ang plano ngayon, Madison. Kung hindi ay ikaw ang mananagot sa akin.”Narinig nya ang boses ni Vice Governor Lucio Salcedo. Ano ang pinag-uusapan ng dalawa?“Naka-ready na. Ngayong gabi ay mapapahiya si Gov. Clark dahil sa kagagawan ng anak-an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status