"Anak!" Narinig niyang sigaw ng nanay niyang nakaupo sa isang sulok. Sa dami ng naiisip niya ay hindi niya napansin na andoon na siya sa fastfood. Dali-dali niyang pinuntahan ang ina at niyakap ito. "Nay! I missed you!" wika niya saka hinalikan ito sa pisngi. 60 na ang nanay niya… late na cya nitong pinanganak, nineteen pa lang siya ngayon. Ang lolo at lola niya ang kasama niya sa Baguio habang ang nanay niya ay nagtatrabaho sa mga Enriquez. "Gutom ka na ba anak? Kumain muna tayo bago bumalik ng mansion." wika nito. Nag order na ito para sa kanila dahil nakalapag na iyon sa lamesa. Alam na nito ang gusto niyang kainin. Excited na umupo siya at sinimulan nang kumain. "Bakit nga pala ako pinatawag ni Mam Jonie, Nay? Usually hindi naman ako 'nun pinapatawag. Kusa lang naman ako pumupunta doon kapag walang klase." "Di ko din alam, anak. Baka may importante lang na sasabihin." "Bilisan mo na ang pagkain nang makauwi na tayo sa mansion. Dala mo ba ang class card mo? Baka titingnan
"Sige na, iha... Utang na loob ko sa’yo kapag napatino mo si Gray. Ang gusto lang namin ay makagraduate siya sa college ng matiwasay. Hindi siya namin nagagawang bantayan ng 24/7. Kung doon ka mag-aaral kasama niya, ay may sasaway sa kanya, at mare-report mo sa amin ang ginagawa niyang kalokohan.""As if naman makikinig siya sa akin, Ma'am!" muling sabi niya."Don’t worry, ako ang bahala. Ang gusto ko lang malaman ay kung payag ka sa plano ko. Utang na loob ko sa’yo to kapag pumayag ka, iha"Ngayon, ang mga Enriquez na ang may utang na loob sa kanya? Gusto niyang matawa."Iha... please?""S-sige po, Ma'am Jonie...." sagot niya. Alangan naman aayaw siya? Ito lang ang hinihiling ni Ma'am Jonie kapalit sa lahat ng mga tulong nito sa kanya at sa nanay niya.Bahala na. Wala siyang magagawa kundi ang mag-adjust.Habang nag-uusap sila, ay pumasok naman si Gray na mukhang kakarating lang.Sandaling siyang natameme dito. Dumating na ang alaga niya.Ngayon niya lang ito natitigan ng malapitan.
GRAY'S POV:Sshhit! Mura niya sa isip habang papasok ng kwarto niya. Nakita na naman niya ang crush niyang anak ng katulong nila.Lihim siyang napangiti. So... Rosabel pala ang pangalan nya? Anak ito ng Yaya Cynthia nya. Paminsan-minsan ay pumupunta ito sa kanila kapag break nito sa school sa Baguio. Pero hindi pa niya ito nakakausap kahit minsan dahil ilag ito sa kanya. Kapag nakikita siya ay agad itong pumapasok sa kwarto o di kaya tumatago.Aaminin niyang nagagandahan siya sa dalaga. Kakaiba ang beauty nito kumpara sa mga babaeng naka-fling niya. Kahit morena ito, ay hindi naman magpapahuli ang ganda nito. Ayon sa mommy niya ay Black American daw ang tatay ni Rosabel, kaya ganoon na lang ang kulay ng skin tone nito.Kapag tinititigan niya ito, naaalala niya ang mga magagandang Black American na sina Beyoncé, Zendaya o Rihanna. Ganoon ang level ng ganda ni Rosabel. Dagdag pa na matangkad ito... mukhang namana sa ama nitong Black American. Payat lang si Rosabel pero mabibilog ang ba
"Tandaan mo ang sinabi ko, Gray! Kapag nalaman ko lang na pinabayaan mo si Rosabel sa school niyo, ay ikaw ang mananagot sa akin!" Matigas na paalala nito saka tumayo at naglakad papunta ng pinto.“And one more thing…” Sandaling tumigil ito at humarap sa kanya. “Samahan mo siya sa Baguio this weekend para kunin ang mga gamit niya doon. Ipag-drive mo siya para hindi na siya mag-bus pa.”“Mom, may practice kami ng basketball sa Sabado!”“Wala akong pakialam. Tatawagan ko lang si Coach at sasabihin na hindi ka makaka-practice. Mas importante ang inuutos ko sa’yo kaysa sa basketball mo. Dapat maging responsable ka na, at responsibilidad mo si Rosabel. Kung ayaw mong sabihin ko kay Coach na tanggalin ka sa team, ay gawin mo ang gusto ko.”Tumahimik siya. Bina-blackmail siya ng sarili niyang nanay. Muli siyang nito'ng tiningnan ng masama saka tuluyan nang lumabas ng kwarto.“Fuck!” sigaw niya saka hinampas ng malakas ang bola na nasa tabi niya.“Bakit ba kasi naisipan ng mommy niya na papun
“Ate, I heard from Mommy na dito ka na daw titira sa amin? Eeiiihhh! I’m very excited! Pwede bang doon ka ma-stay sa kwarto ko?”“Ahm… hindi pwede, Lilly. Baka pagalitan tayo ng Mommy mo… pupuntahan na lang kita doon palagi, okay?”“Okay, Ate… Sabi din pala ni Mommy kukuha ka daw ng mga gamit mo sa Baguio this Saturday? Pwede ba akong sumama?”“No, Lilly, you can’t join us!” agad na sabi niya.“Why, Kuya?”“Mababagot ka lang doon. Saka reklamador ka pa naman.” pagdadahilan niya, pero ang totoo ay gusto niyang masolo si Rosabel.“No, Kuya! Hindi ako mababagot kapag kasama ko si Ate Rosabel. Saka kung ayaw mo akong isama, magpapadrive na lang kami kay Manong Berting. Kami na lang ang pupunta ng Baguio to get her stuff.”“No... ako na ang magdrive” agad na sagot niya.“Sige, pero sasama ako!” may pinal na sagot ng kapatid niyang brat. She hates Lilly. Simula nang pinanganak ito at nahati na ang atensyon ng mga magulang nila sa kanya. Kompetensya ang tingin niya sa kapatid niya. Ngayon ay
“Stop it, kuya. Wag mo takutin si Ate Rosabel. Baka hindi na niya ako samahan next time!” saway ni Lilly sa kapatid. “Kung gusto mo ay maligo ka na lang ulit at sabayan mo kami!” dagdag pa nito.Walang ano-ano’y umalis naman ito. Nakahinga siya ng maluwag nang makaalis na si Gray. Hindi siya komportable sa presensya nito. Bumalik siya kay Lilly.“Lilly, nagalit ata ang kuya mo. Pwede bang umalis na ako? Baka sabihin niya kabago-bago ko dito tapos nagmimihasa na ako...” nag-aalalang wika niya. Alam niya kung saan siya lulugar. Kahit mabait si Lilly sa kanya, ay amo pa rin ito ng nanay niya. Isa lang siyang anak ng katulong doon at wala siyang karapatang makihalubilo sa mga ito. She knows where she stands.“Let him get mad, Ate Rosabel. I get to decide kung sino ang gusto kong kasama maligo dito. As if naman hihigupin mo ang lahat ng tubig nito kung umaasta siya.”“P-pero pwede ba umiwas na lang tayo sa gulo kung pwede? Ayaw ko din naman maligo… pinipilit mo lang ako…” pagsisinungaling
Nagsimula silang lumangoy, paunahan hanggang sa dulo ng pool. Ramdam niyang nauuna na si Gray kaya lalo niyang binilisan ang paglangoy. Hanggang sa hindi na niya maramdaman ang presensya nito sa kanyang likuran. Napangiti siya, akala niya’y naiiwan na si Gray.Ngunit pag-ahon niya sa dulo ng pool, agad napalis ang ngiti sa labi niya nang makita si Gray na naroon na, naghihintay sa kanya."You have to practice more, kid!" wika nito sabay gulo ng kanyang buhok. Tinawag pa talaga siyang "kid"!Napasimangot siya. “Paano mo nagawa ’yon?! Nasa likod lang kita kanina, ah?!” Hindi siya makapaniwalang natalo siya ni Gray. Ayaw na ayaw pa naman niyang natatalo.Pero sa kabila ng pagkatalo, kahit paano’y naging at ease siya rito. Hindi naman pala ito gano’n kasuplado. Konti lang.“Mukhang nagkakasayahan kayo diyan, ah,” narinig nilang sabi ni Tita Jonie na papalapit kasama si Sir Ken.Muntik siyang ma-out of balance pero maagap siyang nahawakan ni Gray sa bewang. Bawas-bawasan ko na nga siguro a
“Thanks, Rosie…” wika nito pagkatapos uminom. “Can I call you Rosie?”“Ah, eh ikaw ang bahala, Sir... kahit ano itawag mo sa akin, okay lang.”“Babe"... pwede? Hahaha.”Tumaas ang kilay niya sa pagka-presko nito. Is he hitting on me? Pero winaksi niya ang mga naiisip. Masyado naman makapal ang mukha niya. Paano siya magugustuhan ni Sir Gray kung anak nga lang siya ng katulong doon?“Ahm, excuse me, Sir. Hinihintay na kasi ni Lilly ang sandwich niya.” paalam niya nang hindi pa din ito umaalis sa harap niya. Wala siyang madaanan. Na-corner siya nito.Binigyan naman siya nito ng konting espayo para makadaan. Bitbit niya ang sandwich at juice ni Lilly nang muli siyang tawagin nito.“Rosabel...” tawag nito. Napalingon siya.“Bukas... may lakad ka ba?”Nagtaka siya. “Wala naman. Bakit?”“Pupunta ako ng school. Gusto mo sumama? Para ma-familiarize ka na sa lugar.”Nagulat siya. Hindi siya nakasagot. Hindi niya inasahan ang paanyayang ’yon. Nagdadalawang-isip pa siya.“Libre kita ng milk tea.
Pagdating sa classroom ay tumahimik ang mga estudyante at nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan."Hi.." nakangiting bati ng katabi niyang babae. "Are you new here?""Oo. Transferee ako.""Ah, ganun ba... I'm Julie, by the way." Ngumiti ito habang nakikipagkilala sa kanya.Nginitian niya din ito pabalik. "Rosabel.." banggit niya sa pangalan niya.Tumahimik na din sila nang dumating ang prof. Pinakilala siya nito sa buong klase dahil transferee siya. Nahiya nga siya dahil panay ang tukso sa kanya lalo na ang mga boys."My boyfriend ka na ba, miss? Pwede ba ako mag-apply?" sigaw ng isang lalaki saka sila tinukso.Yumuko siyang bumalik sa kanyang upuan."Don't mind them, Rosabel. Nagandahan lang ang mga 'yan sa'yo.." pabulong na sabi ni Julia.Tipid siyang ngumiti pero nahihiya pa din siya. Nang mag-umpisa nang magturo ang prof nila, kahit paano ay naging komportable na din siya. Saka tinutulungan siya ni Julia sakaling may mga tanong siya.Nagpapasalamat siya at nakipagkaibi
Dali-dali siyang pumunta ng parking dahil baka andoon na si Gray, pero wala pa pala. Umupo naman siya sa bench saka naghintay ng kaunti. Pero sampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ito. Napagdesisyunan niyang puntahan na ito sa kwarto, baka kasi ma-late na siya.Pagdating niya sa kwarto nito ay kumatok siya. "Kuya Gray?... Kuya Gray?" mahina niyang tawag."Iha!" Nagulat siya nang marinig ang tawag ni Sir Ken sa kanya."G-good morning po, Sir Ken. Tinatawag ko lang si Kuya Gray. Baka kasi ma-late na ako sa school. Sabi niya sabay na daw kami pupunta sa university.""Ganun ba? Ngayon pala ang first day mo, ano?""Opo." Nahihiya siyang makipag-usap kay Sir Ken. Alam niyang mabait ito pero hindi pa din siya komportable sa presensya nito. Amo pa din kasi niya ito kahit pa hindi naman talaga siya ang nagtatrabaho doon na katulong. Binuksan ni Sir Ken ang pinto ng kwarto ni Gray para tingnan ito. Pero nagulat sila nang tulog pa ang lalaki."Naku, tulog pa si Kuya Gray..." komento
Nakayuko siyang lumabas ng CR. Nahihiya siya sa damit niya. Alam niyang bagay sa kanya, pero hindi naman siya lalabas sa publiko na ganoon ang suot. Ang crop top ay halos boobs niya lang ang natatakpan. Ang palda naman ay konti na lang ang galaw niya ay lalabas na ang panty niya.Nang makita siya ni Lilly ay napatili ito. Si Gray naman ay napamalik-mata at napapatulala."Eiiihhhh! Ang ganda at ang sexy mo, ate! Bagay talaga sa’yo maging model. You’re so perfect! ‘Di ba, kuya?""Huh… ah, eh… hmmm…""See? Hindi makapagsalita si kuya sa ganda mo, ate. Mukhang may crush na si kuya sa’yo.""Shut up, Lilly," saway ni Gray.Hindi ito pinansin ni Lilly, saka siya nilapitan at inikutan. "Damn, ate! Total makeover ka diyan?""Ano ba, Lilly. Bihis na ako. Hindi ako komportable sa suot na ito kaya hindi ko ’to isusuot.""Isuot mo ’yan kapag magmo-malling tayo. For sure, pagtitinginan ka ng mga babaeng inggitera."Napasimangot siya. Ayaw niyang pinapansin siya, mahiyain siya.Agad na siyang pumaso
Nagmamadali siyang umakyat ng pangalawang palapag para pumunta sa kwarto ni Lilly. Nakapantulog na siya para diretso tulog na lang sila mamaya.Kumatok siya ng mahina saka pumasok. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Pero nagulat siya pagpasok niya at andoon din si Gray sa kwarto, nakahiga ito sa kama ni Lilly at naglalaro ng bola. Mukhang bagong ligo na din ito dahil naka-sando na puti at shorts na lang ito.Si Lilly naman ay nakaupo sa sahig kasama ang mga paper bag na pinamili nila."Ate, what took you so long? Kanina pa kita hinihintay.""Huh... ah eh, naligo pa kasi ako...""Bakit pala andito ka din, Kuya Gray?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi naman ito pumupunta doon dati."Makikitambay lang ako dito. Masama ba?" wika nito saka siya nginitian ng pagkatamis at kinindatan. Hindi iyon nakita ni Lilly dahil abala ito sa pagbukas ng mga paper bag.Muntik na siyang tumalon sa kilig. Buti na lang ay napigilan niya at naalalang nasa kwa
"Napaka-swerte mo naman talaga, Rosabel. Ang kapal ng mukha mo ha… porket magiliw sa'yo ang mga Enriquez ay ganyan ka na kung umasta dito?"Nagulat siya sa komento ni Mila sa kanya.“Ano ang pinagsasabi mo, Mila?”“Nakatikim ka lang ng atensyon ng mga Enriquez ay akala mo kung sino ka na? Tandaan mo, anak ka lang ng katulong dito… ilagay mo sa lugar ang sarili mo.”Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya maintindihan ang pinupuntok ng butsi nito.“Mila, hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”“Akala mo ba hindi ko nahahalata na nagpapacute ka kay Sir Gray? Ang akala mo ba ay papatulan ka niya? Baka paglaruan pwede!”Lalong nag-init ang tenga niya sa sinabi nito. Sasagutin sana niya si Mila nang dumating ang nanay niya.“Magdala ka nga ng malamig na tubig sa lamesa, anak…” utos ng nanay niya.“O-opo, 'Nay…” wika niya saka muling tumingin kay Mila. Muli cya nitong tinaasan ng kilay.Napailing na lang siya sa lakas ng inggit nito sa katawan. Matagal na si Mila doon nagtatrabaho, at sa kada bis
Nakarating lang sila ng bahay nang magulo ang isip niya. Palaisipan sa kanya ang sinabi ni Gray... Bakit siya nito titikman? Ano ang ibig sabihin nun?Oo nga’t virgin siya pero hindi naman siya inosente sa mga gano'ng bagay.“We're here... anunsyo nito.”Nauna itong bumaba saka inalalayan si Lilly na makababa. Sumunod siya, hinawakan siya nito sa braso para alalayan. Sandali siyang napaigtad, parang napaso siya sa mga hawak ni Gray. Oo nga’t dati pa niya naramdaman 'yon pero ngayon ay mas lalong pinaigting ang kanyang damdamin sa lalaki. Nagkaroon siya ng malisya bigla kay Gray, lalo pa nang makababa na siya at hindi pa nito binitawan agad ang kamay niya. Ang lapit ng katawan nila sa isa’t isa na napakalapit na ng ilong niya sa katawan nito at naamoy niya ang mamahaling pabango ng binata.“Hey guys!” masayang salubong ni Ma'am Jonie sa kanila. Nakasunod dito ang asawang si Sir Ken. Agad siyang binitawan ni Gray at umikot sa compartment para kunin ang mga pinamili.“Hey mom! We're here
Halos dalawang oras din silang tumagal doon sa parlor. Nagpagupit sila ng buhok ni Lilly. Ang boring na mahaba at unat na unat niyang buhok ay pinagupitan at nilagyan ng kulay na ash blond. Si Lilly ang nag-decide ng lahat para sa kanya. Bagay daw 'yun sa morena skin niya.Napapangiti na lang siya minsan sa pagka pala-desisyon ni Lilly sa buhay niya, pero aaminin niyang nagugustuhan nya rin dahil kung siya lang ay wala naman siyang alam sa pagpapaganda.Palihim niyang tinitingnan si Gray mula sa salamin na nakaupo sa waiting area. Ni hindi man lang niya ito nakikitaan ng pagkabagot. Mukhang may nilalaro ito sa cellphone at mukhang aliw na aliw."Ate, ang ganda mo!" Eksaheradong sigaw ni Lilly nang makitang tapos na siyang ayusan.Napayuko siya dahil tumingin din si Gray sa kanya at tila namalikmata."Ano ka ba, Lilly, ang ingay mo, nakakahiya dito sa parlor.""I'm just telling the truth! Di ba, Ate?" tanong ni Lilly sa bakla na nag-ayos sa kanya."Yes ma'am, Lilly, ang ganda niya. Ang
ROSIE'S POV:Bigla siyang natakot nang pagsulpot si Bianca sa restaurant na kinakainan nila. Wala naman siyang ginagawang masama, pero bakit parang guilty siya? Masama ang tingin nito sa kanya na halos kainin siya ng buhay at gusto siyang saktan anumang oras."Pinagtutulungan niyo ba akong magkapatid?" napalakas ang boses ni Bianca kaya natuon ang atensyon ng mga customer sa kanila."You're making a scene, Bianca. Ang mabuti pa ay umalis ka na. Sinasira mo ang pagkain namin dito." pagtaboy ni Gray"You!" sigaw nito sabay turo sa kanya. "Hindi mo alam ang pinapasok mo. Hindi ako pwedeng ipagpalit ni Gray ng ganon-ganon lang!"Nakita niya ang sobrang selos sa mga mata nito. Bakit nga ba sinabi ni Lilly na siya ang bagong nobya ni Gray?!"Wala tayong relasyon, Bianca, kaya pwede akong mag-girlfriend kung sino ang gusto ko." wika ni Gray."You can't do this to me, Gray! Magsisisi ka!" nanlisik ang mata nito saka nagmartsa palabas ng restaurant. Natahimik silang lahat."Lilly, bakit mo nam
"I'm done!" nakangiting wika ni Lilly habang papalapit sa kanila na dala-dala ang mga pinamili."Ang dami naman niyan, Lilly!" reklamo niya."Para sa amin ni Ate Rosabel 'to, kuya! Alam ko kasi ayaw niyang magpabili, kaya binilhan ko na siya.""Ano ka ba, Lilly... Ayaw ko niyan, magagalit sa akin si Nanay!" si Rosie naman ang nagsalita."Hindi 'yun magagalit. Sabihin ko binigay ko sa'yo. Ikaw nga may pasalubong sa akin galing Baguio eh. Dapat meron din akong exchange na bigay sa'yo.""500 pesos lang yung bag na 'yun! Grabe naman ang kapalit ng bigay ko. 50k ata ang price ng balik mo?!" reklamo ni Rosie."Wag ka nang magreklamo, Ate. Nakakainis ka naman eh! Ikaw na nga ang binibigyan eh... hmp!"Nagkatinginan sila ni Rosie at nagngitian. Wala talaga silang panalo kapag si Lilly ang nagdedesisyon. 'Yun ang isa sa ayaw niya sa kapatid, matigas ang ulo nito... lahat ng gusto nito ay ginagawa.Pero ngayong dalawa na sila ni Rosie ang umiintindi kay Lilly kaya ini-enjoy na lang niya ang kat