Price of Desire

Price of Desire

last updateLast Updated : 2025-08-18
By:  Osh shinkaiUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
5views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Dante Matino Cruz is a delivery rider, sweating day and night just to keep food on the table and medicine for his ailing mother. Life is hard, but his pride is harder—no shortcuts, no handouts, no selling himself for money. Celestine Isla Navarro is a CEO who thrives in a world where hesitation means weakness. She’s used to buying what she wants and bending people to her will. But the day she crosses paths with Dante—sun-bronzed, stubborn, and infuriatingly unyielding—something inside her shifts. Her first proposition is reckless: a single night, no strings attached. Dante’s answer? Not for sale. But fate doesn’t end with one rejection. Celestine offers him something else: a job. A dangerous but well-paid position as her personal bodyguard. The money could save his mother, even secure work for his childhood friend, Liza. It’s everything he’s been breaking his back for—served on a silver platter. Now Dante faces a brutal choice: swallow his pride to protect his family, or stand firm against a woman who never takes “no” for an answer. What begins as a battle of wills turns into a dangerous, slow-burning game of temptation. Pride versus desire. Fire against fire. And in this game, someone will surrender. The question is—who will break first?

View More

Chapter 1

Ang unang alok

Mabigat ang kahon sa mga braso ko, parang walang katapusan ang buhangin sa loob nito. Ilang delivery na ba ang nagawa ko ngayong linggo? Hindi ko na mabilang. Pero iisa lang ang direksiyon ng buhay ko—ikot nang ikot, buhat nang buhat, hingal nang hingal. At sa dulo, kulang pa rin.

Ang marmol na pasilyo ng hotel ay makintab, halos kuminang sa liwanag ng malalaking chandelier. Ang paligid ko’y abala: mga waiter na nagmamadali, mga bisita na naka-amerikana at bestida, at mga halakhak na parang galing sa ibang mundo. Sa kanila, normal lang ang marangya. Sa akin, isang tanawin na laging nagpapaalala kung nasaan ako sa buhay.

Ako, pawis ang alahas. Ako, pagod ang puhunan. At lahat ng iyon, para lang may maipambili ng gamot ni Nanay.

Pagkatapos kong ibaba ang kahon sa storage area, narinig ko ang isang tinig mula sa likod ko. Tinig na malamig, matalim, at hindi sanay mabigo.

“Dante Matino Cruz.”

Napalingon ako.

Isang babae. Hindi basta babae—isang presensiya. Nakatayo siya roon na parang siya ang may-ari ng lugar. Ang buhok niya ay maayos na nakalugay, ang pulang bestida niyang suot ay humuhugis sa kanyang katawan, at ang mga mata… Diyos ko, ang mga mata niya. Parang nakikita lahat ng bagay na pilit kong itinatago.

“Celestine Isla Navarro,” pakilala niya, hindi bilang tanong kundi utos—parang dapat kilala ko na siya.

Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko siya makalimutan mula sa unang tingin. Hindi lang siya maganda. May kuryente sa paligid niya. Lakas. Panganib. Tukso.

“May trabaho ako para sa’yo,” diretso niyang sabi.

Napakunot ang noo ko. “Hindi ako binebenta.”

Ngumiti siya, pero hindi iyon ngiti ng inosente. Lumapit siya nang dahan-dahan, at bago ko namalayan, naramdaman ko ang kanyang kamay sa balikat ko. Mainit, magaan, pero may bigat ng awtoridad. Unti-unti, dumulas ang palad niya pababa—mula sa balikat, dumaan sa dibdib ko, hanggang maramdaman kong halos nakapako ako sa kinatatayuan ko.

“May magandang trabaho ako para sa’yo…” bulong niya, may kasamang kagat-labi na parang sinusubok kung hanggang saan ang kaya kong tiisin.

Napasinghap ako. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa paraan ng kanyang paghawak. Para bang sinusukat niya kung gaano kalalim ang kontrol na kaya niyang ipataw.

At bigla siyang tumigil. Tumingala siya, tumitig diretso sa mga mata ko.

“I want you to be my personal bodyguard.”

Natahimik ako. Bodyguard? Marami na akong pinasok na trabaho, pero hindi ko inisip na makakakuha ako ng ganitong klaseng alok.

“Doble ang sweldo,” dagdag niya. “Enough para mabili mo ang gamot ng nanay mo. At higit pa.”

Parang biglang bumigat ang dibdib ko. Doble ang sweldo. Sa isang buwan lang, kaya kong bilhin ang lahat ng reseta ng Nanay. Kaya kong punan ang kulang. Kaya kong siguraduhin na hindi na siya magigising isang umaga na wala nang iniinom.

Napansin ni Celestine ang paminsang pagkibot ng kamay ko. Nakangiti siya, pero hindi iyon ngiti ng mabait—iyon ay ngiti ng isang taong alam na hawak ka na niya.

“At hindi lang iyon,” dagdag niya, tila alam na hindi pa ako kumbinsido. “Yung kaibigan mong si Liza? Pwede ko siyang bigyan ng trabaho sa isa sa mga kumpanya ko. Stable. Regular. With benefits. Hindi na siya maghihintay sa mga rejection letter.”

Nanlaki ang mata ko. Pati si Liza?

Si Liza, ang matalik kong kaibigan mula pa noong bata pa kami. Siya ang lagi kong kasama sa hirap, siya ang nagtutulak sa akin kapag sumusuko na ako. Kung totoo ang sinasabi ni Celestine, hindi lang ako ang matutulungan—pati siya.

Pero alam ko, walang alok na libre. Lagi itong may kapalit.

“Bakit ako?” tanong ko, halos bulong. “Andaming mas magaling, mas may karanasan. Bakit ako?”

Tumawa siya nang mahina. Hindi iyon masayang tawa—iyon ay musika na may halong panunukso. “Kasi hindi ka katulad ng iba. Hindi ka agad natitinag ng presensya ko. At mas gusto ko ang taong may sariling paninindigan, kaysa sa mga sunud-sunuran. Besides…” tumigil siya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. “Your body fits the job perfectly.”

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Hindi ko alam kung insulto ba iyon o papuri, pero malinaw: pinili niya ako.

Natahimik ako ng ilang sandali. Sa isip ko, biglang lumitaw ang imahe ni Nanay—nakahiga, maputla, nanginginig habang hawak ang kamay ko. Laging sinasabi niyang huwag ko na siyang intindihin. Pero paano ko siya hindi iintindihin? Siya lang ang meron ako.

Tapos si Liza—na araw-araw bitbit ang resumé, na paulit-ulit umuuwi ng luhaan. Gusto kong tulungan siya, pero paano, kung ni sarili ko hindi ko maisalba?

“Wala kang ibang choice, Dante,” bulong ni Celestine, na parang binabasa ang iniisip ko. “You need me. And I need you.”

Tama siya. Ang pride ko lang ang natitira. Pero ang pride ba, nakakabili ng gamot? Nakakapagbigay ba ng trabaho sa kaibigan? Nakakapagligtas ba ng buhay?

Huminga ako nang malalim. Kumuyom ang kamao. Pagkatapos ay tumingin ako diretso sa mga mata niya.

“Kailan ako magsisimula?”

Ngumiti siya, mas malalim ngayon, halos mapanukso. “Good boy. Just come here tomorrow. Sabihin mo lang pangalan ko sa receptionist.”

At doon ko naramdaman—nagbago na ang lahat.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status