GRAY'S POV:Gabi na siya nang bumalik sa kanyang suit. Nagkayayaan pa silang mag-bar ni Solen at Peter. Ayaw niya din kasi bumalik kaagad sa suit nila dahil mao-awkward lang sila ni Rosabel doon. At aaminin niya na nahihirapan na din talaga ang bayag niya. Paano niya matiis na hindi mahawakan ang dalaga sa loob ng isang linggo? Hindi naman siya santo para magawa niya iyon!Mabuti na lang at andoon si Peter at Solen. At least may kaibigan siyang kasama. Pero hindi niya din alam kung ikakatuwa niya na andoon si Peter. Pakiramdam kasi niya ay nagpapa-cute ito kay Rosabel. Hindi niya makakalimutan na crush nito noon ang dalaga noong mga college pa sila. Napagbintangan pa nga siyang inagaw niya si Rosabel samantalang nauna siya sa dalaga dahil sa bahay nila ito nakatira.Sa huli ay tumigil na ito sa paglapit kay Rosabel pero hindi niya akalain ngayon na ibabalik na naman nito ang isyu na crush niya ito noon.At itong si Solen naman, pinakilala ang sarili kay Rosabel na ex niya daw! Oo, nag
"Ahm.. I have to go… mauuna na ako sa inyo..." paalam niya nang maubos ang kape niya."Huh? Why?" nagtatakang tanong ni Peter."Kulang kasi ako sa tulog. Kaninang umaga lang ako dumating dito at inaantok pa ako.""Ganun ba… sige. See you again tomorrow, Rosabel." wika ni Peter sa kanya na halatang nagpapa-cute. Na-conscious tuloy siya.Simula nang sinabing crush sya nito dati noong college sila ay nag iba na ang tingin nya kay Peter. Tropa lang ang turing niya sa lalaki pero ang hindi nya alam ay may tinatago pala itong paghanga sa kanya. Kaya pala ganun na lang ito kung makalapit sa kanya.Tumayo na siya at kinuha ang kanyang bag."Use my card." wika ni Gray saka inabot sa kanya ang card key ng suite nila."Iisang room lang kayo?" nagulat na sabi ni Solen."Huh? Ah, eh… nag-request pa ako sa hotel, lilipat ako kapag may vacant room na." paliwanag niya. Ayaw niyang mag-isip si Peter at Solen ng kung anu-ano."No need… we can share in my room. Palagi naman natin ‘yang ginagawa, di ba?
Walang inhibisyon siyang lumapit sa kanilang pwesto ni Gray. Ang babaeng hitad ay nakaupo sa upuan niya."Excuse me... that's my seat.""Ay, sorry ha," sabi nito pero hindi tumayo. Ang kapal ng mukha! "Nagkita na tayo kanina sa elevator, ‘di ba? Ako ang nagtanong sa’yo tungkol kay Gray." nakangiti nitong sabi.Ramdam niyang nakikipagkaibigan sa kanya ang babae pero hindi siya interesado.Nilapag niya ang kape ni Gray sa desk nito, samantalang siya ay nanatiling nakatayo dahil mukhang walang planong tumayo ang babae sa pwesto niya."By the way, Solen, this is Rosabel… our company’s CEO."Medyo kinilig siya nang ipakilala ni Gray na CEO. Ibig bang sabihin nun ay tanggap na nito na siya ang hahawak sa kompanya?"Rosabel, this is Solen. She is managing their family’s construction business. They are based here in Cebu.""And I’m his ex-girlfriend..." mabilis na dugtong ni Solen. "Hi Rosabel… it’s nice to meet you again." Malaki ang ngiti nito sa labi saka inangat ang kamay para makipagkama
Bumukas na ang elevator at kanya-kanya na silang pasok sa loob. Sa pinakalikod siya pumwesto para mapagmasdan ang babaeng nagtanong tungkol kay Gray. Maganda din ito at matangkad. Mestiza at mukhang mayaman base sa pananamit nito at galaw. Mamahalin din ang bag nito at business suit. Alam niya iyon dahil meron din siyang gano'n, ibang kulay nga lang. Morena naman kasi siya at dapat light color ang mga suot niya samantalang ang babae ay mestiza. Kahit anong kulay ay bagay dito. Bigla tuloy siyang na-insecure sa kanyang sarili.Paglabas nila ng elevator ay kanya-kanya na silang hanap ng kanilang mga designated seats. Andoon ang pangalan ni Gray sa tabi ng seat nya bilang silang dalawa ang delegate ng kanilang kompanya pero wala pa doon ang binata. Inaasahan niya na andoon na ang lalaki dahil nauna itong bumaba kesa sa kanya. Palinga-linga siya sa paligid pero sa dami ng tao ay hindi niya makita si Gray.Maya-maya ay nag-umpisa na ang program at nagsi-upuan na ang mga delegates. Hinayaan
ROSABEL'S POV:"Shit! What the hell just happened?" Aasik niya sa sarili habang naliligo. Muntik nang may nangyari sa kanila ni Gray!God knows kung ano ang pagpipigil niya sa tukso ng nasa harap na nya ang lalaki habang wala itong saplot sa katawan kundi ang tuwalyang nakapulupot sa bewang nito.Habang abala ito kanina sa pakikipag-usap kay Ma'am Jonie ay abala din ang mga mata niya sa pagpasada sa katawan ni Gray.Yes, nakita na niya ito dati na nakahubad noong naligo sila sa swimming pool sa mansion kasama si Lilly, but that was 2 years ago, medyo neneng pa siya noon. Ngayong natubuan na siya ng malisya sa katawan at hindi niya mapigilang mag-init. May aircon naman pero bakit init na init siya... Lalo pa't dalawa lang sila doon sa loob ng kwarto. Palihim niyang tinitingnan ang flat nitong tiyan at matigas na abs. May maninipis na balahibo pa sa ilalim ng pusod nito and God knows kung saan ang dugtong ng mga balahibo na 'yon! Bumaba ang mga mata niya at nahagip ang bumubukol na ari
GRAY'S POV:Hindi siya makapaniwala na nasa Cebu din si Rosabel at andoon mismo sa loob ng kwarto niya. Isa ba itong laro? Pinaglalaruan ba siya ng tadhana?At ano itong sinasabi na ito na daw ang bagong CEO ng K.E Builders? Kaya ba umuwi ito ng Pilipinas para agawin sa kanya ang posisyon niya? Tinanggalan ba siya ng posisyon ng sarili niyang mga magulang?Tinalikuran niya si Rosabel na nakaupo lang sa kama. Hinanap niya ang cellphone at tatawagan ang kanyang ina. Kailangan marinig niya mismo sa mommy niya ang sinabi ni Rosabel. Dinayal niya ang number ng ina.Hindi siya makakapayag sa gusto nitong mangyari. Mas magaling ba si Rosabel kaysa sa kanya? Sampal naman ata iyon sa pagmumukha niya! Siya itong anak tapos ibang tao ang mamamahala sa kompanya nila?"Hello, anak... andyan na ba si Rosabel?" bungad nito nang sagutin ang tawag niya."Mom! Is it true na si Rosabel na ang bagong CEO ng kompanya?""Yes, anak.""You can't do this to me, Mom!""Wag mo na kaming kontrahin, Gray. It’s y