Mabilis silang dumiretso sa kotse. Pagpasok nila doon ay nanatili lang silang tahimik. Di pa pinaandar agad ni Gray ang makina... tila nag-iisip pa ito."What do we do now, Gray?""I-i don't know...""Ang mabuti pa ay bumalik muna tayo sa office... wala na tayong magagawa... nangyari na itong lahat. Anyway, it's just one project. Marami pa ang darating." Pag-aalo na niya sa nobyo para hindi naman ito masyadong masaktan sa mga nangyari.Pinaandar na nito ang kotse at pinatakbo... babalik na sila sa opisina.Habang nasa biyahe ay nag-ring ang cellphone niya... si Ma'am Jonie ang tumatawag."S-sasagutin ko ba?" tanong niya kay Gray. Tiningnan nito ang screen ng cellphone niya. Humugot muna ito ng malalim na hininga. Alam nilang mangangamusta ito tungkol sa project."Answer her."Nagdadalawang-isip siyang pindutin ang on button pero alam naman nila pareho na hindi sila titigilan ng mommy nito... Pinindot niya iyonn at sinagot"H-hello, Ma'am Jonie?" Pinindot niya ang speaker mode para ma
Dumating na ang oras ng bidding. Hindi talaga nila makita ang folder kaya nanlulumo si Gray."I can't believe this is happening… Kampante pa naman ako kahapon na okay na ang lahat.""Maybe this is a lesson for you, babe. Hindi ka dapat basta nagtitiwala sa secretary mo na 'yon," sagot niya.Tumigas ang panga ni Gray. "Kapag nalaman ko lang na siya ang may kagagawan ng lahat ng 'to, kakasuhan ko siya!""Paano mo gagawin 'yon kung hindi nga siya sumasagot sa tawag ni Willow?... This is all my fault. Sinisante ko siya," malungkot na sabi niya."No, it's not your fault, babe. It's my fault. Hinaluan ko ng kalokohan ang trabaho. Mom's gonna kill me kapag nalaman niya ang nangyari..." nag-aalalang tugon ni Gray.Pagdating nila sa opisina kung saan gaganapin ang meeting at bidding, nakita nilang naroon na ang mga pamilyar na mukha.... halos lahat ay mga nakasama rin nila sa convention sa Cebu noong nakaraang linggo. Pare-pareho silang kasali sa bidding. May the best company win. Umupo si
Nagising siya kinaumagahan sa tanday ni Lilly sa kanya. Kaya pala hindi siya makahinga dahil ang paa nito ay nasa tiyan niya. Natatawa na lang siya sa dalawang magkapatid na 'to. Kung hindi si Gray ang katabi niya, ay si Lilly naman.Napatingin siya sa orasan... Alas singko na ng umaga. Nauna lang siyang nagising kesa sa alarm niya. Naka-set iyon ng 5:30 ng umaga.Pinili niyang 'wag nang matulog at hintayin na lang ang oras. Napaisip siya tungkol sa bidding na pupuntahan nila mamaya. Hindi pa din siya mapakali kung bakit gusto niyang makita ang gawa ni Gray.Hindi naman sa wala siyang tiwala sa nobyo, pero dahil perfectionist sya na tao ay gusto niya lahat ay nasa tama at nasa ayos. Hindi siya pumupunta gaya ng bidding nang hindi handa. At kailangan niya makita ang lahat ng iyon na nasa maayos.Maya-maya ay narinig niyang nag-alarm na ang cellphone niya. Bumangon agad siya para maligo. Tulog mantika si Lilly, ni hindi man lang ito nagising sa ingay ng alarm niya.Sabagay, mamaya pa na
“Are you okay, babe? Huwag mo nang isipin ang mga pinagsasabi ni Solen… Naiinggit lang ‘yun sa’yo.”“Ano nga palang project ‘yung sinasabi niya?”“’Yung tulay na itatayo ng gobyerno sa Cavite area. It’s a big project. Don’t worry, ready na lahat. Matagal ko na ‘yang inasikaso, nagawa ko na din ang bridge plan and profile design ko for it, and I’m confident tayo ang mananalo sa bidding bukas. Mas malaki naman ang kompanya natin kaysa kina Solen." Confident na sabi ni Gray sa kanya.Hindi niya alam... pero bakit parang may kutob siya na may mali kahit pa sinabi ni Gray na wag cyang mag-aalala.“Kumain ka na...” wika nito sabay lapit ng tinidor na may steak sa bibig niya.She obliged, ngumanga siya para tanggapin ang isinubo nito.“Pwede ko bang makita ‘yung project proposal mo para bukas?” tanong niyang may pag-aalangan.“Why? Wala kang tiwala sa akin?” kunot-noo nitong tanong“Hindi naman sa gano’n… Gusto ko lang makasiguradong mananalo tayo bukas.”“I’ve been doing this for so long,
"Pero natatakot pa rin ako, babe... paano kung malaman nila ang relasyon natin? Pinaghiwalay na nila tayo noon. Hindi kaya hindi pa rin nila matanggap sakaling malaman nila ang relasyon natin? Baka paghiwalayin nila tayo ulit?""Hindi ko na ‘yun papayagan, babe. Pumayag ako noon na ipaglayo tayo kasi ‘yun ang tama. Kailangan nating magtapos sa pag-aaral. Pero ngayon, wala na silang rason para paghiwalayin pa tayo.""Pero mahirap lang ako… anak lang ako ng dating kasambahay nyo. Hindi ako nababagay sa pamilya n’yo.""Hindi matapobre ang pamilya ko, alam mo ‘yan, Rosabel. Tinuring ka nila na parang anak. At saka, hindi ka mahirap... you proved yourself. In a short span of time, naitaguyod mo nang maayos ang pamilya mo. Look at you now, ibang-iba ka na sa Rosabel na nakilala ko two years ago!""Thank you, babe. Sana nga walang maging problema kapag nalaman nila. Pero sana, itago muna natin ito. Hindi pa ako handang malaman nila."Humugot ito ng malalim na hininga. "Sige… papayagan kita s
Abala siya sa pagtatrabaho nang hindi napansin ang oras. Kinatok siya ni Willow sa opisina niya. "Ma'am Rosabel, hindi ka pa ba uuwi? 6 PM na po." "Huh? Ganoon ba?" Marahil ay wala nang tao sa labas ng opisina. Naawa siya kay Willow, naghihintay ito malamang na makauwi na siya para makauwi na rin ito. "Mauna ka na, Willow. Hihintayin ko pa si Sir Gray mo." "Ah, ganoon po ba, Ma'am. Sige po, mag-ingat po kayo sa pag-uwi." Wika nito saka umalis na din. Inayos na niya ang mga papel sa kanyang lamesa at tinawagan si Gray. May date pa sila at baka nakalimutan ng binata na sunduin siya. Habang dina-dial ang telepono ni Gray ay napasimangot siya dahil nakapatay ito. "Di kaya nakalimutan talaga niya akong sunduin?" Nagpasya siyang bumaba na lang ng opisina at doon hintayin ang binata. Kung hindi man siya nito masundo after 30 minutes ay mag-Grab na lang siya pauwi. "Bakit kasi nakapatay ang cellphone nito? Nakakainis naman!" Reklamo niya habang pababa ng opisina. Mag-isa lang siya sa