Pag-uwi niya sa bahay ni Finn ay si Daniel ang naghila ng maleta niya. Nagtatawanan pa sila habang naglalakad. Nagulat siya nang nasa main door si Finn at mukhang hinihintay siya. Agad namang sumeryoso ang mukha niya nang makitang seryoso din ang mukha ni Finn. Nakakatayo na ito pero may saklay lang. Meron pa din itong benda sa ulo. “Bakit ngayon ka lang? Nagpresinta ka pang alagaan ako tapos di mo naman pala papanindigan? Paano pala kung hindi ako kumuha ng nurse, eh di namuti na ang mata ko kakahintay sa’yo?” asik nito sa kanya. Hindi man lang ito nag-“Good evening” o anong bati. Agad siya nitong sininghalan. “Ahm, Finn, pasensya ka na at nagtrabaho pa kasi ako. Galing ako sa boutique,” paliwanag niya. “‘Wag ka na magpaliwanag. Hindi ako interesado,” muling sabi nito. Pasimpleng nagkatinginan lang sila ni Daniel, awang-awa ito sa kanya. “Lilly iha, andito ka na pala?” tawag pansin ni General na papalapit sa kanila. Hindi pa siya tuluyang nakapasok sa main door dahil nakaharan
Kinabukasan ay maaga siyang bumaba sa kanyang kwarto, hila-hila ang kanyang maleta. “Anak, didiretso ka na ba sa bahay nina Finn?” Nakita niya ang mga kanyang magulang na nagkakape sa garden. “Hindi pa po, Dad. Sa office muna ako didiretso. May mahalaga akong gagawin doon. Pagkatapos ng trabaho ay saka na ako pupunta kina Finn.” “Ganoon ba, sige ikaw ang bahala. May bodyguard ka naman na nagbabantay sa’yo palagi. Mag-ingat ka anak, ha.” “Yes, Mom. Uuwi naman ako dito palagi. Konti lang itong damit na dala ko.” Humalik na siya sa kanyang mga magulang saka sumakay sa kanyang kotse. Pero napatingin siya sa kanyang bodyguard dahil bagong mukha ito. “Good morning, Ma’am Lilly.” “Bago ka ba?” “Opo, Ma’am.” “Saan na ‘yung iba?” “Pinull out na po ni General Fajardo. Ako na lang po ang magiging bodyguard mo simula sa araw na ito.” Sabagay, ay okay na din naman siya doon. Sa sobrang dami ng bodyguard niya ay nakakahiya na minsan. Daig pa niya ang isang politiko o di kaya artista. S
Pagdating niya ng bahay ay naroon na ang kanyang mommy at daddy. Ganoon din ang kuya Gray niya at ang ate Rosabel. Mukhang hinihintay talaga siya ng mga ito. “Anak, mabuti naman at dumating ka na. Ikaw na lang ang hinihintay namin para mag-dinner.” Tahimik lang siya at sumunod sa mga ito habang papunta sa dining table. Wala siyang gana makipag-usap sa kanyang pamilya. Marahil ay naramdaman din ng mga ito ang pananahimik niya. “Kamusta ka na, anak?” tanong ng daddy niya nang nag-umpisa na silang kumain. “O-okay naman, Dad,” sagot niya na hindi umaangat ang ulo. Nasa pagkain lang ang atensyon niya. Ayaw niyang makita ng mga ito na malungkot siya. “Bumisita ka ba ulit kay Finn?” ang mommy naman niya ang nagtanong. “Opo. Doon ako galing. Sabi pala ni General na ilalabas na nila si Finn. Ngayon... magpapaalam sana ako na doon muna ako titira kina Finn habang nagpapagaling siya.” Mahina niyang sabi. “Pero anak, hindi ka pa niya kilala. Baka saktan ka lang niya doon. Nakita mo ba kung
Nasaktan siya sa sinabi ni Finn. Umupo na lang siya sa sofa na naroon. Hindi na lang siya nagsalita dahil mukhang wala din naman gana si Finn na kausapin siya ni. Tila bagot na bagot ito na silang dalawa lang ang naroon.Akala niya kanina ay buo na ang loob niyang siya ang manliligaw kay Finn. Hindi niya pala kaya. Ganito pala ang nararamdaman ng lalaking torpe manligaw?Napahinga siya ng maluwag nang bumukas ang pinto at pumasok si Precious kasama si General at Tita Celeste.“Lilly, here’s your coffee…”“T-thanks…” Inabot niya ang binigay na cup ni Precious. Palipat-lipat ito ng tingin sa kanilang dalawa ni Finn.“Iha…” tawag-pansin ni General sa kanya. “Galing pala kami sa opisina ni Doc. Hiningi namin na sa bahay na magpapagaling si Finn. Kukuha na lang kami ng private nurse para sa kanya.”“Ahm Tito, pwede bang ako na lang ang mag-alaga sa kanya? Wag ka na kumuha ng private nurse?” mahinang sabi niya.Ang totoo ay ayaw niyang kumuha ng nurse baka main-love si Finn sa nurse nito.“
Pagkatapos ng konting pagtitipon nila sa kanyang opisina kasama ang mga empleyado ay tinawag niya si Precious.“Yes boss. May kailangan ka?”“Samahan mo ako sa ospital, bibisitahin natin si Finn.”“Sure. Ngayon na ba? Mag-aayos lang ako. Na-miss ko din ang lokong yun.”“Oo, ngayon na.” Hindi pa man sila umaalis ay kinakabahan siya. Parang kinakabahan siyang makikipagkita kay Finn. Hindi niya alam kung naaalala na siya nito o hindi pa din. Parang di pa kaya ng puso niya na muli siyang balewalain ni Finn.Tahimik lang siya habang nasa biyahe. Nakatingin sa labas ng bintana at pinapanood ang mga nadadaanan nilang establisyemento.“Huy, bakit tahimik ka d’yan?” tanong ni Precious.“Kinakabahan kasi ako. Paano kung hindi pa din ako kilala ni Finn?”“Hindi naman ‘yun minamadali, Lilly. May sakit siya. Let’s give him time.”“Pero nasasaktan ako kapag binabalewala niya ako, Precious. Para bang nag-uumpisa na naman kami sa una.”“Kung ‘yun ang mangyayari, why don’t you court him?”“Huh?”“Di b
LILLY’S POV:Pagkagaling sa ospital ay agad siyang naglinis ng katawan. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog. Basta, pag-gising niya ay alas nuwebe na ng umaga.Ganon ba kahaba ang tulog niya buong gabi na tinanghali pa siya ng gising? Ganun ba siya kapag pagod?Hindi pa sana siya magigising kung hindi nag-ring ang telepono niya... Si Precious ang tumatawag.“Hello, Precious…”“Hello, Boss. Nabalitaan ko bumalik ka na ng Pilipinas. Salamat naman at safe kayong lahat.”Nalungkot lang siya nang maalala si Finn na nasa ospital pa din at hindi siya maalala.“Boss, kelan ka ba pupunta ng boutique? Napapabayaan na natin ang pag-opening ng shop mo. Madami nang naghihintay sa opening natin.”Saglit siyang napaisip. Sa tagal ng natengga ang pa-open niya ng kanyang shop ay parang nawalan na ng gana ang mga tao. Aaminin niyang hindi niya kayang mawala ang Lilly Rose sa kanya. Ngayong tapos na ang kaso sa kanila, napakulong na ang dapat makulong at managot ang dapat managot, ay kailan