Nagsimula na silang mag-practice. Nakita niya si Precious na umupo sa bench. Madami din itong mga kasama na nakikinood ng practice. Nilapitan ito nina Shelie at pinansin. Nagiging magkaibigan na din ang mga ito simula noong nangyari kina Shelie at Lilly. Nakapagpatawaran na ang lahat at nakapag-move on... siya na lang ang hindi.Habang nagpa-practice sila ay napatingin siya muli sa gawi ni Precious. May kausap ito sa telepono na biglang ikinasaya nito. Napatingin din ito sa kanya at masayang tinuturo ang cellphone nito. Hindi niya maintindihan ang gusto nitong sabihin. Saka naglalaro kasi siya kaya hindi siya makalapit sa kaibigan. Nang matapos na ang practice ay agad siyang pumunta kay Precious."Finn!" sigaw nito. "Ano ba ang sinisenyas mo kanina? Alam mo namang naglalaro ako," sambit niya saka tinabihan ito sa bench. "Si Lilly tumawag!"Nagulat siya. Hindi siya makapaniwala sa balita ni Precious."Are you sure it's Lilly?""Oo naman... alangan naman hindi ko kilala ang kaibigan
It’s been a month at nagpatuloy siya sa pag-aaral sa school nila. Hanggang ngayon ay wala pa ding balita kay Lilly. Wala din maibigay na information si Precious dahil maging siya ay hindi din kinontact ni Lilly.Simula ng umalis si Lilly ay naging malungkutin na siya. Hindi na siya ang dating Finn na masayahin. Ang gusto niya na lang palagi ay mapag-isa.Kasalukuyan siyang nasa cafeteria at nakaupo lang mag-isa. Nakatingin siya sa kanyang sandwich at juice pero wala siyang ganang kumain.“H-hey Finn...”Napaangat siya ng tingin ng makita si Shelie na lumapit sa kanya. Hindi niya ito pinansin at muling binalik ang tingin sa kanyang lamesa.“C-can I sit?” Muli siyang hindi sumagot pero umupo pa din si Shelie.“Sorry sa nangyari sa inyo ni Lilly. Pakiramdam ko ay malaki ang parte ko sa pag-alis ni Lilly dito. Nakokonsensya ako, Finn...”Tiningnan niya lang ito na blangko ang mukha. Useless na din naman kung magagalit pa siya kay Shelie. Wala na si Lilly. Iniwan na siya nito.“Naiinggit n
Nagmamadali niyang pinaandar ang kotse. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang hinahawakan ang manibela. Ramdam niya ang pagkabog ng dibdib, parang hindi siya makahinga. Paulit-ulit lang ang tumatakbo sa isip niya... aalis si Lilly at iiwan siya.“Please, ‘wag mo akong iwan...” bulong niya habang pinipilit habulin ang oras.Wala na siyang pakialam kung magalit ulit si Tito Ken. Wala na siyang pakialam kahit pa pagbawalan siyang lumapit. Ang mahalaga ngayon ay maabutan niya si Lilly bago ito umalis, bago tuluyang lumipad paalis at baka hindi na bumalik pa.Pagdating niya sa mansion nina Lilly, agad siyang bumaba ng kotse at kinalampag ang gate.“Lilly!!! Lilly, please, lumabas ka! Kausapin mo ako!” halos pasigaw niyang sambit.“Sir Finn, wala na sina Ma’am Lilly dito. Umalis na sila kanina pa papunta ng airport kasama si Sir Ken at Ma’am Jonie,” lumabas ang isang guard.Nanlumo siya sa narinig. Para siyang nauupos na kandila at napaupo na lang sa bangketa.“Okay ka lang ba, Sir Finn?
"Basta sundin mo ang gusto ko. Bukas na bukas ay babalik ka na sa school, pero layuan mo si Lilly!""Yes, Dad..." nakayukong sabi niya. Hindi niya alam kung magagawa niya iyon pero kailangan niyang magkunwari sa ama para makampante ito.Di bale, kapag hindi na mainit ang lahat ay gagawa siya ng paraan para makapag-usap ulit sila ni Lilly. Hindi siya papayag na maghiwalay sila. Kahit pa itago nila ang kanilang relasyon para hindi malaman ng pamilya nito at pamilya niya, ay okay lang sa kanya... ang importante ay silang dalawa... na nagkakaintindihan sila.Nang umalis na ng kwarto ang Daddy nya ay kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Lilly, pero nakapatay pa din ang cellphone nito. Ilang araw na siyang tumatawag at nagmemessage sa dalaga pero walang sagot... patay palagi ang cellphone nito.Di bale, bukas ay magkikita naman sila. Magpapatulong siya kay Precious na makausap ulit si Lilly. Siguradong tutulungan siya nito.********Kinabukasan ay maaga siyang nagising, pupunta siya ng
“I have something to tell you, gurl..." nag-aalangang sabi nya kay Precious. "W-wala pa kaming pormal na relasyon ni Finn.”“Huh? Ano ang ibig mong sabihin?”“Nagkasundo lang kami na magpanggap na magiging mag-boyfriend at girlfriend para hindi na siya kulitin ng mga babaeng naghahabol sa kanya... at sa parte ko naman ay para i-reto niya ako sa pinsan niyang crush ko noon pa si Peter... Pero habang tumatagal sa pagpapanggap namin ay unti-unti na akong naiinlove sa kanya.”“What?”“S-Sinabi niya sa akin na hindi pa man kami magkakilala ng personal ay crush na niya ako... Palagi na daw akong inaabangan sa school... sinabi nay yan sa akin kahapon habang nsa library kami”“That explains why! Naalala mo ba, kahit saan tayo ay andoon din siya, kahit na iba naman ang course niya? Matagal na pala siyang may gusto sa’yo?”“T-That’s what he said yesterday... Kaya lalong bumibigat ang puso kong umalis at iwan siya dahil nalaman ko na parehas pala kami ng nararamdaman.”“Wag kang mag-alala gurl,
Kinabukasan ay hindi na siya pinaasok ng daddy niya sa school. Inaayos na daw nito ang pag-transfer niya. Sa America sila pupunta. May bahay din sila doon at may negosyo.Sa kwarto lang siya nakahiga at walang ganang gumalaw. Yakap-yakap niya pa din si Tweinkle. Pakiramdam niya ay iyon na lang ang kakampi niya.Maya-maya ay may kumatok sa kwarto niya. Hindi siya sumagot pero kusa iyong bumukas at pumasok doon ang ate Rosabel at kuya Gray niya. Hindi niya pinansin ang mga ito.“Lilly… are you okay?” tanong ni ate Rosabel saka umupo sa ulunan niya saka hinimas siya sa buhok. Hindi pa siya naliligo. Simula nang magising siya kaninang umaga ay hindi pa siya umaalis doon.“Ang sabi ni daddy Ken, sa America ka na daw mag-aaral?”Muli, hindi siya sumagot. She doesn't want to explain to everybody. Wala din naman siyang magagawa kahit mag-explain pa siya. Ang daddy pa din niya ang masusunod.“I told you he is not good for you! Binalaan na kitang hindi ka pwedeng mag-nobyo pero sinuway mo si da