Share

Chapter 3

“Hoy! Ano ang ginagawa mo d’yan? Para kang sira panay dapa mo sa damuhan, sino ba iyang iniiwasan mo?” 

Pakiramdam ni Olivia ay lumipad ang kaluluwa niya sa gulat. Naiinis na hinarap niya si Mariz at sinenyasan itong manahimik. Hinila niya ang kasama para makapagtago din ito sa malabong na mga dahon na harden ng mga Andrade. 

Nagtatakang napatignin si Mariz sa kan’ya. “Anong trip mo, Inday?” Sumilip na rin ito sa taong kanina pa iniiwasan ni Via. 

“Huwag ka ngang maingay, ang laki ng bunganga mo, mabibisto tayo rito, e,” iritable nitong saad. 

“Sino nga iyang iniiwasan mo? Si sir Grayson ba? Bakit panay tanaw mo sa kan’ya? May gusto ka ba anak ni madam?!” Windang na tanong nito. Nanlaki ang mga mata nito sabay hawak sa dibdib.

Hinampas ni Via ang kaibigan. “Gaga! Wala akong gusto sa manyak na iyan! Naiinis ako at ayaw kong makita ang lalakeng iyan!” Asik ni Via. 

Naiinis ang dalaga sa bagong dating na anak ng madam nila. Sa pagkakaalam niya ay galing itong Amerika at umuwi lang dahil namatay ang Don Sergio nila. Umusbong muli ang inis niya nang maalala ang nangyari kagabi. Naiinis din siya sa sarili niya dahil nakiliti siya sa ginawa nito. Wala naman itong ginawa pero nang dumikit ang matigas na bagay sa likod niya ay libo-libong boltahe ang dumaloy sa kaugatan niya. Namasa pa ang panty niya!

“Anong ayaw mong makita? Ikaw nga itong panay tingin d’yan kay sir Gray, e.” Pambabara nito.

Natigilan si Via doon. Oo nga, may punto ito. Pero kasi ayaw niyang makita siya ng lalake dahil may nagawa siyang kasalanan dito kagabi. Hindi naman niya iyon sinasadya pero nangyari pa rin. At alam niyang hinahanap siya nito para pagbayarin ang kasalanan niya. 

Nagbuga ng isang buntong-hininga si Via at sumalampak sa bermuda grass sa harden. 

Mula sa kinaroroonan nila ay tanan nila ang gazebo kung saan nag-aalmusal ang madam nila pati na rin ang anak nito. Nandoon din ang senyorito Diego at Javier nila. 

“Kanina ka pa hinahanap ni manang Rosy. Hindi ka raw niya mahagilap simula kaninang madaling-araw. May ipapagawa yata iyon sa’yo.” 

Napakamot si Via sa ulo niya kahit na hindi naman iyon makati. Siguradong malilintikan siya sa mayordomo ng mansyon kapag hindi siya nagpapakita rito. Sa kabilang banda, malilintikan din siya sa bunsong anak ng madam nila kapag nagkita sila nito. Hindi niya alam kung ano ang gagawin o kanino matatakot. Sa nanay Rosy niya ba o sa senyorito Grayson nila. 

“Maalala kaya niya ako kapag nagkita kami?” wala sa sarili na tanong ni Via.

“Ha? Sino?” 

Bumaling siya sa kaibigan ay pilit na ngumiti sabay na iling sa ulo niya. “Wala. Sige, pupuntahan ko na si manang Rosy. Magagalit na naman iyon kapag hindi ako nakita.” 

Sa halip na dumaan sa tamang daanan patungong kusina ng mansyon ay gumapang si Via hanggang sa makalabas ito sa hardin, at matulin na tumakbo papasok sa likurang bahagi ng mansyon. Hindi p’wedeng makita siya ng Grayson na iyon, lagot siya ‘pag nagkataon. Paparusahan siya nito panigurado. 

Natagpuan ni Via si manang Rosy sa kusina. Nandoon din ang ibang kasamahan niyang mga katulong sa mansyon, hindi magkandaugaga ang mga ito sa gawain sa kusina. Napakunot ang noo ni Via. 

Anong meron? Tanong niya sa sarili.

Kinalabit niya ang isang kasama na si Nita, “Ate Nitz, anong meron? Bakit ang busy n’yo?” inosenteng tanong ni Via.

Bumaling ang may edad na ginang. Nasa edad kwarenta na ang ginang at marami nang puting buhok kahit na hindi pa naman ito ganoon katanda. Nguimiti ito ng mabait kay Via, “Nako, nandito ka na pala, Via, kanina ka pa hinahanap ni manang Rosy,” natatawa nitong saad. 

Hindi pa man nakasagot si Via ay may humampas na sa balikat niya. 

“Olivia! Ikaw talagang bata ka! Kanina pa kita hinahanap! Saan ka na naman nagsususot? Oras ng trabaho kung ano-ano ang  inaatupag mo! Nako, ikaw talaga!” 

Isang pinong kurot sa tagiliran ang naani ni Via sa pagiging pasaway. 

Napangiwi si Via sa masakit na kurot ng babaeng itinuring na niyang pangalawang nanay. Si manang Rosy kasi ang tumatayong ina niya simula noong namatay ang nanay niya. Ina ito ng kan’yang step-father. Kahit na hindi siya nito totoong apo ay itinuring pa rin siya nito na parang kadugo. 

“Aray po, ‘nay!” hiyaw ni Via. Kahit hindi naman masyadong masakit ang pagkurot nito! Gusto niya lang mag-drama ng todo.

Hinampas pa siya nito sa dala nitong dahon ng tanglad, at tumama iyon sa mukha ni Via. 

Nagtawanan ang mga nasa kusina. Si Via ay napanguso na lang. Siya kasi ang pinakabunso sa lahat ng tauhan sa mansyon. Isang taon na siyang nagtatrabaho bilang tagalinis dahil tinulungan siya ni manang Rosy na makapasok. Kailangan niya kasing huminto muna sa pag-aaral dahil unang-una, wala silang panggatos, at pangalawang dahilan ay dahil may sakit sa puso ang kapatid niyang si Rosalyn. Kailangan niyang magtrabaho para may panggamot dito. 

“Naglilinis lang ng hardin iyong tao, e.” Ngumuso si Via, nagpapaawa. 

Mas lalong natawa si aling Nita. Alam ng lahat na hindi totoo iyon, dahil may hardinero naman na siyang naglilinis araw-araw sa hardin. 

“Aba’t, nagsinungaling ka pa! Hindi ka sa hardin nakatuka!” naiinis na saad ni manang Rosy. “Simula sa araw na ito ay ikaw na ang maglilinis sa silid ni senyorito Grayson. Araw-araw mong lilinisin iyon at papalitan ang kobre-kama at kurtina.”

“Po?!” Gulat na tanong ni Via. Napaayos ito ng tayo at nanlaki ang mga mata. “Ako po?” Tinuro pa nito ang sarili para siguraduhin na tama siya ng pagkakarinig. 

“Sino ba ang kausap ko? Ano pa ang hinihintay mo? Maglinis ka na doon habang wala pa sa silid si senyorito Grayson. Umayos ka, Oliva, huwag mo akong ipahiya kay madam Patricia.” 

Halos gumapang na si Olivia habang tinatahak ang pasilyo patungo sa silid na inukupa ng bunsong anak ng amo nila. 

“Lord, kunin n’yo na po ako.” Ang laki ng problema niya. Pinagsisishan niya naman ang ginawa niya kagabi. Alam niyang lasing iyong tao pero nagawa niya pa rin ang karumadumal na krimen na iyon. 

Nang makita niya ang pinto ng silid ng lalake ay gustong maiyak ni Via. 

Pagkatapos ng araw na ito, sigurado wala na siyang trabaho. 

Pero kaagad din na umayos siya ng tayo nang maalala ang sinabi ni manang Rosy na wala pa sa silid ang lalake dahil nag-almusal pa ito sa gazebo kasama ang ina at mga kapatid. 

Isang ideya ang bigla niyang naisip. Magmamadali siya sa paglilinis sa silid nito bago pa man ito makabalik, at araw-araw ay hihintayin niyang wala ito sa loob bago siya maglilinis. 

Napangiti si Via. “Ang talino mo talaga, Olivia.” Tinapik niya pa ang sariling balikat. 

Kumaripas siya nang takbo at walang katok na pumasok sa loob ng silid. Malakas ang loob niya dahil alam niyang walang ibang tao roon. Nasa gazebo pa ang manyak na lalaking iyon kaya safe pa siya. Ipingako ni Via sa sarili na hindi siya nito mahuhuli hanggang sa makaalis ito pabalik ng ibang bansa. 

Ini-lock ni Via ang pinto para masigurong walang makakapasok habang nasa loob siya. Bibilisan niya ang paglilinis at aalis na walang bakas. 

Uunahin ni Via ang pagpapalit ng kobre-kama. Malaki ang silid nito, may munting sala at ang may silid pa sa loob ng silid na ito, nandoon ang kama. 

Sa isipang siya lang ang tanging tao sa loob ng silid na iyon ay walang sabi na binuksan ni Via ang pinto pero ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita ang lalakeng kanina niya pa iniiwasan. 

Umawang ang bibig ni Via. Gulat na gulat siya na hindi niya magawang makapagsalita. Kahit na ang lalake ay bakas din sa mukha nito ang pagkagulat. 

Kumalat ang kulay pula sa buong mukha ni Via nang matanto niyang hubo’t hubad pala ang lalake na nakahiga sa kama nito. 

Nakabuka ang dalawa nitong binti habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa ari nitong walang buhay. Maririnig ang mga ungol at d***g mula sa palabas ng pinapanuod nito sa flat screen TV na nakadikit sa pader.

Bumaba ang mga mata nit Via at kitang-kita niya malaki nitong ari. Kahit na malambot iyon at walang buhay ay malaki pa rin. 

“Who the fuck are you?!” Namumula ang mukha nitong hinila ang isang kumot para pagtakpan ang kahubadan. Dumagundong ang boses nito sa loob ng silid. Parang leon na galit na galit. 

“Diyos ko! Ano iyong nakita ko! Sorry po, sir! Hindi ko po alam na nandito po kayo! Maglilinis lang sana ako ng silid ninyo!” Naiiyak na depensa ni Via. Sa puntong iyon ay alam niyang katapusan niya na. 

Nagmamadaling bumangon ang lalake at lumapit sa kan’ya. Napaatras ng mabilis si Via. Natatakot siya sa mukha nito. Nanlilisik ang mga mata ang namumula ang mukha at leeg. 

“Don’t you know how to knock?!” Hinila nito ang isang braso ni Via. 

“Senyorito, huwag po!” Ipinikit ni Via ang mga mata. Wala na, patay na ako! Sigaw ng isip niya. Lamay ko na bukas.

Pero naudlot ang paghila nito sa kan’ya. Natahimik ito bigla. 

Nang ibuka ni Via ang mga mata ay sinalubong siya ng matitiim nitong mga mata. 

Yumuko ito ng bahagya at inamoy ang leeg niya. Napapikit pa ang mga mata nito habang walang habas na inamoy siya. 

Nakagat ni Via ang sariling labi. Kakaibang kuryente ang dumaloy sa katawan niya nang magdikit ang kanilang mga balat. 

Nang magtagpo muli ang mga mata nila ay nag-aalab na ang mga mata nito. 

“It’s you. You’re the woman from last night.” Hindi iyon isang tanong. 

Double dead na ako. Sa puntong iyon, alam ni Via na wala na siyang kawala. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ambisyosa22
masyadong makati ang itlog mo Niu kasora mahilig pumasok sa bawal at bawal butas
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status