[SIX MONTHS LATER]
Hindi magkanda-ugaga sina Sister Marie at Hazel sa pagsasaway sa mga batang pinupupog ako ng yakap at halik. Wala akong pakialam kahit na marumihan ang suot kong damit, magulo ang pagkakatali ng aking buhok, at dumikit ang mga pawisan nilang balat sa aking katawan.
Mahal ko ang mga batang ito. Ang mga batang lumaki at nasa pangangalaga nila Sister Marie at Hazel dito sa Devine Mercy Orphanage.
"Mga bata, tama na muna yan at sabay-sabay nating buksan ang mga regalong dala ni Ate Ryza para sa inyong lahat." Nakangiting sigaw ni Sister Marie.
Mabilis na nagsilapitan ang mga bata sa kanya kaya lumapit na rin ako at ang iba pang mga madre na narito rin. Sa nakalipas na taon simula ng manirahan kami ni Mama sa New York ay ngayon na lang ulit ako nakadalaw dito sa Devine Mercy Orphanage. Malapit sa puso ko ang bahay ampunan na ito dahil ayon kay Mama, halos dito na rin siya lumaki at tumira bago siya ampunin ng mag asawang sina Divina at Alfonzo Reyes.
Pero kahit na abala ako sa New York bilang isang modelo ay hindi ako pumalya sa pagbibigay ng tulong at mumunting regalo para sa mga bata sa lahat ng okasyon. And now that I am finally back, sisiguraduhin kong babawi ako sa kanila at bibigyan sila ng oras upang makasama.
"Kumusta ka na?" tanong sa akin ni Sister Hazel, ang pinakamatandang madre at head ng bahay ampunan. "Palagi ka naming pinapanood sa TV sa tuwing may fashion show ka. Nagsisigawan pa nga ang mga batang yan kapag nakikita ka nilang naglalakad sa gitna ng mahabang intablado."
I couldn't help but feel shy when Sister Hazel told me that with amusement and pride. Sa kabila kasi ng lahat ng nangyari ay ramdam ko pa rin ang paghanga at suporta nila sa akin.
"Ganoon pa rin naman po Sister," nahihiyang sagot ko. "Wala naman pong nagbago."
"Kuu ang batang ito talaga!" Masuyo niyang pinanggigilan ang magkabila kong pisngi saka hinawi ang hibla ng buhok kong kumawala sa pagkakatali. "Kung nabubuhay lang ang Mama mo ngayon, malamang na ipinagmamalaki ka niya. Saksi ako sa kabutihan ng puso nyong mag-ina kaya naman kahit na ano pang balita ang ilabas ng media ay hindi ko pinaniniwalaan."
Hinawakan niya ako sa kamay at hinila paupo sa sementong upuan sa balkonahe ng bahay ampunan. Habang nakatanaw kami sa mga batang masasayang nagbubukas ng mga regalo at naglalaro ay patuloy naman si Sister Hazel sa masyang pagkukwento. And finally, sa gitna ng sunud-sunod at rumaragasang pagbabatikos sa akin, nahanap ko ang pahinga at kalma sa tulong nila. Sa loob halos ng pitong taon, ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganito. Iyong pakiramdam na para bang ang gaang-gaang ng lahat.
Matapos kasi ang eskandalong kinasangkutan ko sa New York ay mas lalong naging maingay ang aking pangalan. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na magpahinga tulad ng hinihiling ko kay Mommy Vicky.
Sunud-sunod ang endorsement, fashion show at interview na dumating sa akin. Sa kagustuhan kong makalimutan ng lahat ang nangyari ay wala akong pinalampas na kahit na isa sa mga trabahong binibigay sa akin ni Mommy Vicky. Patuloy na namayagpag ang aking karera at mas kinilala pa sa industriyang kinabibilangan ko. Parang naging daan lang ang eskandalong kinasangkutan ko upang mas umangat pa.
Ngunit matapos ang anim na buwang walang tigil sa pagrampa, sa wakas ay nagkaroon na ako ng pagkakataong magpahinga. Isang linggo bago ako lumipad pabalik dito sa Pilipinas ay nag file na ako resignation letter sa Spectrum. Hindi ko 'yon pinaalam kay Mommy Vicky at sa mismong may-ari ng agency ako nagsabi. Pero kalaunan ay nalaman niya rin, kaya naman ang pag tanggap ng ahensya sa resignation ko ay naka-hold pa hanggang ngayon.
Ganoon pa man, walang sino man ang nakapigil sa akin na bumalik dito sa Pilipinas. Pati ang abo ni Mama ay dito ko rin tuluyang inilibing katabi ng puntod ng mga magulang niya. Sigurado naman ako na matutuwa siya dahil finally… nakauwi na siya.
"Alam mo, sana ay magpang-abot kayo rito ni Ruther sa susunod na pagdalaw n'yo."
Muling nabaling ang atensyon ko kay Sister Hazel. "Sino po 'yon?" tanong ko.
"Hindi mo pa ba nakilala si Ruther?” Umiling lang ako. “Isa rin ang batang 'yon na madalas bumisita rito sa ampunan. Kinagigiliwan nga rin ng mga bata rito sa tuwing dumadalaw siya. Pero ngayon, medyo madalang ang pagpunta niya at minsan na lang sa isang buwan dahil sobrang abala sa trabaho."
Marami pang sinabi si Sister Hazel about kay Ruther pero wala na roon ang atensyon ko. Dumating na rin kasi si Mommy Vicky sakay ng puting Honda CRV at sinusundo na ako upang umuwi. Dalawang linggo pa lang kasi simula ng bumalik ako rito sa Pilipinas ay bigla na lang sumulpot si Mommy Vicky sa Casa del Rio, ang Condo na tinitirahan ko.
Sumunod siya sa akin dito upang patuloy na hikayatin ako pabalik sa New York at muling pumirma ng kontrata sa Spectrum. But sad to say... wala na talaga akong balak.
"Mauna na po ako Sister. Pag may pagkakataon ay babalik po ako rito para bisitahin ulit kayo at ang mga bata." Tumayo na ako at nagmano sa kanya. Nagpaalam na rin ako sa mga bata at niyakap sila isa-isa bago sumakay sa sasakyan kung saan lulan si Mommy Vicky.
"Did you have fun?"
I look at Mommy Vicky. Kapapasok ko lang sa sasakyan at 'yon kaagad ang ibinungad niya sa akin.
"Of course..." sagot ko saka ngumiti. "In a world full of stress, those children are my simple happiness," giit ko pa.
"That's good."
He seemed grumpy. The way he talked and asked me was unusual. Kalimitan kasi ay nagtititili ang baklang yan sa tuwing nagkikita kami matapos ang isang buong araw na hindi kami magkasama.
"Plano kong bumalik ulit dito bukas-"
"No!" he yields.
Nagulat ako at agad na napalingon sa kanya. "What's wrong with you?"
"Sorry, pagod lang ako." He sighs. "Anyway, may pupuntahan tayo bukas. Hindi ka pwedeng tumanggi dahil naka oo na ako. At isa pa, pinagbigyan naman kita sa gusto mo kaya sana ay ako naman ang pagbigyan mo."
"Where?" wala sa loob na tanong ko.
"La Roché." Napapangiting sagot niya naman. "The Ford's son Robert is soon-to-be-married so they gonna throw a bachelors party for him."
"At La Roché?" nagtatakang tanong ko na tinanguan niya lang. "Such a... oh well, are they French? Spanish? Or something? And why would they invite us? Hindi ko naman sila kilala-"
"Earth to Ryza heler!" Tinaasan niya ako ng kilay. "Mag-iisang buwan ka na rito sa Pilipinas, sa tingin mo ba walang nakakakilala sa'yo rito? Oo nga't mas sikat ka sa ibang bansa lalo na sa New York, pero sa Pilipinas kapa rin lumaki at ipinanganak kaya naman pag lapag mo palang sa Airport alam na ng mga kababayan natin na narito na ang binansagang Seductress Supermodel of all time. Humahanap lang din ako ng tyempo dahil ultimo ang President ng Pilipinas ay gusto kang maimbita at makita para ipakilala sa lahat!"
Maang na nakatingin lang ako sa kanya. Imposibleng makilala ako rito lalo na ang mga may sinasabi sa buhay at malalaking tao sa lipunan. Isa pa, nag-iingat ako na hindi masundan o makita man lang ng mga reporters. Kaya nga ako bumalik dito dahil gusto ko na ng tahimik na buhay.
"Anyway, dadalo rin ang CEO ng Men's Magazine at ng YPM and they want to see you." He smiled sweetly at me before he continued. "Bigatin din ang mga 'yon, kaya naman pupunta tayo sa ayaw at sa gusto mo. Mabuti na rin na iniimbitahan tayo sa mga ganitong events para sa exposure mo at nang kumita ka kahit papaano, hanggang sa matauhan ka at bumalik sa New York."
Napabuntong hininga na lang ako. Mahigpit naman siguro ang siguridad sa La Roché- whatever. And knowing Mommy Vicky, walang hinihindian yan lalo na pag usaping salapi.
"Fine!" pag sang-ayon ko na lang. "Pero hindi tayo magtatagal doon."
PAGKARATING namin sa Casa del Rio ay dire-diretso akong pumasok sa Hotel. Wala akong ideya na may dalawang reporters sa lobby na nag aabang lang ng kung sino mang celebrity na magagawi sa Hotel kaya naman nagulat at sinalakay din ako ng takot.
Sunud-sunod na nagkislapan ang mga camera nila ng makita at marinig nila ang pangalan ko sa receptionist. Gustuhin ko mang tumakbo upang makasakay kaagad sa elevator ay hindi ko magawa. Nagitgit ako sa pinakadesk ng receptionist habang ang dalawang security guards ay pilit na sinasaway ang dalawang reporters.
"Miss Ryza, are you staying here for good?" tanong nang isang reporter.
"Miss Ryza, how's the New York Fashion Show?"
Mommy Vicky doesn't inform me about these media reporters who are waiting here in the lobby. I didn't have any bodyguards with me. I thought it wasn't necessary anymore. Isa pa, wala naman sila kanina nang umalis ako upang bumisita sa bahay ampunan.
"Miss Ryza, what can you say about the rumors that you got involved in six months ago at Soho Grand Hotel?"
I bit my lower lip, refusing to answer any questions. Napayuko ako ng sunud-sunod at muli na namang nagkislapan ang camera. This time, hindi na lang dalawang reporters ang kumukuha ng larawan ko kun'di pati ang mga lumalabas at pumapasok sa hotel.
Nahihirapan na rin ang dalawang security guards na sawayin sila. Ang isang receptionist ay lumapit na rin sa akin upang pigilan ang paglapit ng mga tao sa akin, habang ang isa naman ay halos mag panic na habang may kausap sa telepono.
"Please lang ho, 'wag ho kayong magtulakan! Pakiusap po, paraanin natin si Miss Ryza!" sigaw ng receptionist sa harap ko habang nakadipa ang mga kamay.
Nagitgit kami hanggang sa gilid kung saan malapit na sa may hagdan. Nang nakakita ako ng pagkakataon ay akmang lulusot na sana ako upang doon na lang dumaan. But to my horror, someone grabbed my arm and pulled me hard. I closed my eyes tightly as I thought I was going to fall... thought wrong.
Ilang minuto yata akong nakapikit at hinihintay ang pagbagsak sa lapag pero hindi nangyari. Naramdaman kong umangat ang mga paa ko at parang nakalutang ang katawan sa ere. I feel comfortable and safe in this kind of position, but how?
"You can open your eyes now."
Nang dahil sa buong-buo at tila kay lamig na boses na 'yon ay napamulat ako ng mata. Only to find out that I was in a stranger's arms.
Marahan niya akong inilapag at inalalayan ng muntik na akong ma-out of balance. Sunud-sunod pa rin ang pagkikislapan ng kamera pero hindi tulad kanina na nagigitgit ako. Nasa ika-apat na baytang na ako ng hagdan at sa baba naman ay ang dalawang security guards at receptionist na hinaharangan ang mga reporters.
"Use the stairs to escape..." The guy said while looking at me with a stern face. "No need to say thank you, I won't accept it, especially coming from a woman like you."
I didn't have a chance to say a word because he turned his back on me already after he said that. But though he doesn't need my "thank you" I still owe him one. Tulad niya, ayaw ko rin magkaroon ng utang na loob sa iba, lalo na sa kanya. Kaya naman nang nasa huling baytang na siya ng hagdan ay lakas loob na akong nagsalita.
"As much as I don't want to say thank you, I also don't want to be indebted to a stranger like you. So you don't have a choice but to accept it… Merci!"
Huminto siya pero hindi siya lumingon. At bago pa mangyari 'yon kahit hindi naman ako sure kung lilingon ba siya o hindi na ay tumalikod na ako at nagmamadaling umakyat sa hagdan. At least, quits na kami!
Pagkapasok ko sa condo, naligo kaagad ako at kusang ibinagsak ang katawan sa kama upang matulog. I didn't bother wearing short and shirt, just a piece of underwear was enough. It was a tiring day and I felt like my whole body ached so I fell asleep fast.
The next day, I woke up so early because of the doorbell. Kaagad akong nagsuot ng robe at inayos ang sarili kahit na mukha akong sabog bago binuksan ang pinto.
"What happened to you?" Daryl, my cousin stared at me with his usual face... like no emotions at all. Asawa lang niya ang nakakapagpangiti sa kanya, the rest deadma. "Natutulog ka pa ba? You look like a zombie from The Walking Dead movie."
"Is that the new way of saying good morning?" I rolled my eyes and ignored everything he said. Ganyan lang yan pero alam kong concern lang siya sa akin. "Anyway..." I pulled him and hugged him tight. "...I miss you, kuya."
Bago ko pa siya pakawalan ay sunud-sunod na flash ng camera ang nagpabalikwas sa akin. Huling-huli sa akto na nakayakap ako sa kanya. Kung tutuusin ay wala namang mali, pero iba-iba ang perception ng tao lalo na pag dating sa akin.
Kaagad ko siyang hinila papasok sa loob. But before I closed the door and went inside my unit, I caught a glimpse of a pair of dark brown eyes looking at me. A kind of look that accuses me as if I had done something wrong. And again, I tremble. Now I remember, I had seen those eyes six months ago at the Soho Grand Hotel in New York City. Same eyes and, the same look… but I am not sure if they are with the same person.
But why?
*****
When was the last time I ate streets food?Second day ko sa public school na 'to at hindi pa rin ako masaya. Bukod sa I'm not happy, I feel alone pa. I don't have friends. My classmates finds me masungit and maarte just because I was from a private school before. Girl's rolled their eyes on me, while boys keeps on talking about me. Like kung may boyfriend na raw ba ako. First momol, like what the heck was that?! And if I prepared lights on or lights off."This school drains me real quick," I murmured while staring at the two girls enjoying their foods on a plastic cup.Kanina pa kumakalam ang tiyan ko pero tinitiis ko na lang dahil itinatabi ko ang natitirang fifteen pesos ko para pamasahe pauwi. Napapagod na akong maglakad araw-araw papunta sa school at pauwi sa amin kaya kahit gutom pa ako ay lunok laway na lang.As usual, lutang na naman si Mommy kung kaya't wala na namang sinaing. Ubos na rin ang stocks namin kaya hindi ako makapag luto sa umaga. Kaya naman ang five hundred pesos
[[FLASH BACK]] BAKIT PA KASI KAMI LUMIPAT NG BAHAY?Okay lang naman na kila Tita Divina kami tumira. At least doon ay komportable at may sasakyan pa. Edi sana ay palagi kaming magkasabay ni Kuya Daryl sa pagpasok sa eskwela. And I thought were rich? Sabi ni Mommy ay sa exclusive school na for girls niya ako pag-aaralin this year, pero hindi pala. Sa public school lang din pala ang bagsak ko, at kung kailan naman last semester na ay saka pa ako naisipang i-transfer ni Mommy.I was so spoiled when we were still living in Tita Divina's house. Ni hindi nga ako pinadadapuan ng kahit na anong insekto. Sa klase rin kasi ng work ko - I mean career, dapat makinis at laging fresh. Well, at my age, I am proud to say that I am a model. Hindi 'yong model na rumarampa sa stage at nag gi-guest sa malalaking event. Pero model ako ng baby blush cosmetic na tinodo push ni Mommy para lang ako ang mapili.Pati nga sanitary napkin ay minodel ko na rin, kahit hindi pa naman ako nag kaka-menstruation duri
"I'm sorry about that-""And I thought walang cannibal sa pamilya nyo?" putol ko sa kanya sabay ngisi. "Anyway, it's okay. I deserved that slap. I know Suzane was still mad at me-""How'd you know my cousin?" agap niya sa akin na ikinagulat ko. Nadala ako sa sitwasyon at nawala sa isip ko na sa harap ni Ruther ay nagpapanggap pala akong walang maalala. "Akala ko ba wala kang masyadong maalala? At sa dami ng tao na pwede mong maalala ay ang pinsan ko pa talaga?"Hindi ako nakapagsalita kaagad at tila nabingi. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko lalo na nang halos malunod na ako sa lalim ng tingin niya sa akin. Para bang lalabas na ang puso ko mula sa dibdib ko kaya naman wala sa loob na napahawak ako roon.Dumako naman ang mga mata ni Ruther sa kamay kong nakahawak sa dibdib ko. Ang kaninang malalim at madilim niyang tingin sa akin ay biglang nag iba. Naging malamlam iyon na para bang nag-aalala."Are you okay?" he asked me. "You look pale. Tell me, may masakit ba sayo?"Sunod-sunod akong
"Are you sure you gonna be okay here?"I look at Kuya Daryl. He seemed so concerned and worried about me. Dati pa naman ay ganyan na siya. Mabait sa lahat. Maawain. At palaging kalmado.Gusto ko sanang umiling at kumapit sa kamay niya. Gusto kong sabihin na 'wag niya akong iwan sa mala-palasyong bahay na ito. But when I looked at Ruther... his cold brown eyes were staring at me like he would kill me if I made a move."She'll be fine..." Si Ruther na ang sumagot. "She'll be safe here with me-""You sure about that?" putol naman ni Kuya Daryl saka maingat na hinawakan ang kaliwang braso ko. "The last time I checked, Ryza was hospitalized because of you."Bago pa magkainitan si Kuya Daryl at Ruther ay pumagitna na si Asia. Sinabunutan niya si Ruther at piningot pa sa tenga."Umayos kang bakulaw ka! Kapag may nangyari sa nag-iisa kong hipag babatihin ko talaga yang itlog mo!""Salbahe ka talagang babae ka!" singhal naman ni Ruther kay Asia habang hawak ang taenga niyang piningot. "Nakaram
"Answer me!" I was frustrated. They were just looking at me as if I said something funny. Na para bang tinubuan ako ng isa pang ulo. "Sino kayo? Nasaan ako? Am I at the Hospital? Why what happened?" sunud-sunod ko pang tanong. "Anyare sayo?" tanong naman sa akin ng babae. Hindi ko alam kung saan, kailan at paano, pero pakiramdam ko ay nakita ko na siya. "K-drama lang ang peg? My Amnesia Girl ganern?" Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinagsasabi niya. Wala akong Amnesia! Malakas pa ako sa kalabaw kaya paanong magkakasakit ako at may amnesia pa nga."Ryza..." Nilingon ko ang lalaking ngayon ay nagtataka ng nakatitig sa akin. "Are you alright? Tell me, ano ang nararamdaman mo?"Sunod-sunod ang tanong niya sa akin. Yong mga mata niya, hindi ko maintindihan kung awa, lungkot, pagtataka o galit ba ang naroon. Iba-ibang emosyon na minsan ko na ring nakita. Tama! Nakita ko na siya!"I remember you..." halos pabulong na sabi ko saka napayuko. Bigla akong nakadama ng hiy
"I CAN'T..."Halos manlumo ako ng dahil sa binitawan niyang salita. Nangliliit ako sa aking sarili. Why would I tell him that anyway? That I want him? Nadala lang siguro ako ng sitwasyon ngayon. Idagdag pa na parang napakaguwapo niya sa paningin ko ngayon.But he said, he can't... why? I mean... ayaw niya ba? Sawa na ba siya? Or maybe... he is still the same guy I knew. Heartless. Arrogant. The cold and annoying asshole."W-why?" I stammered as I asked him. "You can't because you don't want to, or you can't because you just can't?""No, that's not what I mean-""Then what?!" putol ko sa kanya. "Tell me, ano ba talagang plano mo sa akin? Ang gawin akong sex slave mo? Ano ba tayo? Ano bang meron sa atin? Please pakisagot naman kasi ang hirap ng manghula. Ayaw kong mag assume."Ang tagal niyang nakatitig lang sa akin at ganoon din ako sa kanya. I'm still waiting for his answer but he never heard him a thing. Mapait na napangisi na lang ako sa aking sarili. As I expected... I lose.Nang