Se connecterHelena Cardenas POV
“D-Don Isagani... ano po ang ginagawa ninyo rito?”
Halos alas-siyete na ng gabi nang pumasok kami sa Gani's Superstore.
Kasama ko si Don Isagani, ang kanyang abogado na si Atty. Vanruth Amores, ilang miyembro ng security team, at dalawang pulis na nakasibilyan.
Hindi kami naroon upang mamili.
Hindi rin iyon simpleng pagbisita.
Naroon kami upang bawiin ang negosyong ninakaw sa kanya.
Pagpasok pa lamang namin sa supermarket ay agad na napansin ng mga empleyado ang matandang lalaki.
Napatigil ang ilan sa pag-aayos ng paninda.
May mga nagbulungan.
"Si... si Don Isagani ba 'yan?"
"Hindi ba may sakit na siya?"
"Akala ko hindi na siya lumalabas ng mansiyon."
Unti-unting kumalat ang balita sa buong tindahan.
Maging ang mga customer ay napapalingon.
Maya-maya pa ay nagmamadaling bumaba mula sa ikalawang palapag si Nato Enriquez.
Halata ang pagkabigla sa mukha nito.
Nanlaki ang kanyang mga mata.
Halos mawalan siya ng kulay.
“D-Don Isagani...”
Piliting ngumiti siya.
“Ano pong ginagawa ninyo rito?”
Matagal na tinitigan siya ng matanda.
Mabigat ang katahimikan.
Pagkatapos ay malamig siyang nagsalita.
“Akala mo ba patay na ako?”
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nato.
Agad siyang nagpawis.
“H-Hindi naman po sa ganoon…”
“Nagulat lang po ako.”
“Talaga lang ba?” malamig na tanong ni Don Isagani.
“Opo.”
“Kung ganoon…”
“Bakit parang multo ang tingin mo sa akin?”
Hindi makasagot si Nato.
Kitang-kita ko ang panginginig ng kanyang mga kamay.
“Pero... ano po ba ang sadya ninyo rito?” pilit niyang ibinalik ang kumpiyansa sa kanyang boses.
Napangisi si Don Isagani.
“May kapal ka pa talagang magtanong.”
Unti-unti siyang lumapit kay Nato.
“Baka nakakalimutan mo…”
“AKO pa rin ang may-ari ng kumpanyang ito!”
Umalingawngaw ang kanyang sigaw sa buong supermarket.
Natahimik ang lahat.
Huminto ang mga cashier sa pag-scan ng mga produkto.
Ang mga saleslady ay hindi na makagalaw.
Pati ang mga customer ay nakatingin lamang sa aming direksiyon.
Maging ako ay kinilabutan sa awtoridad na taglay ni Don Isagani.
Ngayon ko lamang nakita ang dating negosyanteng kinatatakutan at iginagalang ng buong Bayan ng Perlas.
Hindi ang matandang mahina at tahimik na nakilala ko sa mansiyon.
Kundi ang leon na matagal na natulog...
At ngayon ay nagising.
“Don... may hindi po kayo naiintindihan—”
“Tumahimik ka!”
Napaatras si Nato.
“Limang taon kitang pinagkatiwalaan.”
“Limang taon kitang itinuring na parang sarili kong anak.”
“At ito ang isinukli mo sa akin?”
Hindi pa rin makatingin nang diretso si Nato.
“Magkakaroon ng malaking pagbabago simula ngayong gabi.”
“Akala mo ba habang nakaratay ako sa bahay ay wala na akong alam?”
Mabagal na umiling si Don Isagani.
“Matagal na kitang pinasusubaybayan.”
Nanlaki ang mga mata ni Nato.
“Alam ko ang lahat.”
“Ang pagnanakaw mo.”
“Ang pamemeke mo ng mga dokumento.”
“Ang paglipat mo ng pera ng kumpanya sa sarili mong account.”
“Hindi po totoo iyan!” halos pasigaw na depensa ni Nato.
“Ginawa ko ang lahat para lumago ang negosyong ito!”
Napahalakhak si Don Isagani.
Ang halakhak niyang iyon ay puno ng pangungutya.
“Siguro nga.”
“Pero para sa sarili mong interes.”
Isa-isa niyang itinuro ang mga kasalanan nito.
“Nakapagpatayo ka ng mansion.”
“Bumili ka ng mamahaling sasakyan.”
“Nagkaroon ka ng mga resort.”
“Mga condominium.”
“Mga lupain.”
“At higit sa lahat…”
“Napakarami mong babae.”
Napayuko ang ilang empleyado.
Mukhang alam na nila ang mga lihim ng kanilang boss.
“Don... huwag ninyo naman po akong pagbintangan.”
“Pagbintangan?”
Tumawa muli ang matanda.
“Helena.”
Napalingon ako.
“Dalhin mo rito ang mga dokumento.”
Tahimik kong iniabot ang makapal na folder.
Nandoon ang lahat ng ebidensiyang pinaghirapan naming tipunin.
Mga bank records.
Mga duplicate checks.
Mga pekeng board resolutions.
Mga forged signatures.
At higit sa lahat…
Mga dokumentong nagsasabing inilipat ni Nato ang pagmamay-ari ng kumpanya sa sarili niyang pangalan gamit ang pekeng papeles.
Binuksan iyon ni Don Isagani.
Isa-isang inilabas ang mga dokumento.
Pagkatapos...
Isinaboy niya ang mga iyon sa mukha ni Nato.
Lumipad ang mga papel sa hangin.
Nagkalat ang mga ito sa sahig.
Tahimik ang buong supermarket.
Walang kahit isang salitang maririnig.
“Basahin mo!”
sigaw ni Don Isagani.
“Basahin mo ang mga kasinungalingang ginawa mo!”
Nanginginig ang mga kamay ni Nato habang pinupulot ang mga papel.
Ngunit wala siyang masabi.
Dahil alam niyang totoo ang lahat.
Lumapit si Atty. Vanruth Amores.
“Mr. Nato Enriquez.”
“Batay sa mga dokumentong ito, ikaw ay pormal naming sinasampahan ng kasong E****a, Qualified Theft, Falsification of Public Documents, at Corporate Fraud.”
Namutla si Nato.
“H-Hindi…”
“Hindi maaari…”
“May karapatan din akong magpaliwanag!”
“Magpaliwanag ka sa korte,” malamig na sagot ng abogado.
Sa sandaling iyon ay lumapit ang dalawang pulis.
“Mr. Nato Enriquez.”
“Inaaresto ka namin.”
Mabilis na umatras si Nato.
“Hindi!”
“Hindi ninyo puwedeng gawin ito!”
“Akin ang kumpanyang ito!”
Mabilis siyang hinawakan ng dalawang pulis.
Nagpumiglas siya.
“Bitawan ninyo ako!”
“Ako ang boss ninyo!”
Ngunit walang empleyadong lumapit upang tulungan siya.
Sa halip...
Tahimik lamang silang nanood.
Marahil ay matagal na rin nilang alam ang mga ginagawa nito.
O baka sila man ay naging biktima rin.
Habang hinihila siya ng mga pulis, huminto si Don Isagani sa kanyang harapan.
Matigas ang kanyang mga mata.
“Lahat ng ninakaw mo…”
“Bawat sentimo…”
“Bawat ari-arian…”
“Bawat lupang ipinundar mo gamit ang pera ng kumpanya…”
“Babawiin ko.”
Napalunok si Nato.
“At wala akong iiwang kahit isang singkong hindi ko mababawi.”
Napayuko ito.
Akala ko tapos na ang lahat.
Ngunit mas lumalim pa ang boses ni Don Isagani.
“At ang pamilya mo…”
“Hindi ko sila gagalawin kung wala silang kasalanan.”
“Pero kung mapapatunayang nakinabang sila sa perang ninakaw mo…”
“Mananagot din sila sa batas.”
Hindi na nakapagsalita si Nato.
Tuluyan na siyang inilabas ng mga pulis habang nakaposas.
Habang papalayo siya ay nagsimula nang magbulungan ang mga empleyado.
May iba na napaluha.
May ilan na tila nakahinga nang maluwag.
Isang matandang cashier ang marahang lumapit kay Don Isagani.
“Don…”
“Maraming salamat po.”
“Akala namin… hindi na kayo babalik.”
Ngumiti ang matanda.
“Masyado ko itong minahal para pabayaang tuluyang masira.”
Palakpakan ang biglang umalingawngaw sa loob ng supermarket.
Isa-isang pumalakpak ang mga empleyado.
Hanggang sa sumabay na rin ang mga customer.
Hindi para kay Nato.
Kundi para sa tunay na may-ari na muling lumaban para sa negosyong kanyang pinaghirapan.
Tahimik ko lamang pinanood ang lahat.
Ngayon ko lamang nakita ang totoong pagkatao ni Don Isagani.
Akala ko isa na lamang siyang matandang naghihintay sa nalalabing panahon ng kanyang buhay.
Nagkamali ako.
Isa pa rin siyang mahusay na negosyante.
Matalino.
Mapagmasid.
At higit sa lahat...
Hindi siya sumusuko.
Naghintay lamang siya ng tamang pagkakataon upang ibagsak ang mga taong nagtaksil sa kanya.
Napangiti ako.
Marahil ay ito rin ang itinadhana ng Diyos para sa akin.
Kung naibalik ni Don Isagani ang negosyong ninakaw sa kanya...
Baka isang araw...
Mabawi ko rin ang pinakamahalagang ninakaw sa akin.
Ang aking kambal.
Sina Andrew at Andreia.
At sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang limang taong pagdurusa...
Naramdaman kong hindi na imposible ang hustisyang matagal kong ipinagdarasal.
Chapter 29Helena's POVHabang naglalakad ako papunta sa sasakyan ko, muli kong nakita ang pangalan ni Migo sa cellphone ko.May natanggap na naman akong message mula sa kanya.Pagkatapos ay mga missed calls.Hindi ko ulit pinansin.Bahala siya.Kung gusto niya akong kausapin, dapat ay ipaliwanag niya muna kung bakit niya ako iniwan nang ganoon. Hindi ako iyong babaeng basta-basta na lamang tatanggap ng kahit anong dahilan dahil lang mahal ko ang isang tao.At oo, kahit hindi ko pa aminin sa sarili ko, alam kong may nararamdaman na ako para sa kanya.Pero hindi ibig sabihin noon ay maaari niya na akong saktan.Habang nagmamaneho ako, napansin kong may sumusunod na sasakyan sa akin.Sa una ay hindi ko iyon pinansin. Marahil nagkataon lamang na pareho kami ng dinaraanan. Ngunit nang lumiko ako at nakita kong lumiko rin ito, nagsimula na akong maghinala.Tiningnan kong mabuti ang pickup at ang plate number.Si Migo nga!Natunton niya ako.At ang galing niya, ha!Napailing ako habang mahi
Chapter 28 Helena’s POV“Helena, puede ba tayong magkita? I missed you so much.”Ilang ulit nang nagmensahe sa akin si Migo. Paulit-ulit ang mga message niya, at sa bawat pagkakataon na nakikita ko ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko, may kung anong kumikirot sa dibdib ko.Marahil nakagawa na siya ng excuse para ipaliwanag kung bakit bigla na lang niya akong iniwan sa restaurant noong nagde-date kami. Pero sa totoo lang, hindi ko na alam kung paniniwalaan ko pa ba siya.Kitang-kita ko na sakay na sakay niya si Cielo sa sasakyan niya.Hindi ko alam kung saan sila umabot.O baka nga sa kama pa.Napapikit ako at napailing sa sarili kong naiisip. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano, pero hindi ko rin naman maiiwasang maghinala. After everything I had been through, it was difficult to trust someone without questioning his intentions.Pero pagkatapos, hindi man lang siya nagpaliwanag kung bakit. Ano ba naman iyong isang mensahe? Kahit isang simpleng text lang sana para malaman kong may
continuation, Just BelieveKinabukasan.“Wow naman! Ang breakfast natin, pangmaharlika!”Napangiti ako nang makita ang nakahandang almusal sa mesa. May mainit na sinangag, pritong itlog, longganisa, sariwang prutas, at mainit na kape. Mayroon ding mga bagong lutong tinapay na talagang nakakatakam sa bango pa lamang.Pagkatapos, humalik ako sa pisngi ni Nay Leticia.“Thank you po, Nay! Ang swerte talaga namin sa inyo.”Natawa rin si Don Isagani habang inaayos ang kanyang upuan.“Mukhang dito mauubos ang pera natin, Helena.”Napatawa ako.“Hindi naman po siguro. Baka nga po dumami pa ang pera ninyo dahil sa pagluluto ni Nay Letty.”“Talaga ba? Eh, di dapat dagdagan natin ang budget niya sa kusina!”“Kuya naman!” natatawang saway ni Nanay Leticia.Masaya akong pinagmamasdan silang dalawa. Sa simpleng almusal na iyon, naramdaman ko ang isang bagay na matagal ko nang hinahanap—ang pakiramdam na kabilang ako sa isang pamilya.Walang sigawan. Walang takot. Walang kailangang magtago ng luha.
Chapter 27Helena’s POVPumasok si Nanay Leticia sa kuwarto. Gaya ng dati, napakalambing niyang babae.Para talaga siyang ina para sa akin. Sa tuwing nararamdaman kong nag-iisa ako sa mundong ito, palagi siyang nandiyan upang ipaalala sa akin na mayroon pa ring mga taong handang umunawa, magmahal, at tumanggap sa akin nang walang hinihinging kapalit.Tiningnan niya ang silid ko.May magandang atmospera, mabango, at napakalinis. Para kang nasa isang mamahaling hotel. Maaliwalas ang kuwarto, malambot ang kama, at may banayad na halimuyak ng mga bulaklak na nagmumula sa maliit na plorera sa ibabaw ng mesa.Ngumiti siya.“Helena, okay ka lang ba?”“Ha?”Napansin niyang may bigat sa mga balikat ko. Marahil ay hindi ko naitago ang pagod at lungkot na kanina ko pa pilit na ikinukubli.“Ay, opo. Napagod lang po ako. Ang dami po kasing tao sa city hall.”Lumapit siya at marahang hinaplos ang aking balikat.“Okay ka na ba dito kay Kuya?”Tumingin ako sa kanya at pagkatapos ay lumapit pa. Hindi
Chapter 26Migo’s POV“Migo!” sigaw ng babae na mula sa likuran ko.Pamilyar na pamilyar iyon sa akin dahil kilalang-kilala ko ang kanyang tunay na pagkatao.At gaya ng kanyang ama, napakatuso rin niya.Kahit saan ako magpunta, parang lagi siyang sumusunod.Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon, pero tila wala siyang balak na basta na lamang mawala sa buhay ko.Huminga ako nang malalim bago ko siya hinarap.“Meeting someone?”“Yes, I have a date.”Pranka kong tugon sa kanya.Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa.Gusto kong maintindihan niyang tapos na ang lahat sa pagitan namin.“Sino?”Sigaw pa siya.Pero hindi ko siya sinagot.Hindi ko kailangang ipaliwanag sa kanya kung sino ang kasama ko.Hindi ko rin kailangang humingi ng permiso sa kanya kung sino ang gusto kong makasama.“Stop making a scene.”“Hindi ka na ba talaga nahihiya, Cielo?”“Sa lahat na lang ba talaga ng lugar?”Napatingin siya sa akin na para bang hindi niya matanggap ang mga sinasabi ko.Pero wala na akong pakialam.
Chapter 25Helena’s POVNaiinis ako.At sa totoo lang, kapag may nakikita akong nakakalapit kay Migo, selos na selos ako.Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kalakas ang selos ko sa kanya. Siguro dahil alam kong hindi ordinaryong lalaki si Migo. Maraming nakakakilala sa kanya, maraming humahanga sa kanya, at hindi maiiwasan na may mga babaeng gustong mapalapit sa kanya.Pero paano ko sasabihin sa babaeng iyon?“Hoy, malandi ka! Tigilan mo na iyang si Migo dahil may nobya na siya ngayon at ako iyon!”Kung nasabi ko lang sana iyon nang diretso sa mukha niya.Pero hindi ko naman magawa.Hindi ako ganoon.Kahit gusto kong ipakita sa kanya na may karapatan ako kay Migo, alam kong wala akong karapatang magwala dahil lamang sa selos.Pero ang totoo, gusto kong gawin iyon. Hindi pa ngayon. Kaya umatras ako.Napukpok ko pa man din ang busina ng kotse habang iniisip kung ano ang ginagawa niya ngayon kay Migo.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nakita ko kanina.Si Cielo.Ang paraan ng







