Nang Magtago Ang Langit, Powerless Billionaire
ANG NAWAWALANG TAGAPAGMANA
“I'm sorry, Alessandra… mayroon kang breast cancer.”
Sa isang iglap, gumuho ang mundo ni Alessandra Perez, isang ulilang buong buhay na naghahangad ng pamilyang magmamahal sa kanya.
Akala niya ay natagpuan na niya ang kanyang tahanan nang pakasalan niya ang bilyonaryong si Maximus Craig. Ngunit isang malupit na kasunduan sa negosyo ang nagpilit kay Maximus na iwan ang babaeng pinakamamahal niya. Sa halip na protektahan si Alessandra, ang paghihiwalay nila ang nagdala sa kanya sa matinding pagdurusa.
Iniwan, minamaliit, at nag-iisa, hinarap ni Alessandra ang kanyang karamdaman hanggang sa mawalan siya ng pag-asa.
Ngunit bago tuluyang sumuko, isang misteryosong lalaki ang dumating upang iligtas siya. Ginastos niya ang kanyang kayamanan para sa pagpapagamot ni Alessandra at itinuring itong parang sariling anak.
Hanggang sa mabunyag ang isang nakakagulat na katotohanan.
Si Alessandra ay hindi isang ordinaryong ulila.
Siya ang nawawalang tagapagmana ng makapangyarihang Pamilyang Montealto, at ang anak ni Rosalind Castillo, isang babaeng inakalang patay na.
Ngunit sino ang nagnakaw sa kanya?
At bakit kailangang burahin ang kanyang pagkatao?
Nang muling magtagpo sina Alessandra at Maximus, muling nagliyab ang pag-ibig.
Ngunit sapat ba ang pag-ibig upang talunin ang pagtataksil, lihim, at kamatayan?