Chapter 10Migo’s POVKinabukasan, naghanda na ako sa pagpasok sa opisina.Nakaalis na rin ang mga bata para pumasok sa eskwelahan.Pagpunta ko sa dining, wala si Mama, na karaniwang nag-aasikaso sa akin at sumasabay sa pagkain. Sanay ako na bago ako umalis ay makikita ko muna siya. Minsan ay kinukulit pa niya ako tungkol sa pagkain ko, kung sapat ba ang kinain ko o kung nagmamadali na naman ako.Pero ngayong umaga, tahimik ang dining area.“Nasaan ang Mama?” tanong ko sa isang kasambahay.“Hindi pa po lumalabas, señorito.”“Ha?” Tiningnan ko ang relo ko. Pasado alas-nuwebe na ng umaga.Napuyat si Mama o masama ang pakiramdam?Hindi iyon normal para sa kanya. Kahit gaano pa siya kapagod, maaga siyang bumabangon. Lalo na kapag alam niyang papasok ang mga bata sa eskwelahan. Siya mismo ang nag-aasikaso sa mga gamit ng kambal.Tumayo ako para tingnan ang kalagayan niya.Pagpasok ko sa kwarto niya, agad kong nakita si Mama na nakahiga. May ice pack siya sa kanyang noo.“Ma, bakit? May lag
Last Updated : 2026-08-10 Read more