Mag-log in"Ako ba ang may sala? Nasaan ang katawan ng asawa ko? Patay na ba talaga siya?" Tatlong tanong na tuluyang sumira sa buhay ni Helena. Nang misteryosong mawala ang kanyang asawang si Emilio Cardenas, siya agad ang itinurong salarin. Sa kabila ng kawalan ng bangkay at matibay na ebidensya, nahatulan siyang mamuhay sa likod ng rehas. Mas masakit pa rito, sapilitang inagaw ng makapangyarihang biyenan niyang si Doña Engrasia ang kanyang kambal na anak at tuluyang binura ang kanyang karapatan bilang ina. Pagkalipas ng limang taon, lumaya si Helena matapos mapawalang-sala. Ngunit wala na siyang tahanan, pamilya, o yaman—tanging pag-asang mabawi ang kanyang mga anak at mahanap ang katotohanang matagal na itinago. Sa Bayan ng Perlas, sa tulong ng isang matapat na kaibigan, ni Nanay Leticia, at ng maimpluwensyang si Don Isagani, sinimulan niyang buuin muli ang kanyang buhay. Doon din niya muling nakatagpo si Migo Cardenas, ang nag-iisang miyembro ng pamilya na naniwalang inosente siya. Habang lumalalim ang kanilang pagmamahalan, unti-unti ring nabubunyag ang isang madilim na lihim na kayang wasakin ang buong angkan ng Cardenas.
view more"Pumasok ka na! Ang arte-arte mo pa, mamatay-tao ka naman!"
Kasabay ng malakas na sigaw ng isang pulis ay marahas niya akong itinulak papasok sa madilim na selda.
Napasubsob ako sa malamig at maruming sementadong sahig. Kumalat ang mahabang buhok ko sa mukha habang naramdaman ko ang hapdi ng pagkakabangga ng aking mga tuhod.
Kasunod noon ang malakas na kalabog ng bakal na rehas.
Bang!
Iyon ang tunog ng kalayaang ipinagkait sa akin.
Tahimik akong napaiyak.
Hindi dahil sa sakit ng pagkakatulak.
Kundi dahil sa salitang paulit-ulit kong naririnig mula nang arestuhin ako.
Mamatay-tao.
Isang salitang hindi ko kailanman inakalang ididikit sa pangalan ko.
Hindi pa man nagsisimula ang paglilitis...
Hindi pa man nakakaharap ang mga testigo...
Hindi pa man nagsasalita ang hukom...
Hinatulan na nila ako.
Sa kanilang mga mata...
Isa na akong kriminal.
Isa na akong mamamatay-tao.
Ngunit hanggang ngayon...
Hindi ko pa rin maintindihan.
Ano ba talaga ang kasalanan ko?
Pinagbintangan nila akong pinatay ko ang sarili kong asawa.
Si Emilio.
Ngunit ang mas masakit...
Wala silang ipinakitang bangkay.
Walang nakakita sa pagpatay.
Walang kahit isang taong nagsabing nakita nila akong gumawa ng krimen.
Ang tanging hawak nila...
Mga bahid ng dugo sa loob ng bahay namin.
Dugong sinabi nilang kay Emilio.
Dugong ginamit nilang ebidensya upang wasakin ang buong buhay ko.
Paulit-ulit kong sinabi sa kanila ang totoo.
"Hindi ko siya pinatay."
"Hindi ko alam kung nasaan siya."
"Hindi ko alam kung ano ang nangyari."
Ngunit bawat paliwanag ko ay tila hangin lamang sa kanilang pandinig.
Mas pinili nilang paniwalaan ang hinala kaysa sa katotohanan.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses nila akong isinailalim sa interogasyon.
Pare-pareho lamang ang mga tanong.
"Nasaan ang bangkay ni Emilio?"
"Saan mo itinapon ang katawan?"
"Sino ang tumulong sa'yo?"
"Umamin ka na."
Araw-araw...
Parehong tanong.
Parehong akusasyon.
Parehong panghuhusga.
At kapag hindi nila nakuha ang sagot na gusto nila...
Sisigawan nila ako.
Tatakutin.
Pipilitin.
May mga pagkakataong halos hindi na nila ako pinatutulog.
Minsan ay iiwan nila akong nakaposas nang ilang oras sa malamig na silid.
Walang pagkain.
Walang tubig.
Umaasa silang kapag napagod ako...
Kapag nasaktan ako...
Aamin ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa.
"Umamin ka na!"
Mas malakas na sigaw ng isang imbestigador habang pinagsusuntok ang mesa.
"Hindi ko siya pinatay..."
Halos pabulong ko na lamang naisagot.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko.
"Sinungaling!"
Napapikit ako sa sakit.
Hindi ko na naramdaman ang hapdi.
Mas masakit ang katotohanang wala ni isa sa kanila ang gustong makinig.
Hindi nila hinahanap ang katotohanan.
Ang gusto nila...
May masisi.
At ako ang pinakamadaling gawing salarin.
Ngunit higit pa sa sakit ng bawat interogasyon...
May isang sugat na hindi kailanman naghihilom.
Ang pagkawala ng aking mga anak.
Sa mismong araw ng pag-aresto sa akin...
Kinuha sila ng pamilya ni Emilio.
Hindi man lamang nila ako hinayaang mayakap ang mga anak ko.
Naririnig ko pa rin hanggang ngayon ang iyak nila.
"Mama!"
"Mama, huwag po!"
"Ayokong sumama!"
Pinilit kong tumakbo papunta sa kanila.
Ngunit mahigpit akong hinawakan ng mga pulis.
"Bitawan ninyo ako!"
"Pakiusap!"
"Mga anak ko iyan!"
"Huwag ninyo silang ilayo sa akin!"
Humahagulgol akong nagsisigaw habang pinapanood kong unti-unting lumalayo ang sasakyang sinasakyan nila.
Nakadikit ang maliliit nilang palad sa bintana.
Umiiyak.
Sumisigaw.
Tinatawag ang pangalan ko.
At wala akong nagawa.
Iyon ang huling pagkakataong nakita ko sila.
Mula noon...
Araw-araw akong nabubuhay na hindi alam kung kumusta na sila.
Kung nakakain ba sila nang maayos.
Kung may yumayakap ba sa kanila kapag umiiyak sila.
Kung naaalala pa ba nila ang mukha ng kanilang ina.
O baka...
Tinuruan na silang kamuhian ako.
Bawat gabi sa loob ng kulungan ay pareho ang dasal ko.
"Hindi ko hinihiling na lumaya agad ako."
"Ang gusto ko lang..."
"Makita ko ang mga anak ko."
"Isang beses lang."
"Kahit sa malayo."
"Kahit hindi nila ako mayakap."
"Makita ko lang silang ligtas."
Ngunit limang taon ang lumipas...
Hindi sinagot ang dasal kong iyon.
Unti-unti akong natutong mabuhay sa loob ng rehas.
Natutong magtiis.
Natutong lunukin ang bawat insulto.
Natutong ngumiti kahit wasak na wasak na ang puso ko.
Sa loob ng kulungan ko rin nakilala ang mga babaeng itinuring akong pamilya.
May mga totoong nagkasala.
May mga inosente.
May mga biktima rin ng maling akusasyon.
Isa sa kanila ay si Nanay Leticia.
Isang matandang bilanggo na halos itinuring akong anak.
Kapag umiiyak ako tuwing gabi, siya ang tahimik na yayakap sa akin.
"Anak..."
"Huwag kang susuko."
"Darating din ang araw na makakalabas ka."
Ngumingiti lamang ako noon.
Dahil wala na akong pag-asang mangyayari pa iyon.
Hanggang sa isang araw...
May dumating na balitang nagpayanig sa buong bilangguan.
Nirepaso ng Court of Appeals ang kaso ko.
Muling sinuri ang lahat ng ebidensya.
Muli nilang binalikan ang buong imbestigasyon.
At doon lamang lumabas ang katotohanang matagal ko nang isinisigaw.
Hindi sapat ang ebidensya laban sa akin.
Oo...
May dugo sa bahay.
Ngunit hindi iyon sapat upang patunayang pinatay ko si Emilio.
Dahil...
Walang bangkay.
Walang nakakita sa krimen.
Walang saksi.
Walang matibay na ebidensyang nagsasabing ako ang may sala.
Sa unang pagkakataon matapos ang limang taon...
May naniwala rin sa akin.
"Helena!"
Halos tumatakbong lumapit sa akin ang jail officer.
"Makakalaya ka na."
Hindi ako agad nakapagsalita.
Parang hindi ko naintindihan ang narinig ko.
"Ano po?"
"Dismissed na ang kaso mo."
"Tapos na."
"Lalaya ka na."
Unti-unting pumatak ang mga luha ko.
Hindi ako sumigaw.
Hindi ako tumalon sa tuwa.
Tahimik lamang akong napaluhod.
At umiyak.
Hindi dahil sa saya.
Kundi dahil sa limang taong ninakaw sa buhay ko.
Limang taong hindi ko na maibabalik.
Limang taong hindi ko nakita ang paglaki ng mga anak ko.
Sino ang mananagot sa mga panahong iyon?
May makakapagbalik ba ng limang taong nawala?
May makakapagpabalik ba ng mga unang hakbang ng mga anak ko?
Ng unang araw nila sa paaralan?
Ng bawat kaarawan nilang wala ako?
Wala.
Walang makakabayad sa lahat ng iyon.
Nang araw ng paglaya ko, halos lahat ng naging kaibigan ko sa kulungan ay umiiyak.
"Congratulations, Helena."
"Sa wakas."
"Malaya ka na."
Isa-isa ko silang niyakap.
Hindi ko inakalang sa loob ng kulungan ko pa mararanasang magkaroon ng mga taong tunay na nagmamahal sa akin.
Ngunit paglabas ko ng malaking bakal na gate...
Bigla akong natigilan.
Tahimik.
Malawak ang kalsada.
Abala ang mga tao.
Lahat sila ay may pupuntahan.
May naghihintay.
May pamilya.
May tahanan.
Ako...
Wala.
Walang sumundo.
Walang yumakap.
Walang nagsabing...
"Welcome home."
Doon ko tuluyang naramdaman ang bigat ng kalayaan.
Malaya nga ako.
Pero wala na akong mundong babalikan.
Habang nakaupo ako sa bangketa, may lumapit sa akin.
Si Nanay Leticia.
Ilang araw na lamang bago siya ilipat sa ibang bilangguan.
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.
"Helena."
"May ipapakiusap ako."
May iniabot siyang isang lumang sobre.
"Hanapin mo ang kapatid ko."
Napakunot-noo ako.
"Sino po?"
"Si Don Isagani."
"Sabihin mong galing ka sa akin."
"At ibigay mo ang liham na ito."
Nag-aalinlangan kong tinanggap ang sobre.
Pagkatapos ay binuksan ko ito.
Isagani,
Kumusta ka na?
Matagal na mula nang huli tayong nagkausap.
Tanggap ko na ang kapalaran kong mabulok sa kulungan.
Pasensya ka na, mahal kong kapatid, kung nabigo kita.
Ngunit may huli sana akong pakiusap.
Kupkupin mo si Helena Cardenas.
Tulungan mo siya.
Ituring mo siyang parang sarili mong anak.
Napakalaki ng utang na loob ko sa kanya.
Nagmamahal,
LeticiaNanginginig ang mga kamay kong nagtupi sa liham.
"Pero..."
"Saan ko po siya mahahanap?"
Mahina siyang ngumiti.
"Sa Bayan ng Perlas."
Parang biglang tumigil ang tibok ng puso ko.
Bayan ng Perlas.
Hindi iyon basta pangalan ng isang bayan.
Iyon ang lugar na pilit kong kinakalimutan.
Doon nakatira ang pamilya ni Emilio.
Ang mga taong unang humusga sa akin.
Ang mga taong kumuha ng mga anak ko.
At...
Ang mga anak kong limang taon ko nang hindi nakikita.
Unti-unting pumatak ang luha ko.
Hindi ko alam kung matatakot ba ako...
O aasa.
Mahigpit kong niyakap ang sulat sa aking dibdib.
Marahil...
Hindi aksidente ang lahat ng ito.
Marahil...
Ito na ang pagkakataong matuklasan ko ang katotohanan sa pagkawala ni Emilio.
At higit sa lahat...
Ito na kaya ang pagkakataon para maibalik sa akin ang aking mga anak?
FlashbackChapter 23Helena’s POVMay gusto na ako kay Migo?“Hindi, hindi maari ito.”Napapikit ako at marahang napailing.Bakit ganito ang nararamdaman ko?Bakit sa tuwing nasa paligid ko si Migo ay parang may kakaibang saya sa aking puso?Pero ibang iba siya kay Emilio.Mabait siya, mahal niya ang mga anak ko.At higit sa lahat, hindi ko nakikita sa kanyang mga mata ang bagay na kinatatakutan ko noon.Sa kanya, nakakaramdam ako ng seguridad.Kapayapaan.Isang bagay na matagal ko nang hindi nararamdaman.Pero hindi ko dapat hayaang lumalim ang anumang nararamdaman ko para sa kanya.Hindi ko na kayang muling masaktan.Naalala ko pa noon kung paano kami nagsimula ni Emilio.Kakasibul ko pa noon bilang isang dalaga.Nakilala ko siya sa baryo namin.Bagong salta.Wala akong alam kung sino siya.Ang kanyang pamilya.Maging ang kanyang pagkatao.Simpleng babae lamang ako.Nagtratrabaho sa isang patahian ng damit.Tahimik lamang ang buhay ko noon. Wala akong ibang iniisip kundi ang pangara
Chapter 22Helena’s POVNabalitaan kong pinayagan ni Doña Engracia ang mga bata sa kanilang camping activity.Sinabi iyon mismo ni Migo.Ilang buwan ko nang hindi nakikita at nakakasama ang mga anak ko. Hindi na ako nakukuntento sa mga nakaw na tawag lang namin. Gusto ko na silang makasama.Gusto kong mayakap sila.Gusto kong marinig nang personal ang mga kuwento nila.Gusto kong makita kung gaano na sila kalaki.Gusto kong maging bahagi ng kanilang buhay kahit sandali lamang.Hindi sapat sa akin ang ilang minuto sa telepono. Hindi sapat ang makita lamang ang mga mukha nila sa screen habang pilit kong itinatago ang mga luha ko.Ina na ako.At walang ina na makukuntento sa ganoon lamang.Halos magmakaawa na ako kay Migo na makagawa ng paraan.“Migo, please. Kahit ilang oras lang.”“Helena, I’ll try.”“Hindi. Please, kailangan ko silang makita.”Nakita ko sa mukha niya kung gaano rin siya nahihirapan.Alam niyang delikado.Alam niyang kapag nalaman ni Doña Engracia na nakasama ko ang mg
Chapter 21Migo’s POVInabangan ko si Helena sa labas ng Gani’s. Madami kasing mata doon. Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Ayaw kong may maling isipin siya tungkol kay Cielo.Wala kaming relasyon.Ilang beses kong inulit sa isip ko iyon habang naghihintay ako.Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magpaliwanag sa kanya. Hindi naman kami mag-asawa. Wala naman akong obligasyon na ipaliwanag ang personal kong buhay sa kanya.Pero gusto ko.Dahil mahalaga sa akin kung ano ang iisipin niya.Nakita ko siya sa malayo. Papasakay na siya sa kotse niya kaya minessage ko muna siya sa cellphone.“Helena, can we talk?”Ilang segundo ang lumipas bago siya nagreply.“About?”Maikli lamang ang sagot niya, halatang hindi siya interesado.Napabuntong-hininga ako.“I need to explain.”“Hah?”Napangiti ako nang bahagya. Ganoon talaga siya. Straightforward. Walang paligoy-ligoy.“Let’s talk to somewhere quiet, may mensahe ang mga anak mo sa iyo.”Mali man ay ginamit ko na ang kambal, para makausap s
Chapter 20Migo’s POV“Cielo! Ano ba yang sinasabi mong fiance kita? Parang wala naman akong natatandaang nakapagpropose ako sa iyo?”Halos hindi ako makapaniwala sa naririnig ko mula sa kanya. Nakatingin siya sa akin na para bang ako ang may kasalanan kung bakit hindi ko tinatanggap ang sinasabi niya.“Migo, ano ba ang tingin mo sa akin?”Napakunot ang noo ko.“Parausan lang?”Agad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.“Ilang beses ng may nangyari sa atin.”“And after all the things we’ve done. Wala pa lang kahulugan sa iyo?”“Honestly Cielo, wala talaga.”Diretsahan kong sagot.Ayokong bigyan siya ng kahit anong pag-asa. Alam kong mas masasaktan siya kung patuloy ko siyang pagbibigyan at hahayaan siyang maniwala sa isang bagay na hindi naman kailanman mangyayari.“We are both consenting adults playing around. And besides ikaw ang lumalapit sa akin at hindi ako.”Tahimik siya sandali.Pero sa halip na umatras, lalo siyang lumapit.“But I love you Migo.”Napabuntong-hininga ako.Hindi












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.