Megan Point of View"Hindi matutuwa si Boss Czar kapag nalaman niya na may iba kayong kasalo sa hapag, Madam." iyon ang sabi sa akin ni Vonte nang umalis na si Ryuu. Bukas pa kasi ang opisyal na pagsisimula niya sa trabaho."Kung gano'n, sabihin mo sa asawa ko na magpakita na siya sa akin. Siya ang lulutuan ko, siya ang magiging kasalo ko." malamig na boses na sabi ko sabay tingin kay Vonte.Napabuga lang ng hangin ang lalaki. Hindi niya alam ang sasabihin niya.Napangisi ako, "Kinausap mo ako sa eroplano bago tayo pumunta rito, Vonte, umasa ako na makikita ko siya pagtuntung ko rito. Pero. . . nabigo lang ako. Umasa ako at nadismaya." hindi mapigilang sumbat ko.Yumuko ang lalaki, hindi matignan ang mga mata ko. Uminit ang mata ko at nanubig. Huminga ako ng malalim upang pigilan ang pagluha."Pagod na ako. Aakyat na ako." paalam ko sa lalaki at nilagpasan na siya.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Matapos kong maglinis ng sarili ay agad akong nahiga sa kama. At gaya ng una ko
Megan Point of View"May darating akong bisita," imporma ko kay Vonte na siyang sumalubong sa akin sa labas ng bahay. Mukhang kanina pa niya ako hinihintay. Pumasok na ako at sinundan naman niya ako."Sino, madam?""Someone," sagot ko lang.Hinihintay ko ang pagdating niya.Hindi ko sinabi kung saan ako nakatira. Wala akong sinabi na na kahit ano, sa bahay ba ako nakatira, sa hotel, sa mga beach resort.Kaya kapag dumating siya. . . paghihinalaan ko na siya.Hindi kasi ako naniniwala sa nagkataon lang. Dinala ako ni Czar dito sa Isla. Andito rin si Ryuu ngayon.Kailangan kong siguraduhin kung si Czar ba at si Ryuu ay iisang tao lamang. Hindi ko hahayaan na paglaruan mo uli ako, Czar. . Not this time.Napangisi ako at nagtungo sa kwarto upang magpalit ng damit at nang matapos ay pumanhik na ako sa kusina upang ihanda ang mga lulutuin ko."Lulutuan ko siya ng almusal, bagong kaibigan ko siya. Tiyak na kilala mo siya, Vonte." sabi ko sa lalaki na pinapanood ang bawat galaw ko. Hindi ito
Megan Point of View Pagod ako kahapon pero maaga pa rin akong nagising. Pinilit kong matulog ulit dahil masyado pang maaga pero masyadong marami akong iniisip. Napabuntong hininga ako habang nakatingin lang sa kisame. Czar left. Ryuu was here. I don't know what to feel. Bumangon ako at lumabas ng kwarto ko at nagtimpla ng kape. Pero nang maubos ko 'to ay agad akong nakaramdam ng pagkayamot. Kaya naman nagdesisyon akong lumabas muna ng bahay para sana panoorin ang pag-angat ng araw. Nang makalabas ako sa bahay ay kaagad akong nagtungo sa dalampasigan pero gano'n na lang ang pagkadismaya ko nang mapansing hindi yata sa parteng 'to ng Isla sisikat ang araw kundi sa kabila. Bakit ang malas ko? Marahas na bumuga ako ng hangin at wala sa sariling napatingin sa lalaking naliligo sa dagat. Malayo ito ng kaunti at nasa malalim na parte pero dahil malinaw naman ang mga mata ko at medyo maliwanag na, malinaw kong nakita ang lalaking naliligo at nakatalikod sa gawi ko. Mula rito
Megan Point of ViewNaligo na ako at nagbihis ng sundress bago ako lumabas sa kwarto ko at nilibot ang buong kabahayan. Halatang pinapalinis ito araw araw dahil dumating ako rito na malinis na ang paligid.Walang ibang tao ngayon dito maliban sa akin at si Vonte na hindi ko na alam kung saan pumunta.Nang magsawa ako ay lumabas ako ng bahay at nagpasya na maglakad lakad muna sa dalampasigan upang mawala ang galit at dismaya na nararamdaman ko.Sa tanang ng buhay ko hindi pa ako sobrang nadismaya at nagalit, ngayon lang. Tanging ang asawa ko lang, si Czar lang ang kayang kaya na iparamdam sa akin ang sobrang galit, pagkamiserable, at pagkadismaya.Marahan ang paglalakad ko. Hinawakan ko na ang sandal na suot ko upang mas maramdaman ko ang pino at puting hangin sa paa ko. Inililibot ko ang paningin ko sa paligid at nakakita ako ng ilang mga tao na rito nakatira. . . At mga turista na mukhang nag-eenjoy sa ganda ng tanawin. Mukhang doon sila sa mga cabin at hotel tumutuloy.May mga nakit
Megan Point of View Namangha ako sa ganda ng tanawin. Inalalayan ako ni Vonte na bumaba at maglakad sa pino at puti na buhangin ng dalampasigan. . . Ang ganda ng paligid. Ang presko ng hangin at bibihira lang ang tao na makikita rito sa Isla. May mga beach resort kaming nadaanan kanina at mga hotels. Sinundan ko si Vonte na naglalakad, may mga kasama na kaming magbubuhat ng gamit. What a beautiful island. . . Sumakay pa kami ng golf cart papunta sa rest house ni Czar at hindi na ako nabigla nang makita na hindi lang 'to basta basta rest house. Kasing laki lang nito ang bahay namin sa Italy. It was big and extravagance. . . Pero anong silbi ng malaki at magandang bahay kung mag-isa ka lang naman? Wala. Kayang kaya kong ipagpalit ang buhay ko ngayon maging masaya lang ako. "Let me show you your room, Madam. . " sabi sa akin ni Vonte. "No, thank you." tanggi ko kaagad. Hinarap ko siya at inilibot ang tingin ko sa paligid, hinanap ang taong dahilan kung bakit ako narito ngayon. "W
Megan Point of View "Aalis ka na talaga? Hindi na kita mapipigilan? Iiwanan mo na ako?" Natawa ako dahil iyan ang sunod sunod na tanong ni Seb sa akin habang bitbit niya ang mga maleta ko palabas ng hotel. Wala pa si Vonte pero tumawag na siya kanina sa akin na paparating na siya. Pababa ako ng hotel nang nakasalubong ko si Seb . . . At ito, kinukulit ako. "Sa Palawan lang naman ako, kung gusto mo akong dalawin ay puntahan mo lang ako." tawang imporma ko sa nakasimangot na lalaki. "Eh, ako mag-aalaga sa kapatid mo." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Hindi pa gising si Maddie pero maganda na ang lagay niya. Si Doc. Seb ang naka-assign na doktor sa kapatid ko kaya panatag din akong aalis. Nakalabas na kami ng hotel at sakto naman na huminto ang magarang kotse sa harapan namin. Alam ko kaagad na ito ang kotse na susundo sa akin. Tama ako dahil lumabas mula sa kotse si Vonte. Hindi siya nagsalita at inagaw ang mga maleta ko kay Seb na walang nagawa dahil sa gulat. "Vonte, he's