Kay ganda ng araw na iyon. Hindi masakit sa balat ang init ng araw. Maasul ang buong kalangitan na may mga kalambutan kung tingnan ang mga mapuputing ulap na palipadlipad sa alapaap.
Sa apat na buwan kong pananarbaho bilang aliping sanggigilid ng pamilyang Agoncillo, sa mga sandali pa lamang na iyon ko lamang napansin ang kagandahan ng araw.
Kaya naisipan kong pumunta ng hardin at magpakasarap muna doon sa kagandahan ng paligid. Napakasarap sa mata ang mga mabeberdeng mga tanim at nakakalikha ng saya ang mga iba't ibang uri ng mga bulaklak at ornamental na naroon. Sinabayan pa ng mga magagandang huni ng mga ibon na masasaya ring palipadlipad sa mga sanga ng mga puno.
May nakikita rin akong mga paruparo na lumilipad sa mga buka ng mga bulaklak sa hardin.
May hindi maipaliwanag na kasiyahan ang naramdaman ng puso ko. Hindi ko pa naranasan ang maging ganito ngunit ang natatanging dahilan kung bakit nakadadama ako nang ganoon ay dahil sa aking iniirog na si Carmela.Mahal ko siya. Minamahal rin niya ako. Nagmamahalan kaming dalawa.Walang bagay sa mundo ang makakapasaya sa iyo ng lubusan kundi ang malaman mong mahal ka rin ng taong mahal mo.Walang mas nakakahigit sa pag ibig. Ito ang pinakamalakas na puwersa sa buong kalawakan.Pagkarating ko ,pagpasok sa pintuan ng bahay ay sinalubong ako ng isa naming aliping namamahay. Sinadya niya atbangan ang aking pagrating upang may mahalagang sasabihin."Senyorito,' ang pagtawag niya sa pag atbang sa akin sa pinto. Nabatid ko naman siyang tumawag."Bakit Pascuala? Anong kailangan mo?" sagot ko naman sa kanya."Senyorito, may isang sulat po kayo. Walang nakalagay kung
Naalala ko ang kabuuan ng lugar na iyon.Ang mga bahay na yari sa bato at konkreto,ang mga mabeberdeng mga puno, ang mga halamang namumukadkad, at ang bahagyang sikat ng araw pati na ang mga mapuputing ulap na lumulutanglutang sa kalangitan ay alam at kilalang kilala ko ang pinagmumulan ng mga ito.Hanggang sa mga taong naroroon at abala sa kani-kanilang mga gawain ay kilala ko rin dahil ang mga kasuotan at mga kagamitang kanilang ginagamit ay hindi ako nagkakamaling nanggagaling nga ang mga ito sa lugar na iyon.Ang lugar na hindi ko makakalimutan. Ang lugar kung saan huli kong nakasama ang aking ama.Taong 1845 iyon sa pagkakaalala ko. Iyon ay sa isang maliit na bayan sa bansa ng mga Greygo. Dahil nababagot noon sa tinutuluyang bahay doon, nagpaalam ako kay ama upang maglibot-libot muna sa napuntahan naming bayan. Unang araw namin iyon sa kalakhan ng bayan matapos ang mahabang apat na araw na paglalakbay
Tribo Baguljol, ito ang pangalan ng aming tribo. Kinuha mula sa pangalan ng pinakaunang datu namin, si Datu Baguljol.Siya ay napakatalino, napakagiting at napakalakas na datu na kilala sa kanyang mga mandirigmang gumagamit ng mga umaapoy na kampilan na siyang nagpabuklod sa mga karatig tribo upang itaguyod ang iisang pamayanan at iyon na nga ay ang tribo Baguljol.Naging masagana at payapa ang buong tribo sa pamumuno ni Datu Baguljol. Masaya ang lahat ng kanyang nasasakupan sapagkat kakaiba ang taglay nitong husay sa paghuhusga sa katarungan at mayroon siyang walang kasingtulad na kabaitan. Ngunit nag iba ang lahat nang mamatay si Datu Baguljol at humahalili bilang datu ang kanyang anak na si Bagaol, yumakap ang bagong datu sa dayuhang relihiyon na siyang dahilan kaya nagkawatakwatak at nahati ang buong tribo.Ang mga katutubong sumusunod kay Datu Bagaol ay nagpabinyag, kasama ang datu, sa dayuhang relihiyon. At ang mga n
Nakarating na ako sa abandonadong bodega sa may dati naming pagawaan ng tabako kung saan nakasaad na ito ang lugar na aming pagkikitaan ayon sa sulat na aking natanggap galing sa di kilalang nagpadala.Kahit ganoon, hindi ako nakadama ng panganib para sa aking sarili at sa halip ay parang nararamdaman ko pang humihingi ng tulong ang sinumang nagpadala sa sulat.Nakasalalay ang buhay ng mga mamamayan ng Santa Lucia, ito ang huling mga salitang nakasulat sa mensahe at tila may alam itong taong nagpadala nito tungkol sa anumang nagbabadyang kapahamakang dadating sa bayan ng Santa Lucia.Kung humihingi man talaga ng tulong itong tao na ito upang pigilan ang panganib na ito ay tinitiyak kong walang pagdadalawang isip ko siyang tutulungan hanggang sa aking makakaya. Ngunit ganunpama
Lumalalim na ang gabi. Isang araw na naman ang lumipas sa buong Santa Lucia. Kahit nahanap ko na ang ang kahoy na pinapahanap sa akin ni Padre Paterno, naisipan kong manatili muna sa bayan ng mga ilang araw. Hindi ko naman inakalang mapadali ang paghahanap ko sa yaong pinagmulan ng kahoy na iyon na pinaniniwalaan naming makakapatay sa mga bampirang matagal nang nakatagong suliranin ng aming kapatiran.At nang malaman at mahanap ang kahoy na iyon, nabuhayan ng lakas ng loob at pag-asa ang buong kapulungan ng Sinag Araw.Pag asang mawala at mapuksa ang lahat ng mga bampirang nabubuhay na siyang mga alagad ng kasamaan.Hinihintay ko si Don Agapito, ang Ikaanim na Sinag. Ibinigay ko sa kanya ang mga nakuhang spesimen ng kahoy na iyon upang madala sa Maynila at gayon ay mapag aralan. Ibinig
Makulimlim ang buong kalangitan sa aking paggising. Tinakpan ng magkahalong itim at puti na mga ulap ang kabuuan ng araw. Hindi naman ito mukhang uulan dahil sa bahagyang sinag mula nito sa kalangitan.Pagbangon ko, matapos kong mag ayos sa sarili, naisipan kong dungawin si Manuela.Tumungo ako sa kanyang cuarto at bahagyang binuksan ang pinto. Sumilip ako mula rito at nakitang mahimbing na natutulog pa ang aking pinsan. Marahil ay napagod siya kahapon sa pamamasyal namin sa bayan matapos magpunta sa simbahan dahil sa kanyang mga nasabi kahapon na diumano'y mga nakita niya.Biglang naalala ulit sa aking isipan ang kanyang mga sinabi kahapon.Halimaw. Mga halimaw.Ang mga kataga
Sakay buhat ng karwahe, may kadalian kong pinuntahan ang mansyon ng mga Ramirez. Mula ng marinig ang masamang balita mula kay Pablo at hanggang makasakay, wala pa rin akong ibang inisip kundi si Eduardo.Inisip ko kung gaano siya kalungkot ngayon. Inisip ko rin kung gaano ang kanyang paghihinagpis sa mga sandaling iyon. Wari ko at alam ko, na katulad ito sa paghihinagpis ko noon sa pagkamatay ng aking mga magulang.Alam kong napakasakit ito sa puso.Nakakagulat talaga ang biglaang pangyayari. Wala na si Don Agapito. Wala na ang dating gobernadorcillo ng Santa Lucia na hinahangaan ng mga tagabayan. Wala na ang pinakamaimpluwensiya ngunit payak at makataong lalaking nakilala ko.Wala na rin ang ama ng aking irog. At ngayon, hindi ko ala
Naramdaman ko na lamang na may isang malambot na bagay akong kinakagat sa aking bibig. Nanlisik naman ang aking mga mata ng makita ko at mabatid na ang kinakagat ko pala ay leeg ng isang tao. Hinagis ko naman ito ng malakas palayo sa akin na siyang pagkahulog na may isang pagdabog sa sahig ang aking narinig.Malakas ang naging pintig ng aking puso. Naririnig ko rin ang lakas ng paghinga ng aking ilong. Nagsitayuan din ang mga balahibo sa aking katawan.Napatulala na lamang ako sa gulat nang mabatid kong isang tao iyon at marahil ay wala na itong buhay.Tiningnan ko mula sa kama ang naihagis kong katawan. Isa iyong babae. Isang babaeng makayumangging tulad ko na may makintab at maitim na buhok. Nakasuot ito ng baro't saya na may gayak na pinakintabang perlas sa kanyang leeg. Duguan ito.