Share

Bernados

Maaga akong sinundo ni Pablo sa bahay sa umagang iyon. Hindi ko naman siya masisisi dahil makikita na niya ang aaraling halaman para sa kanyang proyekto. Kinuha niya ako mula sa bahay buhat ng sakay niyang karwahe at nang malapit na kami sa itinuro kong daanan ay naglakad nalang kami patungo sa ilog dahil hindi na makakadaan ang karwahe.

Sumama rin ang  kanyang alipin na may pangalang Prudencia.

"Ito na ang ilog," ani ko sa kanila ng marating namin ang kinaroroonan ng puno kung saan umupo kami ni Eduardo noong may isang araw.

Agad namang inalam ni Pablo ang tamang direksyon gamit ang kanyang dalang kompas.

"Doon ang silangan," ani niya at itinuro niya ang daan mula sa pagtanaw sa kompas.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status