Share

Celeste

Hindi ako nagulat nang malaman ko na nagsisimulang maging manggagaway ang pamangkin kong si Graciela. Alam ko na sa simula pa sa pagkabata niya ay ito na ang kanyang magiging tadhana ngunit hindi ko inasahang darating ito sa kanya sa madaling panahon. Hindi ko inasahang sa ikalabinlimang taon mamumukadkad ang kanyang pagiging isang mangagaway.

Sinabi ko sa kanya na ang kalikasan ang may gawa kaya nagkakaroon siya ng ganoong katangian. Lingid sa kaalaman niya, isa lamang iyong kasingungalingan. Isang malaking kasinungalingan, mali man ngunit kailangan kong gawin iyon.

Nasa dugo ang pagiging isang manggagaway at hinding hindi ito basta dumarating sa isang tao. Isa itong sumpa, isang sumpa ng mga bituin, at ang tanging nagkakaroon lamang nito ay ang nag-iisang tribo sa isang isla kung saan pinaniniwalaang lumitaw pagkatapos ng isang malakas na lindol. Ang islang ipinangalan ng mga Kastila na "Isla del Fuego" o Umaapoy na Isla sa kadahilanang pagkarating nila roon ay napap

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status