Share

Fuego

Bigkis pa rin sa aking isipan ang talinhaga sa nakita naming kweba at kumapit pa rin iyon sa akin nang bumalik kami ni Eduardo sa centro ng bayan. Magkasabay naglakad ang mga kabayon sinasakyan namin ni Eduardo. Hinawakan niya ang tali ng aking sinasakyang kabayo upang idala at mapigilan ito sa sakaling pipiglas. Naparaan kami sa isang kalye sa may bayan at puno ito ng mga tao.

Nakita ni Eduardo na malalim pa rin ang aking iniisip, kaya nagsimula siyang magsalita upang punan ang katahimikang pumapalibot sa aming dalawa.

"May dadaanan muna tayo bago tayo tuluyang umuwi. Kung iyong mararapatin, Carmela" ani niya sa akin.

Binigyan ko siya ng ngiti bago magtanong sa kanya,"Saan naman iyon Eduardo?"

"Basta Carmela, magugustuhan mo ito," sagot naman ni Eduardo at binigyan rin ako ng isang pagngiting nakakahalina sa aking puso.

"Talaga ngang mahilig ka sa mga sorpresa," ani ko

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status