Makulimlim ang malawak na kalangitan pagkagising ko sa umagang iyon. Kahit ganoon ay hindi naman ito inaasahang uulan. Naisip ko na isang magandang timpla ng panahon ang araw na iyon upang maglibot sa buong bayan ng Santa Lucia.
Walang araw, walang ulan.
Maagang umalis si Tiyo Ciano at Tiya Dolores sa bahay kaya ang nadatnan ko sa hapag nang mag agahan ako ay ang kanilang mga anak. Ang aking mga magagandang pinsan.
"Carmela, kumain kana," pag aanyaya sa akin ni Manuela na habang pinapakain ang makulit nilang bunsong si Carmelita.
"Kumain kana at baka hindi kana makapag agahan kapag dumating si Eduardo,"
"Manuela," bighing ko sa kanya. Naalala ko na nagyaya pala si Eduardo na mangabayo sa buong bayan.
"Ipapasyal lang niya ako sa buong bayan. Iyon lamang ang ibig niya"
"Hay naku- kayong dalawa lang?" ani Manuela.
"Kung gugustuhin mu, sumama ka sa amin para may makasama ako," wika ko sa ka
Hindi ako nagulat nang malaman ko na nagsisimulang maging manggagaway ang pamangkin kong si Graciela. Alam ko na sa simula pa sa pagkabata niya ay ito na ang kanyang magiging tadhana ngunit hindi ko inasahang darating ito sa kanya sa madaling panahon. Hindi ko inasahang sa ikalabinlimang taon mamumukadkad ang kanyang pagiging isang mangagaway.Sinabi ko sa kanya na ang kalikasan ang may gawa kaya nagkakaroon siya ng ganoong katangian. Lingid sa kaalaman niya, isa lamang iyong kasingungalingan. Isang malaking kasinungalingan, mali man ngunit kailangan kong gawin iyon.Nasa dugo ang pagiging isang manggagaway at hinding hindi ito basta dumarating sa isang tao. Isa itong sumpa, isang sumpa ng mga bituin, at ang tanging nagkakaroon lamang nito ay ang nag-iisang tribo sa isang isla kung saan pinaniniwalaang lumitaw pagkatapos ng isang malakas na lindol. Ang islang ipinangalan ng mga Kastila na "Isla del Fuego" o Umaapoy na Isla sa kadahilanang pagkarating nila roon ay napap
Bigkis pa rin sa aking isipan ang talinhaga sa nakita naming kweba at kumapit pa rin iyon sa akin nang bumalik kami ni Eduardo sacentrong bayan. Magkasabay naglakad ang mga kabayon sinasakyan namin ni Eduardo. Hinawakan niya ang tali ng aking sinasakyang kabayo upang idala at mapigilan ito sa sakaling pipiglas. Naparaan kami sa isang kalye sa may bayan at puno ito ng mga tao.Nakita ni Eduardo na malalim pa rin ang aking iniisip, kaya nagsimula siyang magsalita upang punan ang katahimikang pumapalibot sa aming dalawa."May dadaanan muna tayo bago tayo tuluyang umuwi. Kung iyong mararapatin, Carmela" ani niya sa akin.Binigyan ko siya ng ngiti bago magtanong sa kanya,"Saan naman iyon Eduardo?""Basta Carmela, magugustuhan mo ito," sagot naman ni Eduardo at binigyan rin ako ng isang pagngiting nakakahalina sa aking puso."Talaga ngang mahilig ka sa mga sorpresa," ani ko
Napamulat ko ang aking mga mata. Nasa isang damuhan ako sa kalagitnaan ng lumalalim na gabi. Nagtaka ako kung bakit naroon ako at ang siyang tanging naalala ko lamang ay nasa loob ako ng karwahe. Tama. Nasa karwahe nga ako nun. Nagloko bigla ang kabayo at tumakbo ng mabilis at hinagip ang karwahe hanggang nahambalas ito sa isang malaking puno. Nawalan ako ng malay. At ngayon pagkagising ko, nasa isang liblib ako na damuhan sa di malaman at natitiyak na lugar.Tumayo ako at tiningnan ang buong paligid. Buo ang pagpapasalamat ko sa kabilugan ng buwan dahil ito ang naging ilaw ko sa madilim at mpusok na aking dinadaanan.Masyadong napakatahimik ang gabing iyon. Pawang mga huni ng kwago at kumpas ng malamig na hangin sa mga dahon ng mga puno ang tanging maririnig mo roon. Marahan akong lumakad na nagbabasakaling makakita ng kalapit na bahay. Ngunit walang kahit isang umiilaw na lampara ang nakikita ko sa buong paligid.
Ako ang pinakabata sa lahat ng kawani ng Sinag Araw. Matapos mamatay ang aking ama dahil sa sakit sa puso, ako ang pumalit sa kanyang posisyon bilang isa sa mga sinag ng organisasyon.Dumadaan sa dugo ng pamilya ang pagiging isang Sinag Araw, at nagpapatuloy ito sa henerasyon sa henerasyon. Sa pamamagitan nito, mapapanatiling tago ang isang bagay. Isang lihim, na noon pa ay iningat-ingatan ng mga tatag-ama ng Sinag Araw.At ito ang lihim tungkol sa pamamalagi ng mga bampira.Ang Sinag Araw ay isang organisasyong itinatag ng mga manglilipol-bampira. Itinatag ito noong 1784, may isang daang taon ng nakaraan ng isang kilalang manglilipol-bampirang ng Olanda na si Dr. Abraham Van Helsing.Umabot ang organisasyong ito sa Felipinas dala ng mga mangangalakal ng mga Olandes. Hanggang umabot ito sa kaalaman ng walong ilustradong Pilipino at itinatag ang parehong kawani dito sa Felipinas. Ngayon sa kasalukuyan, ang organisasyon ay pinamumunuan ng isang Pilipinong p
Nang makauwi kami ni Manuela mula sa simbahan, naisip nitong makapagpahinga muna sa kanyang silid. Inatbangan kami ng kanyang inang si Tiya Dolores nang makarating kami at inalalayan niya ang kanyang anak at sinamahan papunta sa kanyang cuarto.Sumama sa pag-uwi namin si Eduardo kaya sinamahan ko muna siya sa ibaba sa may sala.Nagpasalamat ako kay Eduardo sapagkat nagugol niya ang karamihan sa kanyang oras sa araw na iyon na damayan kami, dumamay kay Manuela. Batid niya ang kalungkutan na pumapalibot sa bahay na iyon nang maganap ang trahedya. At hindi nagtagal ay naisipan nang umuwi ni sapagkat lumalalim na ang hapon at nang may maalalang importanteng bagay na gagawin."Maraming salamat sa iyo,Eduardo," ani ko sa kanya ng hinatid ko siya sa may silong ng bahay. Naghintay roon ang kanyang sasakyang karwahe. "Malaki ang naging tulong mo ngayon upang kami ay maging matatag sa dinadaanan ni Manuela. Ikinatutuwa ko ito,""Likas ang aking padamay kay Ma
Nang sinabi sa akin ni Agapito ang tungkol sa gaganaping kapuluingan ng mga kawani ng Sinag Araw sa susunod na araw ay naisipan kong pumunta ng Maynila. Ipinagdadarasal kong palagi na sana ay maging maayos at ligtas ang aming napagplanuhan ni Agapito bilang paghakbang sa pagpuksa sa aking sariling ama na siyang punong dilim ng mga masasamang bampira.Ito naman ang tangi naming gusto mangyari kaya madali kaming nagkasundo ng miyembro ng isang organisasyon ng mga maglilipol bampira kahit hindi pangkaraniwang nagtitiwala sa katulad kong isang bampira.Wala pa ring impormasyon o kahit anong sabi ang natanggap niya tungkol sa pinapahanap ko sa kanya. Kaya habang naghihintay makakuha nun, gagawa muna kami ng isa pang plano at magagawa lamang ito sa Maynila.Lula ng isang bangka, nagtungo ako sa Maynila. Sinadya ko ito upang hindi ako mamatyagan ng mga alagad ni ama na nakakakilala sa akin. Binayaran ko ng malaki ang bangkero upa
San Juan de Buenavista. Isang maliit na bayan sa kalayuan ng ciudad de Maynila sa may bahagi ng timog nito. Ang baying ipinangalan sa isang santo na siyang nagbinyag sa Panginoong Hesukristo sa ilog ng Jordan.Ang baying ito ay ang bayan ng aking kapanganakan. Ngunit ganunpaman, hindi ako dito namulat.Dalawang oras ang gugugulin kung tutungo ka papunta sa San Juan de Buenavista mula sa sentro ng Maynila. Madadaanan mo ang limang comunidad bago marating ang isa pang kilalang bayan, ang bayan ng Santa Lucia. Mula sa Santa Lucia, tatlo pang comunidad ang madadaanan mo bago ka makarating sa San Juan de Buenavista.At sa unang pagkakataon sa aking buhay ay nakatapak ako sa baying palaging naririnig ko lamang sa mga kuwento ng aking buthing ina.
Maaga akong sinundo ni Pablo sa bahay sa umagang iyon. Hindi ko naman siya masisisi dahil makikita na niya ang aaraling halaman para sa kanyang proyekto. Kinuha niya ako mula sa bahay buhat ng sakay niyang karwahe at nang malapit na kami sa itinuro kong daanan ay naglakad nalang kami patungo sa ilog dahil hindi na makakadaan ang karwahe.Sumama rin ang kanyang alipin na may pangalang Prudencia."Ito na ang ilog," ani ko sa kanila ng marating namin ang kinaroroonan ng puno kung saan umupo kami ni Eduardo noong may isang araw.Agad namang inalam ni Pablo ang tamang direksyon gamit ang kanyang dalang kompas."Doon ang silangan," ani niya at itinuro niya ang daan mula sa pagtanaw sa kompas.