Share

Panaginip

Napamulat ko ang aking mga mata. Nasa isang damuhan ako sa kalagitnaan ng lumalalim na gabi. Nagtaka ako kung bakit naroon ako at ang siyang tanging naalala ko lamang ay nasa loob ako ng karwahe. Tama. Nasa karwahe nga ako nun. Nagloko bigla ang kabayo at tumakbo ng mabilis at hinagip ang karwahe hanggang nahambalas ito sa isang malaking puno. Nawalan ako ng malay. At ngayon pagkagising ko, nasa  isang liblib ako na damuhan sa di malaman at natitiyak na lugar.

Tumayo ako at tiningnan ang buong paligid. Buo ang pagpapasalamat ko sa kabilugan ng buwan dahil ito ang naging ilaw ko sa madilim at mpusok na aking dinadaanan. 

Masyadong napakatahimik ang gabing iyon. Pawang mga huni ng kwago at kumpas ng malamig na hangin  sa mga dahon ng mga puno ang tanging maririnig mo roon. Marahan akong lumakad na nagbabasakaling makakita ng kalapit na bahay. Ngunit walang kahit isang umiilaw na lampara ang nakikita ko sa buong paligid. <

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status