Share

Nawalang Alaala

Naramdaman ko ang sakit mula sa aking batok. Napamulat na lamang akong bigla ng maramdaman ang nangingilay na sakit dito. Tila namamanhid ang aking buong leeg sa di malamang bakit.

At nagulat akong nakita na lamang ang aking sarili na nakakadena sa isang bakal na upuan. Pilit kong kinakalas at sinisira sa aking lakas ang nakapalibot na kadena sa aking mga kamay at paa ngunit tanging nagawa ko lamang ay paggawa ng matikas na tunog mula sa mga ito.

Naparoon na lamang ako sa isang di malamang saang lugar.

Bahagyang madilim ang buong paligid. Ang tanging ilaw lamang ay ang nakasinding sulo na nakalagay sa isang dingdingan. Maamog at mabaho ang lugar na kinaroroonan ko. Para bang nasa isang madilim na yungib iyon.

Kinakalas kong muli ang mga kadenang nakapalibot sa akin upang piliting makawala. Kahit malakas ako bilang isang bampira, hindi ko magawang sirain ang mga kadenang iyon. Huli na ng matanto kong yari ito sa pilak, ang uri ng bakal na hindi kayang sira

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status