Share

Hinaharap

Muli ay wala na naman akong nakitang purong kadiliman. Napamulat akong bigla na nakatayo sa kalagitnaan ng madla. Sa pagkakataong iyon, hindi ako bulag.

Maliwanag na nakakakita ako.

Ngunit nasa hindi malamang lugar ako. Ang buong lupain ay may mga kubong yari sa mga pawid at kawayan. Ngunit ang amoy ng hangin at ang mga puno sa paligid ay hindi panibago para sa akin.

Tila isa na naman akong kaluluwa at hindi man lang ako napapansin ng mga taong dumadaan. Masasabi mong mga katutubo ang mga ito dahil sa mga kasuotan nila. Tinatakpan lamang ng mga babae ng mahahabang buhok nila ang mga umuumpong mga dibdib. Nakabahag naman ang mga lalaking nakikita ko. Marahil ay bumalik na naman ako sa nakaraan.

Alam kong isa na naman itong pangitain. Kabilang na naman ito sa mga naunang pangitain ko nang mabulag ako.Simula ng mabawian ako ng paningin, dito rin nagsimula ang mga matalinhagang mga pangitain.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at sinusundan ko ang lakad ng m

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status