Share

Day Three

chapter 03

"What the actual fuck?" galit na may kahalong gulat na mura ni Kuya. Well, sino ba naman ang hindi. Sinabi ko lang naman na may relasyon kami ni Kien. This is the first day.

We were having our lunch nang sinabi ko yun kaya napabuga ang mga kaibigan ko. Lahat sila ay gulat na nakatingin sa amin. Kien was sitting beside me as we were 'in a relationship'. Si Kuya naman at Kuya Redge ay nasa harap namin while the two girls ay nasa magkabilang gilid. Buti naman at wala dito ang bitch na girlfriend ni Kuya.

"What the fuck, man! Seriously?" di makapaniwalang tanong ni Kuya Reige. Nakatingin siya sa kaibigan na prente lang' nakaupo sa tabi ko na parang walang nangyari. He looked calm. Di man lang natinag sa mga masamang tingin ni Kuya Aries. 

Alam kong galit si Kuya ngayon kasi nasaksihan niya kung paano ako pagtabuyan at iwasan ni Kien noon. Tapos ganito ang mangyayari. Malalaman nalang niya na may relasyon kami. 

Kuya is very protective. He doesn't like it when someone tried to court me. Tinataboy o tinatakot niya lahat ang kung sino mang magtangkang manligaw sa'kin. Parehas sila ni Daddy. Napaka-over protective. They said I'm off limits. Napaka-oa lang.

"Really friend?!" tili ni Reizel habang kumikinang ang mga mata. Kung maka-react naman to parang hindi sila saksi sa mga pag-iyak ko noon dahil kay Kien. At saka parang di nag-advice sa'kin na mag move on na. Ang sarap sapakin pero syempre, joke lang yun. Tumango lang ako sa tanong ng kaibigan saka tinapunan ng tingin si Kuya na masama pa ring nakatingin sa kaibigan habang nakakuyom ang kamao. 

"Kuya..." I called out. Agad namang bumaling sa'kin ang mga tingin niya dahilan para kabahan ako.

He suddenly stood up. "Follow me," aniya at nagsimula ng maglakad. Napabuntong-hininga nalang ako saka tumayo at sumunod sa kanya. Pumunta kami sa likod ng pinakamalapit na building sa cafeteria. Nang huminto si Kuya ay huminto rin ako. Marahas na humarap si Kuya sa'kin at nanliliit ang matang tiningnan ako. "What the hell are you thinking, Akhelish Myn Centellias?" matigas niyang tanong. Sa pagkakataong iyon ay alam kong galit si Kuya dahil binanggit niya ang buo kong pangalan. Madalang lang magalit si Kuya kaya kinakabahan ako.

Dahil sa kaba ay walang salita ang lumabas sa bibig ko. Napayuko nalang ako. "I'm aware of your feelings for him but hell, he's my friend, Akhe! Halos bugbugin ko na nga lahat ng lalaking nagtangkang lumapit o manligaw sayo tapos ngayon kaibigan ko pa ang ginawa mong boyfriend." sumbat niya. "I've seen how he avoided you and treat you like air. And now, malalaman kong boyfriend mo na siya?"

Hindi pa rin ako nakapagsalita as there's no words would come out from my mouth. "Nanligaw ba sayo yun?" tanong niya at agad akong umiling. Napamura naman siya. Nakayuko pa rin ako kaya hindi ko makita ang expression niya sa mukha. "How in the hell did you become together?!"

"I begged him," mahina kong sambit.

"Begged what?!"

Doon na ako nag-angat ng tingin. I looked at my furious brother. "I begged him to date me for twelve days. In that twelve days, I'll make him fall in love with me and if I didn't succeed, I'll stay away from him." pag-amin ko. My brother looked at me unbelievably.

"Are you crazy?!" bulalas niya.

I sighed and reached for his hand. "Kuya, please, just let me. Twelve days lang naman. And promise, last na talaga to. Kaya please, hayaan mo na ako at wag ka ng magalit." pakiusap ko. Ayaw ko kasing nakikita na galit sa'kin ang kapatid ko. 

Kuya looked at me for a long while before finally sighing as he closed his eyes. Pagmulat niya ay diretso ang tingin niya sa'kin. "Fine!" parang napipilitan siya pero napangiti ako.

"Thank you, Kuya!" at agad ko siyang sinunggaban ng yakap, ramdam ko naman ang pag-iling niya. Nang bumitaw na ako ay bumalik na kami sa cafeteria. Nandun pa rin ang mga kaibigan ko at ni Kuya. Nang makitang palapit na kami ay ngumiti lang ako sa kanila. umupo ako pabalik sa tabi ni Kien habang si Kuya naman ay doo sa puwesto niya kanina. Pagkaupo ni Kuya ay bigla siyang tumikhim kaya napalingon ako sa kanya pero nakatingin siya kay Kien. His jaw was clenched. 

"I want to remind you that no kissing in your relationship. Even in the cheeks. Just holding hands." seryosong aniya habang matalim ang titig kay Kien. Pinamulahan naman ako dun. Gosh, kailangan pa ba niya yung sabihin? Sa harap pa mismo ng mga kaibigan ko.

 "Don't worry, Bro." Kien replied.

After our lunch, hinatid ako ni Kien sa room dahilan para pagtinginan kami ng mga classmates ko. "Uh, thank you, Kien." nahihiya kong sabi. Tumango lang siya bago umalis. Pumasok naman ako sa room.

"Oh my goodness!" tili ni Reizel. Lumapit silang dalawa ni Larriel sa'kin. "Are you for real?!" kimi naman akong ngumiti.

"Totoo ba talagang kayo na ni Kien?" nagdududang tanong naman ni Larriel. Napalunok naman ako. Larriel is not someone you can fool easily and she's not someone who believe easily. And I'm battling with myself whether I should tell them or not. After a while of hesitation, I decided to tell them because they have the right to know since they are my friends.

I looked to see my friends looking at me waiting for my answer. I gulped. "Well, I made a deal with Kien." pag-amin ko.

"What deal?" naiintrigang tanong ni Reizel.

"I'll make him fall in love with me within twelve days and if I failed, I'll stay away from him. As I said yesterday, isa nalang talaga at titigil na ako sa pagiging baliw ko sa kanya." sabi ko sa dalawang kaibigan.

"And being in a relationship with him is the way for your plan?" Larriel questioned. I nodded. "Gosh, are you even thinking? Paano kung masaktan ka?"

Ngumiti lang ako sa kanila. "Matagal na akong nasaktan, Yel. I've been hurting the moment my heart beats for him and you know that."

Both of them sighed. "Well, kung yan talaga ang gusto mo then wala na kaming magagawa. Just always remember na nandito lang kami para damayan ka. Basta last na to ha." napangiti ako sa sinabi ni Reizel saka tumango. 

"Thank you," I mouthed.

The rest of the day seems like a blur. There's nothing much interesting that happened except that the whole school knew about me and Kien dating and of course, chismis doon, chismis dito na naman. We are the center of chismis. At sigurado ako, bukas ako na ang magiging target ng mga fans ni Cindy, the school's pride. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status