Share

Day Two

chapter 02

Nasa library kami ng mga kaibigan ko. Dito kami minsan tumatambay pag break time. After my little moment yesterday, bumalik na kami ng room and the day goes on.

I glanced at my friends. Beside me was Larriel who's reading a book. She loves reading books especially Histories. Ang sabi niya, Histories are better than Love stories. Nakaka-intriga kasi raw. Across us was Reizel who's doing something on her iPod. Ganyan talaga siya, palagi nalang may ginagawa sa iPod niya pag break time. Kung walang ginagawa sa iPod, nagbabasa rin siya ng books. If Larriel loves Histories, Reizel loves books about the study of human being or Physiology. I think mag do-doctor to. Sa aming tatlo, si Reizel ang pinaka-matalino. Madaldal lang to pero di mo aakalaing sobrang talino pala.

I'm busy looking at my friends when someone or rather two people caughed my attention. They sat at the table not far from us. Cindy's back was on us while Kien was facing us. They are talking to each other like they are really close which is a bit true. They are classmates kaya imposibleng di sila magka-close.

As I looked at them, I saw how Kien's eyes always shines while looking at Cindy. That look was full of love, adoration and amusement. Napangiti nalang ako ng mapakla. Sana ganyan din ang mga tingin na ibinibigay niya sa akin.

Arghh! Bakit ba kasi ako na in love sa kanya? Bakit ba sa kanya pa tumibok ang puso ko? Ayan tuloy, nasasaktan ako. Kainis! Kung pwede lang turuan ang puso ko kung sino ang mahalin ay hindi ako nasasaktan ng ganito. Hindi mababasag ng paulit-ulit ang puso ko. At hindi ako iiyak.

Akala ko noon, konting paghanga lang ang nararamdaman ko para kay Kien. Kasi naman, sinong hindi hahanga sa kanya. Halos na sa kanya na ata ang lahat. Gwapo, matangkad, matalino, mayaman, gentleman at mabait. Kaya halos lahat ng mga babae ay nagkakagusto sa kanya. Akala ko, hanggang sa paghanga lang talaga ako pero habang tumatagal, naramdaman ko nalang na mahal ko na pala siya. At pa'no ko nalaman? Nasasaktan ako pag may kasama siyang ibang babae; especially Cindy. Bigla-bigla rin ako nakakaramdam ng selos. Ewan ko ba, basta nagising nalang ako na yun ang nararamdaman ko.

Napaisip ako, kung hindi kaya ako na in love at nag confess sa kanya, magkaibigan pa rin ba kaya kami ngayon? Papansinin pa rin ba niya ako? Kasi kung hindi dahil sa lintik na feelings na to, hindi siya magiging ganito sa'kin ngayon. Hindi siya magiging cold. Kung pwede lang ibalik yung dati, ginawa ko na. Sana noong nakaramdam ako ng paghanga sa kanya ay pinigilan ko na para hindi ako makaramdam ng ganito. Pero huli na ako. Huli na nang marealize ko na mahal ko na pala siya. Huli na bago ko pa mapigilan ang sarili ko. Kaya heto ako ngayon, umaasa at nasasaktan.

I came back in my reverie when someone touched my hand that was resting on the table. "Hey, are you okay?" It was Reizel. Sa'kin na siya nakatingin ngayon pati rin si Larriel. "Kanina ka pa tulala." aniya pa.

Lumunok ako, para kasing may bumabara sa lalamunan ko. "Uh-uhm, yeah. I'm fine. May iniisip lang." sa wakas ay sagot ko.

I heard Larriel beside me sighed as she closed the book she was reading earlier. "Si Kien na naman ba?" tanong niya habang mariin na nakatingin sa'kin. Di ako nakasagot kasi alam ko na alam nila na tama si Larriel. Bumuntong-hininga siya ulit. "Alam mo Couz, mas lalo ka lang masasaktan kung siya palagi ang iniisip mo. Hindi ba napapagod yang utak mo sa kakaisip sa kanya? At pwede bang kahit isang araw lang ay 'wag mo muna siyang isipin?" mahinahong sabi ni Larriel na parang nakikiusap. Alam kong naiinis na sila dahil ganito nalang ako palagi. Pero di ko mapigilan. Si Kien talaga ang palaging pumapasok sa utak ko.

"I can't," mahina kong sabi.

Bumuntong-hininga si Reizel. "Hayy, ewan ko sayo. Makabasa na nga!" padabog niya pang binuksan ang libro na nasa tabi ng iPod niya. Her Physiology book. Bumuntong-hininga na rin si Larriel at bumalik rin sa pagbabasa. Ako naman ay naiwang nakatingin pa rin sa direksyon nina Kien. Di pa ata sila nakita nina Larriel.

Nakatingin lang ako sa direksyon nina Kien habang nag-uusap at hanggang sa tumayo na sila at lumabas ng library. Nang makalabas sila ay saka pa ako bumuntong-hininga.

Kailan kaya ako mamahalin ni Kien? Kailan niya kaya ako papansinin. Ang hirap na kasi. Ang sakit na. Pero bakit ganun? Bakit parang ayaw pa rin ng puso ko na e-unlove siya. Bakit sa kabila ng sakit na nararamdaman ko ay tumutibok pa rin ito para sa kanya. Ganun na ba talaga ako kahulog sa kanya? Arghhh! Napasabunot ako sa buhok ko mentally.

Ang hirap talagang mahulog lalo na kapag walang sumasalo sayo. Nahulog ka na nga, nasasaktan ka pa.

When the break time was over, bumalik na kami ng mga kaibigan ko sa classroom. Di naman ito gaano kalayo mula sa library kaya nakarating kami agad sa loob ng dalawang minuto.

As we were waiting for our subject teacher to come, Larriel and Reizel didn't talk much. I supposed nagtatampo sila sa'kin. I understand them naman. Ilang beses na nila akong pinagsabihan na mag move on at itigil ang kahibangan ko kay Kien. Pero ayaw talaga ng puso ko. Baliw na baliw na talaga ang puso ko sa lalaking yun. Kaya pati mga kaibigan ko ay nagtatampo na sa'kin dahil sa kabaliwan ng puso kong ito.

Hayst. Ang hirap talaga pag puso mo ang kalaban. Kahit ilang beses mang sabihin ng isip mo na tumigil na, umaasa pa rin ang puso mo. Umaasa na mahalin pabalik. Kaya tama siguro ang sinabi nilang 'Guard your heart' kasi kung hindi, baka may biglang pumasok dito at basagin ang iyong puso ng hindi mo nalalaman. If love comes from the unexpected way, pain comes from the unkown way. Yung parang di mo alam na nasasaktan ka na pala.

Nabalik ako sa aking munting pagmu-muni-muni nang dumating ang aming guro. We stood up and greeted her and the class started.

Three in the afternoon, tapos na ang klase namin kaya nagsimula na akong magligpit ng mga gamit ko. Ganon rin ang dalawa kong kaibigan. Like for the past hours, di pa rin sila umimik. I heaved a sighed and faced them. Tapos na akong magligpit since konti lang naman ang gamit ko dahil na sa locker yung iba. "Guys, kausapin niyo naman ako." paninimula ko. Di nila ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagliligpit. I sighed again. Mukhang kailangan ko talaga silang suyuin. "I'm sorry, okay? E sa di ko talaga mapigilang isipin siya. Kahit anong pigil ko, wala talaga. Kinakatok niya talaga ang isipan ko." ngumuso ako. Sabay silang tumingin sa'kin.

"Pffft. Ang pangit mong ngumuso." si Larriel habang pinipigilan ang pagtawa. Okay, so yun lang pala ang kailangan kong gawin. Mas lalo kong ininguso ang aking bibig kaya tumawa na talaga siya pati na rin si Reizel.

"Tumigil ka na nga! Para kang baboy diyan." tawa ni Reizel. Ngumuso ako lalo dahil sa sinabi niya. Hmp, parang di kaibigan. "Okay, okay. Forgiven. So stop pouting. Tss." aniya na ikinangiti ko. Di pa rin tumigil sa pagtawa si Larriel kaya sinamaan ko siya ng tingin. Grabe naman makatawa to'ng babaeng to, wagas. Ganun na ba talaga ako kapangit ngumuso.

"Oo na, titigil na." pigil tawang wika ni Larriel. Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

"Alam mo, Yel? Ang sarap mong ibalibag." inis kong sabi kaya napatigil siya.

Tumikhim muna siya bago tumingin ulit sa'kin ng seryoso. "Okay, seryoso na to. Alam mo Couz, di naman kami nagtatampo sayo. Nagtatampo kami sa baliw na baliw mong puso. Alam naman namin na nagmahal ka lang kaya lang, mukhang sobra na ata yang pagmamahal mo at hinahayaan mo nalang na masaktan ka ng paulit-ulit. Di naman ata taman yun." makahulugan niyang turan. "And if you really want to move on, the first thing you need to do is to remove him from your mind. Kasi kung palagi mo siyang iniisip, mas lalo lang iibig at aasa yang puso mo." dagdag pa niya.

Napaisip ako. Tama si Larriel. If I kept on thinking about him, mas lalo lang akong aasa sa wala. Guess I really should stop. But before that, I need to do my plan first. Just wanna try if it works and if not, then it's my cue to stop. I sighed and looked at my friends. "Isa nalang. I'll try to make him fall in love with me for the last time and if it still didn't work, then titigil na ako." napabuntong-hininga nalang sila.

Pagkatapos naming magligpit ay umalis na kami ng classroom at pumunta sa SHS building para hintayin sina Kuya. Habang naglalakad papunta doon, may nahagip ang mata ko kaya huminto muna ako dahilan para mapahinto rin sina Reizel.

"Is there something wrong?" tanong ni Larriel.

I shook my head. "Uh, no. Ahm guys, mauna nalang kayo. May pupuntahan lang ako saglit. Susunod din naman ako agad." paalam ko. Di ko na hinintay pa ang sagot nila at tumatakbong umalis. Sinundan ko ang lalaking tinitibok ng puso ko.

"Kien!" I called out his name but he didn't stop or even turn his back to face me kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo. "Kien, w-wait..." hinihingal kong tawag nang makalapit. Napahinto naman siya saka humarap sa'kin.

"What do you want?" cold niyang tanong. Pati yung tingin. niya sa'kin ay sobrang cold na para na akong ma-estatwa. Grabe naman to, para namang hindi kami naging magkaibigan noon.

"U-uhm, can we talk?" kinakabahan kong tanong habang naghahabol pa rin ng hininga.

"I don't have time." parang walang pakialam niyang sabi. Akmang maglalakad na ulit siya pero hinawakan ko siya sa braso para pigilan.

"Please..." pakiusap ko.

He looked at me coldly. I thought di siya papayag pero nagulat ako nang bumuntong-hininga siya sabay sabing, "Okay. Make it quick."

Pinipigilan ko ang aking mga ngiti. "Uhm, I know na pagod ka na sa pangungulit ko sayo. And I'm sorry. I'm sorry if I fell in love with you. I'm sorry if I ruined our friendship. I'm sorry if di ko napigilan ang feelings ko." napayuko ako. I can't look at his eyes. Pakiramdam ko kapag tumingin ako sa mga mata niya ay para akong nalulunod kahit na sobrang cold nito.

"Can you just go straight to the point?" bakas sa boses niya ang inis at pagmamadali. Saan kaya siya pupunta? At sino ang pupuntahan niya? Siguro si Cindy ang pupuntahan niya. Pero wala na ba silang klase? Bakit ba siya nagmamadali.

I mentally shook my head. Okay, stop it, Akhe. I sighed and looked up at Kien. You can do this, Akhe. Pag encourage ko sa aking sarili. "I'll stop annoying you in one condition." diretso kong sabi. Wew! Nasabi ko rin.

I saw how Kien's eyebrow raised at me. "What?" maikli niyang sagot. I can sense he's impatient.

"Twelve days, Kien. Date me for twelve days. Yung ako lang talaga." wika ko.

"And what?"

"Just give me twelve days. If I didn't make you fall in love with me, then I'll stop annoying you. And I promise to stay as far away from you." I finally said it. Oo, yun ang plano ko. Ang paibigin si Kien sa loob ng labing-dalawang araw. Alam kong imposeble dahil ilang beses na ako nag attempt na paibigin siya pero walang nangyari. But this is a challenge. I challenged my self. Sa loob ng labing-dalawang araw, I want to be the only girl with him. I want to be the only girl he'd date. I want to be the only girl he would think about. Just twelve days.

Kien looked at me as if I am crazy and he said it. "You're crazy,"

"No, I'm not. You want me to stay away from you, right? You want to get rid of me." seryoso kong sabi. "So, deal?"

He looked at me for a while before a smirk form on his lips. "Deal. I will date you for twelve days." pagsang-ayon niya sa'kin at walang sabi-sabing umalis na. Napangiti ako ng mapakla. He really want me to stay away from him that much, huh?

Parang kumirot na naman ang puso ko sa isiping iyon. Bago pa man ako umiyak ay pumunta na ako sa SHS building kung saan sina Kuya. Sakto naman na pagdating ko ay palabas na sila ng building. We went to the parking lot and started to separate ways. Tahimik lang ako buong byahe. Alam kong nagtataka sina Kuya at Larriel dahil hindi naman ako ganito ka tahimik pero di na sila nagtanong pa.

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. I changed my clothes and after that, I let my self fall lazily into my soft and comfy bed. Tahimik pa rin ako habang nakayakap sa isa kong half-human sized teddy bear. I was laying on my stomach. My head was on the right side. Nakatingin lang ako sa kawalan habang iniisip ang nangyari kanina. I smiled bitterly.

Twelve days, Kien. You have twelve days to fall in love with me. A week and five days. Give me twelve days to be happy with you. And after that, I will start to move on. I will start a new life without you and I will accept the fact that you can't and will never love me back. Just twelve days.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status