Share

Chapter 7

Jaria Santillan POV

Nabangga ang sinasakyan ni mommy ng isang truck habang pauwi na sana siya galing work.

‘’Malubha ang lagay ng inyong asawa, sir. Nabagok ang kanyang ulo, dahilan nito para magka-damage ang kanyang utak. Tatagan niyo po sana ang inyong loob’’, sabi ng doctor nang lumabas siya sa operating room kay daddy.

Nagpapagaling na rin ang driver ng truck na nakabangga kay mommy, hindi malubha ang lagay nito at maari na siyang ipasok sa kulungan sa susunod na araw.

Sabi ng mga pulis, wrong way raw ang lalaking driver na nakabangga kay mommy at lasing ito kaya dapat lang na panagutan niya ang nangyari kay mommy.

Si tita Haide ang kasama ko sa pagbabantay kay mommy. Hindi ko na lang namalayan ay nakatulog na pala ako.

Wala pang isang oras ay nagising ako. Akala ko sa paggising ko, okay na si mommy, akala ko magiging maayos na si mommy pero akala ko lang pala. Unti-unting pumapatak ulit ang mga luha ko sabay yakap kay Tita. 

‘’Mahal na mahal ko po si mommy… mahal na mahal ko po siya…’’

‘’Tahan na Jaria, alam ng mommy mo na mahal na mahal mo siya kaya lumalaban siya para mabuhay…’’, sabi ni Tita sabay nagkahiwalay kami ng yakap. ‘’Makinig ka sa’kin Jaria, tibayan mo ang loob mo para sa mommy mo. Ipagdasal mo siya lagi…’’

Si Tita Haide ay kababatang bestfriend ni mommy. Parang magkapatid na sila ni mommy. Magkaklase sila simula elementarya hanggang kolehiyo hanggang sa nagkaroon na sila ng mga sariling pamilya. Sa America sila nanirahan at tuwing summer lang sila nagbabakasayon dito sa Pilipinas. Hindi nakadalo si Tita sa wedding anniversary nila ni daddy dahil inaalagaan niya ang kanyang anak na may sakit. 

Ilang saglit lang ay bumalik si daddy. 

‘’Umuwi ka muna sa bahay, Jaria, para makapagpahinga ka naman’’, ni daddy. 

Mabuti naman at naging concern sa’kin si daddy kahit ngayon lang.

Ayaw kong umuwi pero wala na rin akong magawa nang mag-insist si Tita Haide na umuwi muna ako at sasamahan daw niya ako.

‘’Jaria’’, tawag ni daddy nang paalis na sana kami sa hospital. ‘’Kapag bumalik ka rito, pakikuha ang laptop ko sa table namin ng mommy mo’’, utos sa’kin ni daddy.

Pagkarating namin ni Tita Haide sa bahay, muli na naman akong naiyak dahil sa pagkamiss kay mommy.

Nami-miss ko na siya. Sobrang miss ko siya.

Tumagal rin ng ilang minuto na nakatulala ako sa kuwarto ko bago naligo.

Lumipas ang ilang oras, lumabas na ako sa kuwarto ko. Mugto pa rin ang aking mga mata, halatang kagagaling ko lang sa iyak at iiyak na naman ako dahil pupunta ako sa kuwarto nina mommy para kunin ang pinapakuhang laptop ni daddy.

Pagbungad ko pa lang sa pintuan sa kuwarto nina mommy, naamoy ko na ang paboritong pabango niya.

Agad akong nagtungo sa table nina mommy dahil nandoon ang laptop na pinapakuha ni daddy.

Binuksan ko ang isang drawer dahil nandoon daw ang kanyang laptop pero wala pa doon.

Sa pangalawang drawer, pinukaw ng atensyion ko ng isang long brown envelope na may nakasulat na ‘’ADOPTION’’.

Kinuha ko ito at dahan-dahang binuksan. 

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero patuloy ko pa rin itong binubuksan at inilabas ko ang mga papers na nandoon.

Nabasa ko sa isang papel ang napakalaking words na…

‘’CERTIFICATE OF ADOPTION’’…

Hanggang sa makita ko ang pangalan ko doon…

‘’JARIA VENTURA SANTILLAN’’

Napalunok ako sa nabasa ko. 

Baka nagkakamali lang ako sa pagkabasa ko kaya binasa ko ang ibang papers na nandoon pero sumampal sa’kin ang katotohanang ampon ako.

Tama.

Ampon ako. 

Ampon ako!

Napaiyak na lamang ako sa nalaman ko. 

Sobrang sakit, akala ko ‘yong nangyari na kay mommy ang pinakamasakit, hindi pa pala, mas masakit pala itong nalaman ko ngayon. 

Di na ako nagtagal sa kuwarto nina mommy, kinuha ko ang adoption papers at bumalik ako sa kuwarto ko.

Ni-lock ko ang kuwarto ko at doon ako umiyak ng sobra. 

Gusto kong magwala, gusto kong mamatay na ako dahil napakawalang kwenta pala ng buhay ko.

Ilang saglit lang ay nag-ring ang phone ko. 

Si daddy ang tumatawag pero hindi ko siya sinagot. Nakailang tawag na siya pero hindi ko siya sinasagot.

May nakita akong wine sa kuwarto ko. 

Inimum ko iyon at wala akong pakialam kung malasing ako.

Hindi ko namamalayan ay nakatulog na pala ako sa sobrang pag-iiyak at kalasingan.

Sa sahig na ako nakatulog katabi ang mga papel na nagsasabing ampon lang ako.

Nagising ako sa sunod-sunod na pagkatok at pagtawag sa’kin ni daddy sa labas ng kuwarto ko.

‘’Jaria, Jaria… Open the door!’’, utos sa’kin ni daddy.

Pinilit kong tumayo kahit medyo masakit ang ulo ko.

‘’Kanina pa ako tawag nang tawag sayo, hindi mo sinasagot…’’, ni daddy nang mabuksan ko ang aking pinto.

Hindi ko sinagot si daddy, tinignan ko lang siya hanggang sa tumulo ulit ang mga luha ko. 

‘’Naglasing ka?’’, tanong sa’kin ni daddy nang maamoy niyang amoy alak ako. ‘’Bakit kailangan mong maglasing?’’

Pumasok siya sa kuwarto ko at nakita niya ang mga kalat sa kuwarto ko.

Nginitian ko si daddy. 

‘’Relax, daddy, relax…’’, sabi ko sa kanya habang umiiyak na. ‘’Ngayon ka pa ba magiging concern sa’kin?’’, nangingiting pang-iinsulto na tanong ko sa kanya.

‘’Ano bang pinagsasabi mo? Ayusin mo yang sarili mo dahil babantayan mo ang mommy mo mamayang gabi... Si Mica ang nagbabantay ngayon’’, sabi niya sa’kin sabay lumabas na siya sa kuwarto ko.

‘’Dad…’’, tawag ko sa kanya sabay lingon naman siya sa’kin. ‘’Kaya pala hindi niyo ako kayang mahalin…’’, sumbat ko sa kanya. ‘’All these years…’’, sabay tumawa ako. ‘’18 years dad? 18 years… 18 years akong nag-aantay na balang araw mararamdaman ko rin ang pagmamahal niyo sa’kin…’’.

Kumunot-noo siya sa’kin. 

Hindi niya alam kung ano ang pinupunto ko.

‘’Hanggang sa dumating na nga si Mica… Ang saya. Ang saya-saya niyo sa kanya, samantalang sa’kin, 18 years? 18 years, pero hindi mo pinaramdaman ‘yong pinapakita niyong pagmamahal kay Mica sa’kin…’’

‘’Ano ba yang pinagsasabi mo, Jaria? Lasing ka lang…’’, nalilitong sabi niya sa’kin.

‘’No…! Maayos pa ako oh… Alam niyo, you’re so unfair!’’ 

Turo ko sa kanya. 

‘’Minahal kita dad, minahal kita… pero hindi niyo ako kayang mahalin…’’

Nalilito pa rin si daddy sa mga pinagsasabi ko. 

Nakita niya ang mga papel na kinuha ko sa kanilang kuwarto ni mommy. 

Akmang lalapitan sana niya iyon at kukunin pero pinigilan ko siya. 

‘’Ngayon, alam ko na ang kasagutan kong bakit di niyo ako kayang mahalin…’’, sabay misteryuso akong tumawa na umiiyak. ‘’Alam ko na ang lahat…’’

Kumunot-noo siya. 

‘’Ampon ako…’’, sabay tawa ulit. ‘’Ang saya, diba? Ampon lang ako kaya di niyo ako kayang mahalin… Ang galing… Napakagaling…!’’.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa’kin. Nilapitan niya ako. 

‘’Makinig ka sa’kin, Jaria…’’, mahinahong sabi niya sa’kin.

‘’Bakit? Ano pa ba ang dapat kong pakinggan mula sa inyo? Paliwanag ninyo…? No need…!’’

‘’Sorry, Jaria, anak…’’, sabi ni daddy.

‘’Sorry…? Ngayon? Naiintindihan ko na ang lahat… Klaro na sa’kin ang lahat kung bakit hindi niyo ako kayang mahalin… Klaro na sa’kin kung bakit hindi niyo man lang ako kinakamusta kung okay lang ba ako…? Kung kumain na ba ako…? Kung may masakit ba sa’kin…? Bata pa lang ako, hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang tunay na ama… ‘Yon pala, hindi niyo ako kadugo… Pero, sino ba naman ako para mag-expect na mamahalin niyo ako pabalik, diba? Sino ba naman ako sa buhay niyo para maging important…? Inampon niyo lang naman pala ako…‘’

Magsasalita sana si daddy pero biglang may tumawag sa kanya at pagkatapos ay naguguluhan siya kung aalis ba or kakausapin muna niya ako.

Ilang saglit lang ay mas pinili niyang umalis. 

‘’Dito ka muna sa bahay…’’, sabi niya at nagmamadali na siyang bumalik sa hospital.

Napaupo na lang ako at napahawak ng ulo dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobrang bigat ng araw na ito para sa’kin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status