共有

Chapter 3

last update 最終更新日: 2025-11-25 21:51:29

Dalawang palapag ang bahay na may salamin na dingding ang binili ko sa BGC. Sa loob ay white at gold ang kulay ng mga gamit. Nagsusumigaw ang karangyaan nito at elegante tignan. Fully carpeted at may malaking chandelier pa sa gitna ng ceiling. Napakakintab din ng sahig na halos pwede ka nang magsalamin doon. Kumpleto sa appliances at may mga nakasabit pang paborito kong portrait na pinasadya talaga ni Erikson para sa akin.

“Sir, pasensiya na, pero hindi po talaga pwede. Pribado po ang villa na ito at pakiusap, matatanggal kami sa trabaho sa ginagawa niyo.”

Napadilat ako ng mga mata na mahagip ng pandinig na nagkakagulo sa labas ng bahay ko. Nangunot ang noo ko na bumangon. Napalingon ako sa labas at kita ko naman ang gate dahil salamin ang dingding.

Lalong nagsalubong ang mga kilay ko na mapatitig sa tatlong guard ko na may hinaharang na lalaki sa labas ng gate at tila nagpupumilit itong pumasok.

Isinuot ko ang aking stiletto na lumabas ng bahay. Napahawi pa ako sa wavy kong buhok at bahagya iyong nagulo. Naglakad ako na parang reyna palabas ng bahay. Sabay-sabay namang napalingon ang mga guard sa akin at lalong nataranta na makita ang boss nila na lumabas.

“Sige na po, sir, umalis na kayo. Nakikiusap po kami.” pakiusap pa ng isang guard sa lalaki.

“I know your boss. She is my wife. And I want to talk to her. Hindi ako aalis dito na hindi ko siya nakakausap.” madiing sikmat ng baritonong boses.

“What's going on here?” sabi ko na ikinalingon sa akin ng mga ito at napayuko na nakalapit na ang boss nila.

“We're so sorry po, ma'am. Si sir kasi, nagpupumilit na pumasok. Asawa niyo raw po siya,” magalang sagot ng isang guard ko na bakas ang takot sa boses habang nakayuko sa harapan ko.

“Asawa?” ulit kong tanong na naka cross arms sa dibdib at nakataas ang kilay.

Bumaling ako sa lalakeng nasa harapan ng gate at pagak na natawa nang magtama ang mga mata namin. Kita kong natutulala na naman kasi sa akin. . . si Hector. Sinenyasan ko ang guard na pagbuksan ito ng gate.

Walang emosyon ang mga mata ko na nakamata dito. Kahit nababakas ko ang gulat at pagkamangha sa mga mata ni Hector, pinanatili kong blangko ang expression ng mga mata ko at hindi apektado sa presensiya nito.

“So, what brings you here, Mr. Revamonte? Paano mo nalamang nandidito ako?” medyo mataray at pormal kong tanong sa binata na napalunok.

“You're coming home with me. Hinahanap ka na ng pamilya mo at maging ng mga magulang ko,” anito na napalunok pa.

Napakurap-kurap naman ako. Mahinang natawa at napailing sa tinuran ng dating asawa ko.

“Are you out of your fvcking mind? Kasi as far as I remember... I'm no longer as your wife, Mr. Hector Revamonte. Ibinalik ko na ang titulong pagiging legal wife ko sa'yo—two months ago. Imposibleng... hindi mo pa natatanggap ang annulment papers natin,” may halong pangungutyang saad ko dito na muling napalunok.

Hindi pa rin kasi ito makapaniwala sa nakikita. Kung paanong bakit hindi niya nakita dati pa kung gaano kaganda at ka-sexy ang asawang binabalewala niya. Ibang-iba na nga ako sa dating Josephine na house wife niya. Ngayon niya lang din ako nakausap nang ganito kalapit at mas natititigan ang mukha ko ngayon.

“Are you done checking on me, hmm? Dahil kung tapos ka na, the gate is open for you. You may leave now and please, do not show up your face to me ever again. Malinaw naman siguro sa'yo noon ang sinabi ko before I'd left your house, right?” pagpapaalala ko dito na ikinabalik ng ulirat nito.

Napatikhim ito na tila may batong bumara sa kanyang lalamunan. Natatameme siya sa asawa na hindi niya mapigilang ikabisa ang magandang mukha ko.

“Asawa pa rin kita, Josephine. Dahil hanggang ngayon, may bisa pa rin ang kasal natin. Kaya kung tapos ka na sa pagmamatigas mo sa akin, umuwi na tayo,” madiing saad nito na ikinaawang ng labi ko.

“What? All this time, we're still married?” hindi makapaniwalang tanong ko na bakas sa magandang mukha ang gulat.

Akala niya noon ay nagdadrama lang ako na maghiwalay kami. Dahil hindi siya umuwi sa gabi ng anniversary naming dalawa. Akala niya ay nagpapasuyo lang ako. Pero lumipas na ang dalawang buwan ay walang paramdam ang asawa niya sa aming lahat.

Naiinis na rin siya sa sarili dahil hinahanap hanap ng paningin niya ang pigura ko sa bawat sulok ng kanilang bahay. Hinahanap hanap ng panlasa niya ang luto ko at naiinis ito dahil wala siyang mahanap na kasing sarap ng luto ko.

Pero kanina ay nakatanggap siya ng report mula sa kanyang assistant. Na may kapangalan ako na pabalik ngayon ng bansa. Kaya naman nagpunta ito sa airport para salubungin ako.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi niya kaagad nakilala ang babaeng nakabunggo niya kanina sa entrance ng airport. Kung hindi niya lang nasamyo ang pamilyar kong pabango ay hindi pa niya ako mapapansin. Pero dahil ibang-iba na ako sa kanyang asawa, hindi niya kaagad ako nakilala.

“Oh yes, my dear wife. We're still married. Dahil hindi ko pinirmahan ang annulment na ipinadala mo. Pasensiya ka na, hmm? Pero hinding-hindi ko iyon pipirmahan. Akala mo ba ay palalayain kita nang gano'n ganoon lang?” nakangising saad ni Hector dito na nag-igting ang panga ko at naningkit ang mga mata ko.

“You, bastard. Pirmahan mo ang annulment natin para makalaya na tayong dalawa sa isa't isa.” nanggigigil na singhal ko dito na napangisi lang.

“Why should I? Ikaw lang naman ang makikinabang kapag pinalaya kita. Habang ako? Pwede akong mawalan ng posisyon sa kumpanya. So why should I let you go?” nang-aasar nitong tanong sa akin na nanggigigil sinugod ito at pinagsusuntok ko siya sa dibdib.

“Ayoko nang dalhin ang apelyedo mo. Ayoko nang maging asawa mo. I have my own life too. I own my life. I own my life.” nanggigigil na sigaw ko na pinagsusuntok ito sa dibdib.

“I own you too. Because you are my wife!” singhal ni Hector na sinalo ang dalawang kamay kong natigilan sa pagwawala.

Napalunok ako na dahan-dahang napatingala sa madilim niyang anyo at kitang nagpipigil lang din ito. Buong lakas kong binawi ang kamay ko mula dito at isang malakas na sampal ang pinakawalan ko.

Napatagilid ang mukha ni Hector sa lakas ng pagkakasampal ko sa kanya sa unang pagkakataon. Napakuyom ito ng kamao na dahan-dahang iniharap ang mukha sa asawa nitong nag-aapoy pa rin sa galit at inis ang mga mata ko. Bagay na ngayon niya lang nakita. Sa lakas ng sampal ko dito ay namula ang pisngi nito at bumakat pa ang palad ko sa makinis na pisngi ni Hector.

“Are you done? Umuwi na tayo,” mahinahong saad ni Hector dito na napailing ako.

“You can't force me to go back to your house, Hector. As I'd said, I own my life. Desisyon ko pa rin kung babalik ako sa'yo o hindi. At para hindi ka na umasa, ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa'yo,” matapang sagot ko na humakbang palapit sa harapan ni Hector.

Matalim ang tinging iginagawad ko dito at ipinapakitang hindi ako natatakot dito.

“Hinding-hindi ko na ulit dadalhin ang apelyedo mo. Pirmahan mo na ang annulment natin, kung ayaw mong mag-aksayahan tayo ng oras sa korte. Dahil sisiguraduhin kong mapapawalangbisa ang pesteng kasal natin. Hindi mo na ulit ako mapapasunod sa mga gusto mo o kahit sino pa sa inyo. Can't you see it? I'm giving you the chance to marry the girl you loved. Bakit ngayon ay ikaw pa ang nagmamatigas sa ating dalawa? Bakit? Tell me,” mahina pero madiing singhal ko dito na hindi nakaimik.

Napailing ako na napahawi sa buhok. Napabuga ng hangin na saka ko lang napansin ang malakas na kabog ng aking dibdib. Napapikit ako. Mabibigat ang paghinga ko na kinakalma ang sarili. Nakatitig naman sa akin si Hector. Matiim na pinagmamasdan ang asawa nito.

Ngayong nakapikit ako, saka niya lang mas napapasadaan ang bawat hulma ng maamo kong mukha. Ngayon niya lang din ako nakita nitong magalit at magtaas ng boses. Akala niya ay simpleng pagtatampo lang kaya nakikipaghiwalay ako sa kanya noon. Pero nagkamali siya. Dahil seryoso nga ako at sa nakikita niya, marami pa siyang hindi alam tungkol sa asawa niya.

Dahan-dahang nagdilat ng mga mata ko nang maramdamang nakatitig sa akin si Hector. Nagsalubong ang aming mga mata. Kapwa mas kalmado na. Napalunok ako na hindi nagpaapekto sa matiim na pagkakatitig sa akin ni Hector.

“Umalis ka na. Bukas ay inaasahan kong... mapapawalangbisa na ang kasal natin,” malamig kong saad na tinalikuran na ito.

“Pinunit ko na ang annulment na ‘yon.”

Natigilan ako sa akmang paghakbang sa narinig na sinaad ni Hector. Naikuyom ko ang kamao. Pinipigilan ang sariling masugod na naman ito.

"Magpapadala ulit ako ng bago. Siguraduhin mo lang na pipirma ka na ngayon," madiing saad ko na hindi nililingon ang asawang nakatitig sa akin.

“Hindi ko pa rin iyon pipirmahan kahit isangdaang beses ka pang magpadala ng annulment sa akin,” sagot ni Hector dito na napalingon ako sa kanya.

“Ano ba ang gusto mong mangyari? Sinabi ko nang pakawalan mo na ako.” iritadong singhal ko dito na hindi nagpatinag.

“Hindi ko sasayangin ang oras ko para sa pesteng annulment na hinihingi mo," madiing sagot nito na napalakas ang boses.

“Ako na ang bahalang magproseso nito, pirmahan mo lang ang annulment natin. Ilang segundo lang ang kailangan ko. Babayaran ko ang igugugol mong segundo para pirmahan ang annulment natin.” galit na sikmat ko na naiduro itong napangisi lang.

“Ganyan ka ba kaatat na makalaya sa akin? Bakit, Josephine, may iba ka na ba? May lalaki ka siguro. Kaya gusto mo nang makalaya sa kasal natin,” pambibintang nito na ikinaawang ng labi ko.

“Ang kapal naman ng pagmumukha mo para sabihin sa akin iyan. Asawa mo ako? Now you're claiming me that I am your wife? Pero sa nakalipas na tatlong taon nating pagsasama, ni minsan, Hector. Ni minsan ay hindi mo ako itinuring na asawa mo. Bakit ngayon kung kailan gusto ko nang makalaya sa pagsasama natin, nag-iinarte ka? Hindi ba dapat ay matutuwa ka pa dahil maghihiwalay na tayo? Hindi mo na kailangang itago ang nobya mo at malaya na kayong magsama ni Gabriella sa iisang bubong,” madiing sikmat ko dito na tahimik na nakamata sa akin.

“Hindi ko pa rin pipirmahan ang annulment natin. Kaya sa ayaw o sa gusto mo, mag-asawa pa rin tayo, Josephine. Subukan mong manlalaki, makikita mo, itutumba ko ang sino mang kalantari mo,” madiing pagbabanta nito na pagak kong ikinatawa sabay iling. "You are mine, Josephine. You.... are... mine."

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Let Me Go, Husband Billionaire!   Chapter 3

    Dalawang palapag ang bahay na may salamin na dingding ang binili ko sa BGC. Sa loob ay white at gold ang kulay ng mga gamit. Nagsusumigaw ang karangyaan nito at elegante tignan. Fully carpeted at may malaking chandelier pa sa gitna ng ceiling. Napakakintab din ng sahig na halos pwede ka nang magsalamin doon. Kumpleto sa appliances at may mga nakasabit pang paborito kong portrait na pinasadya talaga ni Erikson para sa akin.“Sir, pasensiya na, pero hindi po talaga pwede. Pribado po ang villa na ito at pakiusap, matatanggal kami sa trabaho sa ginagawa niyo.”Napadilat ako ng mga mata na mahagip ng pandinig na nagkakagulo sa labas ng bahay ko. Nangunot ang noo ko na bumangon. Napalingon ako sa labas at kita ko naman ang gate dahil salamin ang dingding.Lalong nagsalubong ang mga kilay ko na mapatitig sa tatlong guard ko na may hinaharang na lalaki sa labas ng gate at tila nagpupumilit itong pumasok.Isinuot ko ang aking stiletto na lumabas ng bahay. Napahawi pa ako sa wavy kong buhok at

  • Let Me Go, Husband Billionaire!   Chapter 2

    Ninanamnam ko ang magkahalong init ng sikat ng araw at ang malamig na simoy ng sariwang hangin. Matapos kong lumisan sa bahay ni Hector, tumuloy ako sa airport. Doon ko na hinintay ang lawyer ni Erikson at pinirmahan muna ang annulment papers namin ni Hector bago ako tumuloy sa London.Dito kasi ako ini-book ng flight ni Erikson. Para magbakasyon muna at ipahinga ang isip at katawan ko mula sa nakaka-stressed na relasyon. Kahit paano ay nalilibang din ako sa pananatili sa London.Magmula nang dumating ako dito, tanging si Erikson lang ang nakakausap ko sa Pilipinas. Ni hindi na ako nag-abalang kausapin ang mga magulang ko at ipaalam ang tungkol sa pakikipaghiwalay ko kay Hector. Alam ko na rin namang hindi papayag ang mga iyon, lalo na ang ama ko. Dahil posibleng mag-pullout ng investment at shares ang mga magulang ni Hector sa kumpanya namin kapag mapag-alaman ng mga Revamonte na naghiwalay na kami ni Hector. Tiyak niyang ibabalik lang ako sa poder ni Hector. Kaya mas minabuti kong l

  • Let Me Go, Husband Billionaire!   Chapter 1

    Nabitawan ko ang cellphone habang nagrereplay sa isipan ko ang napanood na sex video nina Hector at Gabriella. Napatulala ako at nanginig.Alam ko naman na kahit ako na ang asawa ngayon, si Gabriella pa rin ang nagmamay-ari sa puso ni Hector. And there's nothing I can do about it. Ni hindi nga niya ako tignan sa mga mata, ang ibigin pa kaya at itratong asawa? Nananaginip ako ng gising sa kaisipang maibabaling din ni Hector ang pagtingin nito kay Gabriella sa akin, kung magiging mabuting may-bahay ako para dito.Tatlong taon na rin akong nagtitiis maging mabuting may-bahay ni Hector. Hindi ako pumapalya sa pananatiling malinis at maayos ang bahay namin. Naghahanda ng gamit niya at pagkain sa araw-araw. Pero ni minsan, hindi ako nakatanggap ng ‘thank you’ mula sa asawa ko.Pagak akong natawa at napailing na pinahid ang tumulong luha na hindi ko namalayan. Para akong nauntog bigla at natauhan sa aking pinaggagagawa sa buhay.Bakit nga ba ako nagtitiis maging asawa ng isang Hector Revamon

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status