author-banner
CathWhoLovesDog
CathWhoLovesDog
Author

Novels by CathWhoLovesDog

Let Me Go, Husband Billionaire!

Let Me Go, Husband Billionaire!

Hector Revamonte's beloved fiance runaway for another man. Kaya ang kapatid ng fiance niya ang dumating sa altar. Malamig si Hector kay Josephine. Wala itong pakialam sa asawa niya. He never treat her as his wife or appreciate her efforts for being a good housewife. Nagtiis si Josephine dahil kailangan ng pamilya nila Hector. Until their 3rd anniversary come. Doon natauhan si Josephine. Umalis siya ng bansa. Kasabay nang pag-iwan niya kay Hector ay nag-iwan din siya ng annulment paper. Sa muli pagbabalik ni Josephine sa bansa, ibang-iba na ito sa simpleng dalaga na napangasawa ni Hector. Kapag dumaraan ito, napapalingon ang mga tao sa paligid niya. Namamangha ang mga lalake at naiinggit naman ang mga babae kung gaano ito kaganda at sexy. She thought everything was settled. But she was wrong. Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin pinipirmahan ni Hector ang kanilang annulment.
Read
Chapter: Chapter 3
Dalawang palapag ang bahay na may salamin na dingding ang binili ko sa BGC. Sa loob ay white at gold ang kulay ng mga gamit. Nagsusumigaw ang karangyaan nito at elegante tignan. Fully carpeted at may malaking chandelier pa sa gitna ng ceiling. Napakakintab din ng sahig na halos pwede ka nang magsalamin doon. Kumpleto sa appliances at may mga nakasabit pang paborito kong portrait na pinasadya talaga ni Erikson para sa akin.“Sir, pasensiya na, pero hindi po talaga pwede. Pribado po ang villa na ito at pakiusap, matatanggal kami sa trabaho sa ginagawa niyo.”Napadilat ako ng mga mata na mahagip ng pandinig na nagkakagulo sa labas ng bahay ko. Nangunot ang noo ko na bumangon. Napalingon ako sa labas at kita ko naman ang gate dahil salamin ang dingding.Lalong nagsalubong ang mga kilay ko na mapatitig sa tatlong guard ko na may hinaharang na lalaki sa labas ng gate at tila nagpupumilit itong pumasok.Isinuot ko ang aking stiletto na lumabas ng bahay. Napahawi pa ako sa wavy kong buhok at
Last Updated: 2025-11-25
Chapter: Chapter 2
Ninanamnam ko ang magkahalong init ng sikat ng araw at ang malamig na simoy ng sariwang hangin. Matapos kong lumisan sa bahay ni Hector, tumuloy ako sa airport. Doon ko na hinintay ang lawyer ni Erikson at pinirmahan muna ang annulment papers namin ni Hector bago ako tumuloy sa London.Dito kasi ako ini-book ng flight ni Erikson. Para magbakasyon muna at ipahinga ang isip at katawan ko mula sa nakaka-stressed na relasyon. Kahit paano ay nalilibang din ako sa pananatili sa London.Magmula nang dumating ako dito, tanging si Erikson lang ang nakakausap ko sa Pilipinas. Ni hindi na ako nag-abalang kausapin ang mga magulang ko at ipaalam ang tungkol sa pakikipaghiwalay ko kay Hector. Alam ko na rin namang hindi papayag ang mga iyon, lalo na ang ama ko. Dahil posibleng mag-pullout ng investment at shares ang mga magulang ni Hector sa kumpanya namin kapag mapag-alaman ng mga Revamonte na naghiwalay na kami ni Hector. Tiyak niyang ibabalik lang ako sa poder ni Hector. Kaya mas minabuti kong l
Last Updated: 2025-11-25
Chapter: Chapter 1
Nabitawan ko ang cellphone habang nagrereplay sa isipan ko ang napanood na sex video nina Hector at Gabriella. Napatulala ako at nanginig.Alam ko naman na kahit ako na ang asawa ngayon, si Gabriella pa rin ang nagmamay-ari sa puso ni Hector. And there's nothing I can do about it. Ni hindi nga niya ako tignan sa mga mata, ang ibigin pa kaya at itratong asawa? Nananaginip ako ng gising sa kaisipang maibabaling din ni Hector ang pagtingin nito kay Gabriella sa akin, kung magiging mabuting may-bahay ako para dito.Tatlong taon na rin akong nagtitiis maging mabuting may-bahay ni Hector. Hindi ako pumapalya sa pananatiling malinis at maayos ang bahay namin. Naghahanda ng gamit niya at pagkain sa araw-araw. Pero ni minsan, hindi ako nakatanggap ng ‘thank you’ mula sa asawa ko.Pagak akong natawa at napailing na pinahid ang tumulong luha na hindi ko namalayan. Para akong nauntog bigla at natauhan sa aking pinaggagagawa sa buhay.Bakit nga ba ako nagtitiis maging asawa ng isang Hector Revamon
Last Updated: 2025-11-25
You may also like
I NEED YOU
I NEED YOU
Romance · Yeiron Jee
93.9K views
Mr. CEO, Marry My Mommy
Mr. CEO, Marry My Mommy
Romance · Mrsdane06
92.5K views
Mister CEO's Obsession (Tagalog)
Mister CEO's Obsession (Tagalog)
Romance · Cupcake Empress
91.7K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status