共有

Chapter 2

last update 最終更新日: 2025-11-25 21:28:50

Ninanamnam ko ang magkahalong init ng sikat ng araw at ang malamig na simoy ng sariwang hangin. Matapos kong lumisan sa bahay ni Hector, tumuloy ako sa airport. Doon ko na hinintay ang lawyer ni Erikson at pinirmahan muna ang annulment papers namin ni Hector bago ako tumuloy sa London.

Dito kasi ako ini-book ng flight ni Erikson. Para magbakasyon muna at ipahinga ang isip at katawan ko mula sa nakaka-stressed na relasyon. Kahit paano ay nalilibang din ako sa pananatili sa London.

Magmula nang dumating ako dito, tanging si Erikson lang ang nakakausap ko sa Pilipinas. Ni hindi na ako nag-abalang kausapin ang mga magulang ko at ipaalam ang tungkol sa pakikipaghiwalay ko kay Hector. Alam ko na rin namang hindi papayag ang mga iyon, lalo na ang ama ko. Dahil posibleng mag-pullout ng investment at shares ang mga magulang ni Hector sa kumpanya namin kapag mapag-alaman ng mga Revamonte na naghiwalay na kami ni Hector. Tiyak niyang ibabalik lang ako sa poder ni Hector. Kaya mas minabuti kong lumayo na muna at huminga.

Sa ngayon, gusto ko lang libangin ang sarili at sulitin ang bakasyon ko. Dahil pagbalik ko ng bansa, magiging abala na ulit ako. Hindi ko na rin inalam ang tungkol sa annulment namin. Dahil tiyak kong ikinatuwa iyon ni Hector na ako na mismo ang bumitaw. Nang sa gano'n, mapakasalan na niya ang babaeng totoong minamahal niya, si Gabriella—ang nakababata kong step sister.

Kahit paano ay nakapag-recharged naman na ako. Tingin ko ay kaya ko nang humarap sa mga naiwan ko sa Pilipinas. Pero sa ngayon, gusto ko na muna sulitin ang bakasyon ko abroad. Dahil ngayon lang ako nakalabas ng bansa.

Matamis akong napangiti na nakaharap sa glass wall habang may hawak na wine glass. Sumimsim ako doon habang nakamata sa kailawan ng siyudad mula sa kinatatayuan ko sa loob ng condo na tinutuluyan ko.

Sa pananatili ko sa London, inaaral ko kung paano kumilos at manamit na katulad sa mga high class woman. Dahil gusto ko na pagbalik ko ng bansa, ibang-iba na ako sa dating Josephine na tahimik, simple at plain kung tignan. Sa mukha man, sa kasuotan o kahit sa galaw.

Balak na rin kasi namin ni Erikson na ipakilala ako sa publiko bilang co-founder at designer ng aming Aethelstone, ang isang sikat na jewelry's store. Kaya gusto kong presentable akong tignan at walang maipuna ang mga tao sa akin. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring idea ang publiko kung sino ang co-founder ng isang bilyonaryo na katulad ni Erikson sa kanyang sikat na jewelry's store.

Sa paningin ng publiko maging sa harapan ng pamilya ni Erikson ay straight siyang kumilos at magsalita. Hindi mo nga aakalain na sa likod ng kagwapuhan at kakisigan niya ay pusong babae pala ang mokong. Tanging ako pa lang ang nakakaalam sa sikreto ni Erikson  sa kanyang pagkatao.

“Ang sarap maging malaya sa lahat. Walang ibang inaalala at ini-enjoy lang ang buhay,” usal ko na napapikit at may ngiti sa mga labi. Ninanamnam ang malamig at tahimik na gabi.

Sa pananatili ko nga sa London, natututo na akong ayusan ang sarili ko. Kung paano maglakad na nakasuot ng mataas na stiletto na hindi ako matitisod. At kahit ang mga kuko ko na dating malinis at plain lang tignan, ngayon ay may nail extension pa ang mga iyon na bumagay sa kamay ko.

Hindi na ako naiilang na magsuot ng sexy dress at hindi na nangangati ang mukha ko kapag naglalagay ako ng make-up. Nagagawa ko na rin maglakad sa labas na nakasuot ng stiletto at may ngiti sa mga labi. Kahit ang buhok kong unat at itim na palaging nakapusod dati, nakalugay na iyon ngayon at pinakulayan ko ng mahogany brown na pina-wavy pa lalo kong ikinaganda at lakas ng datingan. Sa tuwing naglalakad nga ako sa labas ay head turner ako sa mga nadaraanan ko. Para kasi akong buhay na manika sa ganda at ka-sexy-han. Idagdag pang palangiti ako na bumabati pabalik sa mga bumabati sa akin at namamangha sa kagandahan ko.

Napalingon ako sa mesa sa gilid ng kama nang mag-ring ang cellphone ko na nakalapag doon. Lumapit ako sa mesa at dinampot ang cellphone na mabasang si Erikson ang caller. Kaagad ko itong sinagot at inilapat sa tainga ang cellphone ko.

“Yes?” bungad ko.

“Hi, how are you there?”

Napangiti ako na marinig ang baritonong boses ni Erikson na may halong lambing. Napasimsim ako sa wine ko na bumalik sa harapan ng glass wall.

“Masaya at lalong gumaganda. Wait, I'll take a selfie and send it to you,” sabi ko na binuksan ang camera ng cellphone ko.

Humarap ako sa camera na matamis na ngumiti at pinakita pa doon ang hawak na wine, habang kita sa likuran ko ang kailawan ng siyudad na pinagmamasdan ko. Matapos makakuha ng dalawang selfie, ipinadala ko iyon sa messenger ng binata with kissing emoji pa.

“Tignan mo muna ang selfie ko,” sabi ko pa.

“You're so gorgeous. I can't wait to see you,” reply ni Erikson sa akin na napangiti.

“Should I go back now?” tanong ko na inilapat muli sa tainga ang cellphone dahil hindi pa naman nagbababa ng linya si Erikson.

“Ikaw. Handa ka na bang bumalik, hmm?” balik tanong ng kaibigan ko.

Napanguso naman ako. Pinapaikot-ikot ko ang laman ng wineglass ko habang pinag-iisipan kung babalik na ba ako ng bansa. Ilang linggo na rin kasi ako abroad at sa tingin ko naman ay kaya ko nang bumalik at humarap sa lahat na taas noo.

"Siguro tapusin ko na muna iyong dalawang buwan na renta mo dito sa condo. Sayang din kasi ang ibinayad mo kung ibabalik ko na ito na hindi pa natatapos ang dalawang buwan, 'di ba?” aniya ko na inubos ang laman ng wineglass.

“Sulitin mo na muna ang bakasyon mo d'yan. Don't worry about our store. Malakas pa rin tayo at mas lalo pa ngang nakikilala ang store natin. Kaya sulitin mo na muna ang bakasyon mo. Dahil pagbalik mo, marami ka ng nakapilang trabaho dito,” ani Erikson sa akin na napangiti.

“A’right. See you soon. Goodnight.”

“Goodnight!”

Mabilis lumipas ang mga araw. Hanggang sa inabot na ng dalawang buwan ako sa London. Masaya ako at satisfied na babalik na ng bansa. Para harapin ang mga naiwan ko.

Nakahanda na rin ako na lumaya mula sa pagkakahawak sa akin sa leeg ng mga magulang ko. Kung kinakailangan kong ibalik ang apelyido ng mga ito, gagawin ko. Hindi na ulit ako magpapadikta kung ano ang mga dapat kong gawin o hindi ko dapat gawin. It's my life. So I should be the one who decided what to do.

Wearing my red strapless elegant dress with my red stiletto, with a confident smile on my red lips, I walked like a beauty queen as I came out from the arrival. Napapalingon sa akin ang mga nadaraanan ko. Napapaawang ng labi at natutulala kung gaano ako kaganda.

Nakasuot pa ako ng sunglasses at bumagay ang wavy hair kong nakalugay na napakakintab at lambot ng itsura. Humahalimuyak din ang pabango ko at nakakalaglag panga ang balingkinitan kong katawan at bilugang pang-upo na umiindayog sa bawat paghakbang ko.

Bawat paghakbang ko ay tumutunog ang stiletto ko. Na para akong reyna na napapahawi ang mga nakakasalubong ko at binibigyan ako ng espasyo. Para akong may sariling ring light dahil lantad kung gaano ako kaputing dalaga. Napakakinis ng porselanang balat mula ulo hanggang paa. Kaya kita ang inggit sa mga mata ng mga babaeng nakakasalubong ko na mapatitig kung gaano ako kaganda at sexy. Na parang anghel na bumaba sa lupa ang datingan ko! Dinaig ko pa ang mga kilalang aktres, modelo at beauty queen sa lakas ng datingan ko at sa natural kong kagandahan at ka-sexy-han!

Napangiti ako na makita si Erikson  na nag-aabang sa akin sa labas ng airport. Nakasandal siya sa kanyang black BMW na parang modelo. Napapatingin din sa kanya ang mga dumaraan at kinikilig pa ang mga babae. Napakagwapo nga naman niya sa suot na black long sleeve polo at black pants. Nakatupi ang manggas no'n hanggang siko habang nakapamulsa ng kamay at may suot na sunglasses.

“Hey!” aniya ko na ikinatuwid niya at napangiting nag-alis ng sunglasses. Napasuri pa sa kabuoan ko ang binata sa harapan ko na nagniningning ang mga mata.

“Welcome back,” malambing saad niya na sinalubong ako ng yakap.

Napahagikhik naman ako na pabirong kinurot pa siya bago ko siya niyakap pabalik.

“Gosh! I'm finally home,” usal ko na ninanamnam ang yakapan naming magkaibigan.

“You're finally home in my arms, is that what you meant?” biro ni Erikson sa akin na natawa na kumalas na sa akin at napisil pa ako sa ilong.

“Sira. Tara na nga.” Aniya ko na kumapit na sa braso ni Erikson.

Patungo na kami sa sasakyan niya nang may dumaang pamilyar ang manly scents at pabango na ikinatigil ko. Bahagya pa kasing nagkabungguan ang aming balikat na ikinabilis ng tibok ng puso ko na hindi kaagad nakakilos!

Dahan-dahan akong napalingon sa lalaking nakabunggo ko na kitang natigilan din at dahan-dahang napalingon sa akin. Her lips parted as our eyes met. Maging ang kasama ko ay napaawang ang labi na napahagod ng tingin sa kabuoan ko. Napalunok ako na makita siya dito sa airport at mukhang paalis ng bansa. Sa nakikita ko naman ay tila hindi niya ako nakikilala... ang dati kong asawa.

“Let's go,” ani Erikson sa akin na tumango ako at nagpatianod na sa binata.

Kahit nakatalikod ako ay ramdam ko ang mga pares ng matang nakatutok sa akin. Inalalayan naman akong makapasok ni Erikson sa kotse at marahang isinarado ang pintuan.

Napapikit ako na parang nabunutan ng tinik sa dibdib na makapasok na ako sa kotse. Muli kong nilingon ang entrance ng airport nang umandar na ang kotse at laking gulat ko na makita...

Nandoon pa rin si Hector! Nakatitig sa sasakyan namin at tila kinikilala ako!

“Oh my God! Nakita niya ba ako? Nakilala niya kaya ako?”

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Let Me Go, Husband Billionaire!   Chapter 3

    Dalawang palapag ang bahay na may salamin na dingding ang binili ko sa BGC. Sa loob ay white at gold ang kulay ng mga gamit. Nagsusumigaw ang karangyaan nito at elegante tignan. Fully carpeted at may malaking chandelier pa sa gitna ng ceiling. Napakakintab din ng sahig na halos pwede ka nang magsalamin doon. Kumpleto sa appliances at may mga nakasabit pang paborito kong portrait na pinasadya talaga ni Erikson para sa akin.“Sir, pasensiya na, pero hindi po talaga pwede. Pribado po ang villa na ito at pakiusap, matatanggal kami sa trabaho sa ginagawa niyo.”Napadilat ako ng mga mata na mahagip ng pandinig na nagkakagulo sa labas ng bahay ko. Nangunot ang noo ko na bumangon. Napalingon ako sa labas at kita ko naman ang gate dahil salamin ang dingding.Lalong nagsalubong ang mga kilay ko na mapatitig sa tatlong guard ko na may hinaharang na lalaki sa labas ng gate at tila nagpupumilit itong pumasok.Isinuot ko ang aking stiletto na lumabas ng bahay. Napahawi pa ako sa wavy kong buhok at

  • Let Me Go, Husband Billionaire!   Chapter 2

    Ninanamnam ko ang magkahalong init ng sikat ng araw at ang malamig na simoy ng sariwang hangin. Matapos kong lumisan sa bahay ni Hector, tumuloy ako sa airport. Doon ko na hinintay ang lawyer ni Erikson at pinirmahan muna ang annulment papers namin ni Hector bago ako tumuloy sa London.Dito kasi ako ini-book ng flight ni Erikson. Para magbakasyon muna at ipahinga ang isip at katawan ko mula sa nakaka-stressed na relasyon. Kahit paano ay nalilibang din ako sa pananatili sa London.Magmula nang dumating ako dito, tanging si Erikson lang ang nakakausap ko sa Pilipinas. Ni hindi na ako nag-abalang kausapin ang mga magulang ko at ipaalam ang tungkol sa pakikipaghiwalay ko kay Hector. Alam ko na rin namang hindi papayag ang mga iyon, lalo na ang ama ko. Dahil posibleng mag-pullout ng investment at shares ang mga magulang ni Hector sa kumpanya namin kapag mapag-alaman ng mga Revamonte na naghiwalay na kami ni Hector. Tiyak niyang ibabalik lang ako sa poder ni Hector. Kaya mas minabuti kong l

  • Let Me Go, Husband Billionaire!   Chapter 1

    Nabitawan ko ang cellphone habang nagrereplay sa isipan ko ang napanood na sex video nina Hector at Gabriella. Napatulala ako at nanginig.Alam ko naman na kahit ako na ang asawa ngayon, si Gabriella pa rin ang nagmamay-ari sa puso ni Hector. And there's nothing I can do about it. Ni hindi nga niya ako tignan sa mga mata, ang ibigin pa kaya at itratong asawa? Nananaginip ako ng gising sa kaisipang maibabaling din ni Hector ang pagtingin nito kay Gabriella sa akin, kung magiging mabuting may-bahay ako para dito.Tatlong taon na rin akong nagtitiis maging mabuting may-bahay ni Hector. Hindi ako pumapalya sa pananatiling malinis at maayos ang bahay namin. Naghahanda ng gamit niya at pagkain sa araw-araw. Pero ni minsan, hindi ako nakatanggap ng ‘thank you’ mula sa asawa ko.Pagak akong natawa at napailing na pinahid ang tumulong luha na hindi ko namalayan. Para akong nauntog bigla at natauhan sa aking pinaggagagawa sa buhay.Bakit nga ba ako nagtitiis maging asawa ng isang Hector Revamon

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status