Share

Ikatlong Kabanata

" Harra, sweetie"

" Vivi, good morning! Kauuwi mo lang?"

"Yes, cutie pie, nakita ko kasing nakabukas na yung ilaw mo kaya I assume na gising ka na, nag alamusal ka na?"- tanong nito at pinisil pa ang pisngi ko, natawa na lang ako sa ginawa nya para talaga akong bata kung ituring nya.

"Yep, nag luto ako ng lugaw, gusto mo ba?"- alok ko sakanya

"No thanks, sweetie, kagagaling ko lang din sa kainan kaya punong puno ang bituka ko"

"Yung dalawa pala, nandyan na ba sila?"- tanong ko sakanya

"Wala pa, si Denice baka maya maya nandito na habang si Pheby baka mamayang tanghali pa makauwi, anyway dinaanan lang talaga kita, uuwi na ako para makaligo at nakapag pahinga tapos balikan kita mamaya, okay? babush!"

Hindi na nito hinintay ang pagsagot ko at tumakbo na pauwi which is katabi lang naman ng bahay ko Hahaha

Sinara ko ang pinto at bumalik sa loob dumeretso ako sa bangko sa harap ng lamesa, naabutan ko si-- hindi ko nga pala alam ang pangalan nya, na nakatingin sa sakin.

"Ano palang pangalan mo?"- tanong ko dito, hindi sya sumagot agad pero kalaunan ay binuka nya rin ang bibig at sumagot

"Max...just call me Max"- sagot nya, napatango naman ako aa narinig

Max...ang ikli naman ng pangalan nya o baka palayaw nya lang?

Namayani ang katahimak sa pagitan namin matapos ang maikling usapan na iyon, ang awkward sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gagawin dahil sa ganitong oras ay tulog pa ako.

Lumipas ang halos isang oras ay napagpasyahan kong lumabas dahil nakakamatay talaga yung katahimikan pagtingin ko sa kasama ko ay mukang nakatulog ulit kaya tuluyan na akong lumabas.

Punta ako aa apartment nila Vivi ar naabutan ko sya sa harap ng refrigerator.

"Vivi, patambay"

"Go lang, tamang tama katatapos ko lang gumawa ng graham, favorite mo to diba?"

"Wow, penge"

"Upo ka na dyan"

Umupo ako sa sofa sa sala at hinintay sya, mas matanda sa akin si Vivian at yung dalawa pang kasmahan nya dito sa apartment ng dalawa o tatlong taon, sa aming mag kaibigan ako talaga yung pinakabata, sila yung sinasabi ko na nagtatrabaho sa bar at yung tumutulong din sa akin.

"Kamusta pala si Lola mo, Harra?"- tanong di Vivi (ayaw nilang tinatawag na ate dahil nakakatanda daw) habang lumalapit sa akin dala ang isang tupperware na puno ng Graham

"Ayos na sya, nakalabas na sya ng ospital nung nakaraang araw"- sagot ko dito at tinulungan sya sa dala nya.

May sakit kasi si Lola syempre dahil na rin sa katandaan kaya kadalasan talaga ay nasusugod sa ospital pero thankfully naman ay hindi ganun kalala.

"Eh, kailan mo balak umuwi sainyo para naman mabisita mo sila? Puro trabaho ang inaatupag mo magpahinga ka naman"- ayan na, nang sesermon na naman siya Pfft!

" Hindi ko pa alam eh, hindi pa ako nakakapag request ng leave sa trabaho ko"

" Aysus, parang minsa ka lang mag leave tsaka panigurado na mimiss ka na nung kapatid at lola mo"- inabot nya sakin ang isang platito ng graham

" Alam ko naman yun kaso sa panahon ngayon mas kailangan kong kumita ng doble, sayang naman yung araw na kikitain ko"

" Harra, mababawi mo naman yun, pero yung oras na makakasama mo yung pamilya mo hindi na maniwala ka sakin wag mong masyadong ilaan ang oras mo sa pagtatrabaho, wag mo kaming gayahin nila Pheby dahil kami wala na kaming pamilya, hay naku kang bata ka"

Napanguso na lang ako sa sinabi nya dahil itanggi ko man sa sarili ko ay alam ko namang totoo lang ng sinasabi nya, masyado akong naka focus sa pagtatrabaho at minsa ko na lang madalaw sila Lola, gusto ko lang naman mabigay yung gusto nila lalo na yung kapatid ko dahil ang bilis lumipas ng panahon baka pag gising ko binata na agad yan, ayokong matulad sya sa akin na hindi nakatapos, gagawin ko ang lahat magkaroon lang sya ng magandang buhay...pero siguro nga masyado rin akong nagmamadali, well nakakatakot naman talaga ang oras, sa lahat ng bagay sa mundong ito, oras ang pinakaiingatan ko.

"Oh, iuwi mo na yan para may makutkot ka kapag nagutom ka"- inabot sakin ni Vivi ang dalawang tupperware ng graham

"Ang dami naman"

" Para sayo kasi talaga yan tsaka diet yung dalawa mga nag iinarte kaya di rin mauubos yan dito, sige na iuwi mo na yan"

"Salamat, Vivi!"

Bumalik ako sa bahay at naabutan ko si Max na nakaupo at nakasandal sa pader na malapit sa kama, nilingon ako nito ng makapasok ako.

"Hi, kamusta naman ang pakiramdam mo?"

" I'm fine"

" Ah, nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin? Gusto mo ba ng graham?"- alok ko dito na tahimik nya g tinanguan kaya walang salisalita ko syang pinaghandaan at dahil kakakqin ko lang ay pinanood ko lang syang kumain.

" Hmm, may magsusundo ba sayo?"- tanong ko dito habang kumakain sya

" Yeah, my friend "

Hindi na ako umimik pa dahil wala naman na akong maisip na sasabihin, niligpit ko lang yung pinagkainan nya pagkatapos nya at sinamahan ko lang sya mag-inta sa mga kaibigan nya na hindi naman katagalan ay dumating rin.

Nang makarinig ako ng katok mula sa pintuan ay alam ko na agad na mga kaibigan nya iyon, pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang isa, dalawa,--apat na lalaki na mukang kaedaran nya lang din naagaw naman ng kotse sa likuran ng mga ito ang pansin ko, tama nga ang hinala ko mayaman ang isang 'to.

" Hi, andyan ba si Max?"- bati nung isa sa mga lalaki

" Ah, oo pasok kayo"-alok ko sakanila

"Bro, kamusta buhay ka pa pala"- pabirong saad ng isa sa mga kaibigan ni Max.

" Tsk, what took you so long"- malamig na saad naman ni Max sa kaibigan nya

" Naligaw kami Hahaha, si Jake kasi kung saan saan tinuturo"

Tumayo ai Max mula sa maliit kong kama, habang abala sila sa pag-uusap ay ako naman ay nakatayo lang aa likuran nila.

" Get out, I'll follow in a moment"- utos nito sa mga kaibigan

"Wew, okay"- napakibit balikat na lang ang mga kalalakihan pero sumunod din pero bago sila tuluyang makalabas ay lumapit ang mga ito sa akin

" Hi miss, salamat sa pagtulong sa kaibigan namin at pasensya na rin dahil may pagkamasungit yan"- saad nung sa tingin ko ay Jake ang pangalan

" Walang anuman"- ang tangi kong naisagot sa sinabi nito

" Sige miss labas na kami mukang may sasabihin pa si Max sayo"- kumaway ang mga ito sa akin na tinanguan ko na lang.

" Hey "- at nang tuluyan ngang makalabas ang mga ito ay binalingan naman ako ni Max

" Hmm?"

" Thanks...thank you for helping and for the food, thank you for taking care of me and for treating my wounds even though I'm a stranger"

Tumitig ito sa mga mata ko dahilan para hindi ko malaman kung anong gagawin ko, biglang nag hurimintado ang puso ko na tila ba nagkakagulo ang nasa loob ko.

" But, don't just help anyone and don't let stranger in your house"

His deep voice is so soothing, yung mga mata nya na tila ba sinusuri pati kaluluwa ko...hindi ko mahanap ang boses ko dahil sa kakaibang pakiramdam na gumagapang sa buong sistema ko at dahil yun sa lalaking na sa harapan ko.

"Here"- inabot ko ang cellphone ko na binabalik nya sa akin.

" Thank you, again! I'll be going, call me if you ever need my help"

Medyo nagtaka pa ako sa sinabi nya pero hindi na ako naka imik ng lumakad sya palabas kaya dali-dali akong sumunod.

Gusto ko sanang mag 'bye' kahit papaano pero hindi na nya ako nilingon.

"Bye, miss see you around"

Kinawayan ko ang mga kaibigan nya at bahagya silang nginitian, pinanood ko lang sila g sumakay ng kotse nila hanggang sa umandar sila at tuluyang mawala sa paningin ko.

Napabuntong hininga ako at bumalik na sa loob ng bahay, ang dami na rin kasing tao na nakatingin sakin na para bang gumagawa na sila ng sariling kwento sa mga utak nila panigurado akong magbubulung-bulungan na naman ang mga yan.

Dumeretso ako sa kama at humiga, whoo makakatulog na rin ako sa wakas.

Pinikit ko ang aking mga mata at sinubukang matulog pero ganun na lang ang pagkunot ng noo ko ng lumitaw sa isip ko ang muka ni Max kaya agad akong napadilat at napatitig sa kisame.

Alam ko naman na maliit na tsansa na lang ang meron para magkita kami ulit hindi man ganun katagal yung oras na kasama ko sya pero parang nakakapanghinayang

Sa totoo lang kasi marami akong tanong na gustong itanong sakanya, tulad ng paano sya na sugatan o kaya paano sya napadpad sa lugat namin, ganun curious lang ako kasi parang napaka misteryo ng aura at ugali nya.

Parang yung salita nya may bayad, yung reaksyon nya limitado like dude, are you a robot? Pfftt, pero pwera biro ang misteryoso nya talaga sa paningin ko.

Hayy, ewan! Sure naman ako na hindi na kami magkikita kaya tama na ang kaiisip, Harra, mas mabuti pang matulog na lang ako para may lakas ako mamaya pag pumasok ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status