Share

Ikalimang Kabanata

HARRA'S POV

1:45 A.M ang oras ng tuluyan kaming makalabas sa Caffe at mangkanya kanya ng daan, as usual ay kasabay ko si Jane at syempre naghiwalay rin kami ng makarating sa kanto nila.

Naiwan akong mag-isa na naglalakad pauwi, wala ng tao sa labas dahil hating gabi na nga naman, tahimik at malamig ang simoy ng hangin habang naglalakad ako pauwi.

Wala naman sanang kakaiba sa gabing ito pero para akong binuhusan ng malamig na tubig ng sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay may nakita akong anino ng mapadaan ako sa parte kung saan may ilaw, kadalasan kasi ay nasa pinakagilid ako kung saan di na abot ng liwanag.

Naramdaman ko yung pagkabog ng dibdib ko at pag bigat ng hininga ko, nagpatuloy ako sa paglakad na para bang wala akong nakita at napakagat na lang sa ibabang parte ng labi ko habang nagdadasal na huwag naman sana multo yung nakita ko.

Pero on the second thought, mas ayos na pala yung multo kesa naman hold upper o manyak.

Habang tumatagal patindi ng patindi yung kaba ko kaya naman bahagya na ring bumibilis ang lakad ko hanggang sa hindi ko na namalayan nasa kanto na pala ako ng barangay namin.

Bago tuluyang lumagpas sa eskenita sa kanto namin ay naglakas loob akong dahan na dahan na huminto sa paglakad at lumingon at ng wala akong makita ay bahagya akong nakahinga ng maluwag.

Hindi ko alam kung napaparanoid lang ako basta hindi ako mapakali hanggang sa tuluyan akong makatungtong sa bahay ko, ng tuluyan akong makauwi sinigurado kong nakalock ang pinto ko bago ibaba ang bag ko at dumeretso sa banyo para makapag linis ng katawan at matulog.

~~~

Nagising ako sa tunog ng alarm ko, saktong alas-10 ng umaga ako nagising, pagkabangon ko ay naligo agad ako bago mag-intindi ng tanghalian ko.

Dahil may stock pa akong itlog, ay nag gisa na lang ako ng itlog at nagsaing ng isang takal para yung matitira at hapunan ko na.

Pagkatpos kong kumain ay kinuha ko ang spare key ng apartment nila Vivi dahil pinapalinis nila iyon dahil hindi sila makakauwi ngayon araw dahil sa trabaho nila.

" Harra"- habang papunta ako sa apartment nila Harra ay tinawag ako ni Aling Tisa, isa sa mga kapitbahay namin.

" Harra, dali may sasabihin ako"- tawag nito sa akin

" Ano po yun?"- tanong ko pagkalapit dito

" Ganito kasi, yung isa kasi sa anak ng pinsan ko mag bubukas ng boutique, eh kulang pa sila sa tao para sa magbabantay at mag aasikaso sa mga orders, baka gusto mo?" - halos mag ningning ang mga mata ko at pumalakpak ang tenga ko sa narinig

" Saan po? At ano pong oras, may work din po kasi ako pag gabi"- tanong ko dito

" Hindi naman malayo, diba sa Midnigh Sunny ka nag tatrabaho, sa may bayan? Oh malapit lang din yun doon, at sa pagkakatanda ko alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng tanghali, bali 8 hour ang pasok mo"

Omygosh, tatalon talon akong lumapit kay Aling Tisa at sinalubong sya ng yakap dahil sa sobrang tuwa.

" Salamat po, wahh! Salamat Aling Tisa"- natatawa na lang si Aling Tisa dahil sa ginagawa ko

" Oh sya sige, ibibigay ko na lang yung number mo sakanya para matawagan ka at magkausap kayo, sa susunod na linggo pa naman ang opening nila"-

" Salamat Aling Tisa"

Halos mapunit ang labi ko sa sobrang lawak ng ngiti ko habang papunta ako sa apartment nila Vivi, bagong trabaho, dagdag kita, yes!

Para akong tangang nakangiti habang abala sa paglilinis ng apartment nila Vivi, kung may makakakita sa akin ay aakalaing nababaliw na ako dahil ngiting-ngiti ako habang mag-isa.

Well, we can't do anything about it, I love works because it give me money! (wink)

Dahil hindi naman masyadong madumi ang apartment nila Vivi ay maaga rin akong natapos sa paglilinis, pagkabalik ko sa bahay ay nag handa na rin ako, nag palit ng damit at nilagay sa bag yung mga gamit ko para pag oras na para pumasok ay aalis na lang ako.

Habang nagpapalipas ako ng oras ay nag cellphone muna ako, scroll scroll lang sa F*, nood ng videos at ng magsawa ako ay napagpasyahan kong umidlip

Habang nag mumunimuni ako dahil di ako makatulog naalala ko yung sinabi nila Vivi kahapon

Mukang kailangan ko na talagang humingin ng leave dahil may bago akong trabaho at mukang mawawalan ako ng oras para bumisita kala Lola, sakto naman at Wednesday ngayon kaya nasa Caffe ang boss namin, sana payagan ako *cross finger*

"Good evening everyone"

Sabay-sabay kaming napalingon sa Boss namin na kadarating lang.

" Magandang gabi po Ma'am Silva"- sabay-sabay naming bati

" Continue your work, may kukunin lang ako sa office"- saad nito at pumunta sa office nya na nasa pinaka loob ng Caffe.

" Harra, puntahan mo na si Boss break mo na naman na eh"- bulong sakin ni Jane habang bahgyang sinasanggi ang balikat ko

" Sige, kinakabahan ako"- naka nguso kong saad na ikinatawa nya

" Ano ka ba, parang minsan ka lang mag demand ng leave, papayagan ka nun, sige na"- tinanguan ko ito, hinubad ko ang apron ko at inilapag sa drawer malapit sa counter at pumunta kung na saaan si Ma'am Silva.

Pagkarating ko sa harap ng office nya ay napahinga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko bago kumatok.

"Yes, come in"- saad ni Ma'am mula sa loob, dahan-dahan kong binuksan ang pinto at ng sumilip ako ay nagtama ang mga paningin namin kaya pilit akong napangiti

" Magandang gabi, Ma'am Silva"- I greeted

" Good evening, Harra come in sit here"- tinuro nito ang upuan sa harap ng desk nya.

" What can I help you"- she ask the moment I sit

" Uhm, kasi po...mag-aask po sana ako ng permission to leave"- kabadong ngiti ang lumitaw sa labi ko

" Leave? Hmm, why?"- tanong nya

" Matagal na po kasi simula nung naka uwi ako sa bahay namin at na ospital po kasi ulit si Lola ko, gusto ko po sana kahit papano maalagan sya"- marahan kong sagot, she tilted her head while squirming her eyes na para bang nag-iisip habang ako naman ay napapalunok na lang sa kaba.

" Well, it's fine you're one of my hard working staff kaya sure, I'll give you a five days leave"- nanlaki ang mata ko sa gulat at halos na lang ay dambahin ko si Ma'am Silva dahil sa sobrang tuwa buti na lang ay napigilan ko ang sarili ko.

" Salamat po, Boss! Thank you po"

" Sure thing. Is that all?"- nakangiting tanong nito

" Yes po, thank you po ulit! Babalaik na po ako sa trabaho"- nag bow ako dito at muling nag pasalamat bago tuluyang lumabas at bumalik sa trabaho

"Oh, ang saya ah!"- nginitian ko lang si Jane at kinuha ulit ang apron ko para bumalik sa pagseserve, di na ako nakapag break but that's fine, this day is my luck day!

Time rolled fast at pumatak na naman ang oras ng uwian, hindi ko kasabay si Jane ngayon dahil sinundo sya ng boyfriend.

Habang naglalakad ako pauwi ay ramdam ko yung sama ng panahon sigurado ako mamaya-maya lang ay bubuhos na ang malakas na ulan.

Pero hindi iyon ang nakakapag pangamba sa akin, ramdam ko na naman ang pagsunod ng kung sino sakin habang naglalakad pauwi.

Malayo pa ang ami kaya sobra-sobra na yung kaba ko at kusa ng kumikilos ang paa ko para lumakad ng mabilis hanggang sa di ko na napansin ang unti-unting pagbuhos ng ulan.

Dahil nag mamadali na ako ay hindi ko na pinansin kung basang basa na ako basta makauwi ako agad sa bahay, pero habang tumatakbo ako di ko napansin ang maliit na bato sa daanan kaya ang resulta ay natisod ako.

Napapikit na lang ako habang hinihintay ang paglagapak ko sa lupa pero ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin akong nararamdaman kaya unti-unti kong dinilat ang mga mata ko and to my surprise...

Max's perfect face was the first rhing I saw.

" Why would you run in the middle of the dark road"- kunot noo nitong tanong habang salo-salo ako ng kanan nyang kamay at yung kaliwa naman ay nakahawak sa payong.

"Max?"- gulat kong tawag dito dahil hindi maproseso ng utak ko na nandito sya sa harap ko, tumaas ang isang kilay nito bago ako inalalayan tumayo

Ang taray nyang lalaki, Pftt!

" Why are you running?"- lumapit ito sa akin para makasilong din ako sa payong na dala nya, tinuro ko yung dinaanan ko

" May sumusunod kasi—"

Napatigil ako sa sasabihin ko ng marealize ko ang nangyayari.

" Wait, Ikaw ba yung sumusunod sakin?"- walang kasiguraduhan kong tanong

" Yes"- walang pag-aalinlangan naman nitong sagot, napatakip naman ako sa bibig ko sa gulat

" B-bakit? Pati kahapon, ikaw yun?"- tanong ko

" Yes, well if you're asking why, I ...just want to make sure you can go home safe"- sagot nito at nag-iwas ng tingin, I froze why staring at him, sa hindi malamang dahilan parang may kumiliti sa tiyan ko dahilan para hindi ko mapigilang mapangiti

*giggle*

" What? What are you giggling about?"- masungur nyang tanong, I shake my head at iniwas ang paningin ko para takasan ang matatalim nyang tingin

" W-wala hehehe, so ibig sabihin ihahatid mo ko?"- pag iiba ko ng usapan, I saw him rolled his eyes kaya mas lalo kong pinigilan ang pag hagikgik

" It's raining, so I guess"- parang no choice nyang sagot pero if I know ihahatid nya rin akong ng palihim katulad kahapon kung sakalinh di kami nagkita.

" Tara na, baka mas lalong lumakas ang ulan sa bahay ka na rin magpatila"- aya ko dito at lumakad na sinunod naman nya.

Matapos ng maulan na gabi na iyon, napagtanto ko na tila ba may kakaibang nangyari sa puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang damdamin na tila ba bigla na lamang sumulpot kinabukasan. Kapag bigla...bigla lang talaga kasi minsan sumusulpot sya sa isip ko, parang may mga alon sa loob ng aking dibdib na nag-aalab (wow kailan kayo nakakita ng alon tapos nag-aalab), tapos yung mga pisngi ko bigla na lang mag iinit.

Paulit-ulit na nag p-play back yung gabing iyon sa utak ko, at napapa-isip na lang ako kung bakit ako nag kakaganito. Hindi ko maunawaan kung paano nangyari ito, kung napaparanoid ba ako o masyado lang akong nadala nung mga oras na iyon.

Para kasing may mas malalim pang koneksyon na nabuo sa pagitan namin sa mga oras na iyon, at aaminin ko nagbibigay iyon ng mga emosyon na bago sa akin.

Hindi ko naman sya lubusang kilala dahil kung iisipin, wala pa sa isang linggo o tatlong araw man lang ang panahon na pinagsamahan namin.

Subalit tila ba sa maikling panahong iyon, ang kanyang presensya ay nagdulot ng malalim na epekto sa akin.

Pero as I expected...

Happiness is not really for me!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mary Heart Cabigon
thank you po sa update otor
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status