Share

Lethal Love
Lethal Love
Author: V_gaisle

Unang Kabanata

Harra's POV

Kalaliman na ng gabi ng makatapos kaming magligpit ng mga katrabaho ko, habang abala ako sa pagsisinop ng mga gamit ko ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng staff dressing room.

" Hara, tapos ka na ba magligpit? Tara na"

Nilingon ko ang kapapasok lang na si Jane at tinanguan ito, sinara ko ang backpack ko at isinukbit ito sa balikat ko at sumunod sakanya palabas.

Matapos masiguradong nakaayos na ang mga gamit at nakapatay na lahat ng appliances sa caffe na pinagtatrabahuhan ko ay nagkanya-kanya na rin kami ng daan pauwi.

"Ang tahimik, minsan talaga napapa-isip ako kung tama bang nag night shift ako"- natatawang saad ni Jane na sya rin namang ikinahagikgik ko, palagi kong kasabay si Jane dahil iisa lang ang daan namin pauwi pero naiiwan ako dahil nauuna ang lugar nila kesa sa lugar namin.

" Buti na lang talaga maraming street light sa kalye natin, kung hindi naku baka tumatakbo ako pauwi gabi-gabi"- biro ko dito

"Ay same Hahahaha! Feeling ko ano mang oras may biglang hihila sa paa ko, kyah! Bigla tuloy akong kinilabutan"- hinampas ako nito sa balikat kaya hinampas ko rin sya pabalik at tumawa.

Wala eh, parehas kaming bayolente lalo na kapag natutuwa.

"Oh, dito na ako ingat Harra, see you later"- nginitian ko ito at kumaway habang pinapanood syang pumasok sa kalye kung saan ang lugar nila. Nang tuluyan syang mawala sa paningin ko ay nagpatuloy ako sa paglakad para makauwi, mga limang minutong lakaran pa ang gagawin ko para makadating sa kanto namin.

Habang naglalakad ako magkukwento muna ako ng ilang bagay tungkol sa buhay ko.

Ang buong pangalan ko ay Harra Clave (Kla-ve), 18 years old at mag 19 sa darating na Disyembre, para sa kaalama ng lahat ay hindi na ako nag-aaral, nakatapos ako ng grade 8 at hindi na tumuloy sa pag-aaral dahil mas kinakailangan kong kumita. May isa akong nakababatang kapatid na 14 na taong gulang at ang lola ko na kamasa nya ngayon, nasa Maynila kasi ako habang nasa Bulacan naman sila.

Yung mga magulang ko naman, well wala na sila, sa totoo lang namatay ang nanay ko nung 10 taong gulang ang bunso kong kapatid at yung tatay naman namin, hindi namin nakilala kaya kay lola na kami lumaki, hindi na rin naman namin hinahanap o tinatanong kung sino o kung nasaan ang tatay namin.

Isa akong waitress sa gabi sa isang Caffe dito malapit sa lugar namin, habang sa umaga naman ay pahinga o kaya minsan ay rumaraket, minsan binabantayan at nililinis ko yung apartment ng kaibigan ko na kapit bahay ko lang naman, kadalasan kasi ay hindi sila umuuwi ng isa o dalwang araw dahil sa trabaho nila sa bar.

Sinasabi ko na sainyo wag kayong judgemental agad, kahit sa bar sila nagtatrabaho mabait ang mga yun, madalas sila ang nagpapautang sakin kapag walang wala na ako o kaya naman ay sila ang nag hahanap ng raket para naman may extra akong pera, tsaka sabi nila dahil malaki ang sahod nila ay sila na daw ang bahal sa pagkain ko pero hindi naman yung tipong sakanila na ako kumakain araw-araw, minsan sila yung nag bibigay sakin ng ulam at mga dessert na hindi ko naman afford kaya malaki rin talaga ang utang na loob ko sa mga yun.

Anyway, tama na nga at baka hindi ako makauwi kakakwento. Malapit na ako sa kanto ng lugar namin, dadaan na lang ako sa isang eskenita at barangay na namin paglabas nun. Dahil nga eskenit na ito ay wala ng street light at tanging liwanag na lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ko, ilang hakbang na lang ang kailangan ko para makalabas ng eskenita na yun ng mahinto ako sa paglalakad dahil sa impit na d***g na narinig ko.

Ilang beses akong napakurap at sinubukang hagilapin ang pinanggagalingan ng d***g na iyon pero masyadong madilim, kinuha ko aa bulsa ko ang cellphone ko (na ibinigay sa akin ng isa kong kaibigan) at binuksan ang flashlight at inilawan ang sulok sulok ng eskenita.

Huminto ang ilaw ko sa isang sulok na malapit sa mga tambak na karton at basura ng may makita akong mga binti duon.

Pinatay ko agad ang flashlight ko dahil sa kaba na naramdaman ko, tinalukuran ko ang lugar na iyon at muling humakbang... pero hindi pa man din ako nakaka-tatlong hakbang ay mariin na lang ako napapikit dahil sa muli kong narinig ang d***g nito na para bang hirap na hirap sya sa paghinga, kaya kahit sobra-sobra ang kabang nararamdaman ko ay lakas loob akong humakbang palapit sa sulok na yun.

"U-uhm, ayos ka lang po ba?"- mahina kong tanong habang lumalakad palapit sa kung sino man yun pero wala akong narinig na sagot pero patuliy lang ang mahihina nitong d***g

Nang tuluyan akong makalapit ay muli kong binuksana ng flashlight ko at inilawan ang taong yun mula sa paa paakyat sa muka nito.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang taguliran nito na puro dugo, di ko na alam ang iniisip ko basta ang alam ko nalang ay muli kong binulsa ang cellphone ko at dali-daling nilapitan ang lalaki para alalayan.

Mabigat man ay nagawa ko itong itayo, muka namang may malay pa sya pero nanghihina na, saglit akong nag isip kung dadalhin ko ba sya sa ospital o sa bahay.

Pero may kalayuan ang ospital sa lugar namin at wala ng sasakyan dahil looban pa ito baka maubusan ng dugo ang taong ito bago pa kami makarating sa ospital kaya nag desisyon akong dalhin na lang ito sa bahay at least doon ay malalapatan ko sya ng first aid kit.

Buti na lang at wala ng masyadong tao sa labas dahil hating gabi na rin, panigurado akong kung may makakakita sa amin aakalaing ginulpi kami sa labasan.

Hindi rin naman katagalan ay nakarating kami sa bahay, dineretso ko sya sa kama habang hinayaan kong malaglag ang bag ko sa sahig at tumakbo papunta sa lababo, kumuha ako ng maligamgam na tubig at malinig na tuwalya, kinuha ko rin ang firs aid kit na meron ako at dinaluhan ang lalaki.

Pawis na pawis ito at halatang nahihirapan pwro hindi iyon ang nakapukaw ng pansin ko, madilim kanina kaya ngayon ko lang tuluyang napagmasdan ang muka nya.

Ang gwapo nya, halatang araw-araw naliligo hehehe, at isa pa yung damit nya halatang mamahalin puro sugat at pasa man kitang kita yung kakinisan ng balat nya.

Halatang yayamin ang isang ito kaya nagtataka ako kung paano itong napadpad sa lugar na tulad nito? Hindi kaya ay napagtripan ang isang ito?

Hay, tsaka ko na iisipin ang mga yan pag nasa maayos na lagay na sya.

Ayokong mamatayan mismo sa bahay ko susko, paniguradong malaking problema ang napasok ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status