It’s 8 in the morning but she can feel the heat of the afternoon as she walks on the sidewalk,
Mayari stood in front of a tall building, this is her first day as a writer intern at Moonlight’s publishing house.
She took a deep breath and walked towards the crowded hallway of the building and nervously reached the elevator buttons.
Unfamiliar faces greeted her as the elevator door opens, she grabbed her phone and turn the volume up to ease the rising tension in her chest. She’s nervous and excited at the same time.
Elevator reached the 7th floor where she was supposed to go. The door opened and there goes the people who will work with her for the next months.
She stood on the corner while waiting for their team leader.
Minutes passed and the elevator opened again and a man his age came out from it. He looks familiar…
“Apollo?” she called the guy and the latter look behind him to see if she was talking to him.
“Mayari, remember? Classmates tayo sa Cinematography and ikaw yung nag-suggest ng magandang angle nung isang araw sa shoot," nakangiting bati ni Mayari, saglit na napahinto si Apollo at tila inalala ang sinabi ng huli subalit hindi niya maalala ito.
Napa-irap na lamang si Mayari nang mapagtanto niyang hindi siya nito maalala at iniba na lamang niya ang usapan.
“Magwwork ka rin dito?” tanong niya, Apollo just nodded.
Hindi na muling nagsalita si Mayari. Maya maya lamang ay lumabas na ang team leader nila, pina-iwan ang mga gamit nila sa locker at pinapasok sa training room.
Umupo si Mayari hindi kalayuan sa instructor subalit may distansya mula sa mga kasama habang si Apollo naman ay nasa sulok ng kwarto naka-upo at malayo sa kanila.
Everyone in the room was obviously older than them. Twenty-four is the closer to their age.
“Sir, would you mind moving here? Parang masyado ka kasing malayo sa’min diyan sa pwesto mo," biro ng kanilang trainer kay Apollo. He stood up then sat beside Mayari.
Mayari just looks at him then rolled her eyes.
After 4 hours of lecture, their instructor told them to go to the 10th floor for their I.D’s.
“Sabay na tayo magpa-I.D?” tanong ni Mayari kay Apollo, tumango lamang ang huli.
Tahimik lamang sila sa loob ng elevator hanggang sa makuha nila ang kanilang mga I.D, naisip ni Mayari na ayain si Apollo na sabay na lamang silang mag-lunch dahil nauna na ang mga kasama nila.
Sa hindi malamang dahilan, magaan ang loob nila sa isa’t isa. Hindi lamang ito pinapansin ni Apollo sapagkat hindi siya sanay na may babaeng kaibigan—hindi siya sanay na may kaibigan.
Habang kumakain ay nagsimula nang magkwento si Mayari tungkol sa kung pa’no siyang nakapasok sa publishing house at kung ga’no katagal niya itong hinintay.
“Ikaw? Ba’t ka andito? Mukha ka namang mayaman. Mukhang namang hindi mo kailangan ng part-time," tanong niya kay Apollo.
“My Dad just asked me to. Ayoko naman talaga but I kinda enjoy writing," He answered
“Huy! Ayan yung pinaka-mahabang nasabi mo ngayon araw. Ang galing!” namamanghang sabi ni Mayari
“Ginawa mo naman akong bata," Apollo said and slightly formed a smile.
“Cute mo pag naka smile ka, you should often do that,” Mayari said.
“Crush mo ‘ko?” tanong ni Apollo at pumangalumbaba.
“Hoy! Ang kapal ng mukha mo. Sinabi ko lang na cute ka pag nakangiti,"
They both laughed. Ngayon lang naramdaman ni Mayari na mapalagay kasama ang isang taong hindi niya kilala.
8 hours passed and they both finished their first day, Apollo immediately left and Mayari stayed at the near coffee shop, she doesn’t feel fine. She decided to let her brothers stay at their aunt’s house… hindi niya rin alam kung magagampanan niya pa ang pagiging ate sa mga ito, wala na siya sa sarili.
She stayed in an abandon building’s rooftop near her school. She badly wants to end everything but she’s the only person her brothers have, kaya mas pinipili niyang sumubok araw araw.
“Would you jump?” a familiar deep voice said
“Oh? Anong ginagawa mo rito?” she asked Apollo
“Can you imagine leaving everything behind?” Apollo ignored her question and just look at the sky
Parehas silang nakatingin sa kawalan. Mayari was surprised with this side of him. Parang kahapon lang ay hindi sila aware sa existence ng isa’t isa at isang araw pa lang silang magkasama…
It feels like I’ve known him for a while now, Mayari thought.
“Kung hindi ko iisipin yung mga taong maaapektuhan? Siguro matagal ko nang ginawa,” saad ng dalaga
“Do you believe in heaven?” he asked
“Hindi, but I’m hoping na meron,” she smiled, thinking about her parents.
“How’d you know about this place pala?” Mayari changed the topic
“I used to hide here. When bullies from grade school are chasing me, tumatakbo ako rito. They see this as haunted but this was somehow my safe place,” Apollo said.
“Lalim mo rin eh no?” nakangiting saad ni Mayari
“Umiinom ka?” tanong ni Apollo at inilabas ang apat na bote ng beer mula sa bag
“Occasionally," sagot ni Mayari at tinanggap ang isang bote na inabot ni Apollo
Apollo looked at the sky.
“When I was a kid, I used to believe that at the end of the sea andon ‘yong moon,” he chuckled
“Hoy! Ako rin, gusto kong pumunta sa moon dati kasi sabi ng mommy ko pinangalan daw ako sa Goddess ng moon,” mayabang na sabi ni Mayari
“I was named after the God of sun,” Apollo smiled
“Hoy seryoso ba?” he just nodded.
“You want to try something crazy?” Apollo asked with a smirk
“Wag mo ‘kong titignan ng ganyan Domingo ha!” biro ni Mayari at bahagyang niyakap ang sarili
Ngumiti lamang si Apollo at hinila si Mayari sa isang kwarto sa ikalawang palapag. Puno ito ng basag na pinggan, iniabot ni Apollo ang isang pinggan mula sakanyang bag kasama ang isang marker.
“Anong gagawin ko rito?” Mayari asked
“Just write everything there. Kahit ano, kung anong iniisip mo, kung saan o kung kanino ka galit. Kahit ano. Lahat ng nagpapabigat sa nararamdaman mo,” nakangiting sabi ni Apollo at sinimulan nang magsulat sa kanyang pinggan.
Kita sa dalawang nage-enjoy sila sa kanilang ginagawa. Lalo na si Mayari, mas magaan na ang nararamdaman niya ngayon.
“Then? Ano nang gagawin natin?”
“Basagin mo, ihagis mo sa paraang gusto mo,” turo ni Apollo “Advice lang, hagis mo siya using your non-dominant hand. 'Yong malakas na malakas, mas nakakawala ‘yon ng galit,” dagdag pa nito
Sabay nilang binasag ang mga pinggan. Pinagmasdan lang ni Apollo si Mayari na tuloy pa ring sumisigaw matapos niyang basagin ang plato niya.
“Feeling a lot better?” Apollo asked
“Yeah, thank you,” she sincerely smiled at him.
Bumalik sila sa rooftop at inilabas ni Mayari ang kanyang telepono.
“I made this playlist para lang dito sa lugar na ‘to. Para tumulala, para mag-isip,” saad niya at nagpatugtog
Magdamag lamang silang naupo at tumingin sa kawalan. Hindi na rin nila namalayan ang oras.
“It’s past 10, you should go home na,” Apollo said to Mayari
“Ang conyo mo ha!” Tinawanan lang siya ni Mayari “But no, I don’t feel like going home tonight. I just want to escape for a while, ngayon ko na lang ulit naramdaman yung ganitong klase ng peace,” dagdag pa ng dalaga
“So am I,” pag-sang ayon ni Apollo
“So, what are we going to do?” she asked
Nagkibit balikat lamang si Apollo.
Maya maya’y naramdaman nila ang unti unting pagpatak ng ambon, agad na sumilong si Apollo subalit tumingala lamang si Mayari at dinama ang ulan. Tumayo pa ang huli at bahagyang sumabay kasabay ng musika
“What are you doing?” sigaw ni Apollo
“Dancing, like no one’s watching,” she said and continue dancing, Apollo shook his head then joined Mayari under the rain.
Mayari feels safe.
Alas tres nang umaga ay nagkayayaan na rin silang umuwi, bago maghiwalay sa sakayan ay hinarap muli ni Mayari si Apollo.
“Hug,” nang walang anu ano’y niyakap niya ito.
Wala nang nagawa si Apollo, hindi na rin siya nakabitaw pa. Naisip niyang baka kailangan ito ng dalaga at isa pa matagal na panahon na rin simula nung may yumakap sakanya katulad nito. It feels warm.
Matapos ay ngumiti na lamang si Mayari sa kanya at naglakad na patungo sa kasalungat na direksyon.
Mayari immediately went inside her room the moment she got home. She cried again and look at her parent’s picture. Everything’s falling apart now. Ngayong araw niya lang din naramdaman ang ganitong klaseng pahinga.
She grabs her notebook and starts writing down on her diary…
“October 7,
I hang out with a stranger today. It feels weird but refreshing at the same time. Sa araw na ‘to gusto ko lang may makasama na hindi ako tinatanong kung ayos lang ba ‘ko, gusto kong may makasama na hindi ako kilala, na hindi maninibago kung may weird sa kilos ko. Gusto ko lang huminga nang isang araw kasama 'yong isang tao na walang alam sa kung anong istorya ko. Gusto kong mapag-isa pero hindi literal na mag-isa, gusto kong may kasama physically pero gusto ko ring hayaan iyong nararamdaman ko. 'Yong hindi ko kailangang magkwento o mag-explain. Pagod na ‘ko. Malaki ang itinulong ni Apollo sa araw na ‘to, kung ano man ang pinagdadaanan niya… alam kong darating 'yong araw na magiging ayos kami parehas, sana.”
She put her pen down and lie down. Kakaibang pagod yung nararamdaman niya sa mga nakaraang araw, pagod na hindi nadadaan sa pagtulog o pahinga.
Pero alam niya kahit papa’no… nakapagpahinga siya sa araw na ‘to.
Isang linggo matapos ang insidente sa ospital ay walang naging balita sina David kay Cyrus, tinanggap na lamang nila na nadampot ito ng mga awtoridad... subalit hindi si Diana.Panibagong araw na nanatili siya sa bintana ng kwarto, inaasahang makita ulit si Cyrus sa labas ng bahay nila. Panibagong tray ng pagkain ang ilalapag sa lamesa ng kwarto niya kasabay ng pagkuha ng isa pang tray ng pagkain na hindi niya ginalaw o tinignan man lang.Pinanood ni David ang kapatid na araw araw maghintay kay Cyrus, sa loob loob niya’y tahimik din siyang naghihintay pero hindi ba’t mas madaling asahan ang pinaka-masamang mangyayari kaysa umasa na ayos lang ang lahat?“Asaan si Diana?” tanong ng ama nilang si Javier kay David.“Nasa taas, Dad. Hindi pa nga rin lumalabas ng kwaro, ni hindi ginagalaw ‘yong mga pagkaing dinadala namin nina manang,” saad ni David.“That doesn’t matter, Hijo. Bring her here, I got s
May 8, 1973Isang buwan matapos pagbawalan sina Diana na makipagkita kay Cyrus. Mas naging komplikado hindi lamang para sa relasyon ng dalawa ang mga sumunod na araw matapos ng pagpatay kay Lucia, mainit ang lahat grupo nila at kapwa nasa panganib.Napagdesisyonan ni Cyrus na magpunta sa bahay ng dalaga, umaasang masilayan niya kahit papaano ito. Ma-ingat niyang tinignan ang paligid ng bahay, hindi niya nais na manggulo at magpakita kaninoman sa kanila.“Are you gonna stand here all day?” rinig niya mula sa kaniyang likuran, boses ito na matagal niyang inasam marinig.“Hi there,” bati niya sa nakapameywang na si Diana.“Hey there, creep,” nakangiting saad nito at bahagyang lumapit sa kanya.“I missed you.” Hinawakan ng dalaga ang magkabilang pisngi at bakas sa mukha nito ang pangungulila sa nobyo.Pinagkasiya nila sa ilang sandali ang isang buwang hindi pa
April 5 1973 “David! David tulungan mo ‘ko parang awa mo na!” nag-e-echo ang boses ng isang babae sa loob ng abandonadong building kung nasaan ang ‘hideout’ nina Cyrus. “Sandali, ano ba ‘yon?” tanong ni David habang papalapit sa pintuan, sina Diana at Cyrus naman ay hinihintay kung sino ang iluluwa nito. Pare-parehas silang kabado sa kung anong dahilan ng pagkatok. Isang babaeng naliligo sa pawis ang umakap sa paanan ni David pagkabukas niya ng pintuan. “David parang awa mo na tulungan mo ‘ko,” nagsusumamong sambit nito. “Martha! What happened?!” alalang tanong ni Cyrus at agad na nilapitan ang kaibigan. “Tulungan niyo ‘ko, m-may mga armadong lalaki sa bahay namin ngayon,” umiiyak na sambit nito. “Maupo ka, anong nangyari?” tanong ni Diana at inakay si Martha papunta sa upuan. “M-May nagpuntang mga armadong lalaki sa bahay, hinahanap ang kapatid kong si Alfred. Hinalughog nila ‘yong buong bahay. Nakataka
“Sigurado ba kayong wala na kayong nakalimutan?” tanong ng Lola ni Mayari sa kanila. They’re going back to Basco today and unfortunately, Chloe received a call from her parents that they have an emergency and she need to go back to Manila. Mayari told her that they can come home with her but Chloe insisted, telling them to enjoy their remaining days in Basco. “Oh siya, anak, mag-ingat ha? Ikumusta mo na lang ako sa mga kapatid mo,” bilin ng Lola ni Mayari at bahagyang hinaplos ang pisngi niya. “I will, Lola. Mag-ingat rin kayo rito. Sa susunod na balik ko isasama ko na sila Michael,” saad niya at yumakap sa kaniyang Lola. Sakto namang may dumating na tricycle kaya’t sumakay na sina Mayari rito. Bahagya na lamang niyang tinanaw ang kanilang bahay hanggang sa mawala ito sa paningin niya. “Can we visit Angela? Just to say goodbye?” Apollo asked. He and Angela doesn’t have a certain connection except that he has her Father’s memory
“Mayari!” sigaw ni Chloe at bahagayang inalog ang natutulog pa ring si Mayari. “Ano ba ‘yon?” Mayari said with her morning voice and covered her face with a pillow. “Bumangon ka na raw diyan sabi ng lola mo, pupunta raw tayo sa light house ngayon!” sabik na sabi ni Chloe at inalis ang unan sa mukha ng kaibigan. “Dali na, bumangon ka na r’yan,” dagdag nito at saka iniwang nakahiga si Mayari sa higaan. “Puyat kayo ni Apollo kagabi huh,” mapang-asar nitong sabi habang naglalakad palabas ng kwarto “Umalis ka na nga rito!” isang lumilipad na unan ang tumama sa mukha ni Chloe matapos itong ibato ni Mayari. Pansamantala siyang tumulala sa kisame at muling inisip ang napag-usapan nila ni Apollo kagabi. Masyadong nang madaming na
Taong 1973 Limang buwan matapos idineklara ang batas militar. Ilang buwan din matapos magkakilala nina Cyrus at Diana, madalas na rin silang nagkikita sa mga meeting ng grupo. Tulad ng kasalukuyang ginagawa nila ngayong araw. “Hindi naman natin maitatanggi na tumaas ang ekonomiya sa ilalim ng rehemeng ‘to!” panibagong pagtatalo ang umuusbong sa grupo, marami sa kanila ang natatakot na para sa sariling kaligtasan at nais na ring suportahan ang diktadurya. “Mangmang!” sigaw ni David sa kasamahang si Anton. “We can see the progress, David! Isn’t that enough reason to believe that somehow it’s what we needed?” sigaw pabalik ni Anton. Hindi na bago sa kanila ang ganitong pagtatalo. Karamihan sa kanila’y katatapos lamang ng kolehiyo, ang ilan ay nag-aaral pa. Natatakot sila sa mga posibilidad na mangyari sa gitna ng kinahaharap ng bansa. “And you became a victim of an illusion! It’s just a magic show that made a fool like yo