Nablanko na ang utak ko at hindi na makapag-isip nang maayos. Nagbaba na lang ako ng tingin sa sahig. Paano niya nalaman ang nangyayari rito? Nasaan na ang mga bouncer? Sila dapat ang unang pumasok dito. Bakit itong tatlong 'to ang dumating?!Nabingi ako sa katahimikan. Wala ng maingay na tugtog. Pinatay na ng kung sino sa kanila. I was just staring at the floor unblinkingly when I noticed him took his steps towards me. My heart raced so fast. Huminto siya sa harapan ko kaya sa sapatos na niya ako nakatitig ngayon. Yumuko siya at saka ko naramdaman ang telang yumakap sa akin. Napaangat ako ng tingin sa kaniya sa gulat. I almost forgot that I am nearly naked. Naka-two piece lang ako at t-back pa ang panty.His jaw clenched as my gaze fixed on him. Tumayo siya nang tuwid nang maiayos na niya ang kaniyang suit jacket sa sa akin. "Let's go." he coldly said. Patay ang mga matang pinukol niya sakin. Hindi ko matagalan ang titig niya kaya tumayo na ako. Bakit niya ako tinulugan? Para sa
"Nagkikita pa ba kayo nun?!" Iritadong tanong sakin ni Aldrio pagkarating namin sa bahay. Nakasimangot na binigay ko sa kaniya ang helmet saka dire-diretsong pumasok sa bahay. Sumunod naman siya. Pagod na pinikit ko ang mga mata. "Liana, dating asawa mo 'yon, 'di ba? Yung CEO ng Casa de Saros?" Pumunta ako sa kusina. Binuksan ang ref, kinuha ang pitsel ng tubig saka kumuha ng baso sa cabinet, nagsalin. Tumayo lang siya sa dulo ng island counter, naghihintay sa sagot ko. "Nag-uusap pa ba kayo nun? Kala ko ba galit ka dun?" May hinanakit sa boses niya na akala mo'y tinraydor ko. Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos kong makainom. Pabagsak na nilapag ko ang baso. "Hindi kami nagkikita. Hindi rin nagkakausap. Ngayon lang." "Bakit?" Bumuntonghininga ako. Pati ba naman siya mangungulit rin?! I don't want to tell him what really happened to me tonight so I just told this to make him leave: "Aksidente lang na nagkita kami. Hindi ko alam na nandoon pala siya. Pinapasok yata ng acti
"Cosimo started entering the club since the last 3 months, sabi ng mga bouncer. Nanunuhol pa raw ng pera para makapasok. Wow." Nakangising binalita ni George sa akin. Agad namang nagising ang sistema ko nang marinig iyon. Alas tres na ng madaling araw. May pasok pa ako mamaya pero heto ako at nakikipag-video call kay George. I called to tell him that I was scolded by his sister a while ago. Buti na lang at walang Cosimo na nagpakita sakin ngayon. Nagsawa na siguro. O baka nasa ibang VIP room lang siya at hindi na ako pina-assign sa kwarto niya. But why was he discreetly entering the club despite he's banned? Kaya pala puro mamahalin ang mga gamit ng bouncers sa club. I don't want to assume anything because it will only hurt myself. Ako pa rin ang masasaktan sa dulo kahit ano pang rason niya sa ginagawa niya ngayon. 3 months? Engaged na kaya sila ni Frida noon? Hindi naman siya mahilig p-um-arty. He never been in any bar or club when we were still together before. Or baka puma-party n
Mabilis akong lumingon. "You won't do that." "I can, Liana. And I will." Parang mababasag ang bagang ko sa sobrang diin ng pagkakatiim. "Ano ba, Cosimo!" singhal ko sa inis. He's being too much. Paano niya nalaman iyon? Ah, bakit pa nga ba 'ko nagtatakha. He has his ways. Kahit confidential ang information naming mga strippers dito, kaya siyang mapakain ng sariling imbestigasyon. Pero ang ireklamo at ipakulong si George, ibang usapan na 'yan. Wala 'yang kinalaman sa problema naming dalawa. Ipapasara ang club panigurado. Just because he badly wants us to talk, he's willing to put the job of every employees here at stake. He looks at me in tired eyes. Nakasuot siya ng suit pero wala nang tie at nakabukas ang dalawang butones ng white polo shirt. He must be off from work and went here straight. Marami yatang meetings kaya ginabi na ng out sa opisina pero may lakas pang makipagtalo sakin. "I wanna know how desperate you were to do that kind of scheme so I can validate it." Kumun
"You couldn't?" Kinuyom ko ang mga palad. "Naririnig mo ba ang sarili mo?! Cosimo, ikakasal ka na!" Hindi ko na napigilan ang sarili at pinakawalan na ang galit. Ayaw ko nang laruin pa ang usapang ito. Parang nawawala siya sa sarili. Tiningnan ko ang lamesa kung ilang bote ng alak ba ang binili niya at gaano na karami ang nainom. Kaunti pa lang naman ang nababawas niya sa isang bote ng campagne. Hindi pa siya lasing. Nasa katinuan pa pero parang wala na sa sarili. He looked away. That's already enough for me to know that he's guilty. Totoo ngang ikakasal na siya. Hindi pa ako halos naniniwala sa mga balita ni George sakin pero ngayong kitang-kita ko na sa mukha ni Cosimo ang totoo, this has to stop. Kinalma ko ang sarili. "Alam ba 'to ni Frida?... Na pumupunta ka rito para kausapin ako?" Tinitigan lang niya ang basong nasa harapan na para bang walang naririnig. Hinintay ko siyang sumagot. Hinabaan ko ang aking pasensiya. What if he really couldn't move on... tulad ko? Gusto niya
Ano? Nawawala? 'Yon ba yung kanina pa niya hinahanap? Paano siya makakauwi nito?Hinagod ko ang buhok sa sobrang iritasyon. Bakit ba kasi nangialam pa ako sa kalagayan niya? Pauwi na ako, e, pero umeksena pa ako sa problema nilang dalawa ng sekyu kaya heto ako ngayon. Namomroblema kung papaano siya pauuwiin."Paanong 'di mo alam? Paano nawala?!""Don't know.""Baka nalaglag mo?!" Tinalikuran ko siya para hanapin ang susi sa mga dinaanan niya pero dahan-dahan siyang dumausdos paupo hanggang sa nag-alarm na ang kotse.Ano ba naman 'yan! Mabilis ko siyang binalikan at hinila patayo."Tumayo ka! Umalis ka diyan!" sigaw ko.Nakapikit lang siya. Mukhang wala nang lakas para sumunod pa sa utos ko.Ang bigat niya!Ang ingay!"Cosimo naman!" Inis ko.Tumayo ako para tingnan ang paligid kung agaw atensyon na ba kami. May mga iilang nakatambay sa malayo at napapatingin dito. Sa kabilang banda naman, may papalapit nang sekyu. Hindi siya yung sumita kay Cosimo kanina.Napasapo ako sa noo saka tini
My eyes hurt from the light coming from the windows. Kinusot ko ang mga mata habang bumabangon. I'm feeling so energetic today. It only means that I slept well. Ang lambot naman kasi ng kama."You're now awake."Agad akong nagmulat nang makarinig ng lalaking boses sa kwarto ko. Until I realized where I actually am.Shit! Wala nga pala ako sa kwarto ko."Good morning," bati niya habang binababa ang hem ng t-shirt.He just went out from his walk-in closet after changing. Nakaligo na siya.Nagbaba ako ng tingin sa kandungan ko. Nakakumot pa ako at kumpleto naman ang suot. Wala namang masakit sakin... walang nangyari. Mariin akong napapikit.Ano na naman ba 'to!Namilog ang mga mata ko nang maalala ang oras."Anong oras na?!" Natatarantang tanong ko saka hinanap ang bag.Ayun! Nasa single sofa!Mabilis akong bumaba sa kama para kunin ang cellphone."10:31 in the morning," he casually answered.Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Binuksan ko ang cellphone at... at... ayaw magbukas!P*
"Ayaw mo ba 'kong maging kagrupo?" gulat na tanong ni Jansen nang mainis ako sa pagkakasali ko sa grupo nila.Kumakain kami ngayon sa fastfood restaurant hindi kalayuan sa university."Walang pumili sa 'yo kaya sinama na kita sa group namin. Ayaw mo ba?"Ah, oo nga pala. Wala pala akong kaibigan sa mga kaklase ko kaya malamang walang pipili sakin bukod kay Jansen. Siya lang naman ang nakikipagkaibigan sakin simula pa lang noong 1st year. Nanligaw nga lang kaya nainis na ako. Ngayon, wala na raw siyang feelings pero palagi naman akong nililibre ng lunch. Tsk! Style niyang bulok!Wala naman sanang problema sakin kung magkasama kami sa thesis. Iyon nga lang, nangako ako kay Aldrio na iiwasan ko na siya. Syempre dadami na ang oras na magkasama kami bukod pa sa school. Hindi ko na maiiwasan 'yon!Umabsent pa kasi ako kahapon. 'Yan tuloy."May choice pa ba ako? Nakalista na 'di ba?"Tumaas ang mga kilay niya."Bakit parang kasalanan ko pa na sinama kita? You'll do the thesis alone when no o