Share

Chapter 58: Wait

Dahan-dahang tumayo si Cosimo. Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin. Gusto niyang takbuhin ang pagitan nila at yakapin si Liana nang mahigpit, pero nag-aalala siya na baka itulak lang siya nito palayo. He's anxious. Hindi naman siya ganito noon kahit pa iharap sa mga bigating kasyoso sa negosyo. Hindi siya kailanman nag-alala sa kahihinatnan ng gagawing aksyon. Ngayon lang siya nag-ingat sa mga kilos. Pakiramdam niya, konting kibot ay maiirita ito.

He couldn't even say a word. Nagbabara ang lalamunan niya. Siguro ay dahil natatakot siya. Lalo na at kakaiba ang naging reaksyon ni Liana. She looks disappointed and mad. Kung talagang hindi siya nito iniiwasan, tumakbo na sana ito para yakapin siya. Pero hindi. Naestatwa si Liana sa kinatatayuan. Nakaparte ang mga labi at namimilog ang mga mata.

"Bakit ka nandito?" tanong niya sa mahinang boses pero may pagbabanta.

He swallowed the lump in his throat. It hurts him. Iyon ang unang tinanong sa kaniya imbis na kumustahin siya. Tala
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status