"She left you but you're still looking for her? Are you thinking?!" "She didn't left me! You manipulated her and used your power to push her through!"Encar sneered. "I didn't manipulate her. She asked for something she could benefit from in exchange of leaving you. She asked for money."Tumiim ang bagang ni Cosimo at kinuyom ang mga palad sa sobrang galit. "You're lying!""That's the truth, son. If your love for her is deep, don't expect that she will love you the same intensity as how you do. Her love is shallow," seryosong saad ng ina sa kalmadong paraan ngunit mariin ang tingin sa kaniya. Nawalan ng sagot si Cosimo para roon. Natigilan siya. Masakit ang sinabi ng ina pero ayaw niyang maniwala. Mahal siya ni Liana. Magpapakasal na sila. Ang dapat niyang sisihin sa mga oras na iyon ay ang kaniyang ina. Kung talaga ngang pinagpalit siya ni Liana sa pera, iyon ay dahil sa pagmamanipula. He shook his head in disbelief. Pumatak nanaman ang panibagong luha habang sinisikap niyang maka
Dahan-dahang tumayo si Cosimo. Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin. Gusto niyang takbuhin ang pagitan nila at yakapin si Liana nang mahigpit, pero nag-aalala siya na baka itulak lang siya nito palayo. He's anxious. Hindi naman siya ganito noon kahit pa iharap sa mga bigating kasyoso sa negosyo. Hindi siya kailanman nag-alala sa kahihinatnan ng gagawing aksyon. Ngayon lang siya nag-ingat sa mga kilos. Pakiramdam niya, konting kibot ay maiirita ito. He couldn't even say a word. Nagbabara ang lalamunan niya. Siguro ay dahil natatakot siya. Lalo na at kakaiba ang naging reaksyon ni Liana. She looks disappointed and mad. Kung talagang hindi siya nito iniiwasan, tumakbo na sana ito para yakapin siya. Pero hindi. Naestatwa si Liana sa kinatatayuan. Nakaparte ang mga labi at namimilog ang mga mata. "Bakit ka nandito?" tanong niya sa mahinang boses pero may pagbabanta. He swallowed the lump in his throat. It hurts him. Iyon ang unang tinanong sa kaniya imbis na kumustahin siya. Tala
Tatlong oras nang naghihintay si Cosimo pero hindi na sa labas ng building. Nakonsensya naman si Liana sa kaniya kaya inabisuhan niya itong pumasok at doon na lang maghintay nang maging kumportable naman siya kahit papaano. Cosimo fought his sleepiness the whole time because of boredom. Kapag nahuhulog na ang kaniyang ulo, ilalabas na niya ang cell phone para aliwin pansamantala ang sarili. Pero hindi naman siya interesado sa telepono kaya sumusulyap-sulyap pa rin siya kay Liana. Tanaw niya lang kasi ang dalaga sa loob ng office dahil glass wall lang ang partition habang siya naman ay nakaupo sa waiting bench. May mga oras na nagtatama ang tingin nilang dalawa. Mas tumatyaga tuloy si Cosimo na maghintay sa pag-iisip na chini-check pa rin siya ni Liana kung kumusta na siya sa kinauupuan. She's busy inside and Cosimo understands that. May kausap siyang isa pang attorney. Palagay niya'y attorney ni Mrs. Thompson iyon. Kausap din nila ang mga tao sa Consulate. Nakasandal, buka ang mg
"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride," sabi ni father. Dito sa part na 'to ako kinakabahan. Sa loob ng halos dalawang buwan naming magkakilala, ngayong araw lang kami hindi nagbangayan. Nanlalamig ang mga kamay ko. Ramdam ko ang lamig ng singsing na kakasuot niya lang sakin. Ni hindi ko man lang siya nakitang umiyak habang papalapit ako sa kaniya. Ako? Pagtapak ko pa lang sa red carpet, rumagasa na ang luha ko! Umalon ang lalamunan niya habang inaangat ang suot kong belo. Suot ang white tuxedo, mas guwapo siyang tingnan kaysa sa palagian niyang suot na black executive suit. Mukha siyang mabait sa ayos niyang 'to. Idagdag pa na nagpa-clean cut siya ng buhok at walang suot na reading glasses. Noong una ko siyang makita, halos lumuhod ako. Hindi naman kasi maikakaila na guwapo siya kahit palaging may suot na salamin. Halata tuloy na matalino siya pero masungit. Mayroon siyang makapal at makalat na kilay na palaging nagsasalubong. Malalim na mga mata na kung
"Kapag hindi ka pa nagbayad sa Linggo, pupudpurin ko ang bahay niyo!" sigaw ni Hugo habang diniduro ako sa noo. Inis na tinampal ko ang kaniyang kamay. "Sinabi ko na ngang magbabayad ako sa katapusan, 'di ba?!" singhal ko pabalik. Pinanlisikan ko ng mata ang isang tauhan niyang umabante papalapit sa akin. Pinalilibutan ako ng pitong lalaki ngayon sa isang madilim na bakanteng lote. Walang mga tao o sasakyan ang dumadaan sa parteng ito dahil sa matataas na damo. Kapag papatayin nila ako rito, ipapanalangin ko na lang na sana umabot ang alingasaw ng bangkay ko roon sa malayong kabahayan. Tumiim ang bagang ko nang biglang hinawakan ni Hugo ang aking panga. Nagpumiglas ako pero nagsilapitan ang mga tauhan niya at hinawakan ako sa magkabiglang braso. Lumubog ang daliri ng matabang lalaking ito sa aking pisngi. "Linggo-linggo ang bayaran, hindi buwan-buwan! Tinaguaan mo pa kami noong mga nakaraang Linggo, tangina mo ka! Um
"Ma! Teka Teka!" Binaba ko kaagad sa lamesa ang mga pinamalengke at tumakbo kay mama. Agad kong inagaw ang kaldero sa kaniya saka binaba iyon sa lababo. Hinawakan ko ang parehong braso niya. "Ano ka ba naman, Liana. Kaya ko naman," marahang sinabi niya para pakalmahin ako. Bumuntonghininga ako saka iginaya siya papalapit sa lamesa. Naghila ako ng upuan at doon siya pinaupo. "Ma, 'di ba po sabi ko ako na ang kikilos dito sa bahay? Hindi pa naghihilom 'yang paa niyo kaya dapat nagpapahinga ka lang." "Hay naku! Paa ko lang naman ang naputol, hindi ang kamay," giit pa niya. Ngumuso ako. "Kahit na. Hindi ka pa nga sanay gamitin 'yang saklay mo." Kinuha ko ang saklay sa kaniya. Isinandal ko muna iyon sa pader para hindi sagabal. Pagkatapos kong magsaing, hinugasan ko na ang mga gulay na lulutuin nang magsal
'Yong lalaking 'yon, ang kapal ng mukha niya! Sino ba siya para sabihan ako ng ganoon? Oo nga't hindi ko masyadong nasundan ang mga sinabi niya pero tumatak talaga sakin 'yong sinabi niyang 'I don't like you'. Kung ano-ano pang binanggit niya sakin na I'm sure, puro negative! May pa 'tell your father to cancel this' ek ek pa siya! So gusto niyang ipa-cancel 'to? May nalalaman pa siyang 'our marriage is likely to work out', eh, ayaw naman pala niya sa ganito! Impokrito! Plastic! Bakit hindi na lang niya sabihin sa nanay niya mismo? Ayaw ko rin naman sa ganito! Feeling niya ba patay na patay ako sa kaniya? Kala mo naman siya lang ang pogi sa mundo! Mas guwapo na si Aldrio para sakin ngayon! 'Yong Cosimo na 'yon, parang hinulma lang na greek god ang mukha pero pang demonyo talaga ang ugali! Sana marunong naman siya rumespeto, no? Ayaw niya sakin? Dapat sinabi ko rin na ayaw ko sa kaniya para quits kami! Palibhasa mayaman kaya ganoon umasta! Bakit kaya ganoon? Parang mas may manners pa
Isang push up lang niya, nawala na siya sa itaas ko. Nanatili akong nakahiga dahil bukod sa masakit ang pang-upo at likod ko, masakit din ang dibdib ko. Pakiramdam ko napisa ang mga ito dahil sa pagkakadagan niya. "My glasses." aniya. Saka ko lang napansin na hindi na niya suot ang salamin niya. Nahanap ko itong nakahandusay rin sa lapag, katabi ng ulo ko, basag. Pumalantik siya tapos ay bumuntong hininga. Yumuko siya para kunin iyon na sa pag-angat niya, naglaglagan ang mga basag na parte nito. Hindi ko kasalanan 'ayan, ha! Tinitigan niya lang iyon sa kamay niya, sinusuri kung ano pa ang nasira. Pero nang matanggap niya sa sarili na hindi na niya magagamit pa iyon, lumakad siya sa trash can at tinapon na. "Get up now," tuwid na utos niya. Hindi man lang nag-alok ng kamay para tulungan ako. Tinuruan ba 'to ng GMRC noong elementary siya? May ganoong subject ba sa private school? Character Education? Mayroon 'yon, sigurado! Ugali nga naman ng mga anak mayaman. Tangina! Dahan-