Share

Chapter 1

"Dad, Mom sorry for leaving you there and for being selfish and thank you for choosing to save me and also I want to thank the both of you for letting me go so I can be saved I want you to know that your sacrifice is worth it because here I am still breathing. But Mom, Dad sorry for disappointing you for seing me like this breathing but not happy, alive but lifeless. Mom, Dad plea-please always gui-guide me. Please let me know h-how to live without you on my side. Please l-let me know how t-to m-move on. Give me a reason to live mommy, daddy please just go back I still need the both of you to feel alive again please I-I-I'm begging please comeback" patuloy kong pagmamakawa sa kanila kahit alam kong malabong bumalik pa sila.

Patuloy lang ako sa pag iyak habang inaalala ang pagkawala ng mga magulang ko at nang mapagod sa pag iyak ay nakatulog akong may luha sa aking mga pisngi.

Nagising ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto at nakita ko ang pagpasok ni Kendrick.

"Hey sorry, did I wake you up?" Kendrick asked worriedly.

"No, it's okay" I told him for him not to feel guilt.

"Uh Addi c-can I ask you something? but it's okay if you don't answer"

"Sure what is it?"

"I-I'm just wondering, what happened to you? What are you doing on that kind of place in the middle of the night? Are you drunk?" He asked me curiously.

"Ahmm.. No I'm not drunk, I was there because I'm escaping from those fucking criminal who just......k-k-killed my parents" kasabay ng pagkasabi sa mga huling salita ay ang pagtulo nanaman ng luha ko dahil sa pag alala ko sa nangyari sa lugar na yun na hindi ko na gugustuhing balikan.

"Oh! sorry to hear that, sorry for asking.......ang chismoso mo kasi Kendrick di ka marunong mamili ng tanong" He apologized and whispered something.

"It's okay, are you saying something?" tanong ko dahil di ko marinig ang sinasabi niya.

"Huh? ah wala yun sabi ko sorry hehehe" awkward niyang tugon.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin sa loob ng kwarto nang wala nang magsalita at nang maubusan na ng mapag uusapan. Nanatili na lamang akong nakatulala sa bintana habang inaalala ang naging karanasan sa kamay ng mga kriminal na pumatay sa mga magulang ko kaya tumulo ulit ang luha sa aking pisngi ng hindi ko namamalayan.

"Addi, what's wrong? why are you crying?" Kendrick asked while wiping my tears. 

Hindi ko namalayan ang paglapit niya sa pwesto ko para punasan ang luha ko.

"Don't worry everything will be alright, mabuti pa ay matulog ka na at magpahinga at bukas ay ihahatid kita pauwi sa inyo" sabi niya at saka niya ako inalalayang humiga. Hindi ko man lang napansin na kinakain na pala ng dilim ang kaninang liwanag sa labas.

"Hindi mo naman ako kailangan pang ihatid pwede naman akong tumawag sa bahay para makapagpasundo sa driver" sabi ko kay Kendrick dahil pakiramdam ko ay masyado na akong nagiging abala sa kanya.

"I insist, just to make sure that you're home safely" he said and gave me a small smile.

Pinaliwanag ko na lang sa kanya ang daan patungo sa bahay namin sa Loyal Heights in Metro, Manila. Habang nasa biyahe kami ay walang nagsasalita sa amin kaya tumingin na lang ako sa bintana para magmunimuni kahit hindi naman nakakarelax ang tanawing nakikita ko dahil puro sasakyan lang naman ang nasa paligid namin.

"Addi nagugutom ka ba? gusto mo kain muna tayo?" biglang tanong sakin ni Kendrick.

"Uhmmm.... hindi na Ken okay lang, hindi pa naman ako gutom, gusto ko lang talagang makauwi na sa bahay" sagot ko sa kanya dahil gusto ko na talagang makauwi sa bahay.

"Ah sige malapit na rin naman tayo sa inyo" sabi niya at binalik na ulit ang buong atensyon sa pagmamaneho.

Habang papalapit kami sa bahay ay hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil naiisip ko na walang sasalubong sakin dahil wala na kong magulang. How I wish na nananaginip na lang ako at isa lamang itong masamang bangungot. Pero alam kong malabong mangyari ang hinihiling ko dahil nandito ako sa realidad na wala na talaga akong pamilya, wala na sila mommy at daddy at hindi ko na sila muli pang makikita. Gustuhin ko mang sumunod na lang sa kanila ay ayaw ko namang sayangin ang sakripisyo nila para lang mabuhay ako. Ayokong sayangin ang buhay na meron ako dahil masasayang lahat ng ginawa nila para sakin. Kahit mahirap at masakit pipilitin kong mabuhay kahit wala sila pero hindi ko kayang sabihing mabubuhay ako ng masaya dahil wala na sila sa tabi ko. Wala na yung mga taong nagpapasaya sa buhay ko. Magpapatuloy ako sa buhay ko pero bilang ibang tao dahil hindi ko na kayang mabuhay sa paraang nakasanayan ko ngayong wala na sila mommy at daddy.

"Hey Addi! we're here" natigil ako sa aking pagmumunimuni ng marinig kong magsalita si Kendrick sa tabi ko at napatitig ako sa bahay kung saan ko matagal na nakasama ang mga magulang kong ngayon ay wala na.

"Yeah, thank you for driving me here." I thanked him before getting out of his car. "Uhmmm.... you wanna come in?"

"Thanks Addi but no thanks, I have to go home because Dad just texted me" he said while waving his phone.

"Oh is that so? Well uh thanks again and take care"

I was about to doorbell when he talk again.

"Uh Addi wait, can I get your number?"

"Ano kasi Ken I don't have a phone I lost it when I was kidnapped"

"Ah ganon ba? it's okay, well I guess I'll just see you when I see you?"

"Yeah I guess, so I'll get inside na ingat ka salamat ulit" pagkasabi ko nun ay bumukas na rin naman ang gate kaya pumasok na ko sa loob.

"Ay ma'am Addi nakailang tawag na po pala si ma'am Jaelyn dahil hindi mo daw po sinasagot yung cellphone mo" biglang sabi ni yaya Grace, she is my yaya since I was a kid and Jaelyn is my bestfriend since high school, Jaelyn Scheben.

"Yaya pakisabi na lang po na nakauwi na ko para manahimik na yung babaeng yun"

"Sige po ma'am. Ay nasan nga po pala sila sir bat po di niyo kasama umuwi? eh di ba po kasama mo sila sa bakasyon?"

"Sorry but I don't wanna talk about it ya, gusto ko na po munang magpahinga" sabi ko sa kanya para maiwasang mapag usapan ang mga magulang ko.

Pagkatapos kong makipag usap kay yaya ay dumeretso na agad ako sa loob ng kwarto ko at naligo para makapagpahinga, dahil kahit galing ako sa hospital at nakahiga lang naman ako dun ay pagod pa rin ang nararamdaman ko ngayon.

Someone's POV

Nakaupo ako sa aking swivel chair habang nasa harap ko ang taong binigyan ko ng isang mahalagang mission.

"Kamusta naman ang simula ng trabaho mo?" Tanong ko dito habang naglalaro ang nakakalokong ngiti sa labi ko dahil sa naiisip kong resulta ng mga plano ko.

"Hindi ganoon kadali pero kakayanin ko, I'll make sure that I'll accomplish this mission." sagot niya na makikita ang pagkadeterminado sa mukha.

"That's good, cause I won't let you ruin all of my plan."

Addilyn's POV

Nagising ako nang may maingay na bumulabog sa pagtulog ko.

"Oy babae sabihin mo nga sakin bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? At bakit ngayon ka lang umuwi? hah? May hindi ka ba sinasabi sakin? Naglilihim kana? Akala ko ba walang secret eh bakit hindi ko alam kung saan ka ba nanggaling? Sino mga kasama mo? May bago ka nang kaibigan no---" natigil siya sa pagsasalita nang ibato ko sa kanya yung unan ko.

"Ano ba yan Jae gusto kong magpahinga tapos nambubulabog ka naman. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" asar kong tanong sa kanya.

"Alam mo ikaw babae ka ikaw na nga pinuntahan at nag alala ko dahil nagbakasyon lang kayo hindi mo na sinagot mga tawag ko malay ko ba kung may masama nang nangyari sa inyo nila tita. Tapos nung tinawagan ako ni yaya Grace nagmamadali pa kong pumunta dito para kamustahin at tanungin ka kung ano ba talaga nangyari kasi sabi niya ay umuwi ka na raw at mukha may malaking problema dahil wala daw kasigla sigla yung Addilyn na dumating na parang hindi nanggaling sa bakasyon dahil mukha kang galing sa libing. At nakakapagtaka pa daw dahil mag isa ka lang daw umuwi at hindi mo kasama sila tita at tito nasan nga ba sila? paliwanag mo nga sa kin Addi dahil magtatampo talaga ko sayo kung hindi mo sasabihin ang problema mo para naman maintindihan kita." mahabang sabi ni Jaelyn na halata ang pagtatampo.

Umupo na ako sa kama ko para makapag usap kami ng maayos.

"Jae ano kasi eh wala na sila, Jae my parents were gone and they will never coming back" iyon pa lang ang nasasabi ko ay nagbagsakan na ang mga luha ko.

"Hoy Addi ano bang pinagsasabi mo diyan? anong hindi na babalik? nag away ba kayo ng parents mo?" naguguluhan niyang tanong. "Atsaka bakit ka umiiyak? nasan ba kasi sila? san ba sila pumunta?"

Habang patuloy ang pag iyak ko ay pinilit ko paring makapagsalita ng maayos para maintindihan niya ako. "Jae they're d-dead, i-in-iniwan na nila k-ko"

"Addi totoo ba yan? ano p-pano nangyari yun? bakit walang burial?" naiiyak na niyang tanong "Addi ano ba talagang nangyari sa bakasyon niyo?"

"Jae hindi kami natuloy sa bakasyon, cause while we're on our way to the airport may mga armadong lalaking humarang sa sasakyan namin, Jae they kidnapped us at dahil doon kaya nawala sila Mom and Dad"

Flashbacks

"Mom I'm scared" I told to my Mom while crying.

"Hush princess we'll get you out of here. Okay? don't worry daddy won't let anyone to touch you"

"Your daddy's right baby we'll get you out of here no matter what"

Even they give me an assurance that we'll get out of here I still can't stop from crying and for thinking of so many what if's like what if we will die on here because they won't let us escape.

"Ano Atty. Doxon kung hindi ka na sana nagmatigas ay hindi na sana umabot pa sa ganito" sabi ng isa sa mga lalaking dumakip sa amin.

"Kahit anong sabihin mo ay hindi ko ibibigay sayo ang gusto mo hindi ka dapat mabigyan ng legal na kalayaan. Nasa labas ka nga ngunit patuloy kang magtatago sa batas" sigaw ng daddy ko.

"Aba't talagang pumapalag ka pa Atty. eh kung pataying ko sa harap mo ang asawa't anak mo tingnan lang natin kung makapalag ka pa" nakakalokong sambit ng lalaking ito.

"Huwag na huwag niyong gagalawin ang mag ina ko, ako lang naman ang kailangan niyo diba"

"Edi ikaw na lang ang papataying ko sa harapan nila mas masaya siguro yun" sabi ng lalaki sabay tutok ng baril sa sintido ni daddy.

"No please don't hurt my dad, no please sir please I'm begging you don't hurt my dad"

"Princess please daddy will be okay don't worry about me we'll be okay"

"Huwag nga kayong magdramahan sa harap ko nakakarindi kayo" sabi ng lalaki bago niya kami tinalikuran.

Dahil nangangalay na ko sa sitwasyon kong nakaupo, nakatali ang paa at nakatali ang kamay sa likod ko ay sumandal ako kay mommy para makapagpahinga at maikalma ang sarili dahil kanina pa umiiyak.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang nakasandal kay mommy kaya nagising ako ng may naramdaman kong may nagkakalag ng sa tali sa kamay at paa ko.

"Mom, Dad what are you doing baka mahuli nila tayo"

"Shh princess remember my promise to you? I promised that I'll take you out of here so just calm down and cooporate. Just promise me that you'll take my orders so you'll be safe"

"I promise daddy"

Nang nakalag na ang tali ay sabay sabay kaming tumayo at naglakad ng dahan dahan upang hindi kami mahuli ng mga bantay. Nang matagumpay kaming makalabas ay akala ko ay ligtas na kaming makakaalis sa lugar na iyon ngunit may nakakita sa aming isang bantay. Wala kaming nagawa kundi tumakbo pero lugi kami dahil lahat sila ay armado kaya ng may nagpaputok ng baril ay hindi ko inaasahang tatamaan ng bala si mommy kaya dahilan upang mapahinto kami sa pagtakbo.

"Baby, Hon umalis na kayo iwan niyo na ako rito dahil hindi ko na kayang tumakbo magiging pabigat lang ako sa inyo"

"No mom we won't leave you here they will kill you mom"

"I know baby but you have to run so you'll be safe"

"No mommy please....... yes I know that if I'll leave you here there's possibilities that I'll be safe but we're not yet sure about that because they wont stop chasing me until they kill me too so I better chose to be killed by your side than to be killed alone"

"Addi your mom is right you have to go save yourself"

"No Dad if being safe means leaving both of you I don't want to be safe anymore Dad please I don't want to leave you"

"No Addi you promised me right? you promised that you'll take my orders right?"

"Yes Dad but not that kind order please not that because I'm sure that if I'm going to leave you here, we're not going to meet again so please Dad I wanna stay with you please"

While they're pushing me to leave them we heard those men approaching

so I had no choice but to leave my parents there to save myself. When I turn to look at them I saw how one of the men shoot my Dad on his chest.

End of Flashbacks

Habang kinikuwento ko sa kanya kung ano ang nangyari ay walang tigil ang pagtulo ng luha ko dahil masakit alalahanin ang nangyari sa kanila at wala man lang akong nagawa para parepareho kaming makatakas at makaligtas sa mga walang pusong gumawa noon.

........................................................................

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status