Share

Chapter 3

Author: velisse
last update publish date: 2026-07-28 08:01:32

Kumunot ang noo ko nang lumalim na ang gabi at nandoon pa rin siya sa pwesto niya. Ramdam na ramdam ko ang pag sunod ng mata niya sa akin. 

Ako lang ba ang pinunta niya rito? 

Hindi man lang niya tinatago ang paninitig niya sa akin. 

Bwisit! 

Muntik ko nang mabitawan ang bote na hawak ko, 

“Ayos ka lang ba? Parang wala ka sa sarili mo?” 

Hindi ko namalayang nandito pala si Ellaine. Bwisit na Evander! 

“O-oo ayos lang ako,” awkward pa akong tumawa para iparating na ayos lang talaga ako. May pag tatakha siyang tumingin sa akin pero sa huli ay tumango nalang siya. 

“Sabihin mo lang kapag hindi mo na kaya ha? Pwede naman kitang icover,” 

Nginitian ko lang ang kaibigan kong si Ellaine. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na si Evander ang dahilan kung bakit wala ako sa sarili. 

Siguradong mag uusisa siya kapag sinabi kong lalaki ang dahilan kung bakit ako nagkaka ganito ngayon. 

“Alam mo ba? Kanina pa naka tingin sa’yo yung nag hahanap sa’yo kanina, parang kanina ka pa niya gustong hilahin at halikan sa sulok,” 

Agaran ang pag hampas ko kay Ellaine sa sinabi niya. 

“Ano ka ba?! Marinig ka niyan baliw ka!” 

“Oh bakit ba? Tsaka, mukha siyang mayaman, kaya bakit dito siya nag ba-bar?” 

“Baka gusto lang ng tahimik na bar,” wala sa sariling sagot ko. 

“Tahimik? Palagi ngang may gulo rito tapos ang babaho pa ng mga tao!” Pabulong niyang sinabi ang huling sinabi niya. 

Umiling nalang ako at pinag patuloy ko ang pag lilinis ko. 

Kumukuha rin ako ng mga order ng mga costumer kaya naging abala rin ako. 

Hindi na rin ako ginulo ni Ellaine dahil pati siya ay naging abala na rin. 

Halos irapan ko ang hangin nang makita kong nag taas ng kamay si Evander. Ngumisi siya nang makitang palapit na ako sa kanya. 

“Oorder ka?” Salubong ko sa kanya. Tumango siya sa akin. 

“Whiskey please, and can I table you? We need to talk,” agad akong umiling. 

“Hindi ako pumapayag itable rito,” 

“Why not? You know me, I amnot some sort of creep, Katerina,” 

Tumango ako sa kanya pagka tapos kong ilista ang order niya. 

“Kilala nga kita pero kapag nakita ng iba na tinable mo ako iisipin nila na pwede akong itable, baka sabihin nila bakit sa’yo pumayag ako tapos sakanila hindi?” 

Bahagya siyang ngumuso sa sinabi ko. 

“I’ll just wait for you then, at the end of your shift,” 

“Hindi na pwedeng bukas na ‘yan? O sa susunod na day off ko nalang?” 

“No, we need to talk about our rules and agreement,” 

Napaisip ako sa sinabi niya at tumango. Oo nga pala, hindi pa kami nakakapag usap talaga tungkol doon. Kailangan din naman ng kontrata, baka takbuhan nalang niya ako bigla pagka tapos niyang gamitin ang buong katawan ko. 

“Kaya mo bang mag hintay hanggang four am?” 

“Yes, is that the end of your shift?” 

“Oo, hindi naman siguro matagal ang pag uusapan natin?” 

Nakita ko ang pag kunot ng noo niya sa sinabi ko. “Why? You have errands after your shift? You will visit a boyfriend?” 

Panunubok niya sa akin. Muntik na akong matawa nang malakas sa sinabi niya. 

“Hindi ako papayag mauwi sa kama mo kung may boyfriend ako… babalik ako kasama ang order mo, wait lang,” 

Hindi ko na siya hinayaang sumagot. Dumiretso ako sa bartender at sinabi ko ang order niya. Kumuha na rin ako ng tubig para sa kanya. 

“Ayos na ‘to, Kat,” tumango ako sa bar tender at nilagay ko sa tray ang dalawang baso. 

“Order mo, one whiskey. Dinalhan na rin kita ng tubig, huwag kana umorder pagkatapos niyan, ayokong makipag usap sa lasing,” 

“Yes boss,” 

Inirapan ko naman siya at tinuloy ko na ang trabaho ko. Ramdam ko ang pananakit ng buong katawan ko pagka tapos ng shift ko. 

“Sasabay ka ba, Kat?” 

“Hindi na, may kasama ako pauwi,” sagot ko sa kaibigan ko. 

Nanunukso ang tingin niya sa akin na agad ko namang inirapan. 

“Bye na! Mag iingat ka pauwi!” 

Tinalikuran ko na si Ellaine at agad akong dumiretso sa kung nasaan si Evander. 

“Let’s go, you look tired,” 

“Mhm, ang haba ng shift kaya ganito,” 

“You know we can talk about this on your next day off,” 

Inilingan ko siya kaagad. Kailangan naming pag usapan ang rules namin. 

“Hindi na, makakapag usap naman tayo sa biyahe,” 

“You want to eat first?” 

Sa tanong niya ay agad akong nakaramdam ng gutom. Dinner pa ang huling kain ko kaya agad na akong pumayag.

Wala nang bukas na kainan kung hindi ang jollibee kaya wala kaming pag pipilian kung hindi roon kumain. 

“I’ll order, just choose a table and rest,” utos niya sa akin. Hindi na ako nakipag talo pa sa kanya. 

Pagod na pagod na ang katawan ko pero kaya ko pa naman pigilan ang antok ko. Dumoble ang pagod ko ngayon dahil maraming tao sa bar. 

Hindi rin nag tagal ay dumating na si Evander bitbit ang pagkain namin. Pinanood ko siyang asikasuhin ang pagkain naming dalawa. 

“Let’s just talk while eating so we will finish fast,” sambit niya sa akin. Tumango ako sa sinabi niya. 

“Do you need a pen and paper?” Tanong niya sa akin. Agad akong umiling. 

“Verbal confirmation is fine, hindi ka naman mukhang scammer,” ngumiwi siya sa sinabi ko. 

“First, both parties won’t be in a relationship nor look for a relationship,” 

“Walang pakielamanan sa buhay ng isa’t isa. Especially personal lives,” 

Marami pa siyang sinabing rules na tinanguan ko, may sense ang mga sinasabi niya kaya tumatango ako habang kumakain. 

“Lastly, don’t fall in love,” naka ngising sagot ko sa kanya. Natawa siya sa sinabi ko pero sa huli ay tumango nalang din. 

We sealed our agreement using a handshake. Nakahinga ako nang maluwag nang matapos na naming pagusapan ang rules namin sa isa’t isa. 

Mas magaan ang pakiramdam ko ngayon. Pagkatapos kong kumain ay tumayo na rin kami, bago pa ako mag lakad ay may inabot pa na pagkain ang staff sa kanya.

Hindi ko na siya pinakielaman at dumiretso na ako sa sasakyan niya. 

Naging mabilis ang biyahe namin dahil wala namang sasakyan sa kalsada, agad akong bumaba dahil inaantok na ako.

Nilingon ko si Evander na bumaba rin ng sasakyan niya. Tinuro ko ang bahay namin. 

“Wanna come in?” Tanong ko sa kanya. 

Ayoko namang maging bastos. 

Agad naman siyang umiling sa akin. “Take these, so you won’t cook breakfast or lunch anymore,” inabot niya sa akin ang hawak niya. 

Umawang ang labi ko pero sa huli ay tinanggap ko nalang iyon. 

“Maybe next time I’ll come in, but you need rest, I’ll just wait until you’re inside, Katerina,” 

Dahan dahan akong tumango at kumaway nalang at pumasok na ako sa bahay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Lihim na Pantasya tuwing Gabi   Chapter 29

    Pagka tapos ng birthday celebration ni solene ay agas din naman kaming nag trabaho ni Elaine kinagabihan. “Table 8, Kat,” “Copy,” kinuha ko agad ang tray na may lamang baso at sisig para ihatid sa table 8. Sobrang dami ng tao ngayon kaya kanina pa kami walang tigil sa kakaparito’s paroon. Nang sa wakas ay wala nang bumagsak na order ay nag pahinga ako sandali sa gilid ng bar counter. Nakita ko pa na tinignan ako ng bar tender namin at sinenyasan ako kung ayos lang ba ako. Sumenyas din ako pabalik sa kanya na ayos lang ako. “Mga wala bang pasok ang mga college students na ‘to? Sobrang dami nila ngayon,” nakangiwing sambit ni Elaine sa akin. Tumabi siya sa akin. Bakas na ang pagod sa ekspresyon ng mukha niya. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. “Wala yata silang pasok bukas kaya gumigimik ngayon,” sabat ni Haru, isa sa mga waiter namin dito sa bar. “Kaya naman pala, parang mga pusang pinakawalan kung makapag party,” si Elaine. Ngumiti ako at pinanood ko ang mga costumer namin n

  • Lihim na Pantasya tuwing Gabi   Chapter 28

    “Kat..” “What is it, Evan?” tanong ko sa katabi ko na parang hindi mapakali sa tabi ko. “Help me outside, kukunin ko ang regalo ko para kay Solene.” seryosong sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at sinamahan ko siya sa kung saan naka park ang sasakyan nila. Sa likuran ng bahay naka park ang sasakyan nila dahil doon malaki ang space, hinayaan ko siyang pumasok sa loob ng kotse niya habang nanatili akong nasa labas, hinihintay siya. “Katerina, come here,” tawag niya mula sa akin sa loob. Bahagyang kumunot ang noo ko nang marinig ko na tinawag niya ako. Taas kilay akong lumapit sa kanay at pumasok ng kotse niya, Kumunot ang noo ko nang isara niya ang pintuan at agad akong inatake ng halik. Mapusok agad ang halik na binibigay niya sa akin na agad ko rin namang tinugon. Umawang nang bahagya ang labi ko nang bumaba ang halik niya sa leeg ko. Pinalupot ko ang kamay ko sa batok niya habang dinadama ko ang bawat pag halik niya sa akin. “Evan, we can’t do this here, may makak

  • Lihim na Pantasya tuwing Gabi   Chapter 27

    “Thank you for inviting us, ate,” nakangising sambit ni Silas sa akin nang makita ko silang tatlo na pumasok sa bahay. Napa buntong hininga nalang ako nang makitang wala silang dala na kahit ano. May pagkain naman na kaya hindi na nila kailangang mag dala ng pagkain. “Thank you for inviting us,” sambit ni Evander sa akin nang nilapitan niya ako. Sasagot na sana ako nang bigla niya akong halikan sa labi. Isang irit ang narinig ko kay Elaine kaya sinamaan ko siya nang tingin. “Si Elaine ang nag invite sainyo, hindi ako,” sagot ko naman. I heard his chuckle. “Where’s Sol by the way? We brought foods,” “Sobrang dami nang pagkain evan,” naka simangot na sagot ko sa kanya. Nag kibit naman siya ng balikat at hinila ako patungo sa kusina, malayo sa mga kasama namin. “I am not that shameful to be here and not bring aything, Kat,” Mas lalo naman akong suminangot. Umupo siya sa isang upuan at hinila naman niya ako paupo sa kandungan niya. “Whatever, Evan,” irap ko naman sa kanya. Ngumis

  • Lihim na Pantasya tuwing Gabi   Chapter 26

    “Ano bag plano mo para sa birthday ng kapatid mo?” nilingon ko si Elaine nang tanungin niya ako. Nasa mall kami ngayon dahil abala akong pumili ng ireregalo ko kay Solene. “Supresa lang, tayong tatlo lang,” tipid na sagot ko. Agad kong dinampot ang bag na alam kong magugustuhan ng kapatid ko. “Talaga? Akala ko invited si Evander,” nakangising sagot nito sa akin na agad ko namang inirapan. “Hindi ko sila ininvite, hindi naman kailangan. Sanay na rin naman tayong tayo tatlo palagi ang kasama niya kapag birthday niya,” Ngumuso naman siya sa sinabi ko. “I think it’s time for a change now,” “Not really,” nakangiwing sagot ko pa.Inakay ko na si Elaine papunta sa counter para bayaran na ang binili ko, pina balot ko nalang din ng maayos kahit na may paper bag na para naman hindi agad makita ni sol kung ano ang regalo ko para sa kanya. “Oorder ba ng pagkain or mag luluto nalang tayo?”; kapagkuwan ay tanong sa akin nito. Bahagya akong ngumuso dahil ang plano ko talaga ay mag order nala

  • Lihim na Pantasya tuwing Gabi   Chapter 25

    “Ilang araw ang off mo, Kat?” tanong ni Ryker sa akin. Tapos na kaming kumain at si Silas ang nag presinta na mag hugas ng mga pinagkainan namin. Wala pa akong tiwala nung una sa kanya dahil alam ko namang mga anak sa yaman sila kaya imposible na maalam sila sa gawaing bahay. “Just three days, buti nalang para makapag pahinga man lang ako,” pahugot ang hiningang sagot ko. Pagod akong sumandal sa sandalan ng upuan ko. Nasa tabi ko si Evan na seryosong nakatitig sa akin. “You could have inform me that you have a three days off so we can plan an outing,” Napailing ako. “Biglaan lang, tsaka hindi ko pwedeng iwan ang kapatid ko rito. Gusto ko kapag umaalis ako ay kasama rin siya, lalo na kapag outing. Ayokong naiiwan siya. “Right, she have classes,” naka ngusong sambit niya sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya. Ilang sandali pa ay dumating na si Silas na malapad ang ngisi. “What’s your plan, Kat?” Mabuti nalang ay hindi na niya ako tinatawag na ate, baka masapak ko na siya.

  • Lihim na Pantasya tuwing Gabi   Chapter 24

    Hila hila ko ang cart habang nasa grocery store kami ni Darcelle. “Hindi ka ba hahanapin ng kuya mo?” “No, he knows I will come here,” naka ngising sagot niya sa akin. Napakamot nalang ako sa pisngit ko dahil sa sinabi niya. Kung nandito siya imposibleng hindi pupunta ang kuya niya mamaya sa bahay. “He asked me if you have work, I told him you don't,” she smiled sheepishly at me. Tinanguan ko naman siya sa sinabi niya sa akin. “Siguradong pupunta ‘yon mamaya,” “Yeah, he told me not to cause trouble? Duh!” Inilingan ko nalang si Darcelle at tinuloy ko na ang pag kuha ng mga kailangan kong bilhin. “I didn;t know that doing groceries could be this peaceful,” naka ngiting sambit ni Darcelle. Siya ang nag tutulak ng cart ngayon. “You don’t do your own groceries?” Haos buong buhay ata niya sa ibang bansa siya nakatira, malayo sa parents niya kaya akala ko ay independent na siya kahit papaano. “No, I have a maid back at home kaya puro studies lang din ang inatupag ko aside from m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status