LOGINNagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Tinignan ko si Evander, mahimbing ang tulog niya sa tabi ko.
Pagkatapos ng ginawa ko sa kanya sa break ko ay hindi na niya ako pinauwi sa bahay dahil dumiretso na kami rito sa condo niya para paligayahin ang isa’t isa.
Tinignan ko ang oras, alas onse na ng umaga. Kailangan ko nang umalis. Alam kong napag usapan na namin ni Evander ang pag alis ko habang tulog siya pero ayoko naman siyang gisingin nalang bigla.
Gusto niyang ihatid niya ako pero kaya ko namang mag taxi eh. Kinuha ko ang mga damit ko at sinuot ko ito.
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto niya. Kasalukuyan akong nag lalakad palabas ng condo ng may maka salubong akong babae.
“Who are you?!” Gulat na gulat na tanong niya sa akin.
Gulat din akong nakatingin sa kanya. Huwag mong sabihin sa aking may girlfriend siya?!
Naka awang pa rin ang bibig ko nang bigla akong itulak ng babae kaya agad akong nabalik sa realidad.
“Who are you and what are you doing to my fiance’s condo?!”
“F-fiance?” Nauutal na tanong ko sa kanya.
Tinaasan ako nito nang kilay at isang tumataginting na sampal ang binigay niya sa akin.
Naramdaman ko agad ang pag hapdi ng pisngi ko sa ginawa niya.
“What are you?! A prostitute huh?!” Kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.
Ngayon ko mas napag masdan ang mukha niya, sobrang ganda niya. Halata ring mayaman.
“H-hindi! I am not a prostitue! Tinulungan ko lang si sir dahil nalasing siya kagabi,” pag sisinungaling ko sa babae.
Kung ito ang fiance niya ay kailangan ko nang putulin ang ugnayan ko kay Evander.
Nanliliit ako sa kinatatayuan ko. Gustong gusto kong umiyak sa sobrang galit.
Bakit niya sinabi sa aking wala siyang ka relasyon?!
“Why are you still here huh?!” Tinulak niya ulit ako.
“S-sorry ma’am, aalis na po ako!” Nag mamadali akong umalis.
Tangina, tinulungan? Kung pupuntahan niya ang fiance niya malalaman niyang may kinamang ibang babae si Evander.
Agad akong pumara ng taxi. Sinabi ko ang address ng bahay namin.
Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang hindi umiyak.
Ang baba kong babae! Bakit ako pumayag makipag sex sa lalaking malapit nang ikasal?!
Hindi ko pinigilan ang pag agos ng mga luha sa mata ko. Hinayaan ko ang sarili ko na lukubin ng galit at awa sa sarili.
Ang dumi dumi ko.. para sa pera nagawa kong ibigay ang sarili ko sa lalaking hindi ko lubos na kilala.
“Nandito na po tayo ma’am..” napatingin ako sa hinintuan ng driver. Tumango ako sa kanya at nag bayad na.
Bumaba ako ng taxi, papasok palang sana ako sa bahay nang may tumawag sa akin.
“Hoy Katerina!”
Nilingon ko ang pinang galingan ng boses. Tinaasan ko ng kilay si Arlene.
“Bakit, Arlene?”
“Ano itong naririnig ko na tinable ka ni Arnold huh?!”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pati ba naman dito?
“Bakit hindi mo tanungin ‘yang asawa mo kung ano ang totoong nangyari? Bakit sa akin ka nagagalit ngayon?” Kalmadong tanong ko sa kanya.
Pagak itong tumawa sa akin.
“Talaga? Akala ko ba malinis ka?! Na hindi ka nagpapa table sa mga lalaki, tapos kay Arnold ka lang pala bibigay? Malandi ka!” Galit niyang sigaw sa akin.
Kumunot ang noo ko. Hindi naman gwapo si Arnold kaya bakit ako bibigay sa pangit na ‘yon?
“Alam kong gwapo si Arnold, pero grabe ka Kat!”
Natawa ako. “Anong gwapo? Nakikita mo ba itong itsura ko? Sa tingin mo itong ganda kong ‘to papatol ako sa pangit mong boyfriend?!”
Hindi na ako nakapag pigil. Ang petty naming dalawa. Narinig ko ang tawanan ng mga kapitbahay namin.
“Alam mo Arlene,” lumapit sa amin si Adrian. “Tama si Kat, ako nga hindi ako sinagot nito, tapos magpapa table lang kay Arnold?” Natatawang sagot nito.
Sinamaan ko naman ng tingin si Adrian. Si Adrian ay ang anak ni kapitan, matanda lang siya ng dalawang taon sa akin.
Gwapo siya, kung maayos lang ang buhay namin ay baka sinagot ko na siya.
“Mag sama kayong dalawa!” Napapahiyang sigaw ni Arlene.
“Nakielam ka pa talaga,” tinaasan ko nang kilay si Adrian.
Ngumisi naman siya sa akin at bahagya akong niyakap.
“I miss you, Kat. May pasalubong ako sa’yo!” Nakangisi niyang sinabi sa akin.
Natawa naman ako sa kanya at sinenyasan ko siyang pumasok sa bahay. Kahit hindi ko sinagot si Adrian ay nanatili pa rin ang pag kakaibigan naming dalawa.
“Malamig ba sa canada?” Nakangising tanong ko sa kanya.
“Sobra, pero mas malamig ka,”
Inirapan ko naman siya. Nag timpla ako ng juice at nilagay ko ito sa harapan niya.
“Kakauwi mo lang ba?”
“Oo, ikaw? Overtime ka sa trabaho?”
Umiling ako. “Nakitulog ako sa kaibigan ko, late na kami natapos sa trabaho,”
Tumango naman siya sa akin at inabutan ako ng dalawang paper bag.
“Para sainyong daawa ni Solene,”
Agad kong tinanggap ang paperbag. “Salamat, matutuwa si Solene,”
Nag kwentuhan muna kami hanggang sa mag desisyon siyang magpaalam na.
“I’ll get going, you need rest..”
Tumango ako sa sinabi niya sa akin. Hinatid ko siya sa gate ng bahay. Kinawayan ko siya hanggang sa tuluyan na siyang tumalikod.
Nang mag isa nalang ako sa bahay ay naalala ko na naman ang nangyari sa condo ni Evander.
Tulala akong naupo sa sofa. Nararamdaman ko ang pamumuo ng luha sa mata ko.
Sobrang galit ako sa sarili ko dahil pinangako sa sarili ko na hinding hindi ako gagaya kay mama.
Naging kabet si mama nung kano na naka buntis sa kanya. Huli nalang niya nalaman kung kailangan buntis na siya kay Solene.
Miminsang umuuwi rito sa pilipinas ang kano na ‘yon para makipag sex kay mama. Si mama naman ay malugod na pumapayag dahil may natatanggap din naman siyang pera.
Grabe naman talaga ang mundo, mag nanay nga kami.
Kinuha ko ang cellphone ko, nag tipa ako ng message kay Evander.
To Evander:
You need to terminate our contract, just send me my last pay. You have a fiancee! Fuck you!
Pagka tapos ng birthday celebration ni solene ay agas din naman kaming nag trabaho ni Elaine kinagabihan. “Table 8, Kat,” “Copy,” kinuha ko agad ang tray na may lamang baso at sisig para ihatid sa table 8. Sobrang dami ng tao ngayon kaya kanina pa kami walang tigil sa kakaparito’s paroon. Nang sa wakas ay wala nang bumagsak na order ay nag pahinga ako sandali sa gilid ng bar counter. Nakita ko pa na tinignan ako ng bar tender namin at sinenyasan ako kung ayos lang ba ako. Sumenyas din ako pabalik sa kanya na ayos lang ako. “Mga wala bang pasok ang mga college students na ‘to? Sobrang dami nila ngayon,” nakangiwing sambit ni Elaine sa akin. Tumabi siya sa akin. Bakas na ang pagod sa ekspresyon ng mukha niya. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. “Wala yata silang pasok bukas kaya gumigimik ngayon,” sabat ni Haru, isa sa mga waiter namin dito sa bar. “Kaya naman pala, parang mga pusang pinakawalan kung makapag party,” si Elaine. Ngumiti ako at pinanood ko ang mga costumer namin n
“Kat..” “What is it, Evan?” tanong ko sa katabi ko na parang hindi mapakali sa tabi ko. “Help me outside, kukunin ko ang regalo ko para kay Solene.” seryosong sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at sinamahan ko siya sa kung saan naka park ang sasakyan nila. Sa likuran ng bahay naka park ang sasakyan nila dahil doon malaki ang space, hinayaan ko siyang pumasok sa loob ng kotse niya habang nanatili akong nasa labas, hinihintay siya. “Katerina, come here,” tawag niya mula sa akin sa loob. Bahagyang kumunot ang noo ko nang marinig ko na tinawag niya ako. Taas kilay akong lumapit sa kanay at pumasok ng kotse niya, Kumunot ang noo ko nang isara niya ang pintuan at agad akong inatake ng halik. Mapusok agad ang halik na binibigay niya sa akin na agad ko rin namang tinugon. Umawang nang bahagya ang labi ko nang bumaba ang halik niya sa leeg ko. Pinalupot ko ang kamay ko sa batok niya habang dinadama ko ang bawat pag halik niya sa akin. “Evan, we can’t do this here, may makak
“Thank you for inviting us, ate,” nakangising sambit ni Silas sa akin nang makita ko silang tatlo na pumasok sa bahay. Napa buntong hininga nalang ako nang makitang wala silang dala na kahit ano. May pagkain naman na kaya hindi na nila kailangang mag dala ng pagkain. “Thank you for inviting us,” sambit ni Evander sa akin nang nilapitan niya ako. Sasagot na sana ako nang bigla niya akong halikan sa labi. Isang irit ang narinig ko kay Elaine kaya sinamaan ko siya nang tingin. “Si Elaine ang nag invite sainyo, hindi ako,” sagot ko naman. I heard his chuckle. “Where’s Sol by the way? We brought foods,” “Sobrang dami nang pagkain evan,” naka simangot na sagot ko sa kanya. Nag kibit naman siya ng balikat at hinila ako patungo sa kusina, malayo sa mga kasama namin. “I am not that shameful to be here and not bring aything, Kat,” Mas lalo naman akong suminangot. Umupo siya sa isang upuan at hinila naman niya ako paupo sa kandungan niya. “Whatever, Evan,” irap ko naman sa kanya. Ngumis
“Ano bag plano mo para sa birthday ng kapatid mo?” nilingon ko si Elaine nang tanungin niya ako. Nasa mall kami ngayon dahil abala akong pumili ng ireregalo ko kay Solene. “Supresa lang, tayong tatlo lang,” tipid na sagot ko. Agad kong dinampot ang bag na alam kong magugustuhan ng kapatid ko. “Talaga? Akala ko invited si Evander,” nakangising sagot nito sa akin na agad ko namang inirapan. “Hindi ko sila ininvite, hindi naman kailangan. Sanay na rin naman tayong tayo tatlo palagi ang kasama niya kapag birthday niya,” Ngumuso naman siya sa sinabi ko. “I think it’s time for a change now,” “Not really,” nakangiwing sagot ko pa.Inakay ko na si Elaine papunta sa counter para bayaran na ang binili ko, pina balot ko nalang din ng maayos kahit na may paper bag na para naman hindi agad makita ni sol kung ano ang regalo ko para sa kanya. “Oorder ba ng pagkain or mag luluto nalang tayo?”; kapagkuwan ay tanong sa akin nito. Bahagya akong ngumuso dahil ang plano ko talaga ay mag order nala
“Ilang araw ang off mo, Kat?” tanong ni Ryker sa akin. Tapos na kaming kumain at si Silas ang nag presinta na mag hugas ng mga pinagkainan namin. Wala pa akong tiwala nung una sa kanya dahil alam ko namang mga anak sa yaman sila kaya imposible na maalam sila sa gawaing bahay. “Just three days, buti nalang para makapag pahinga man lang ako,” pahugot ang hiningang sagot ko. Pagod akong sumandal sa sandalan ng upuan ko. Nasa tabi ko si Evan na seryosong nakatitig sa akin. “You could have inform me that you have a three days off so we can plan an outing,” Napailing ako. “Biglaan lang, tsaka hindi ko pwedeng iwan ang kapatid ko rito. Gusto ko kapag umaalis ako ay kasama rin siya, lalo na kapag outing. Ayokong naiiwan siya. “Right, she have classes,” naka ngusong sambit niya sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya. Ilang sandali pa ay dumating na si Silas na malapad ang ngisi. “What’s your plan, Kat?” Mabuti nalang ay hindi na niya ako tinatawag na ate, baka masapak ko na siya.
Hila hila ko ang cart habang nasa grocery store kami ni Darcelle. “Hindi ka ba hahanapin ng kuya mo?” “No, he knows I will come here,” naka ngising sagot niya sa akin. Napakamot nalang ako sa pisngit ko dahil sa sinabi niya. Kung nandito siya imposibleng hindi pupunta ang kuya niya mamaya sa bahay. “He asked me if you have work, I told him you don't,” she smiled sheepishly at me. Tinanguan ko naman siya sa sinabi niya sa akin. “Siguradong pupunta ‘yon mamaya,” “Yeah, he told me not to cause trouble? Duh!” Inilingan ko nalang si Darcelle at tinuloy ko na ang pag kuha ng mga kailangan kong bilhin. “I didn;t know that doing groceries could be this peaceful,” naka ngiting sambit ni Darcelle. Siya ang nag tutulak ng cart ngayon. “You don’t do your own groceries?” Haos buong buhay ata niya sa ibang bansa siya nakatira, malayo sa parents niya kaya akala ko ay independent na siya kahit papaano. “No, I have a maid back at home kaya puro studies lang din ang inatupag ko aside from m







