MasukLihim na Pagnanasa na po ang susunod. Maraming salamat po!
Nerisse Vieri’s Point of ViewPagdating namin sa beach, sinuot ko kaagad ang sunglasses ko, at inayos ang aking suot. Naunang bumaba si Lucien, bago niya inilahad ang kaniyang kamay para alalayan akong makababa sa sasakyan.As usual, hindi si Lucien ang nagmaneho. Mas dumami na rin ang mga tauhan ni Lucien. Ngunit sinabi ni Lucien na hindi naman nila kami palilibutan.Nasa paligid lang daw sila, at makikipag-blend sa mga turista. Pero ang totoo ay nakabantay lang sila sa amin.“May ice cream dito,” saad niya nang makaapak ako sa semento.Kaya tumingala naman ako, at sinalubong ang kaniyang mga tingin, bago siya taasan ng kilay. “Kararating lang natin,” puna ko, pero umangat lamang ang sulok ng kaniyang labi bilang sagot.Napailing na lamang ako, at tuluyang sinuri ang lugar. Kagaya ng inaasahan ko, maraming turista rito. Hindi naman gaanong mainit dito, dahil nga humahangin kahit papaano.Mabuti na lang talaga, dahil umaayon ang klima sa amin. At least nakakapasyal kami ni Lucien nang
Nerisse Vieri’s Point of ViewHabang namimili ako ng damit na susuotin, naramdaman ko kaagad ang presensya ni Lucien sa aking likod.Nauna akong lumabas ng bathroom, dahil akala ko ay magtatagal pa siya roon. Sabay kasi ulit kaming naligo. Well, naging routine na namin ang ganoon kaya hindi na ako naiilang.Kapag hindi ko siya kasamang naliligo, hinahanap ko ang presensya niya. Nasanay na kasi ako na palagi ko siyang kasamang naliligo. Ultimo pagligo ko nga, tinutulungan niya ako.“Sa beach tayo pupunta, right?” paniniguro ko, habang pinagmamasdan ang mga dress sa closet namin.Dumampi ang kaniyang mainit na kamay sa aking baywang, at dahan-dahang dumulas ‘yon sa aking balakang.Nang dumikit ang kaniyang basa, at mainit na balat sa aking likod, awtomatiko akong sumandal sa kaniyang dibdib. Hinayaan kong ibigay sa kaniya ang buong bigat ng aking katawan, na kaagad naman niyang sinalo. “Yes,” namamaos niyang sagot.“What should I wear then?” tanong ko sa kaniya, habang pinagmamasdan an
Lucien Alessio Vieri’s Point of View“Ayaw kong mag-assume, pero wala ka bang napapansin kay Nerisse?” tanong ni Adrien sa kabilang linya.Inilagay ko ang sigarilyo sa aking labi, at sinindihan ‘to. Hindi ko inalis ang tingin ko sa city lights, habang marahan akong humithit ng usok mula rito.Kung tutuusin, matagal ko nang napapansin ‘yon. But I chose not to assume. Nagsimula ‘yon sa pipino, na sinundan ng paghahanap niya ng lumpiang gulay. Bago pa no’n, inutusan niya akong bumili ng strawberry na may melted chocolate, pero ako naman mismo ang kumain. Akala ko no’ng una, simpleng cravings lang. Sa tagal ba naman namin dito sa Europe, malamang ay nami-miss niya ang mga pagkain sa Pilipinas.Pero nang palagi na niyang kinakain ‘yon, at nagta-try na siya ng ibang combination, doon na ako nagtaka. Hindi siya ganoon. I’m sure of that. Sa tagal naming nagsasama sa iisang bubong, alam ko na ang gusto niya, at ayaw niya.Ang hindi ko lang maintindihan, bakit biglang nagbago ang lahat ng ‘yo
Nerisse Vieri’s Point of ViewNang marinig ko ang pagtunog ng doorbell, mabilis kong tiningnan si Lucien. Tila naintindihan naman niya ang aking gustong sabihin, dahil tumayo kaagad siya, at naglakad papunta sa pinto.Wala na rin sa TV ang atensyon ko, dahil baka si Adrien na ‘yon. Saktong alas-sais na rin, dahil fifteen hours ang travel time from the Philippines kung nonstop. Nang buksan ni Lucien ang pinto, kaagad kong nakita si Adrien na may dalang isang malaking eco bag.Kaya bigla akong tumayo, at patakbong lumapit sa kanila. Ngunit bago pa ako makatakbo nang limang hakbang, mabilis siyang lumapit sa akin. “Damn it, Nerisse! Hindi tatakbo ang mangga!” natataranta nitong wika kasabay ng pagpulupot ng kaniyang bisig sa aking baywang.Bahagya niya akong iniangat, habang nakakunot ang noo ko, at pinagmamasdan siya. “Fifteen hours kong hinintay na makarating ‘yan dito,” saad ko, ngunit humugot lang siya ng malalim na hininga, at sinulyapan si Adrien na ngayon ay natigilan sa kaniya
Nerisse Vieri’s Point of ViewBigla akong naalimpungatan, at napatitig sa dingding. Ramdam ko ang mahigpit na pagkakayakap ni Lucien sa akin mula sa likuran. Nang napalingon ako sa bedside table kung saan nakapatong ang digital clock, napapikit ako nang mariin.Alas tres pa lang ng madaling-araw, pero hindi na ako inaantok.Humugot ako nang malalim na hininga at mas hinigpitan ang pagkakakapit sa kumot. Ilang sandali akong nanatiling ganoon, pilit na inaayos ang paghinga, at pinapakalma ang sarili. Pero kahit anong gawin ko, pagkain pa rin ang lumilitaw sa isip ko. Napasimangot ako at dumilat, saka pinunasan ang luhang namuo sa aking mga mata. Gusto kong mainis sa sarili ko, dahil kahit tulog, biglang lilitaw ang pagkaing ‘yon sa isip ko. Ang malala pa ay magre-react naman ang tiyan ko.Humigpit ang pagkakayakap ni Lucien sa aking baywang, at ibinaon niya ang kaniyang mukha sa aking buhok.“Nerisse… ang aga pa.”Napasinghot ako sa sinabi niya. Alam ko namang madaling-araw pa lang at
Nerisse Vieri’s Point of ViewMatapos ang naging usapan namin ni Lucien, hindi ko alam kung bakit sa tuwing gagalaw siya, napapalingon ako.Hindi ko rin malimutan ang sinabi niya, dahil parang nakaukit na ‘yon sa aking isipan.Gusto kong huwag magpaapekto sa binitawan niyang salita, dahil normal lang naman ‘yon sa mga lalaki kung mahal nila ang babae, at may relasyon sila. Pero bakit sa tuwing iniisip ko ang tungkol doon, parang may ibang ipinapahiwatig?We don’t love each other. Ako lang naman ang may nararamdaman sa kaniya. Ang problema lang ay dahil narinig ko ang sinabi niya, parang nabibigyan ko na ng malisya ang mga galaw niya na dapat ay hindi.Wala sa sarili akong kumuha ng isang piraso ng potato chips na kapiprito, at isinawsaw kaagad sa chocolate.Habang ngumunguya, napasulyap ako kay Lucien na pinagmamasdan ako magmula pa kanina.“How was it?” tanong niya nang malunok ko ang kinakain ko.“Masarap,” sagot ko, dahil ‘yon naman ang totoo. “Gusto mong subukan?”Bago pa siya mag







