Share

/LDR-16/

IDRIS

Right. Paano nga ba ako magsisimula? Ang lakas ng loob kong mag-walk out eh ni hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula.

Tsk. Ano ba namang klaseng buhay 'to.

Bigla namang sumulpot ang mga sinabi ni Max kanina.

Alam ko namang nami-miss at nangungulila siya sa mga magulang niya pero tama ba na babalik pa siya sa nakaraan para lang makita ang mga ito?

At isa pa, nabanggit niya na gusto niya daw ako makasama at isa 'yon sa dahilan kung bakit siya pumunta rito. Pero bakit naman?

Ano bang problema sa err...sa akin sa hinaharap? At ito pa, kapatid ko daw siya! How the heck did that happen? Hindi ko ma-imagine na aampunin ko siya balang araw.

Too much information that I knew today is killing me kaya siguro hindi ko muna siya iisipin. Mas maganda kung hindi ko muna makikita si Max dahil hindi ko pa siya kayang harapan sa kabila ng mga sinabi niya.

Ang problema ko naman ngayon, paano nga ba ako magsisimula?

-----

THIRD PERSON

"Damn, where are you?" bulalas ni Theresa na patuloy na kinakapa ang shotgun seat ng sasakyan dahil kanina niya pa hinahanap ang phone na mukhang naiwan niya kanina dahil sa pagmamadali dagdag pa ng sagutan nila ni Max.

Kaya naman ay minaobra niya ang sasakyan at nag-U-turn para bumalik sa kanilang bahay.

Pagkarating sa harap ng bahay ay kaaagad siyang bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob.

Kaagad siyang nagtungo sa kusina, nagbabakasakali na doon niya naiwan ang phone pero pagdating niya ay wala ito roon. Sumunod siyang pumunta sa sala.

Doon, namataan niya ang phone na nakalapag sa lamesa sa tabi ng remote kaya kaagad niya itong kinuha saktong may tumawag kaya dali-dali nita itong sinagot.

"Hello?"

"Where are you? Dr. Jimenez is expecting you in his office by now. He said that you only have 20 minutes to arrive here. Please be quick, Theresa. Ayokong mapagalitan ni Doc." saad ng isang babae sa kabilang linya. Isa ito sa kasamahan niya sa trabaho sa Hepburn Laboratories.

Kailangan kasi siya roon dahil isa siya sa nag-experiment ng bagong tuklas na gamot para sa isang cancer na kayang magpagaling kaya naman ay hinahanap ng Doktor ang kaniyang presensiya para sa isang report ukol sa gamot.

"Alright, alright. I'll be there." sagot nito at 'saka binaba ang phone.

Aalis na sana siya pero naramdaman na lang niya ang pag-vibrate ng sahig at ang banayad na paglutang ng mga gamit na hindi gano'n kataas.

Wala sa sariling napatingin siya sa second floor kung saan nandoon ang kwarto niya. Hindi siya pwedeng magkamali sa pamilyar na nangyari kaya nagkaroon na siya ng kutob na may kaganapan sa loob ng kwarto niya.

Pagkarating sa taas ay naabutan niyang nakaawang ang pinto ng kwarto kaya nagpalinga-linga siya sa paligid at nakiramdam.

"Max? You're still here?" tawag niya sa kapatid sa kabuuoan ng bahay pero walang tumugon sa kaniya.

Hindi niya maiwasang baka napasukan sila ng magnanakaw pero imposible naman 'yon dahil napansin niyang wala namang gamit ang nawawala at hindi naman nagulo ang loob ng kanilang bahay.

Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa pinto at bahagya itong sinisilip. Nang nasa harap na siya ay maingat niyang tinulak ang pinto paloob at doon naabutan niya si Max na kalalabas lang mula sa secret door na tanging siya lang ang nakakaalam.

Pinukulan niya ng hindi makapaniwalang tingin ang lalaki na mukhang hindi siya napansin dahil nakatalikod ito sa kaniya.

Pinanood niya muna ito na isara ang pintuan bago ito tuluyang humarap. Gulat na nakatingin sa kaniya ang lalaki at gayon din siya.

Hindi siya makapaniwala na nakikita niya ang kapatid sa kaniyang harapan at sa kaalamang pumasok siya sa loob ng kaniyang kwarto ng walang permiso.

At mukhang alam na niya kung ano ang pakay ng kapatid niya roon. Pinasok nito ang kaniyang sikretong laboratoryo pero hindi muna niya ito tinanong dahil baka nagkataon lang na napadpad sa loob.

"What the hell is the meaning of this?" kalmadong tanong nito kay Max.

Samantalang ginapangan ng kaba ang buong pagkatao ni Max pagkakita sa kaniyang kapatid. Kagagaling lang nila sa away kanina at ngayon mukhang madadagdagan ito.

Hindi naman kasi niya inaakala na babalik ang kapatid sa kanilang bahay sa kung anumang dahilan.

Katulad ng sinabi ni Lucina, oras na maglakbay siya sa nakaraan ay magbabago ang oras. Ang isang araw sa nakaraan ay katumbas ng isang minuto sa kasalukukuyan.

Kaya naman ay abot-abot ang kaba niya ngayong mukhang mabibisto na siya sa matagal na niyang ginagawa.

Natatakot din siya sa maaring sabihin at gawin ng kaniyang kapatid lalo na't ngayon ay hindi sila magkasundo.

"What the fuck are you doing here, Max?!" napapitlag na lang siya dahil sa biglaang pagtaas ng boses ng kaniyang kapatid kaya mas lalo siyang kinabahan. Madilim ang mukha nito at nakakuyom ang mga palad na anumang oras ay susugudin na siya.

"Ate, please...I can explain..."

"Explain?! Bakit ka nandito sa loob ng kwarto ko?! Sabihin mo, nagpunta ka ba sa likod ng pintuan na 'yan?!" muli nitong tanong kaya napalunok na lang si Max dahil hindi niya alam ang gagawin.

Sa paglaki niya, ngayon niya lang nakita itong galit at nagtaas ng boses. Madalas kasi ay kalmado at magaan kung magsalita pero mukhang nagkamali siya. Tama nga ang kasabihan na ang mga tahimik na tao ay nasa loob ang kulo.

"O-Oo, nakita ko lahat. Sorry kung hindi ko sinunod ang bilin mo. G-Gusto ko lang namang malaman kung anong ginagawa mo sa loob ng ilang taon. Alam ko kung anong binuo mo pero bakit mo ba nilihim 'yun sa'kin?

M-Magkapatid tayo 'diba kaya bakit hindi mo sinabi sa'kin amg bagay na 'yun?" nauutal na sagot dito ni Max na dahil sa namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"What I did there is none of your business. You should've listen to what I say! Tell me, did you use it?" tugon ni Theresa.

Subalit hindi nakaimik si Max sa tanong niya kaya nagtagis ang bagang niya nang mapagtanto ang ibig sabihin ng katahimikan ni Max.

"Did you use the machine?" mariin niyang tanong ulit dito pero tanging tango lang ang sinagot ni Max kaya napahawak na lang siya sa sentido at napasapo sa bibig sa inis na nararamdaman. Daig niya pa ang may high blood dahil sa kinikilos.

"Damn it!"

"Im sorry..."

Nanghihina niyang tiningnan ang kapatid na ngayon ay nakaupo na sa kama at hinihimas-himas ang ulo at sinasapo ang mukha.

"How long have you been using it?" anas ng babae habang matalim na nakatingin sa lalaki. Tiningnan naman siya nito pero kaagad na napaiwas ng tingin.

"Many times..."

"Many times? Goddamnit, Max! Why?! Alam mo bang hindi ko pa napeperpekto ang machine na 'yon tapos malalaman ko lang na ilang beses mo ng ginagamit?! Paano kung mapahamak ka at hindi ka na makabalik?!" bulyaw ulit ni Theresa pagkarinig sa sagot ni Max.

Hindi na rin napigilan ni Max at hindi na siya nakapagtimpi kaya't napatayo na siya at hinarap ang kapatid.

"Funny, hearing that coming from you. Really? You care about me? Then why I can't feel it? But guess what? I'm traveling back in time. You wanna know why? Huh? Because I want to see you! I want to be with you! Simula nang mamatay si Mom, hindi mo na ko kinakausap, hindi mo na ko nilalapitan, ni hindi mo ko magawang tingnan. You're my sister! You're supposed to be with me when I'm growing up! You're suppose to be with me in my graduation day! You're suppose to be with me when I needed you! Pero nasaan ka? Lagi kang nagkukulong sa kwarto, gumagawa ng kung ano-ano. Sa tuwing nakakasalubong kita, iniiwasan mo ko kaya hindi mo ko masisisi kung bakit ko sinubukan ang lintek na machine na 'yan para lang maranasan ko ang pakiramdam ng may kapatid na nasa tabi ko lagi."

Dahil sa haba ng sinabi ni Max, nanghihina itong napaupo sa kama at doon tahimik siyang umiyak dahil sa bigat ng nararamdaman.

Alam niyang mababaw ang dahilan niya para gawin ang bagay na 'yon pero para sa kaniya, malaking bagay ang makasama ang tanging nag-iisa niyang karamay, kapatid at pamilya.

Nagkataon lang na nauna nkyang nakita ang parents niya sa nakaraan kaya kakaunting panahon lang ang nagamit niya para makasama ang kaniyang kapatid sa nakaraan.

No'ng araw na una niyang nakita ang kapatid ay sa black room. Hindi niya inaasahan na makikita ang babae sa lugar na 'yon kaya nang magkaharap sila ay hindi niya alam ang gagawin kaya't kaagad siyang umalis dahil hindi niya pa kayang harapin ang kapatid.

Sa pangalawang pagkakataon ay sa gubat, nakita siya ulit ng babae pero inunahan siya ng takot at kaba dahil baka katulad lang ito ng kapatid niya sa hinaharap---malamig ang pakikitungo sa kaniya at iniiwasan siya lagi.

Kaya nang magkita silang muli sa pangatlong pagkakataon ay sa school kung saan nag-aaral ang kapatid, doon niya lubusang nakilala ang ugali ng babae. Kinuha niya itong pagkakataon para makasama at maramdaman ang pakiramdam ng may kapatid at pamilya.

At ngayon, mukhang wala nang pagkakataon para magkita sila ulit dahil sa nangyari ngayon. 'Yun lang naman ang dahilan niya kaya siya bumalik sa nakaraan, ang makasama ang nag-iisa niyang pamilya.

Sana lang ay maintindihan ito ng kapatid niya sa kasalukuyan, ang dahilan kung bakit niya ito nagawa.

"Max..."

Hindi alam ni Theresa ang sasabihin gayong narinig na niya ang panig ni Max. Hindi siya makapagsalita dahil sa mga sinabi ng kaniyang kapatid.

"I didn't know that your reason is that deep...I-I'm sorry for making you feel alone and lonely in your whole life." saad ng babae habang humahakbang sa nakaupo pa ring si Max na nakayuko at tahimik na umiiyak.

"Alam kong nagkamali ako dahil lagi kitang sinisisi sa pagkamatay ni Mom pero kaya ko lang naman kasi nasabi ang mga 'yon dahil hindi ko matanggap at isa pa ikaw ang huling nakasama niya kaya--"

"Oo, kasama ko siya sa mga huling oras niya pero hindi ibig sabihin non ay hinayaan ko siyang mamatay ng gano'n lang. I did something, Ate and you can't just blame me for that." balik na saad ni Max sa babae.

At dahil doon, muling bumalik sa alaala ni Max ang nangyari noong gabing 'yon.

"Mom! I brought you some pies! Your favourite!" masayang bungad ni Max pagkapasok niya sa bahay nila.

Kaagad namang napalingon ang babae na kasalukuyang naghuhugas ng pinggan at sinalubong ang lalaki na may bitbit na dalawang box ng pie.

"Oh my! Your so sweet, Max. Thank you for this." nakangiting saad ng babae habang pinapasadahan ng tingin ang nakalapag na pagkain.

Naglaway ang kaniyang bagang kaya kaagad siyang kumuha ng tinidor at tinikman ang isang slice. Napapikit siya ng maramdaman ang kasarapan nito sa loob ng kaniyang bibig at saka ito ninamnam. Bahagya pa siyang nagulat nang hindi ito ang lasa na nakasanayan niya. Madalas kasi niyang kainin ang kaniyang paboritong flavour--ang blueberry pie.

"Hmm, this is wonderful. Grabe, hinding-hindi talaga ako magsasawa sa pagkaing 'to."

Hindi namalayan ng babae na naubos na pala niya ang isang box kaya tiningnan niya lang si Max na ngayon ay nakaawang ang bibig dahil sa gulat. Ang bilis kasi nitong maubos ang dala niyang pagkain.

"Geez, Mom. Maghinay-hinay ka naman." natatawang paalala niya rito.

"I'm sorry, I can't help it."

Nang matapos sa kinakain at nagtungo siya sa lababo para uminom ng tubig pero kaagad niyang nabitawan ang baso kaya naglikha ito ng matinis na tunog na nagpaalarma kay Max.

Napalingon ang binata sa babaeng nakahandusay na sa sahig at hawak-hawak ang leeg nito na parang nahihirapang huminga.

"Shit! Mom, what happened? Are you okay?" tarantang tanong nito sa babae pero hindi siya sinagot nito dahil naghahabol ito ng hininga na mistulang mauubusan ng hangin.

"M-Max, t-the pie...is there a peanut in t-there?" nahihirapang tanong nito. Kumunot lang ang noo ni Max sa tinanong niya pero sinagot rin niya ito. "Y-Yes, why are yo---" Natigilan si Max sa pagsasalita ng ma-realize kubg anong nangyari.

Posibleng may allergy ang babae sa peanut kaya ganoon na lang ang nangyari. Binalingan niya ng tingin ang babae na namumutla dahil sa allergic reaction sa katawan nito na lalong nagpataranta kay Max.

"Mom! Oh my god! I'm so sorry! I didn't know that you have allergy! Oh my god..." anas nito saka sinimulang buhatin ang babae papunta sa sofa at ipinahiga roon.

"Just hold on, Mom. I'm calling for help."

Dali-daling nagtungo si Max sa telepono at nanginginig na hinawakan ito at tinawagan ang numero ng hospital.

Pagkatapos niyang tumasag ay binalikan niya ang babae na pinagpapawisan ng malamig. Kinuha niya ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit saka naiiyak na tiningnan ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.

"I-I'm so sorry, Mom...I didn't mean it...hindi ko alam na mangyayari sa'yo 'to..." anas nito.

Napayuko siya dahil sa panghihina. Hindi niya alam kung magiging maayos pa ang babae sa kabila ng nangyayari.

Napaangat na lang ang ulo niya nang hindi nang maramdaman niyang hindi na ito gumagalaw at humihinga.

Nagsimula siyang kabahan at nataranta kaya kaagad niyang sinalat ang leeg nito at dinama ang pulso pero napaiyak na lang siya ng wala siyang maramdaman doon.

"No...Mom? Mom?" tawag niya rito pero hindi na sumasagot ang babae.

Nakapikit na ang mga mata nito at nakaawang pa ang mga bibig. Tuluyan ng napahagulgol si Max dahil sa kaalamang patay na ang itinuring niyang ina na ngayon ay wala na.

Hindi na niya nalaman ang nasa paligid at wala na siyang naririnig dahil nakatuon lang ang kaniyang atensiyon sa babae na kasalukuyang inaasikaso ng mga medic mula sa hospital.

Napaupo na lang siya sa sahig at napatakip sa mukha at doon tahimik na umiyak.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status