Share

/OUTRO/

IDRIS

Naalimpungatan ako dahil sa naririnig ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at kinusot-kusot pa ito.

Ang sakit ng ulo ko. Damn.

Tumayo ako para alamin kung saan nanggagaling ang tunog.

Parang may nagkikiskis sa pintuan ng kwarto ko kaya tumayo ako para buksan ito at para makita kung sino ang pangahas na nilalang ang maingay nang biglang may dumamba sa akin ay dinila-dila pa ang mukha ko.

"Oh my God! Hi!"

Nagulat ako dahil sa nilalang na kasalukuyan akong inaamoy at dinidilaan. Isa pala itong cute na cute na puppy. Kulay brown ito at sa tantiya ko ay wala pa itong tatlong buwan dahil sa liit.

Nang makitang tumayo ako ay tumingala ito sa'kin at tinahulan ako gamit ang maliliit niyang boses.

Aww. So cute!

Kinuha ko ito at binuhat. Napaiwas na lang ako ng mukha ng muli akong dilaan nito kaya napatawa na lang ako.

"What's your name, baby? Bakit ka nandito? Asan ang amo mo, hmm?" banayad na tanong ko sa aso pero parang wala itong narinig at sa halip ay naglilikot lang.

Hinagip ko ang collar nitong nakasabit sa kaniyang leeg.

"Piccaso." What kind of name is that? So random. Teka, paano ba napasok sa loob ng dorm itong nilalang na 'to?

"Piccaso? Piccaso, baby?" rinig kong boses ng isang babae na alam ko kung sino.

"Nandito alaga mo!" Wala pang ilang minuto ay narinig ko na ang yabag ni Naya na papunta rito sa kwarto ko.

Agad namang nagpumiglas ang hawak ko kaya binaba ko na ito at sinalubong ang kaniyang amo.

"Oh! Saan ka ba nanggaling na bata ka? Kanina pa kita hinahanap!" Niyakap niya ang tuta na parang matagal na niya itong hindi nakita na siyang kinairap ko.

Kita sa mukha ng tuta na hirap na itong huminga kaya inawat ko ito.

"Baka mamatay 'yan sa higpit ng yakap mo," sita ko rito.

Umangat naman ang tingin nito sa'kin at umastang parang ngayon lang ako nakita.

"Oh hello there, my friend. Sorry nga pala rito. Nakita ko kasi siya kahapon sa labas ng gate na gutom na gutom kaya pinapasok ko siya. Then I decided na ampunin na lang siya 'cause why not 'diba? Wala namang sinabi ang landlady na bawal mag-alaga ng hayop kaya eto siya! Safe and loved!" mahabang paliwanang niya.

"Oh, that's nice. Dito na lang siya para may alaga rin tayo rito."

Speaking of kahapon... wait, anong date na ngayon?

"Naya, anong date ngayon?" biglang tanong ko kay Naya na kasalukuyang pinapaulanan ng halik ang kawawang tuta.

"Nag-u-ulyanin ka na ba, Idris? It's October 16 today! Duh!"

Dahil sa sinabi ni Naya, unti-unting bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kahapon.

Mula ng magpakita si Max at humingi ng tulong sa'kin. Ang pagdala sa'min ni Prof. Gavin para matulungan kami ng kaniyang tatay. Ang pagpunta namin sa underground basement at ang pag-uwi ni Max sa future.

I can't believe it. Sa wakas ay ligtas na nakauwi sa Max. Parang hindi totoo ang mga nangyayari. Kung panaginip man ito ay sana hindi na ako magising pero hindi, eto ako.

Kung nakauwi na si Max, ibig sabihin tuluyan na ring nawala ang time loop na nangyayari sa'kin.

New day and new life.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako sa kaalamang nakauwi na si Max o kung malulungkot ako dahil hindi ko na siya makikita?

Pero kahit anong mangyari, magiging masaya ako dahil hindi naman ako masyadong galit sa nangyari sa'kin.

Sa pagkaranas ng halos araw-araw na time loop dahil nakilala ko naman ang aking kapatid. At ang malupit, isang time traveler pa na galing sa future.

Pero sana, hindi na siya bumalik dito. Ayokong balikan niya ako. Sana naman ay makuntento na siya sa buhay niya sa hinaharap at maging masaya na siya kung nasaang panahon o lugar man siya.

Hindi niya lang alam kung gaano ako nagpapasalamat na kahit sa maikling panahon ay may pagkakataon akong makilala ang kapatid ko kahit na hindi kami magkadugong tunay.

Dahil sa tuwa ay walang salita akong lumapit kay Naya at niyakap siya ng mahigpit.

Tumulo ng sunod-sunod ang luha ko lalo na ng niyakap niya ako pabalik.

Hindi aiya nagsasalita at parang pinapakiramdaman pa niya ako.

"I'm finally free, Naya... and it's all because of Max."

Nakangiti ako habang lumuluha. Nang kumalma na ako ay saka ako kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.

"Hey, bakit ka ba umiiyak? Jusko naman Idris, kinakabahan ako sa'yo, e."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya at muli siyang niyakap.

"Wala. Masaya lang ako. 'Wag ka nang maingay dahil minsan lang 'to." Pinilit ko pang tumawa para pagaanin ang loob ko.

Hindi ko pa rin maiwasang malungkot. Para tuloy may kulang sa pagkatao ko. Wala naman akong magagawa.

Panatag naman na ang loob ko sa kaalamang nakauwi na siya at masaya kung saan talaga siya nararapat.

I will miss you, Max.

Hindi ko makakalimutan ang unang beses na nakita kita.

Please, don't forget me.

For now, I'll definitely live my life again just like before pero sa oras na 'to, nasisiguro kong hindi masasayang ang bawat oras.

-end-

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status