Share

/LDR-19/

Penulis: xkinglessqueenx
last update Terakhir Diperbarui: 2022-07-01 21:42:40

IDRIS

"W-Wait. Hold on for a sec. Too much information and it's still not processing. This is unbelievable," pagpigil sa'kin ni Prof. Gavin.

Halata naman sa mukha niya ang matinding pagkalito dahil sa mga pinagsasabi namin. Hindi namin siya masisisi kung lubos siyang naguguluhan.

'Gaya ng sinabi niya ay nandito kami sa loob ng office niya para masigurong walang makakarinig sa pinag-uusapan namin.

Mainit kasi sa ilan ang apelyidong dinadala ng propesor gawa ng kaniyang ama na aksidenteng napasabog ang kabuuoan ng building ilang taon ang nakalipas.

Ayon sa kaniya, pagkatapos ng insidente ay kaagad na inaresto ang lalaki (Arden) at kinasuhan dahil sa ginawa nito sa loob ng campus.

Kinumpiska rin ang lahat ng kaniyang gamit kasama ang hinihinalang time machine na matagal na niyang pilit ginagawa simula ng mapunta siya sa campus.

Nasa basement ng sinabing building nakalagay ang machine at doon din nakapwesto ang opisina niya.

Sa loob ng ilang taon, ni isa at walang nakahalata at nakaalam sa ginagawa ng propesor dahil pinagkaingat-ingatan nito ang mahalagang bagay.

Hindi ko tuloy maiwasang humanga, biruin mo nakagawa siya ng isang magandang imbensiyon na posibleng makatulong sa buong mundo.

Pero panigurado may mga tao na gagamitin ito sa mga masasamang bagay kaya siguro mabuti na rin na nasira ang machine.

Balik sa pinag-uusapan. "Sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko sa lahat ng sinabi niyo sa'kin. Hindi ko alam na kasama ko sa iisang kwarto ang isang time traveler na nagmula sa future at bumalik sa nakaraan. But I am not blaming you for going back here to see your family and your sister pero hindi ba't napakadelikadong mgalakabay sa oras? Maari kang mapahamak sa ginagawa mo," pahayag ni Prof. Adler.

"You break the law of time. Hindi lang 'yun. Maaring kakalakbay mo ay may mga panahon kang nabago na hindi naman dapat mangyari. Mga bagay na hindi dapat nag-e-exist. Or worse you created a new dimension on God knows where. Do you know what you have done, Max?" dugtong pa niya sabay nilipat ang tingin sa tahimik na si Max.

Napatingin naman ako sa propesor dahil sa sinabi niya. Wala akong alam pagdating sa mga bagay na 'yan pero malinaw kong naiintindihan na maraming nilabag si Max patungkol sa mga ginagawa niya.

Hindi lang kasi isang beses o dalawang beses siyang nag-travel dahil inulit niya pa ito ng maraming beses at hindi ko alam kung ano-ano ang nangyayari sa pagitan na 'yon.

Maaring nangyari na ang mga sinabi ni Prof. Adler. Maaring may nabuo siyang isang dimensiyon mula sa ibang parte ng kalawakan.

Paano na lang kung nagkaroon ng glitch ang machine at gumawa pa ito ng napakaraming dimensiyon?

Hindi nagsasalita si Max dahil siya ay nanghihina at walang lakas na tumugon.

Napailing-iling ang propesor, marahil ay pinag-iisipan ang hinihingi naming tulong. Bumuntong-hininga muna ito bago muling nagsalita.

"I don't think I can help you. Una, labas na ako sa kung anumang problema niyo. Siya ang nagsimula, siya rin ang tatapos. Pangalawa, kung matutulungan ko man kayo ay imposibleng gumana pa ang machine ni Papa dahil matagal na itong hindi gumagana at isa pa, ayaw na ayaw na ni Papa na tingnan ang bagay na 'yon dahil 'yun ang sumira sa buhay niya kaya pasensiya na kayo, hindi ko kayo matutulungan."

Napakurap na lang ako ng beses pagkarinig sa sinabi niya. Parang bumagsak naman ang balikat ko dahil sa pagtanggi niya.

Paano na si Max kung gano'n? Hindi na ba siya makakabalik sa pinagmulan niya?

Yes, he did broke the rules but he didn't deserve to stuck and die slowly in here.

May buhay siya sa future kaya kailangan niya bumalik doon. Paniguradong magugulo rin ang timeline sa hinaharap kung sakaling hindi 'yon mangyayari.

Hindi ako makakapayag na hindi siya makabalik. Kailangan ko pang kumbinsihin si Prof. Adler na tulungan kami't makausap ang tatay niya.

"Sir, with all due respect, you have to help us. I am not letting my brother die. I won't let that happen. Ikaw na lang ang pag-asa namin, wala na kaming ibang malalapitan kundi ikaw at ang tatay mo. I'm begging you, please help us." pagmamakaawa ko rito.

Hindi ako umaakto o ano. Malinis ang intensiyon ko na tulungan ang kapatid ko na makabalik sa hinaharap. I meant every word I said. Kung kailangan ko nga lang lumuhod ay gagawin ko pumayag lang si Prof. Adler sa pakiusap namin.

"Oh, you poor kids," sambit ng propesor saka kami tinapunan ng tingin. Napabuntong-hininga na lang siya na parang sumusuko na.

He clicked his tongue before nodding at us. "Okay, alright. I will help you two. Dadalhin ko kayo sa tinitirhan ni Dad pero 'wag kayong mag-aakala na papayag siya agad-agad. Medyo mahina na ang isip ng tatay ko at isa pa matanda na siya kaya hindi ako sigurado kung matutulungan niya man kayo. At kuig hindi, I'm sorry pero wala akong magagawa para doon. Maliwanag?"

Sa wakas ay pagpayag niya. Napangiti naman ako sa ginhawa matapos marinig ang sinabi niya.

I felt relieved knowing that Prof. Adler is willing to help us but I'm not quite certain if his father does.

Sana pumayag siya sa hiling namin at matulungan niya si Max.

Lumapit ako sa kapatid ko na nasa upuan lang at nakaupo't pinapakinggan ang usapan namin ng Prof.

"Narinig mo 'yon, Max? 'Wag kang mag-alala, makakauwi ka rin." Nakangiting sambit ko sa kaniya.

Kahit na nanghihina ay pinilit niyang ngumiti at hawakan ang kamay ko.

Hinawakan ko ito pabalik at hinaplos ang ulo niya.

"Salamat, Ate."

-----

Kasalukuyan kaming nagbi-biyahe patungong timog, papalayo sa siyudad. Ayon kay Sir Gavin ay doon patungo ang bahay ng kaniyang ama.

Simula kaninang pag-alis namin ay walang nagsasalita ni isa sa amin maliban kay Max na nakatulog sa tabi ko at nakasandala ng ulo sa balikat ko.

Siguro ay matinding pagod ang nararamdaman niya kaya nakatulog siya kaagad. Nahihirapan tuloy akong gumalaw dahil sa posisyon namin pero ayaw ko naman siyang gisingin kaya hinayaan ko na lang.

Napasulyap ako sa salamin sa harap at pansin kong pasulyap-sulyap si Sir sa aming dalawa rito sa likod.

"He missed his parents so bad, you know." panimula niya, "Hindi ko naman siya masisisi sa ginawa niya. Maski kung ako rin siguro ang nasa posisyon niya ay ganon din ang gagawin ko pero nang malaman ko ang totoong dahilan, doon na ko nalinawan." dugtong niya.

Napasulyap naman ako sa katabi ko na mahimbing na natutulog. Maski sa pagtulog ay ramdam ko na hinahabol niya ang kaniyang hininga.

"I'm his sister, Sir. I forgive him after what he did." tugon ko. Parang nagkaroon ng kung ano sa lalamunan ko dahilan para mahirapan akong lumunok.

Nagsimula na ring mamasa ang mga mata ko. Binasa ko muna ang nanunuyo kong bibig bago magsalita muli.

"Hindi ko magagawang magalit sa kaniya lalo na't kung ang layunin niya ay ang makasama ako. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng lamat ang relasyon namin sa hinaharap pero ang hiling ko ay sana magkaayos kami. Hindi ko na kayang makita si Max na bumalik pa rito sa nakaraan. He needs to stop and back where he truly belong." pahayag ko.

"I'm telling you, Idris. I am not yet sure if my father will agree for what you want from him. But I'll assure you na susubukan ko siyang kumbinsihin para matulungan kayo." Binigyan niya ako ng tipid na ngiti bago binalik ang paningin sa harap.

"Thank you po, Sir. Hindi ko po alam ang gagawin ko kung hindi niyo kami tutulungan," pagpapasalamat ko sa kaniya.

Kung wala siguro siya ay malamang ay kanina ko pa pinanood si Max na maghina hanggang sa maglaho siya sa paningin ko.

Iniisip ko pa lang ay nalulungkot na ko. Baka nga masaktan pa ako kung mangyari man 'yon.

Sa kabutihang palad, may isang tao ang willing na tumulong sa amin na siyang pinagpapasalamat ko.

-----

Kasalukuyan kaming nasa harapan ng pintuan sa bahay ni Sir. Akay-akay ko ang naghihinang si Max pero kahit gano'n pa man ay pilit ko siyang inaalalayan.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako, katulad ng sinabi ni Sir, walang kasiguraduhan kung matutulungan ba kami ng tatay niya.

Sana lang ay pumayag ito dahil kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin ko.

Kumatok si Sir at pagkalipas lang ng ilang segundo ay kaagad na bumukas ang pinto't bumungad sa amin ang isang medyo may katandaan ng lalaki.

May hawak itong crane at medyo kurba na ang likod nito marahil siguro sa katandaan. Naka-cap ito at nakasuot ng jumper.

Kaagad umaliwalas ang mukha ng matanda nang makita si Sir. Nagyakapan muna ang mag-ama bago kami napansing dalawa ni Max.

Kunot-noo niya kaming tiningnan dalawa. "Oh, may bisita ka pala anak. Aba'y sino ba itong mga 'to?" tanong nito sabay tinuro kami gamit ang crane niya.

"Hello po sa inyo. Magandang tanghali po," nakangiting bati ko rito at saka nagmano bilang tanda ng pagrespeto.

"Ahh, Tay, mga estudyante sa Scorch University. May kailangan kasi sila sa inyo kaya dinala ko sila rito," mabilis na sagot ni Sir.

"Kailangan? Ang mabuti pa sa loob na natin pag-usapan 'yan dahil mainit dito sa labas. Halikayo mga bata, pasok kayo." aya ng matanda sa'min.

Medyo na-touch naman ako sa gesture ng tatay ni Sir. Ang akala ko kasi ay sasalubong sa'min ang mainit ang ulo at galit na matanda pero hindi naman pala.

Mabait naman pala ito at mukhang hindi masungit. Medyo OA lang si Sir sa parte na 'hindi niya raw kami matutulungan'.

"Iha, ayos lang ba 'yang kasama mo? Mukhang masama ang pakiramdam niya," nag-aalalang tanong ng matanda.

"Hala sige, upo muna kayo at mukhang pagod kayo sa biyahe. Teka, nagsikain na ba kayo?" dugtong pa nito.

"Okay na po kami. Hindi naman po kami gutom." nakangiting sagot ko sa matanda. Kahit naman kasi makakain ako ay baka hindi ko maramdaman ang pagkabusog dahil sa pag-aalala kay Max.

Pinaupo niya kami sa mahabang sofa sa salas. Medyo nagulat pa ako dahil may kalambutan ito kaya muntil na akong lumubog pero nakapwesto naman ako ng maayos.

Pagkaupo ay kaagad kong sinambot ang ulo ni Max na payuko na sana at ipinatong ito sa balikat ko.

"Mga bata, ano nga palang mga pangalan niyo? At ano nga ulit 'yung sinasabi nitong anak ko na may kailangan kayo sa'kin?" kaagad na tanong ng matanda matapos niyang maupo.

"Ako po si Idris at eto naman po ang k-kapatid kong si Max," sagot ko. Medyo nautal pa ako sa part na kapatid dahil hindi pa ko sanay na binabanggit ang gano'n.

"Uhm, may narinig ho kasi akong usapan sa school namin na may dati pong prof na nakagawa ng time machine sa mismong loob po ng aming campus kaya kaagad kong nilapitan ang anak niyo po para sana humingi ng tulong," panimula ko.

Nakita kong kumunot ang noo ng matanda at seryoso kaming tiningnan. Humigpit din ang hawal niya sa crane niya, mulhang hindi nagugustuhan ang naririnig.

Samantala ay nakakrus ang braso ni Sir at mataman na nakikinig sa usapan namin ng tatay niya.

"Kailangan ho namin ng time machine niyo dahil isang time traveller ang kapatid ko. Galing ho siya sa future pero sa ngayon, hindi ho siya makabalik dahil nagkaproblema ang portal na dadaanan niya papuntang hinaharap kaya nandito ho kami. Matutulungan niyo po ba kami at ng kapatid ko?" mahabang paliwanag ko.

Napasulyap ako kay Max na mukhang nakatulog ulit dahil sa panghihina. Kailangan na talaga niyang makaalis dito sa nakaraan. Baka kung ako pang mangyari sa kaniya kung ipagpapatuloy niya pa ang pananatili rito.

Nanahimik ng ilang minuto ang matanda, tila pinoproseso ang mga sinabi ko. Mamaya-maya ay unti-unti itong tumayo at bahagyang umiling-iling.

"Hindi. Pasensiya na ngunit hindi ko kayo matutulungan mga apo."

Sinasabi ko na nga ba.

Paano na 'yan?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Live. Die. Repeat.   /OUTRO/

    IDRISNaalimpungatan ako dahil sa naririnig ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at kinusot-kusot pa ito.Ang sakit ng ulo ko. Damn.Tumayo ako para alamin kung saan nanggagaling ang tunog.Parang may nagkikiskis sa pintuan ng kwarto ko kaya tumayo ako para buksan ito at para makita kung sino ang pangahas na nilalang ang maingay nang biglang may dumamba sa akin ay dinila-dila pa ang mukha ko."Oh my God! Hi!"Nagulat ako dahil sa nilalang na kasalukuyan akong inaamoy at dinidilaan. Isa pala itong cute na cute na puppy. Kulay brown ito at sa tantiya ko ay wala pa itong tatlong buwan dahil sa liit.Nang makitang tumayo ako ay tumingala ito sa'kin at tinahulan ako gamit ang maliliit niyang boses.Aww. So cute!Kinuha ko ito at binuhat. Napaiwas na lang ako ng mukha ng muli akong dilaan nito kaya napatawa na lang ako."What's your name, baby? Bakit ka nandito? Asan ang amo mo, hmm?" banayad na tanong ko sa aso pero parang wala itong narinig at sa halip ay naglilikot lang.Hinagip ko

  • Live. Die. Repeat.   /LDR-20 part 2/

    THIRD PERSON"Ipaupo mo siya rito. Dahan-dahan lang." utos ni Sebastian kay Gavin.Kasalukyang buhat-buhat ng lalaki ang nanghihinang katawan ni Max.Bagaman ay nanghihina at nanlalabo ang paningin ni Max ay alam pa rin naman niya ang nangyayari sa paligid niya. Mas pinili na lang niyang huwag magsalita dahil napapagod siya."Ate Idris..." mahinang tawag nito sa pangalan ng kapatid. Nang marinig ito ng babae ay kaagad siyang tumabi sa kapatid at hinawakan ang kamay nitong nanlalamig niya.Hindi maiwasang mapaluha ni Idris dahil sa sitwasyon ng kapatid. Namumutla na ito na parang wala ng dugo sa katawan, nanghihina at malamig ang katawan."Gavin, prepare the cap. Hurry!" aligagang saad ng matanda. Nagkakagulo na ang mag-ama ngunit hindi nito inalintana ang natitirang oras para sa magkapatid."Hey...I'm here, Max. Masaya ka ba? Look, makakauwi ka na. 'Wag kang matakot, nandito lang ako, okay?" Tumulo ang luha ni Idris sa kamay ni Max.Pilit inabot ni Max ang mukha ni Idris at siya na an

  • Live. Die. Repeat.   /LDR-20 part 1/

    IDRISNapatayo ako matapos marinig ang sinabi ng matanda. "Ho? Bakit ho?" kunot-noong tanong ko rito."Pawalang galang lang ho pero kasi wala na po talaga kaming ibang malalapitan. Parang awa niyo na ho, ayoko hong mawalan ng kapatid," pagmamakaawa ko pa.Sa tingin ko ay alam ko kung bakit ayaw niya kaming tulungan. Dahil ba ito sa isyu na ginawa niya noon? Na narinig kong usap-usapan na bumabalik siya sa nakaraan para makasama ang kaniyang asawa?Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ipinasara at sinuspende ang kaniyang imbensiyon pero wala na akong ibang maasahan kundi 'yun lang.Seryoso at mariin lang akong tiningnan ng matanda na parang kinililatis ako.Binitawan muna niya ang crane niya at umupo. Pinagkrus niya ang kaniyang kamay at pinaningkitan kami ng mata."O sige. Bigyan mo ako ng dahilan kung bakit kailangan ko kayong tulungan," saad niya.Itatanong pa ba ito? Of course, dahil kapatid ko ang pinag-uusapan dito. Responsibilidad ko na tulungan siya a

  • Live. Die. Repeat.   /LDR-19/

    IDRIS"W-Wait. Hold on for a sec. Too much information and it's still not processing. This is unbelievable," pagpigil sa'kin ni Prof. Gavin.Halata naman sa mukha niya ang matinding pagkalito dahil sa mga pinagsasabi namin. Hindi namin siya masisisi kung lubos siyang naguguluhan.'Gaya ng sinabi niya ay nandito kami sa loob ng office niya para masigurong walang makakarinig sa pinag-uusapan namin.Mainit kasi sa ilan ang apelyidong dinadala ng propesor gawa ng kaniyang ama na aksidenteng napasabog ang kabuuoan ng building ilang taon ang nakalipas.Ayon sa kaniya, pagkatapos ng insidente ay kaagad na inaresto ang lalaki (Arden) at kinasuhan dahil sa ginawa nito sa loob ng campus.Kinumpiska rin ang lahat ng kaniyang gamit kasama ang hinihinalang time machine na matagal na niyang pilit ginagawa simula ng mapunta siya sa campus.Nasa basement ng sinabing building nakalagay ang machine at doon din nakapwesto ang opisina niya.Sa loob ng ilang taon, ni isa at walang nakahalata at nakaalam s

  • Live. Die. Repeat.   /LDR-18/

    THIRD PERSONPagkapasok pa lang ni Max sa worm hole ay alam niyang may mali na. Hindi lang sa paligid niya kundi sa katawan niya rin.Hindi katulad sa mga nakaraan niyang pagtawid mula sa kasalukuyan papuntang nakaraan, wala siyang nararamdamang kung ano pero ngayon ay mayroon na.Umiikot ang paningin niya at mistulang mabibingi siya dahil sa matitinis na tunog na naririnig niya.Napapansin din niya na ang makukulay at maliliwanag na ilaw na nadaraanan niya sa loob ng worm hole ay unti-unting nawawalan ng kulay.Patay-sindi ang mga ito at iindap-indap dahilan para mas lalo siyang mahilo. May malakas din na pwersa ang naghihila sa kaniya papunta sa iba't-ibang direksiyon dahil para umikot ang buo niyang katawan at mawala sa tamang balanse.Kung dati mabilis siyang maglakbay sa oras pero ngayon ay inabot siya ng ilang minuto bago bumungad sa kaniyang harapan ang nakakasilaw na liwanag.Tuluyan siyang nilamon nito at matagumpay siyang nakaapak muli sa nakaraan.----Ilang minuto bago siy

  • Live. Die. Repeat.   /LDR-17/

    THIRD PERSONPagkatapos nang sagutan at pag-aayos ng magkapatid ay hindi muna sila nagkibuan ng ilang oras. Tahimik at malalim ang iniisip ni Max habang nakaupo sa kaniyang kama.Kanina, napagpasyahan ni Theresa na tuluyang i-secure ang kaniyang buong kwarto para hindi na tuluyang makapasok ni Max. Sa kagustuhang magkasundo sila ng kapatid ay walang nagawa si Max kundi sumang-ayon sa gusto nito.Pinalitan ni Theresa ang password sa secret chamber ng kwarto niya at ni-lock pa nito ang pintuan kaya imposible talagang makakapasok pa roon si Max.Lingid sa kaalaman ni Theresa ay marunong mag-hack si Max kaya marami siyang kaalaman pagdating sa mga ganoong bagay. Ngunit nagdadalawang-isip si Max kung papasukin niya ang kwarto ng kapatid gayong kakasundo lang nila.Nais ulit ni Max na bumalik sa nakaraan para pormal na makapagpaalam sa kaniyang mga magulang at humingi ng tawad sa kaniyang kapatid (Idris) sa lahat ng nagawa nita rito.Pagkatapos no'n ay nangangako siya na hinding-hindi na ni

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status